Tumutulo ang luha ko habang tinatanggal ko ang sinturon ni Ryker. Nakaupo siya, walang reaksyon habang pinapanood ko. Nang matanggal ko ang sinturon niya, binaba ko naman ang suot niyang pantalon. Lumunok ako nang brief na lang ang natira.
“Hurry up, why are you moving so slowly?” he said irritably.
Huminga ako nang malamin bago ko binaba ang suot niyang brief. Humarap sa akin ang kanyang eight inches na p*********i. Sa trabaho ko, hindi na bago sa akin ang makakita ng ari ng lalaki. Ngunit ngayon, nakaramdam ako ng takot at pagkadiri.
"Faster!" galit na sigaw ni Ryker.
Hinawakan ko ang kanyang alaga at hinimas ko ito mula sa ibaba hanggang pataas. Ang bilis ng kabog ng dibdib ko habang ginagawa ko iyon.
“Suck it!" wika ni Ryker.
Dahan-dahan kong nilapit ang bibig ko sa kanyang alaga at sinubo ko ito. Pumikit ako habang tumutulo ang luha ko.
“Good, girl!" wika ni Ryker.
Nagulat ako nang hawakan niya ang ulo ko at tinulak niya ko pababa. Muntik na akong mabilaukan dahil sumagad ito hanggang lalamunan ko.
“Faster! I am not happy with what you are doing!”
Mariin akong pumikit at sinunod ko ang gusto niya.
“Oh, s**t!" sambit ni Ryker.
Nagpatuloy ako sa pag-blow job sa kanya hanggang alisin niya ang mukha ko. Pinahimas niya ito sa akin hanggang sa tuluyan na siyang makaraos.
Tumayo ako nang nanginginig ang tuhod at dali-daling tumakbo patungo sa lababo. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, sunod-sunod ang pagsusuka ko, tila ba gustong ilabas ng katawan ko ang lahat ng dumi at kahihiyang dinanas ko. Nanginginig ang kamay kong kumapit sa gilid ng lababo habang paulit-ulit akong nagmumog. Gusto kong mawala ang lasa. Gusto kong mawala ang pakiramdam. Gusto kong magising na lang na panaginip lang ang lahat.
“The way you act, it seems like you’re not professional.”
Napapikit ako nang marinig ang malamig na boses ni Ryker sa likuran ko. Nakatayo siya roon, tila nanonood lamang ng isang palabas.
Pinunasan ko ang labi ko at pilit na itinago ang panginginig ng boses ko. “Puwede na ba akong umuwi?”
Mabagal niya akong tinitigan mula ulo hanggang paa, na parang sinusuri kung may halaga pa ba ako sa paningin niya.
“Hindi pa tayo tapos,” aniya, malamig ang tono. “Nagsisimula pa lang tayo. Remove your clothes.”
Parang may yelong dumaloy sa ugat ko. Huminga ako nang malalim, pilit na kumakapit sa natitirang lakas ng loob. “Hindi puwede… may regla ako.”
Bahagyang umangat ang kanang kilay niya. “You mean… monthly period?”
Tumango ako, halos hindi makatingin sa kanya.
“Yuck. No wonder it smells a bit fishy.” Tinakpan pa niya ang ilong at bibig niya, para bang ako ang pinakakadiring nilalang sa mundo.
May kung anong nadurog sa loob ko.
“So… puwede na ba akong umalis?” mahina kong tanong.
“Not yet. Come with me.”
Doon ko napagtanto. Hindi pa tapos ang bangungot ko.
Tahimik ang biyahe. Tanging tunog ng makina at mahinang musika ang pumupuno sa loob ng kotse. Hindi siya nagsalita. Hindi rin ako nagsalita. Ngunit sa loob ko, parang may malakas na sigawan.
Huminto kami sa harap ng isang malaking disco bar. Kumukutitap ang mga ilaw, at kahit nasa labas pa lang kami ay ramdam na ang lakas ng musika.
Pagpasok namin, sumalubong agad ang masangsang na amoy ng yosi, alak, at pabango ng iba’t ibang tao. Nagsisiksikan ang mga katawan sa loob, mga tawanan, sigawan, at halakhakan ang bumungad sa akin.
“Bakit tayo nandito?” tanong ko.
Hindi siya sumagot. Sa halip, hinila niya ang braso ko at mabilis na naglakad. Napilitan akong bilisan ang hakbang ko para hindi madapa.
“Ryker!” tawag ng isang lalaki mula sa mahabang sofa.
Yumuko ako. Ayokong makita ang mga mata nila. Ayokong makita kung paano nila ako huhusgahan.
“Jordan,” malamig na tugon ni Ryker bago siya umupo at agad uminom ng alak.
“Sino ’yan kasama mo?” tanong ng isang babae.
“My wife,” sagot niya.
Napatingin ang lahat sa akin.
“Oh, c’mon! It’s too early for jokes!” wika ni Jordan.
“I’m not joking.”
Parang may kumalabit sa puso ko sa salitang wife. Asawa. Isang salitang dapat puno ng paggalang at pagmamahal, pero sa paraan ng pagkakasabi niya, para lang iyong panangga.
“My gosh! Hindi mo sinabi sa amin na nagpakasal ka na. Akala namin si Almirah ang pakakasalan mo!”
Sino si Almirah?
“We broke up,” he said without emotion.
Para akong paninda sa palengke na sinisilip, sinusuri, hinuhusgahan.
“Miss, anong pangalan mo?” tanong ng isang lalaki.
Bahagya kong inangat ang mukha ko. “Jillian,” sagot ko.
“Saan ka nakatira? Ano ang negosyo ng pamilya mo?”
“Stop it, Jane!” Ryker suddenly snapped. “I didn’t bring my wife here to answer your questions. We’re here to enjoy.”
Sa wakas, kahit paano, ipinagtanggol niya ako. Ngunit bakit parang hindi ko pa rin maramdaman ang seguridad?
“Oh, I'm sorry!"
“Magpapakilala muna kami sa'yo, Jilian," wika ni Jordan.
Tipid akong ngumiti, ngunit hindi ito nagustuhan ni Ryker.
Bumulong siya sa akin, “You're such a flirt."
Para akong sinaksak ng paulit-ulit sa sinabi niya. Pinilit kong tinago ang pait.
“Ako nga pala si Jordan. Ito naman ang girlfriend ko si Marga. Ito naman sina Jane, Primo, Barbara at Enzo. Magkakaibigan na kami simula pa noong kolehiyo," wika ni Jordan.
“Nice meeting you all," tugon ko.
Nagsimula silang magkwentuhan habang ako ay tahimik na nakikinig sa kanila nang bigla na lang may malakas na humila sa buhok ko.
“Aray!” Napasigaw ako.
“Malandi kang babae ka!”
Isang matangkad at seksi na babae ang nasa harapan ko, galit na galit ang mga mata.
Hinila niya akong muli. Nasubsob ako sa sahig. Ramdam ko ang hapdi ng bawat sabunot at sampal.
“Walanghiya ka! Inagaw mo ang boyfriend ko!”
Nahawakan ko ang kamay niya at kinurot ko ito nang buong lakas. Nabitawan niya ako.
Pag-angat ko ng mukha ko, hinanap ng mga mata ko si Ryker.
Nandoon siya. Nakaupo. Umiinom. Parang nanonood lang ng palabas. Ni hindi man lang siya tumayo. Hindi man lang siya nagsalita.
“Bwisit!” sigaw ko.
Lalapit sana ulit ang babae, ngunit naunahan ko siya. Kinuha ko ang bote ng alak sa mesa at buong lakas itong ibinasag. Ang matulis na basag na bote ay itinutok ko sa kanya.
“Sige! Subukan mong lumapit sa akin!”
Nagulat siya, pero hindi nawala ang galit sa mukha niya. “Ang kapal ng mukha mo! Inagaw mo si Ryker sa akin!”
Parang biglang luminaw ang lahat.
“Inagaw mo sa akin si Ryker! Kaya siya nakipaghiwalay sa akin dahil nilandi mo siya!”
Dahan-dahan akong napalingon kay Ryker.
Ang titig ko’y puno ng galit at paniningil.
So… siya pala si Almirah? ang pasyente ko sa Room 212 noon.
At sa unang pagkakataon, hindi na takot ang naramdaman ko.Kundi galit.
“Shut up, Almirah!"
Sa wakas nagsalita rin Ryker.
Lumapit si Almirah kay Ryker.
“Ito bang babaeng ito ang ipinagpalit mo sa akin? Iniinsulto mo ba ako? Sa dami-dami ng babaeng ipapalit mo sa akin, sa pokpok ka pa pumatol!”
Sa lakas ng boses niya, narinig hanggang sa kabilang mesa ang sigawan.
Seryosong tumingin si Ryker. “The hell do you care? Hindi mo na problema kung bayarang babae ang ipalit ko sa’yo.”
Gusto ko sanang kontrahin ang sinabi ni Ryker, ngunit naalala kong nagbayad nga pala siya para may panggastos ako sa pagpapagamot ng tatay ko.
“Nababaliw ka na ba? Hindi ko matatanggap ang ginawa mo sa akin!”
“Shut up! She’s already my wife!”
“Damn it!” sigaw ni Almirah.
Kinuha niya ang isang pitsel ng juice at ibinuhos iyon sa akin.
“s**t!” sambit ko.
“Bagay sa’yo ’yan! Bruha ka! Malandi! Pokpok!” sigaw niya sa galit.
Yumuko ako at pilit na pinigilan ang luhang gustong kumawala.
“Excuse me!”
Lumapit sa amin ang isang babaeng bouncer at isang lalaking bouncer.
“Yes?” wika ni Jordan.
“Kung may hindi kayo pagkakaintindihan, huwag po kayong mag-away dito. Nakaka-istorbo na kayo sa ibang customer,” wika ng babaeng bouncer.
“Sorry!” sagot ni Jordan.
“Uuwi na lang ako,” sabi ko.
Nilagok ni Ryker ang natitirang alak sa kanyang wine glass bago tumayo.
“Let’s go. I’ll take you home.”
Inalalayan pa ako ni Ryker hanggang makalabas kami ng disco bar.
“Maraming salamat sa paghatid sa akin,” sabi ko.
“Who told you I’d take you home?”
Tumingin ako sa kanya nang may pagtataka. “Sinabi mo kanina na ihahatid mo ako.”
“Tsk! Hanggang dito lang ’yon. Go home by yourself!” Tumalikod siya at sumakay sa kanyang kotse.
Wala akong nagawa kundi tanawin siya habang papalayo ang kotse niya. Nagsimula akong maglakad upang maghanap ng taxi. Habang naglalakad ako, nakaramdam ako ng lamig. Malagkit din ang pakiramdam ko dahil sa juice na ibinuhos sa akin.
“Sige, okay lang. Basta para sa magulang ko, lahat titiisin ko,” bulong ko.
Halos hindi ko na matanaw ang disco bar, ngunit hindi pa rin ako makasakay.
“Hello, Miss!” sigaw ng isang lalaki mula sa dilim ng kalsada.
Nadaanan ko ang grupo ng mga lalaking nag-iinuman sa gilid, ang halakhak at huni ng bote’y tumatagos sa katahimikan ng gabi. Nagpanggap akong hindi ko sila narinig. Mas pinabilis ko ang hakbang, bawat yapak ko’y may kasamang kaba. Ngunit nang mapansin kong sinusundan nila ako, sumabog sa dibdib ko ang takot at dali-dali akong tumakbo, humingi ng tulong.
“Tulong! Tulong!” sigaw ko, ngunit ang aking boses ay tila nalunod sa lamig ng hangin.
Wala. Wala ni isang tao ang nakapaligid.
“Huli ka!”
Hinila nila ang braso ko. Sapilitan akong binuhat, at ang bigat ng kanilang kamay ay parang bakal na humahawak sa akin.
“Tulong! Tulong!” sigaw ko, nanginginig ang katawan sa takot.
“Tumigil ka!” isa pa ang sumuntok sa sikmura ko. Ang hininga ko’y naputol, at hingal na hingal ako sa sobrang sakit.
Tumulo ang luha ko, mainit at malupit sa pisngi. “T-tulungan n’yo po ako…” ang bulong ko’y halos hindi marinig.
Wala na akong magagawa. Buong tapang nilang buhatin ako papasok sa sasakyan.
“Ang ganda niyang maging pulutan natin,” wika ng isa, at ang kanyang mga salita’y parang dagok sa dibdib ko. Patuloy ang pagdaloy ng luha. Ito ba ang kapalit ng lahat ng sakripisyong ginawa ko?
Nang isasakay na nila ako, biglang huminto ang sasakyan. Isang patrol car ng pulis ang pumwesto sa harapan namin.
“Tulong…” bumulong ako, halos hindi marinig, parang lantang gulay sa lamig at takot.
“Boss, bakit?” tanong ng isang lalaki.
Tinakpan ng isa ang bibig ko para hindi ako makasigaw.
“May nagsumbong sa amin na may babaeng binitbit kayo?” tanong ng pulis, malinaw at mahigpit.
“Sir, wala naman po…” sagot nila, nanginginig ang boses.
Gusto kong sumigaw, pero paralisado ako sa takot, bantay-sarado ng dalawang lalaki.
“Sino ang nasa loob ng sasakyan niyo?” tanong muli ng pulis.
“Mga kaibigan at asawa ko,” sagot ng isa.
“Please, tulungan n’yo po ako!” Ang boses ko’y natutunaw sa takot.
“Okay,” wika ng pulis.
“Wala ka nang kawala sa amin,” bulong ng lalaki, malamig at puno ng pagbabanta.
Pumikit ako, pinipilit huminga. Ito na ba ang katapusan ng buhay ko?
Paandarin na sana ng lalaki ang sasakyan nang biglang may boses na tumigil sa kanila.
“Wait!”
Ang puso ko’y biglang nagkaroon ng pag-asa. Boses iyon ni Ryker. Ngunit tutulungan ba niya ako, o hahayaan niya akong masaktan?
“Bakit, Boss?” tanong ng lalaki.
“Open the door,” utos niya, malamig at tiyak.
“Boss, nakausap ko na ang pulis,” sagot ng lalaki, nanginginig.
“Just open it!” utos ni Ryker, walang imik, walang kompromiso.
“Bakit naman kita susundin? Pulis ka ba?”
“Hindi ako pulis, pero ang mga kasama ko, mga pulis,” tugon ni Ryker, maikli pero puno ng kapangyarihan.
Mula sa bintana ng sasakyan, nakita ko ang apat na pulis, nakatayo sa malamig na liwanag ng ilaw. Hindi pa umaalis ang patrol car. Isang kakaibang pag-asa ang sumilay sa puso ko.
“Boss, akala ko ba nag-usap na tayo?” tanong ng lalaki.
“Huwag kang maraming tanong. Buksan mo ang pinto ng sasakyan mo!” utos ng isa sa mga pulis, baril nakatutok sa kanya.
“Nalintikan na!” wika ng lalaki.
“Hoy, ikaw! Sabihin mong kamag-anak ka namin kung ayaw mong masaktan,” bulong ng lalaki sa akin, parang huling babala.
Pagkabukas ng pinto, lumantad sa amin ang tatlong pulis at si Ryker.
Nagkatinginan kaming dalawa. “Ryker!” wika ko, ang boses ko’y puno ng gulat at relief.
Tumingin lang siya, malamig at tiyak. “She’s my wife,” ang kanyang tinig ay parang pananggalang sa aking puso.
Agad na pinababa ang mga lalaki at pinosasan ng mga pulis.
Paglabas ko ng sasakyan, lumapit ako kay Ryker. “T-thank you!” nanginginig pa rin ang katawan ko, ngunit unti-unting humupa ang takot.
“This time. I'll take you home,” malamig niyang tugon, ngunit may kakaibang proteksyon na dama ko sa bawat kilos niya.
Tumango ako at sumakay sa kanyang sasakyan. Sa unang pagkakataon sa mahabang oras, naramdaman ko ang kaligtasan. Sa piling ni Ryker, tila ang lahat ng panganib ay lumiliit at ang mundo ko’y muling nagkakaroon ng liwanag.
****
Alas-sais ng umaga nang magising ako sa paulit-ulit na tunog ng alarm clock. Mabigat ang mga talukap ng mata ko, at tila may mga batong nakapatong sa buong katawan ko. Gusto ko pang matulog, kahit ilang minuto lang, ngunit hindi maaari. May duty ako ngayon.
Dahan-dahan akong bumangon at naghanda para sa trabaho.
Pagpasok ko sa kusina, agad kong napansin ang nakahandang almusal at ang baon kong pagkain na maayos na nakalagay sa mesa. Tulad ng dati, inunahan na ako ni Nanay.
Umupo ako sa tabi niya habang tahimik siyang umiinom ng kape.
“Jillian, anong oras ka umuwi kagabi?” mahina niyang tanong, nang hindi inaalis ang tingin sa tasa.
“Ala-una na yata,” sagot ko.
Bahagya siyang napapikit at napabuntong-hininga. “Tapos ngayon, maaga ka pang nagising. Nag-aalala ako sa kalusugan mo.”
Ngumiti ako nang bahagya. “Huwag kayong mag-alala sa akin.”
Ngunit hindi nawala ang lungkot sa kanyang mga mata.
“Pasensya ka na kung wala man lang akong maitulong sa iyo,” sabi niya.
Napakunot ang noo ko. “Anong wala kayong maitulong? Ang dami ninyo ngang ginagawa para sa akin. Kayo ang naglalaba, naglilinis, nagluluto, naghahanda ng almusal at ng baon ko. Sobra-sobra na ang tulong ninyo.”
Umiling siya. “Hindi iyon tulong. Obligasyon ko iyon bilang ina.”
Bumuntong-hininga ako.“Nay, huwag ninyong isipin ang mga bagay na iyan. Baka kayo pa ang magkasakit.”
Pinilit niyang ngumiti at tumango.
“Siya nga pala,” dagdag niya, “pumunta rito kahapon si Tiya Letlet mo at ang pinsan mong si Ida.”
Natigil ako sa pagkain. “Pinilit ba kayong pumirma?”
“Oo. Pero sabi ko, hintayin muna kita. Hindi ko alam kung ano ang nakasulat sa dokumento.”
Bahagya akong nakahinga nang maluwag. “Tama iyon. Huwag kayong basta pipirma.”
Saglit siyang natahimik bago nagsalita muli. “Galit na galit siya sa akin.”
Mapait akong napangiti. “Kahit wala naman siyang kailangan sa atin, galit pa rin siya. Ano’ng bago sa ugali niya?”
Napabuntong-hininga si Nanay. Kita ko ang lungkot sa mukha niya. Ang lungkot ng isang kapatid na hindi kayang kamuhian ang sariling dugo.
Tinapos ko ang pagkain at tumayo. Oras na para harapin ang isa na namang mahabang araw.
Pagdating ko sa ospital, agad akong dumiretso sa nurse station at nagsimulang mag-encode ng mga nagamit na gamot ng mga pasyente.
“Jillian, kumusta?”
Hindi ko na kailangang lumingon para malaman kung sino iyon.
“Okay naman,” sagot ko habang patuloy sa pagtatrabaho. “Ikaw? May umaaligid pa rin ba sa apartment mo?”
“Wala na!” sagot ni Lora. “Motor rider lang pala ang inakala kong tauhan ng asawa mong hilaw.”
Bahagya akong napangiti. “Mabuti naman kung gano’n.”
“Good luck sa flight ninyo,” dagdag niya. “Sana maganda ang kalabasan ng lahat.”
“Sana nga,” mahina kong tugon.
Biglang umalingawngaw ang boses ng receptionist sa intercom.
“Paging Nurse Jillian, please proceed to the information desk.”
Napatingin sa akin si Lora. “Bakit ka kaya tinatawag?”
Nagkibit-balikat ako. “Hindi ko rin alam.”
Iniwan ko muna ang ginagawa ko at naglakad papunta roon.
Ngunit bago pa ako tuluyang makalapit—
“Papasukin n’yo kami! Gusto kong makausap si Jillian!”
Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang pamilyar na boses. Si Tiya Letlet.
Kasama niya si Ida, at parehong pinipigilan ng sekyu. Nakatingin sa kanila ang ilang pasyente at staff.
Agad akong lumapit. “Anong nangyayari dito?”
Paglingon niya sa akin, nagliyab ang galit sa kanyang mga mata. “Ikaw, bruha ka!”
Bago pa ako makaiwas—
Pak!
Umalingawngaw ang tunog ng sampal sa buong lobby.
Napahawak ako sa pisngi ko, nanlalambot ang tuhod ko sa gulat.
“Bakit ninyo ako sinampal?” nanginginig kong tanong.
Dinuro niya ako. “Ikaw ang dahilan kung bakit ayaw pumirma ng Nanay mo! Hindi ko tuloy mabenta ang lupa! Ang kapal ng mukha mong i-brainwash siya!”
Unti-unting napalitan ng galit ang gulat ko.
“Huwag kayong gumawa ng gulo dito,” mariin kong sabi. “Hindi pipirma si Nanay hangga’t hindi ko nababasa ang kontrata.”
“Kahit kailan talaga, kontrabida ka!” sigaw niya. “Tinutulungan ko na nga kayo!”
“Hindi namin kailangan ang tulong ninyo. Wala kaming balak ibenta ang lupang iniwan ni Lola.”
“Sumasagot ka pa!”
Sasampalin ulit sana niya ako ngunit may kamay na pumigil sa kanya.
“Bitawan mo ako! Huwag kang makialam dito!" galit na sigaw ni Tiya Letlet.
Nagulat ako nang makita ko si Ryker. Seryoso ang mukha niya habang nakatingin kay Tiya Letlet.
"Okay." Biglang tinulak ni Ryker si Tiya Letlet kung kaya't una ang puwit niyang bumagsak sa sahig.
“Bastos ka!” sigaw ni Ida.
Susugod sana ito, ngunit agad siyang napigilan ng lalaking kasama ni Ryker.
“Bitawan n’yo ako!”
Tahimik lamang si Ryker, saka nagsalita sa malamig na tinig.
“People who have no manners have no place here in the hospital.”
“Idedemanda kita!” sigaw ni Tiya Letlet habang nakaturo sa kanya.
Bahagya siyang ngumiti. “Go ahead. Sue me.”
Hindi ko alam kung bakit, pero parang biglang naging tahimik ang paligid.
Tumingin ako sa kanya.
“Thank you,” mahina kong sabi.
Ngunit hindi siya sumagot. Ni hindi siya ngumiti.
“Palabasin n’yo sila,” utos niya sa mga sekyu.
Sapilitan silang inilabas habang patuloy sa pagsigaw.
Nanatili akong nakatayo roon, nanlalamig pa rin ang pisngi ko sa alaala ng sampal.
“Grabe naman sila,” bulong ng isang staff sa likod ko.
Huminga ako nang malalim. Pagkatapos, tahimik akong bumalik sa trabaho na parang walang nangyari.