2

1444 Words
Kasalukuyan kaming naglalakad-takbo ni Lea patungong klase namin dahil late na kami. Kung bakit naman kasi tinanghali kami ng gising.  Nang makarating sa tapat ng aming room ay inayos namin ang mga sarili bago bumati sa instructor naming nakatalikod sa gawi namin.  "Good morning, lates. Please take your seats." biglang bati niya bago humarap sa amin na may blankong ekspresyon! "Tatayo na lang ba kayo dʼyan?"  "H-Hindi po, ser! Tara na, Thaddia." sagot ni Lea at hinila ako papasok at naupo sa dulong bahagi.  Napayuko naman ako at abot-abot ang hiyang nararamdaman sa mga oras na 'to. Totoo ngang siya ang papalit pansamantala kay ser Felier Altafranco-wait,  Nilingon ko si Lea at bumulong. "Altafranco ang engineer na 'yan, Lea?!"  "Oo, 'no. Kapatid ni ser Felier Altafranco 'yan, e. Nahihiya ka 'no? Pft."  "Gaga!"  "Yes Miss Montefeltro?" tawag ni ser sa surname ko nang biglaan.  "Ho?"  Naglakad ito sa direksyon ko na may blankong tingin at may matikas na tindig bago itinuon ang matipunong kamao sa aking armchair. "Ang galing-galing mong tumira kahapon, ngayon hindi ka makasagot sa tanong ko?"  Napakagat naman ako sa pang-ibabang labi ko at tumungo.  "A-Ano bang tanong mo, ser?"  "Anong score mo kahapon? Hindi baʼt sabi mo...knock out?" nakangisi niya nang tanong.  "Sorry, ser."  Umalis ito sa harapan ko at naglakad pabalik sa unahan ngunit sa akin pa rin ang blangko niyang tingin. "What are the ethics of an engineer, again miss Montefeltro?"  Ethics daw?  Tumayo ako nang tuwid at buong kumpyansang sumagot. "Ethics, ser?" pag-uulit ko. Kumunot naman ang noo niya.  "Yes. What are the ethics of an engineer?"  "Ethics. Hmm, ethics kapag plural form ng mga ethic. Sa english po ay ducks!"  "BWAHAHAHAHHAHAHAHAHAHA!"  "Silence!"  Agad nagsitahimikan ang mga kaklase ko sa malakas nilang pagtawa. Pati si Lea ay nakisabay din. Nang lingunin ko si ser ay nagngangalit na ang kanyang itsura pero nakukuha niya pa ring maging kalmado. Kalmadong may ekspresyong blangko.  "Hindi ako nakikipaglaro, Montefeltro."  "E, ser. Paano ho 'yan-player ako kaya nakikipaglaro ako-"  Hinampas nito ang teacherʼs table dahilan para mapatigil ako sa pagsasalita at mapapikit nang bahagya. Natigil din sa pag-iingay ang mga kaklase kong tuwang-tuwa sa napapanood na salpukan namin ni ser engineer!  "Sasagot ka nang maayos o hindi ka na makaka-attend pa sa klaseng ito?"malamig niyang tanong.  Napangiwi naman ako. "E-Engineering ethics. Engineering has a direct and vital impact of quality of life for all people." pambibitin ko at huminga bago nagpatuloy. "Accordingly, the services provided by engineers require honesty, impartiality, fairness and equity and must be dedicated to the protection of public health, safety and welfare."  Ngumisi ito matapos kong sumagot. Uupo na sana ako nang pigilan niya ako. "Pinaupo na ba kita?" tanong niya.  "Wala ka din naman ho sinabing hindi ako maupo, ser?" sarcastic kong balik na sagot.  "Wala ka bang galang, ha? Bakit ganyan mo akong sagutin?"  "Hindi ka naman ser nanliligaw-bakit kita sasagutin?"  Isang malakas na hampas sa table niya na naman ang nagpatahimik sa buong klase. "Go to the deanʼs office later, Miss Montefeltro. Mag-uusap tayo." mariing niyang sambit.  Maangas ko itong tinanguan. "Sige, ser." sagot ko bago naupo.  Siniko ako ni Lea kaya nabaling dito ang tingin ko. "Gaga mo, Thaddia! Baka instructor natin 'yan?!"  "Sus."  "Quiet!"  "Oho!" sagot ko sa pananaway niya at umirap nang palihim.  "Tang*ina mo, girl a. Pft!"  Nginiwian ko lang si Lea bago sumandal sa aking upuan at magka-krus ang mga brasong nakinig sa mga itinuturo niya.  Kinuha ko din ang pagkakataong iyon para pag-aralan ang kabuuan niya. Maputi pero mamulala ang balat, ah mistiso. Matikas ang tindig ng pangangatawan. Halatang alagang-alaga sa gym equipments. At, hmm. Gwapo! Naamoy ko din ang pabango niya kanina nang lapitan niya ako, e.  Kung ibang babae, baka kinilig at nagtititili na dahil sa presensya niya pero hindi ako. Hindi muna ako.  Altafranco. Ang instructor talaga namin ay ang isang Altafranco. Ngayon ko lang nalaman na may kapatid pala si ser Felier Brix. At gwapo din, a.  Sarap siguro malahian nila? Tang*na, Thaddia aso lang?!  Binura ko na sa isipan ko iyon at nakinig na lamang sa kanyang gwapong boses.  -- Nang matapos ang klase ay agad akong nagpunta sa deanʼs office na sinasabi ni ser Eldritch. Laki ng galit sa akin porque hindi matanggap na knock-out siya kahapon.  Pagkapasok na pagkapasok ko ay bumati ako kay dean Hellie. "Good morning, ho dean."  Iminuwestra niya ang isang upuan sa akin at buong puso ko naman iyong tinanggap dahil nakakapagod ang maglakad papunta dito.  "Iʼve heard what happened yesterday and now Miss Montefeltro. Mind telling me why did that happened?" tanong ni dean sa ma-awtoridad na tono.  Tumingin ako kay ser Eldritch na nakamasid sa akin na may blangkong ekspresyon.  "Iyong kahapon dean, aksidente. Aksidenteng tinamaan ng pinalo kong bola at sapul sa ulo niya kaya nawalan ng ulirat. Iyong kanina naman ho dean-"  "Ay insidente na?" tuloy ni ser Eldritch. "Tell me, miss Montefeltro...ayaw mo ba saʼkin, ha?"  Nanlaki ang mga mata ko at napasinghap ng hangin dahil sa itinanong nito sa akin. "A-Ano ho?" maang-maangan kong tanong. Sino ba namang aayaw sa kanya bilang instructor dahil sa taglay niyang kagwapuhan at kakisigan?! Ang sakin lang naman, ginawa ko lamang iyong kanina sa kanya dahil nahihiya ako ng sobra-sobra!  Sa sobrang sobra-nakakamura like tang*na!  Kung ano-ano pa namang isinigaw ko sa kanya kahapon noong papaalis siya sa clinic tapos malalaman ko na instructor ko pala siya!  Kahit naman tarantada at gaga ako, may hiya pa namang natitira sa katawan ko, ano.  "Hindi, ah. Dean, hindi po sa hindi ko siya gusto-"  "Eh ano kung ganoʼn?"  "N-Nahihiya lang," sagot ko at tumungo.  Narinig ko ang matunog nitong pagngisi kaya muli akong nag-angat sa kanya ng tingin. "May hiya ka naman pala, Miss Montefeltro. Anyways, I am formally introducing myself to you. Eldritch Lawrence Altafranco, your temporary instructor." pakilala niya at inilahad ang kamay sa akin.  Tinitigan ko muna iyon bago marahang tinanggap. "Thaddia Valere Montefeltro, s-ser." pakilala ko din. Parang may kuryenteng dumaloy sa aming mga palad nang sandaling maglapat ang mga iyon. At aaminin kong ang sarap hawakan ng kamay niya. Mainit at malambot.  "So...weʼre settled now Mr. Altafranco?" tanong ni dean at tumingin kay ser. "Miss Montefeltro?" tanong niya din sa akin.  Sasagot na sana ako nang magsalita si ser Eldritch. "Kamay ko, Miss Montefeltro."  Agad ko namang binitiwan ang kamay niya at humingi ng paumanhin. "Sorry,"  Hindi siya ngumiti. Tumango lang ito bago sumipat sa rolex niyang relo. "Excuse me, may klase na ako. Dean, Miss Montefeltro." paalam niya at matikas na tumayo at naglakad palabas.  Humarap naman ako kay dean at nagpaalam na din. May klase pa ako sa material science and engineering, e.  "Sige," sagot ni dean.  Agad naman din akong lumabas ng deanʼs office. Inilibot ko pa ang aking mga mata sa mainit na kapaligiran, umaasang makikita si ser Eldritch pero wala na. Humakbang na ako palikod at handa ng tumakbo pabalik sa klase ko nang mabunggo sa matitipunong dibdib ng isang lalaki!  Laking gulat ko nang mapagtantong si ser Eldritch pala iyon!  "S-Ser Eldritch!"  "Tsk, tsk. Nakakailan ka na, Thaddia."  Napaayos ako ng tayo. "Sorry ulit ser."  "Tsk. Go back to your class now." malamig na utos niya bago ako nilampasan at bumalik sa loob ng deanʼs office. Siguro may nakalimuta kaya bumalik.  "Tang*na naman din, Thaddia. Konting-konti na lang mahahalata na niyang may tama ka doʼn!" bulong ko sa sarili bago umiling at naglakad pabalik sa aking klase.  Nang makaupo sa aking silya ay agad akong tinanong ni Lea. "Oh, ano daw punishment saʼyo?"  Sumandal lang ako sa aking upuan at hindi siya sinagot. Walang kwenta.  "Oy, ano kase!" pangungulit pa niya.  "Wala okay?!"  "Tang*na, Thaddia. E, ano lang sinabi saʼyo doʼn?"  Napapikit ako nang mariin bago siya tignan na may salubong ang kilay! "Kung ayaw ko ba daw kay ser Eldritch Altafranco?!" sagot sa nagpipigil ng inis!  Hindi kasi talaga siya titigil hanggaʼt hindi nalalaman ang mga bagy-bagay, eh. Kulang na lang pati pagtae ko, alamin niya din.  "Anong sagot mo?"  "Hindi,"  "Iyon na 'yon?! Boring, tang*na Thaddia a."  Sinamaan ko siya ng tingin. Gaga, amputek. Gusto pa yata mapatawan akong parusa-sa deanʼs office kami nagpunta ha?!  "Tigilan mo na nga ako, Lea. Hindi ko sinabing gusto ko si Ser Eldritch!" pag-uulit ko bago soya nginisihan. "Gustong-gusto lang." dadag ko at ngumiti na para bang kinikilig.  Ngumiti naman siya nang malawak bago kinain ang buhok. "T-Talaga?! Yieeee! Sabi ko na, magkakagusto ka din doon, e!"  Paniwalang-paniwala ang tanga.  "Wala kang sinabi , gaga." 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD