3

1154 Words
"Good morning, students."  Agad naman kaming nagsitayuan upang bumati pabalik kay ser Eldritch na may hawak na folder at seryosong nakatitig doon.  "Good morning, Ser Eldritch!"  "You may sit."  Nang makaupo kami sa kanya-kanyang upuan ay hindi ko pa rin magawang alisin sa gwapong mukha at matikas niyang tindig ang aking mga mata. Tang*na, para akong nahi-hipnotismo.  "Staring is rude, Miss Thaddia."  Napaiwas agad ako ng tingin at nagbasa kunwari ng aking syllabus. Paano naman niya nakitang ako lang ang nakatitig sa kanya?!  "So, Miss Montefeltro what are the responsibilities of an engineer?" tanong niya agad sa akin matapos ipatong ang folder sa desk niya at magka-krus ang mga kamay na naglakad nang matikas patungo na naman sa direksyon suot ang blankong tingin.  Bakit ako na naman inuna niya?! Sa ganitong paaran niya yata ako gustong tirahin a!  Tumayo ako at overconfident na sumagot sa kanya.  "Responsibilities of an engineer like you, ser?" tanong ko. Ngumisi naman ako. "Responsibilities of an engineer like you is to take care of me."  "BWAHAHAHAHAHAHAHAHAH!"  Nagsalubong naman kilay niya sa isinagot ko. Pasensya naman kulang ako sa aruga kaya gusto ko ng mag-aalaga sa akin. Tang*na. Masama ba ang sinabi ko? Hindi 'yan.  "Gusto mo talagang makatikim, Thaddia?"  Napakagat ako sa aking labi. "Ng alin ba ang ipapatikim mo, Ser?"  "Damn it!"  Napasipol naman ako sa ginawa niyang pagmumura. At aaminin kong ang gwapo niya sa parteng iyon. Tang*na. Mas lalo tuloy akong ginaganahan asarin siya hanggang sa mag-request siyang iba na lang ang turuan niya.  Kinalabit ako ni Lea para lang samaan ng tingin. "Umayos ka nga. Teacher pa rin 'yan!" impit na pagalit niya. Inirapan ko lang siya at ibinalik ang tingin kay Ser Eldritch.  "Sorry, Ser. Sasagot na ako nang maayos,"  "Namumuro ka na, Thaddia."  Huminga ako nang malalim bago sumagot. "Responsibilities of an engineer during the engineering design process, responsibilities of an engineer may include defining problems, conducting and narrowing research, analyzing criteria, finding and analyzing solutions and making decisions. Much of an engineerʼs time is spent on researching, locating, applying and transferring information, Ser."  "Weʼll talk later, Thaddia." malamig niyang paalala bago ako tinalikuran at naglakad pauna. "Okay class, do page 128 to 137."  Naupo naman ako bago buklatin ng labag sa loob ang aking libro. "Sungit," bulong ko.  "Tang*na ka, girl. Palagi mo nang inaasar si Ser Eldritch!"  "Maghintay ka lang. Dahil aaraw-arawin ko pambu-bwiset ko sa kanya dito, Lea."  "Anong issue mo ba kay Ser, ah? Parang ang laki ng galit mo sa gwapong inhinyerong 'yan, a?"  Pumikit ako nang mariin at nang magmulat ay tinitigan si Lea. "Manahimik ka na." suway ko. Ang daldal kasi masyado.  "Nakakaloka ka Thaddia."  -- Kasalukuyan kaming naghahanap ng mapu-pwestuhan sa cafeteria. Halos puno na kasi. Hindi naman kami nahirapang makahanap ng mauupuan dahil mayroon malapit sa table nila ser Eldritch.  Ngiting-ngiti akong lumapit doon at inilpag ang tray ko. "Pwede maki-upo?" tanong ko. Kumunot naman ang noo ni ser Eldritch pero hindi nito nagawang umangal.  "Pagpasensyahan niyo na po si Thaddia, ser. May konti kasing sayad-aray!"  Kinurot ko kasi siya sa tagiliran at sinamaan ng tingin. Kainis.  Napansin ko ang kasama ni ser Eldritch na lalaking may hawig sa kanya at nakatingin lamang sa akin. Agad akong ngumiti dito bago nagpakilala. "Hi, Iʼm Thaddia Valere Montefeltro. Team captain ng Letran Volleyball Team." sabi ko bago inilahad ang kamay ko sa gawi niya.  Tumingin siya sa katabing si ser Eldritch at ngumisi bago tanggapin ang kamay ko. "Hi. Iʼm Grant Medley Altafranco." pakilala niya.  Natigilan ako. Altafranco din siya?  "Kaano-ano mo si ser?" tanong ni Lea.  "My brother." sagot niya. "Are you his student?"  Sasagot na sana ako nang makita ko ang mga mata ni ser Eldritch sa kamay namin ng kapatid na hindi pa bumibitaw. Kaya naman napakagat ako ng labi bago dahan-dahang tinanggal ang mga kamay namin.  "Oo, student niya kami ni Lea. And-sobrang natutuwa ako kapag nagtuturo na siya, hindi ba Lea?!"  "Ha? Ah, o-oo!"  Sumandal si ser Eldritch sa kinauupuan niya at blankong tumingin sa akin. "Yeah. Sa sobrang pagkatuwa niya, nabu-bwiset na ako." sagot nito.  Natawa si Grunt bago hindi makapaniwalang tumingin sa kapatid. "Mukha nga. Hahaha!" asar pa niya.  Nakita ko ang pasimpleng pagtitig ni Lea kay Grunt kaya siniko ko ito. "Anong tingin iyan, ha?"  "Gwapo, e."  Nagpatuloy kami sa pagku-kwentuhan kahit para kaming feeling close habang kumakain. Na-ikwento ni Grant na siya ang bunsong kapatid ni ser Feliere at Eldritch at lahat sila ay students pa rin naman. Magkakaiba lang ng kurso.  Si ser Feliere kasi na panganay ay isang architecture students. At dahil inilipat siya ng dean ng pansamantalang tuturuan dahil na rin sa kurso kaya pinalit si ser Eldritch na siya namang sumunod sa panganay. Saktong engineering student ito at nagkataong wala pa kaming instructor kay siya ang na-assign sa amin.  Ang lalaking kasama naman namin ngayon na siyang bunso sa magkakapatid na Altafranco ay isang business management student. Hindi dito nag-aaral. Pero dahil may bagay na sinabi ito sa kapatid, at sila lamang ang nakakaalam kaya siya pumunta dito.  Kung titingnan, hindi mapagkakamalang bunso si Grant e. Mas mukha pa kasi siyang mature kay ser Eldritch. Masayahin kasing tingnan si Grant. Bukod sa ubod ng gwapo gaya ng mga kapatid, pare-pareho din silang may matitikas na pangangatawan at masasabing alaga ng gym equipments ang mga ito. Pagdating sa kulay, walang pagkakalayo-layo sa mga kapatid. Lalo na si ser Eldritch. Kutis modelo kasi.  "Sorry, but I have to go. Thaddia, Lea? Thanks."  "Sure! Hehe. Ingat, a?" sagot ni Lea at nagpa-cute.  Tang*na, ang landi.  Bago umalis si Grant ay may binulong ito sa kapatid at tinapik sa balikat bago humarap sa amin ni Lea. "See you," paalam niya at isinakbit ang blazer ng uniform niya sa balikat at naglakad na palayo.  Kita ko kung paanong nagsilingunan ang mga kababaihan dito sa cafeteria nang sandaling naglakad ang kapatid ni ser Eldritch palabas. Napangiwi pa ako nang magbulungan ang mga ito at impit na tumili.  Tang*na, ang harot.  "May klase pa kayo, hindi ba?"  Nabaling kay ser Eldritch ang aming atensyon nang magsalita ito. "Opo," sagot ni Lea at akmang hihilahin na ako patayo nang magsalita muli si ser Eldritch.  "You can go, Lea Andrada. May pag-uusapan pa kami ni Thaddia."  Napatanga ako sa kanya. Anong pag-uusapan?! Dahil ba doon sa kanina? Napaka-pikon naman niya kung pati iyong pang-aasar ko ay dinadamdam niya pa!  "Ah, sige ser." sagot ni Lea at bumulong sa akin. "Tang*na, girl. Ge, mang-asar ka pa!" asar niya bago dinampot ang bag at naglakad paalis.  Napahinga ako bago ngumiti kay ser. "Ser pasensya na-"  "Letʼs go."  Tumayo ito sa upuan niya at dinampot ang bag kung saan laptop ang nakalagay bago naunang maglakad. Nginiwian ko lang siya bago uminom ng tubig sa huling pagkakataon at tumayo na din upang sumunod sa kanya.  Saan kaya ako nito titirahin-I mean dadalhin. Tang*nang utak 'yan, Thaddia. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD