CHAPTER 14

2749 Words
“Welcome to the Lion City,” mahina kong bulong nang tuluyan kaming makababa sa cab kasama ang aking mga magulang. Tumambad sa amin ang matayog at elegante na gusali ng hotel na pansamantala naming tutuluyan. Kumislap ang mga ilaw sa labas nito, tila sumasalubong sa mga bagong dating na tulad namin. “Jillian, dito ba tayo titira nang matagal?” tanong ni Nanay habang nakatingala sa gusali. Umiling ako at ngumiti nang bahagya upang hindi mahalata ang aking pag-aalala.“Hindi po, Nay. Ngayon lang tayo rito. Bukas lilipat na tayo sa apartment. Hindi ko pa kasi natawagan ang kamag-anak ni Dr. Briones para sunduin tayo.” “Gano’n ba?” sagot niya. Naglakad kami papasok ng hotel. Si Tatay naman ay tinulungan ng isang staff na itulak ang kaniyang wheelchair. Tahimik lamang siya habang pinagmamasdan ang paligid. Habang nakatayo ako sa information desk upang magtanong tungkol sa aming silid, biglang may tumawag sa akin. “Miss Jillian!” Sabay kaming napalingon ni Nanay sa direksyon ng boses. “Who are you?” nagtataka kong tanong. Sa kaniyang itsura ay halatang Pinay. Maayos ang kaniyang pananamit at tila may kung anong pagmamadali sa kaniyang mukha. Ngumiti siya nang magalang.“Ako po si Emma. Pinapunta ako rito ni Sir Ryker.” Bigla akong kinabahan. Parang may malamig na hangin na dumaan sa aking likod, lalo na’t nasa tabi ko si Nanay. “Sinong Ryker?” tanong ni Nanay na halatang nagtataka. “Ah… hindi n’yo po siya kilala, Nay,” mabilis kong sagot. “Boss namin siya sa ospital.” Tumango si Nanay na tila nakumbinsi.“Ang babait talaga ng mga katrabaho mo sa ospital,” sabi niya. “Sandali lang po, Nay. Kakausapin ko lang siya.” Hinawakan ko ang braso ng babae at marahang hinila palayo sa aking mga magulang upang hindi nila marinig ang aming pag-uusap. “Ano bang kailangan ng boss mo sa akin?” mahina ngunit mariin kong tanong. “Bakit hanggang dito ay ginugulo niya ako?” “Huwag po kayong magalit,” mahinahon niyang tugon. “Pinapunta po ako ni Sir Ryker para ihatid kayo sa tutuluyan ninyo.” Umiling ako kaagad. “Hindi na kailangan. May tutuluyan na kami dito,” malamig kong sagot. “Pakisabi sa amo mo na huwag na niya akong pakialaman.” Bahagya siyang nag-alangan bago muling nagsalita. “Ayaw n’yo po ba? Walking distance lang po iyon sa ospital kung saan kayo magpapagamot.” Muli akong umiling.“Okay na kami. Salamat.” Hindi ko na siya hinintay pang magsalita. Tumalikod ako at naglakad pabalik kina Nanay. “Ano raw ang sabi ng kausap mong babae?” agad na tanong ni Nanay. “Inaalok niya tayong doon muna tumira sa bahay nila,” sagot ko. “Malapit daw sa ospital.” “Totoo ba? Malapit lang sa ospital ang apartment na tutuluyan natin?” “Opo. Walking distance lang daw,” tugon ko. Napangiti si Nanay.“Abah, maganda iyon. Doon na lang tayo tumira para malapit sa ospital. Kung may emergency man, mabilis tayong makakapunta.” Napakamot ako sa batok, kunwari’y nag-iisip. “Eh… Nay, tatanggihan ko na lang. Nakakahiya naman kasi kay Dr. Briones kung hindi ko tatanggapin ang tulong niya.” Tumango si Nanay.“Ikaw ang bahala, anak.” “Halina na kayo.” Sabay-sabay kaming pumasok sa elevator. Tahimik kaming umakyat hanggang sa ninth floor kung saan naroon ang aming silid. Pagpasok namin sa kuwarto ay agad kong inasikaso si Tatay. Maingat kong nilinis ang kaniyang sugat habang tahimik siyang nakaupo sa wheelchair. Pagkatapos ay kumain muna kami at pinahiga ko na sila upang makapagpahinga. “Saan ka pupunta, anak?” tanong ni Nanay nang makita akong naghahanda nang umalis. “Pupunta lang ako sa ospital,” sagot ko. “Kakausapin ko ang doktor na gagamot kay Tatay.” “Sige. Mag-ingat ka.” Ngumiti ako sa kaniya. “Tawagan n’yo na lang ako kung may kailangan kayo.” Paglabas ko ng hotel, agad akong sumakay ng taxi patungo sa ospital. Habang nakatanaw sa bintana, sunod-sunod na ilaw ng lungsod ang dumaraan sa aking paningin, mga ilaw na tila sumasalamin sa magulong takbo ng aking isip.Hindi ko akalaing kahit dito sa bansang ito, hahabulin pa rin ako ni Ryker. “Akala ba niya tatakasan ko siya? Kaya hanggang dito, nagpadala siya ng tauhan? Ano ba ang gusto niya sa akin? Bakit galit na galit siya?” bulong ko sa sarili. Mariin kong ipinikit ang mga mata at napabuntong-hininga. Hindi ko puwedeng isipin iyon ngayon. Mas mahalaga si Tatay. Makalipas ang ilang minuto, huminto ang taxi sa harap ng ospital. Mabilis akong bumaba at naglakad papasok sa malawak na lobby. Pamilyar sa akin ang amoy ng antiseptic at ang malamig na hangin mula sa air conditioner na parang bumabalik ako sa ospital kung saan ako nagtatrabaho. Ang kaibahan lang, mas malawak, mas malinis, at walang mga pasyenteng nakakalat sa gilid. Lumapit ako sa information desk. "Good afternoon. I have an appointment with Dr. Tan,” I said to the nurse on duty. She glanced at the computer in front of her before looking back at me. “Yes, ma’am. He’s in his office on the third floor.” “Thank you,” I replied. Sumakay agad ako sa elevator. Habang paakyat, hindi mapigilan ng dibdib ko ang kabog sa sobrang kaba. Pagbukas ng elevator, diretso akong naglakad sa corridor ng mga doktor. Tahimik ang paligid; tanging mahihinang yabag ng mga nurse ang maririnig. Huminto ako sa harap ng pintong may nakasulat: Dr. Archie Tan – Hematologist Oncologist.Mahina akong kumatok.“Come in.” Dahan-dahan kong binuksan ang pinto.“Good afternoon, Doctor,” I greeted politely. He looked up at me and smiled faintly. “You must be Jillian.” I nodded. “Yes… Dr. Briones sent me.” He gestured for me to sit across from his desk. “I’ve read the medical report you sent,” he said, flipping through some papers. “It seems your father’s lymphoma cancer has spread… but it’s not too late. A slight weight lifted from my chest. “Is there still a chance he can recover?” I asked cautiously. He paused for a moment before replying. “If his body responds well to the therapies like chemotherapy and other treatments. There is a possibility.” Napapikit ako sandali, pinipigilan ang luha. “Dr. Tan… please, do everything you can to save my father,” I whispered. “I will do everything, Jillian. That’s a promise.” “Thank you,” I murmured. Biglang may kumatok sa pintuan. “Come in,” wika ng doktor. Dahan-dahang bumukas ang pinto. “Dr Tan, you have a visitor,” the nurse announced. “Who is it?” Dr. Tan asked. “It’s me…” the tall man said as he stepped inside. Bumilis ang t***k ng puso ko. Takot at kaba ang sumalubong sa akin. No… hindi ito puwede,’ bulong ng isip ko. Pumasok ang lalaking matangkad, matalim ang tingin. “Hello, Ryker!” Dr. Tan greeted. “It’s been a long time, Archie,” Ryker replied. Tumingin siya sa akin, at para bang naramdaman niya ang presensya ko. “Well… look who we have here,” he said, half teasing, half challenging Matalim ko siyang tinitigan, pilit pinipigil ang pagyuko ng emosyon na parang hindi niya alam na nandito ako… “Do you two know each other?” tanong ni Dr. Tan.Tumayo si Ryker sa harap ko, tahimik ngunit matatag ang tindig. "Yeah… she's my wife.” Tinitigan ako ni Dr. Tan, may nakapaskil na bahagyang ngiti sa kanyang labi. “You never told me you were Ryker’s wife,” he said. Para akong napahiya sa narinig. Agad akong yumuko upang itago ang pamumula ng aking mukha. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot. Sa gilid ng aking paningin, nakita kong umupo si Ryker sa isang silya. Naka-dekwatro ito at tila aliw na aliw na nakikinig sa aming usapan, na para bang may inaabangang palabas. “Well, she’s embarrassed for other people to find out that she’s my wife. Isn’t that right, Jillian?” he said teasingly. Kumuyom ang aking mga kamao na nakapatong sa aking mga hita. Pinipilit kong pigilan ang inis na kumakawala sa dibdib ko. Paano ako makakapagpokus sa pagpapagamot sa tatay ko kung nandito rin si Ryker sa Singapore? “You shouldn’t be ashamed of your husband,” Dr. Tan said with a light chuckle. “He’s handsome and kind. Napapikit ako sandali bago marahang napailing. “Hindi siya mabait,” mahina kong bulong. “Ugaling demonyo.” “Doc,” I quickly interrupted, changing the subject, “should I bring my father tomorrow?” Dr. Tan nodded. “Yes, so I can examine him. I’ll give you a list of tests your father will need to take tomorrow.” “Okay, Doc. Thank you.” Agad akong tumayo at nagpaalam. Halos mabilis ang aking mga hakbang palabas ng silid, na para bang gusto kong takasan ang presensya ni Ryker. Ngunit hindi pa man ako nakakalayo ay narinig ko na ang malamig niyang boses. “So, it’s true that your father is sick?” Huminto ako sa paglalakad. Dahan-dahan akong lumingon at matalim siyang tiningnan. “Sinusundan mo ba ako?” Napatawa siya, isang tawang may halong pang-aasar. “Why would I follow you?” he replied. “I have important business here in Singapore. I just remembered that my friend was here, so I thought I’d pay him a visit.” “Kaya pala nagpadala ka ng tauhan mo para bantayan ako?” malamig kong sagot. “Tsk,” he said, shaking his head. “Jillian, instead of complaining, you should be thanking me. You’ll save money on rent here. Do you know how expensive housing is in Singapore? Even transportation costs a lot.” “Hindi ko kailangan ang tulong mo.” “Really?” A faint smile curved his lips. “Don’t you feel sorry for your mother, going back and forth to the hospital if your father ends up being confined here?” Parang may kung anong kumurot sa aking dibdib. Natigilan ako sandali. Ngunit hindi ako nagpatalo. Pinilit kong patigasin ang aking mukha habang nakatingin sa kanya. “Alam ko ang ginagawa ko,” mariin kong sabi. “Kaya huwag mo akong pakialaman.” Nagkibit-balikat si Ryker, tila walang pakialam. “Alright,” he said. “Just call me if you decide to accept my offer.” Pagkatapos noon ay tumalikod siya at naglakad palabas ng ospital, na para bang wala lang nangyari. Samantalang ako ay nanatiling nakatayo roon, pilit pinipigilan ang damdaming gustong kumawala sa aking dibdib. “Nay, nakausap ko na ang doktor na gagamot kay Tatay dito,” mahinahon kong sabi pagkapasok ko sa bahay, pilit na kinokontrol ang kaba sa dibdib ko. Napahinto si Nanay sa kanyang pagkain. Dahan-dahan siyang napatingin sa akin, bakas ang pag-aalala sa kanyang mga mata. “Ano ang sabi ng doktor, anak?” “Bukas daw po ay dalhin si Tatay sa ospital. Kailangan siyang masuri at sumailalim sa ilang tests para mabigyan siya ng tamang gamot… at malaman kung ano ang dapat gawin sa kalagayan niya,” paliwanag ko, pinipiling maging matatag ang boses kahit may kirot sa bawat salita. Napayuko si Tatay at marahang napabuntong-hininga. “Siguradong napakalaki ng magagastos natin, anak…” mahina niyang sambit, tila pasan ang bigat ng lahat. Hindi ako nag-atubiling lumapit sa kanya. Marahan kong hinawakan ang kanyang kamay at pinisil iyon, na para bang sa simpleng haplos ay maibibigay ko ang lakas na kailangan niya. “Ngayon ka pa ba manghihinayang, Tay? Nandito na tayo,” matatag kong sagot, kahit ako man ay kinakabahan sa hinaharap. “Pasensya ka na…” nanginginig ang kanyang tinig. “Wala akong maitulong. Alam kong naging pabigat ako sa inyo…” Unti-unting namuo ang luha sa kanyang mga mata. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Yumakap ako sa kanya nang mahigpit, na para bang kaya kong saluhin ang lahat ng sakit na dinadala niya. “May maitutulong kayo sa akin,” marahan kong bulong. “Gusto ko lang na maging positibo kayo. Magpalakas kayo… at huwag niyo nang isipin ang gastusin. Ako na ang bahala.” “Jillian… anak…” halos pabulong niyang tugon, puno ng emosyon. Bahagya akong ngumiti upang pagaanin ang bigat ng sandali. “Kumain na tayo. At bago ako bumalik ng Pilipinas… puntahan natin ang Merlion. Magpa-picture tayong tatlo. Gusto kong may baon tayong masayang alaala.” “Sige, anak…” pilit na ngumiti si Tatay, kahit halata ang lungkot sa kanyang mga mata. Tahimik kaming nagpatuloy sa pagkain, ngunit ang bawat galaw ay tila may kasamang pag-aalala. Sa gitna ng katahimikan, biglang tumunog ang aking telepono. Si Dr. Briones. “Hello, Dok?” agad kong sagot, bahagyang lumayo upang hindi marinig nina Nanay at Tatay. Narinig ko ang mabigat niyang paghinga sa kabilang linya. “Jillian, I’m sorry… Yung kamag-anak kong dapat sana ay tutuluyan ninyo… bigla kasing bumalik dito sa Pilipinas.” Parang may kung anong bumagsak sa dibdib ko. “Ah… ganun po ba…” pilit kong pinatatag ang boses ko. “Okay lang po.” “Nahihiya talaga ako sa’yo. Hindi ko inaasahan na mangyayari ito,” dagdag niya, halatang may pagsisisi. “Okay lang po talaga, Dok. Wala po kayong dapat ipag-alala,” sagot ko. “Sa totoo lang, ako pa nga ang dapat magpasalamat… sa lahat ng naitulong ninyo sa akin. Lalo na sa mabilis na pagpunta namin dito sa Singapore.” “Salamat, Jillian. Good luck sa inyo diyan.” “Thank you po, Dok,” tugon ko bago tuluyang ibaba ang tawag. Nanatili akong nakatayo saglit, pinipigilan ang sarili kong panghinaan ng loob. Pagbalik ko sa hapag, pilit kong inayos ang aking mukha.Hindi pwedeng makita nina Nanay at Tatay ang problema ko. Tahimik kong ipinagpatuloy ang pagkain, ngunit sa loob-loob ko ay tila may unos na nagngangalit. “Bwisit…” mahina kong bulong sa sarili. “Wala na akong ibang pagpipilian… kundi tanggapin ang alok ni Ryker.” Habang nakahiga ako sa manipis na kama sa maliit naming tinutuluyan, paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang mga nangyari. Ang kondisyon ni Tatay, ang biglang pagkawala ng matutuluyan namin dito sa Singapore, at higit sa lahat… ang alok ni Ryker. Isang alok na alam kong hindi ko dapat tinatanggap. Ngunit wala na akong ibang pagpipilian. Kinabukasan, matapos kong masigurong maayos na nakahanda sina Nanay at Tatay para sa pagpunta sa ospital, palihim akong lumabas. Mahigpit kong hawak ang aking telepono habang tinatahak ko ang tahimik na kalsada. At sa wakas, pinindot ko ang kanyang numero. Ilang segundo pa lang ay agad niya itong sinagot. “Ang bilis mo namang magdesisyon,” malamig ngunit may bahid ng kumpiyansang sabi niya sa kabilang linya. Napapikit ako sandali bago nagsalita. “Kailangan kita makausap.” “I already know what this is about,” he replied. “Where are you?" Sinabi ko ang lokasyon ko, at wala pang sampung minuto ay naroon na siya. Huminto ang isang mamahaling sasakyan sa tapat ko. Makinis ang katawan nito, at tila sumasalamin sa estado ng buhay na malayo sa realidad ko. Dahan-dahang bumaba siya. “Get in,” utos niya, diretso sa punto. Sandali akong nag-alinlangan, ngunit nanaig ang pangangailangan ko. Tahimik akong sumakay sa sasakyan niya. “Why do you want to talk to me?” tanong niya, hindi man lang ako tinitingnan habang hawak ang manibela. Huminga ako nang malalim. “Tatanggapin ko ang alok mo.” Saglit na katahimikan ang namagitan sa amin, bago ko narinig ang mahina niyang pagtawa. “I knew it,” sambit niya, tila ba sigurado na siya mula pa sa simula. Titigan ko siya nang masama. “Paano mo nalaman? Huwag mong sabihin na may ginawa ka para hindi pumayag ang kamag-anak ni Dr. Briones?" A faint smile crossed his lips. “I just helped you make your decision faster. Kuyom ang kamao sa inis. “Sinasabi ko na nga ba!" Tumawa siya. “Ganyan ba ang paraan mo ng pasasalamat sa akin?" Bumuntong-hininga ako. “Wala na akong pagpipilian kung hindi ang tanggapin ang alok mo. Kailangan namin umalis sa hotel bukas." “He laughed. “Is that how you thank me." “Salamat. Pakibalik ako sa hotel. Kailangan kong samahan sila sa ospital." “Alright." Nakatanaw ako sa labas habang binabagtas namin ang daan patungo sa hotel. Kailangan ko na lang sigurong tanggapin na hindi ako puwedeng mawala sa paningin ni Ryker.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD