CHAPTER 12

3224 Words
Nakahinga ako nang maluwag nang tuluyan akong makalabas sa silid kung saan naroon si Ryker. Para bang kanina pa ako pinipigilan ng hangin sa loob ng kwartong iyon. Girlfriend kaya niya ang pasyente sa Room 212? O baka kamag-anak niya… Napailing ako. Hindi ko alam kung bakit ko pa iyon iniisip. Wala naman akong karapatang magtanong. Nagmadali akong pumunta sa nurse station upang ipaalam na tapos na akong mag-round sa Room 212. “Jillian, hinahanap ka sa pedia ward,” tawag ng head nurse habang abala sa mga chart. Bahagya akong napabuntong-hininga. “Baka po nagwawala na naman si Jayson.” “Oo, iyon nga ang sabi.” “Hindi po ako naka-duty doon ngayon,” maingat kong paalala. “Iyon din ang sinabi nila,” sagot niya, sabay sulyap sa akin. “Pero kung hindi ka busy, baka puwede mong puntahan ang batang pasyente mo.” Tumango ako. Kahit hindi ko duty, hindi ko rin kayang balewalain ang bata. “Sige po. Puntahan ko siya bago ako umuwi.” “Okay.” “Kain muna ako,” sabi ko, pilit na ngumiti. “Sige, sabihin mo na lang kay Nurse Joy kung may kailangan i-endorse.” “Sige po. Thank you.” Nagmadali akong pumunta sa canteen. Ang totoo, wala pa sana akong balak kumain. Ngunit simula nang makita ko si Ryker, hindi mapakali ang dibdib ko. Pakiramdam ko, anumang oras ay susunod siya. Ayokong makita niya ako. Ayokong malaman ng mga katrabaho ko ang tungkol sa kanya. Umupo ako sa isang bakanteng mesa at pilit na isinubsob ang sarili sa pagkain, kahit wala naman talaga akong gana. “N—Nurse Jillian, puwede ba akong maki-share sa table mo?” Napatingala ako. Si Nurse Archie iyon, may hawak na tray at nakangiti. Tumango ako. “Oo naman.” Umupo siya sa tapat ko habang tahimik akong kumakain. “Kumusta na ang tatay mo?” maingat niyang tanong. Sandali akong natigilan. Hindi na ako nagtataka kung bakit alam ng lahat ang sitwasyon ni Tatay. Sila mismo ang nag-organisa ng fundraising para sa kanya. “Nagsisimula nang gumaling ang sugat niya,” sagot ko, pilit na pinatatag ang boses. Ngumiti siya. “Mabuti naman. Balita ko, sa ibang bansa mo siya ipagagamot?” Tumango ako. “Alam kong mahihirapan ako… pero kakayanin ko. Kahit ano pa ang kailangan kong gawin.” “Ang bait mo talaga,” mahina niyang sabi. “Kaya ang daming may gusto sa’yo.” Napangiti ako nang bahagya, ngunit walang saya. “Wala silang mapapala sa akin.” “Hanggang ngayon, ayaw mo pa ring magpaligaw?” Sa dami ng iniisip ko, wala sa isip ko ang tungkol sa pag-ibig. “Sa laki ng problema ko, hindi ko kayang isipin ang bagay na ’yan.” Tumango siya. “Kung sabagay. Anyway, sasama ka ba sa birthday party ni Dra. Sanchez bukas?” Umiling ako. “Naka-duty ako.” “Hindi ba’t rest day mo bukas?” nagtatakang tanong niya. “Mag-o-overtime ako. Marami kasing naka-leave.” Napailing siya. “Grabe ka. Hindi ka na yata nagpapahinga. Baka ikaw naman ang magkasakit.” Mahigpit kong hinawakan ang kutsara.Kailangan kong maging malakas. “Magiging malakas ako,” mahina kong sabi. “Kailangan ko… para kay Tatay.” Muli akong kumain, kahit parang papel ang lasa ng bawat subo. Biglang umalingawngaw ang boses ng receptionist sa buong canteen. “Paging Nurse Jillian, please proceed to the pedia ward.” Agad akong tumayo. “Mauna na ako,” sabi ko kay Archie. “Kailangan ako ni Jayson.” Kinuha ko ang tray at nagsimulang maglakad palabas. Ngunit sa bawat hakbang ko, hindi ko maiwasang maramdaman ang isang pamilyar na presensya— parang may mga matang nakamasid sa akin. At sa kaibuturan ng puso ko, alam ko kung kanino iyon nagmumula. Kay Ryker. Mabilis ang naging mga hakbang ko patungo sa pedia ward. Habang papalapit, mas lalong bumibilis ang t***k ng puso ko dahil sa pag-aalala kay Jayson. Pagbukas ko ng pinto, agad akong sinalubong ng pamilyar na amoy ng antiseptic at ang mahinang tunog ng monitor. “Nurse Jillian!” masayang sigaw ng maliit na boses. Napangiti ako nang makita si Jayson na nakaupo sa kama, yakap ang maliit niyang stuffed toy. “Hello, Jayson,” malambing kong bati habang lumalapit. “Nagwawala ka raw?” Umiling siya, nakanguso. “Hinahanap lang kita.” “Naku, kanina ka pa niyang umaga hinahanap. Lumabas pa nga siya ng silid niya para hanapin ka," wika ng Lola ni Jayson. “Lola, huwag mo naman akong ibuko kay Nurse Jillian." Sabay kamot niya sa ulo niya. Yumuko ako upang magpantay kami. “Hindi mo naman kailangang magwala para makita ako.” “Akala ko hindi ka na babalik,” mahina niyang sabi. May kumirot sa dibdib ko. Ilang araw na rin kasi akong hindi naka-duty rito. “Kapag hindi kita dinalaw rito, ibig sabihin, wala akong pasok,” sagot ko, sabay ayos ng kumot niya. “Naiinip na po ako, gusto ko ng umuwi." Ngumiti ako. “Huwag kang mag-alala makakauwi ka rin." “Kailangan mong kumain ng marami at uminom ng mga gamot para makauwi ka na sa bahay. Ikaw naman kasi, ayaw mong kumain ng marami. Nagkasakit ka tuloy ulit," wika ng lola niya. “Kakain na po ako ng marami para makasama ko ang mommy at daddy ko," tugon niya. Pilit akong ngumiti habang nakatingin kay Jayson. Sinabi ng lola niya na hindi na siya babalikan ng mommy niya dahil may iba na itong pamilya. “Tama. Kumain ka ng marami at uminom ng gamot para lumakas ka." Sinenyasan ko ang lola niya na maghanda ng pagkain. Agad naman itong naintindihan ng lola niya kaya hinanda nito ang pagkain. “Jayson, kumain muna." Sinubo ko pa sa kanya ito. Hindi naman nagdalawang isip si Jayson na kainin ang binigay ko. Nagtuloy-tuloy ang pagkain niya. “Maraming salamat, Nurse Jillian. Kung wala ka, baka hindi pa rin siya kumakain,” sabi ng lola niya, bakas ang taos-pusong pasasalamat sa mukha. Ngumiti ako nang marahan. “Walang anuman po. Kung may kailangan kayo, tawagin n’yo lang po ang nurse na naka-duty rito.” Tumango siya at muling ibinaling ang atensyon kay Jayson, habang ako naman ay tahimik na lumabas ng silid. Ngunit paglabas ko pa lamang, agad akong napatigil. bumungad sa akin ang pamilyar na tindig. "Si Ryker," bulong ko. Parang nanigas ang mga paa ko lalo nang matalim ang tingin niya. Nakatayo roon si Ryker. Nakasuksok ang mga kamay niya sa bulsa ng itim niyang slacks, at ang malamig niyang mga mata ay deretsong nakatingin sa akin. Hindi nagbago ang ekspresyon niya, ngunit ramdam ko ang bigat ng presensya niya. "B-bakit ka nandito ka?" Nauutal kong tanong sa kanya. Kusang umatras ang mga paa ko, ngunit kasabay noon ang mabagal niyang paglapit. Bawat hakbang niya ay parang tambol na kumakatok sa dibdib ko. “Are you hiding from me?” he asked coldly. Nilunok ko ang namuong kaba sa lalamunan ko at pinilit salubungin ang tingin niya. “Bakit naman kita pagtataguan?” "When you found out I was in the canteen, you suddenly left.” “Tinawag ako. May pasyente akong kailangang puntahan,” depensa ko. Ngumisi siya. “Really?” Hindi pa ako nakakatugon nang bigla niyang hinawakan ang braso ko. “Okay let's go!" Sabay hawak niya sa braso ko. “Teka? Saan mo ako dadalhin?" tanong ko. Hindi siya sumagot. Basta na lamang niya ako hinila, tila wala siyang pakialam kung sino ang makakita. “Ryker, naka-duty ako ngayon," pakiusap ko. "So, the hell I care," malamig niyang tugon, walang kahit katiting na pag-aalinlangan. Patingin-tingin ako sa paligid habang hawak ni Ryker ang kamay ko. “Nurse Jillian!" Agad kong hinila ang kamay ko nang makita ko si Dr. Briones. "D-Dok. Bakit po?" Tiningnan niya si Ryker. “Did we meet before?" Tumango si Ryker. “Many times." Ah… Dok, may kailangan po kayo?” mabilis kong putol, takot na baka may masabi siyang hindi dapat marinig. “Yeah. May visa na kayo ng pamilya mo papuntang Singapore, at may tic—” “Dok,” mabilis kong singit, pilit na ngumiti. “Mamaya na lang po. Kailangan ko nang puntahan ang pasyente sa Room 212.” Sandaling nagtataka ang kanyang tingin, ngunit tumango rin siya. “Alright.” Nang makaalis si Dr. Briones , walang babala, hinawakan muli ni Ryker ang braso ko at tuluyang hinila palabas ng ospital. “Ano bang kailangan mo sa akin?" tanong ko nang nasa labas ng ospital. He looked at me. “Who was the man you were with earlier?” Nakahinga ako nang maluwag nang hindi niya tinanong ang napag-usapan namin ni Dr. Briones. “Si Nurse Archie? Bakit mo tinatanong?" He smirked slightly, but his eyes remained cold. “You seem to have forgotten our agreement.“ Mariin akong napalunok. “Hindi ko nakakalimutan ang kasunduan natin.” Lumapit siya nang kaunti, sapat upang maramdaman ko ang init ng kanyang hininga, ngunit nanatiling malamig ang kanyang presensya. “If that’s the case, stop flirting with other men. You belong to me now. I don’t want to catch any disease.” Itinaas ko ang baba ko, pilit pinatatag ang sarili . “Huwag kang mag'-alala hindi ko dudumihan ang pangalan mo." "Mabuti kung gano'n." Dahan-dahan niyang binitawan ang braso ko, parang wala lang ang lahat. Pagkatapos, tumalikod siya at iniwan akong nakatayo roon, mag-isa, habang muli siyang naglakad pabalik sa loob ng ospital **** Hindi makapaniwala ang Nanay ko nang ibigay ko sa kanya ang passport at plane ticket namin papuntang Singapore. Para siyang nanlalamig, halos hindi maunawaan ang nangyayari sa harap niya. Ang mga mata niya’y naglalaro sa pagitan ng pagkabigla at pag-aalala, habang ang hangin mula sa bintana ay tila nagdadala ng lamig sa tahimik na sala. “Anak… totoo ba ito? Pupunta tayo sa Singapore para ipagamot si Tatay mo?” tanong ni Nanay, may halong pagkabigla at kaba sa tinig niya. Nasa sofa kami, nakaupo sa maginhawang kutson, at tahimik ang paligid maliban sa banayad na hangin. Tumango ako at ngumiti, kahit nangingilid ang luha. “Magsimula na po kayong mag-impake. Huwag ninyong kalimutan ang gamit ni Tatay,” sabi ko, pilit pinananatili ang matatag na tinig. “Jillian… inubos mo ba ang ipon mo para makapunta tayo doon?” muli niyang tanong, halos hindi makapaniwala. Ngumiti ako at bahagyang napabuntong-hininga. “Basta para kay Tatay.” “Anak… hindi natin kakayanin ang gastusin doon,” malungkot niyang saad, halata ang kaba sa tinig niya. Hinawakan ko ang kamay niya, pinipilit maging matatag. “Ilang beses ko na bang sinabi sa inyo na ako na ang bahala sa lahat ng gastusin? Ang kailangan ninyong gawin ay magpalakas at alagaan si Tatay. Sasamahan ko lang kayo sa Singapore ng dalawang linggo. Pagkatapos, babalik rin ako sa Pilipinas para magtrabaho.” “S-sobra na ang sakripisyo mo sa amin,” bulong niya, halos lumuha. Hinawakan ko ang balikat niya at hinimas ng malumanay. “Lahat ng ito ay para sa inyo. Hindi magiging masaya ang buhay ko kung wala kayo. Kaya kailangan mong maging matatag para kay Tatay.” Pinunasan niya ang luha sa pisngi at ngumiti ng bahagya. “Oo, anak… Pag-uwi namin, tiyak na magaling na ang tatay mo.” Ngumiti ako, pilit pinipigilan ang kaba sa dibdib. “Kailangan ko nang pumasok sa trabaho.” “Hindi ka ba muna magpapahinga? Kakauwi mo lang galing sa duty mo sa ospital,” tanong niya, puno ng pag-aalala, habang ang mata niya ay parang paiyak na ng malakas. “Apat o limang oras lang naman ang trabaho ko. Babalik ako bago mag-alauna ng madaling araw,” sagot ko. “Hindi ka na nakakatulog ng maayos… Baka ikaw naman ang magkasakit,” malungkot niyang saad, at bahagya niyang hinawakan ang aking braso sa pag-aalala. “Nay, huwag nyo akong intindihin. Huwag nyong kalimutan gisingin si Tatay mamaya para uminom ng gamot,” sagot ko, habang inilalapit ang sarili ko sa kanya para iparamdam ang katiyakan. “Oo, mag-ingat ka,” bulong niya, habang pinipisil ang aking kamay bago ako tuluyang umalis. Paglabas ko ng bahay, agad kong tinawagan si Ryker. “Why are you calling?” tanong niya, may halong kuryosidad at aliw sa boses. “Puwede ba tayong magkita?” sagot ko, bahagyang nanginginig ang tinig, pero determinado. I heard his laugh on the other end. “Don’t tell me you miss me?" “Please… may gusto lang akong sabihin sa’yo,” sagot ko, pilit pinananatili ang kontrol sa boses. “Okay, let’s meet at the Alder Heights Hotel,” sagot niya, at sa tono ng boses niya, ramdam ko ang ngiti. “Thank you!” putol ko ang tawag, at ramdam ko ang t***k ng puso ko na tila tumatalon sa bawat segundo. Habang naglalakad ako papunta sa taxi, huminga ako ng malalim, iniisip ang darating na dalawang linggo. Dalawang linggo na puno ng pag-asa, takot, ngunit higit sa lahat, para sa kaligtasan ni Tatay. *** Ilang ulit akong huminga nang malalim habang nakaupo sa malambot na sofa sa lobby ng Alder Height Hotel. Pakiramdam ko’y bawat segundo ay may bigat na nakadagan sa dibdib ko. Tinawagan muna ng information si Ryker bago ako pinayagang umakyat sa silid niya, parang kahit ang simpleng paglapit sa kanya ay kailangan ko pang pagpaalaman. “Ma’am Jillian!” Napabalikwas ako sa pagkakaupo nang marinig ang pangalan ko. Agad akong tumayo at lumapit sa information desk. “Yes?” mahinahon kong sagot, kahit ang totoo’y kinakabahan ako. Ngumiti ang babae at iniabot ang key card. “Puwede na po kayong pumunta sa Room 001. Nasa third floor po.” “Thank you,” tugon ko at pilit na ngumiti. Mabagal ang bawat hakbang ko papunta sa elevator. Sa loob nito, tanging mahinang ugong ng makina ang naririnig ko. At ang malakas na t***k ng puso ko. Pagbukas ko ng silid, wala si Ryker. Ngunit agad kong napansin ang pagkaing nakahain sa mesa. Mainit pa ang sabaw. Maayos ang pagkakaplatito ng mga ulam. Marahil ay ipinahanda niya ito nang malaman niyang nasa hotel na ako. Tinawagan ko siya. “Where are you? Nandito na ako.” “Just wait for me. By the way, I sent some food. Eat while you’re waiting for me.” “Sige, salamat.” Pagkababa ko ng telepono, tahimik akong kumain. Wala akong gana, ngunit pinilit ko ang sarili ko. Binuksan ko rin ang malaking telebisyon para kahit paano’y may ingay na pumuno sa katahimikan. Isang oras. Dalawa. Tatlo. Wala pa rin siya. Muli ko siyang tinawagan, ngunit hindi niya sinagot ang tawag ko. “Pupunta pa kaya siya?” bulong ko sa sarili. Sa kakahintay, hindi ko namalayang nakatulog ako sa sofa. “Jillian!” Naalimpungatan ako sa malakas na boses. Kinusot ko ang mga mata ko at tumingala. “Ryker… kanina ka pa?” Mabilis kong inayos ang magulo kong buhok. Nakasimangot siya habang pinagmamasdan ang paligid. Doon ko lang napansin ang mga pinagkainan sa mesa. Tumayo ako agad. “Sorry! Nakatulog ako. Napagod kasi ako kanina sa—” “I don’t need your explanation,” malamig niyang putol. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Yumuko ako. “Okay.” “Why did you want to talk to me?” His gaze was sharp. Huminga ako nang malalim bago nagsalita. “Puwede ba akong mag-extend ng two weeks kasama ang pamilya ko? Pangako, pagkatapos no’n, sasama na ako sa’yo.” His eyebrows furrowed. “And why do you need to extend?” “Kailangan kong samahan ang mga magulang ko sa Singapore. Doon ko ipapagamot si Tatay.” “What if I don’t want to?” Parang may pumisil sa puso ko. “Nakikiusap ako sa’yo. Pagbigyan mo na ako.” “You know what we agreed on, don’t you?” Tumango ako. “Hindi ko nakakalimutan. Pero kailangan ko talagang samahan si Tatay. Pakiusap… kahit ano ang ipagawa mo sa akin, gagawin ko.” Bahagyang umangat ang sulok ng labi niya. “Really?Anything?” Hindi siya ngumiti. Mas nakakatakot ang paraan ng pagtitig niya na parang sinusukat kung hanggang saan ko kakayanin. “Oo,” sagot ko, kahit nanginginig ang boses ko. “Gagawin ko ang lahat.” Tahimik siya sandali. Pagkatapos ay marahan siyang tumawa. Hindi malakas. Hindi masaya. Isang maikling tawang puno ng panlalait. “You know what I want from you, Jillian?” He stepped closer, his pace slow, like a predator approaching a trapped prey. “Not your obedience. I want to see how far you’re willing to lower yourself for your family.” Parang may malamig na kamay na humawak sa batok ko. “I have two conditions,” he said, almost in a whisper. “Ano ’yon?” Halos hindi ko marinig ang sarili kong tinig. Hindi siya agad sumagot. Sa halip, umupo siya sa sofa at marahang inangat ang isang paa, parang hari na naghihintay pagsilbihan. “Kneel dow and suck me.” Nanigas ang katawan ko. “Ryker..." “Kneel, Jillian,” he repeated, his tone colder. “If you really love your father.” Parang may kutsilyong pumasok sa dibdib ko sa pagbanggit niya kay Tatay. Dahan-dahan akong lumuhod. Ngumiti siya, isang ngiting hindi umaabot sa mga mata. “Good girl.” Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa. Hindi pagnanasa ang nasa mga mata niya. Kontrol. Pagmamay-ari. “Do you know why I made you wait for three hours?” he asked. Hindi ako sumagot. “To remind you who needs whom more.” Naramdaman ko ang init ng kahihiyan sa pisngi ko. “Kiss my feet,” he ordered. Nang hindi ako agad gumalaw, yumuko siya at hinawakan ang baba ko, pilit na itinataas ang mukha ko para magtama ang mga mata namin. “I want to see your face while you do this,” he whispered. “I want you to remember who gave you permission to save your father.” Tumulo ang luha ko. “Ryker… pakiusap…” “I’m not interested in your begging.” His face went stern. “That choice is owed to me. And for every second of the extension you’re asking for… you’ll have to pay.” Dahan-dahan kong tinanggal ang sapatos niya. Pakiramdam ko’y bawat galaw ko ay may katumbas na pagkapunit ng dignidad ko. Tahimik siyang nakatingin. Nang idikit ko ang mga labi ko sa paa niya, narinig ko ang mahina niyang buntong-hininga. Hindi sa kasiyahan, kundi sa tagumpay. “That’s my girl,” he whispered, a dark smile on his lips. “Remember this night. Because every time you even think of defying me… you’ll remember exactly how insignificant you are to me.” Para akong nilunod ng mga salita niya. “Now, suck me!" Hinubad niya ang suot niyang pantalon hanggang sa brief na lang ang natira. “Hindi ko kaya..." He glared at me sharply. “That kiss you gave my feet won’t mean a thing if you don’t follow my second condition.” Mariin akong pumikit. “G-gagawin ko na." Tinali ko ang buhok ko at muli akong lumuhod sa harap niya. “So obedient, yet still full of drama,” he remarked with a smirk. Alam kong hindi iyon ang huling beses na ipaparamdam niya sa akin kung gaano siya kalakas at kung gaano ako kahina. At sa sandaling iyon, pakiramdam ko’y tuluyan nang nadurog ang natitira kong pagkatao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD