Tumigil ang sasakyan namin sa isang lugar. God knows kung saang lupalop ito ng Laguna. Tiningnan ko si ser Eldritch. Nakatanaw lang siya ng diretso sa windshield ng sasakyan kaya napakunot ang noo ko.
"Ser, ano bang pag-uusapan natin at kailangan dito pa sa sasakyan mo?" naguguluhan kong tanong.
Maraming spot sa Letran na pwedeng puntahan para kami ay makapag-usap. Iba din ang hilig ni ser. Masyadong wild, a. Talk daw, o. Baka talk-aan?
Tang*nang utak mo, Thaddia!
Hindi lumilingon, nagsalita siya. "Can you atleast treat me nice when we are inside the classroom, Thaddia? Letʼs be professional."
Ano daw?
"Ser-"
"Eldritch. You used to call me with that name." pagtatama niya sa pagtawag ko. Napangisi ako dahil doon. "Thaddia,"
"Alam mo ser, professional ako. Baka ikaw lang ang hindi? Kase biruin mo ah? Unang pagtuturo mo, dinala mo ako sa deanʼs office? Ganyan ba ang professional?" nanunuya kong tanong.
Nag-iwas ito ng tingin.
"Youʼve change...a lot." sabi nito sa mahinang paraan pero dinig ko. Nanatili akong walang pakealam.
Ang blangkong ekspresyon niya noon ay nagkakaroon ng emosyon ngayon. Ang emosyong hindi niya ipinapakita sa maraming tao kundi sa akin lang.
"Paanong pagbabago, ser? Saang banda?" walang gana kong tanong dito. Tumitig ito sa akin nang malalim. Ang titig na kahit sinong babae ay mahihigop niya kapag tinitigan. Pero walang epekto sa akin.
Oo, aaminin kong nakaramdam ako ng paghi-hipnotismo dahil sa taglay niyang kakisigan at tikas, bukod doon wala na.
"Damn, Thaddia. Why so different?"
Tang*na pala neto. Ako pa daw ang kakaiba? Siya kaya itong ilabas ang student niya sa campus para lang kausapin? Kung hindi ba naman siya isaʼt-kalahating tanga-paano kung ma-issue kami?
"Ser, bumalik na tayo sa campus. May training ako ng volleyball, e." iwas-tingin kong sambit. "Huwag ho kayong mag-alala. Hindi na kita sasagutin sa klase." nakangisi kong turan bago ibinaling sa labas ng sasakyan ng tingin.
Doon ko lang napagmasdan ang tinigilan namin. Tang*na, nasa pantalan pala kami dito sa aplaya. Daungan ng mga sasakyang pandagat.
Ibang nais, ser. Romantic a.
"Letʼs eat first." untag niya dahilan para mabalik sa kanya ang aking paningin. "Hindi mo naubos ang pagkain mo kanina dahil masyado kang abala sa kakatitig kay Grant, Thaddia." dagdag pa niya.
"Busog pa ako,"
"No, youʼre not."
Nagsalubong ang kilay ko. "Marunong ka pa, ser. Ang sabihin mo-gusto mo lang akong i-date!"
"Tsk. So high-handed, Thaddia."malamig niyang turan bago kumambyo at pinatakbo ang sasakyan. "Saan mo ba gustong kumain?" tanong nito habang nagmamaneho.
Nginiwian ko lang siya at hindi sumagot. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. Umirap ako sa hangin bago napagpasyahang sumagot. "Jollibee na lang para masaya."
Wala pang isang segundo ay sumilay ang ngisi sa mapupula niyang labi. Nag-iwas ako ng tingin. Ang gwapo niya kasi masyado, idagdag pa na nakatupi ang sleeves ng kanyang puting polo upang malantad ang rolex niyang relo habang nakahawak sa manibela.
Tang*na sa kagwapuhan at lakas ng dating.
--
Isusubo na sana ang chicken nang magsalita si ser Eldritch. "How do you find my brothers?" walang emosyong tanong niya.
"Huh?"
Pinasingkit nito ang mapupungay ng mga mata bago inulit ang tanong.
"How do you find my brothers?"
Ibinaba ko ang manok at pinunasan ang aking mga kamay gamit ang tissue. Inisip at vinisualized ko pa sina Feliere Brix at Grant Medley sa aking utak. Bukod kasi sa magkakasunod ang mga letra ng name nilang tatlo-gwapo. E for Eldritch. F for Feliere Brix. G for Grant Medley.
"'Yong mga kapatid mo, ser? Mga gwapo. Mabango. Mukhang matatalino at gwapo pero hindi babaero. Iyon ang tingin ko sa mga kapatid mo. Ikaw ser?"sagot ko at ipinatong ang mga braso ko sa ibabaw ng table at diretsong tumitig sa kanya. "Gusto din bang sabihin ko kung anong tingin ko saʼyo?"
Nag-iwas naman ito ng tingin kaya napangisi ako.
"Finish your food,"
Ngumiti naman ako nang malawak sa kanya bago nagpatuloy sa pagkain. Iniisip ko tuloy na na-offend siya sa tinanong ko pero wala sa bokabularyo ang salitang simpatya kaya sorry siya.
Matapos kong kumain ay bumalik na kami sa campus. Napansin ko ding hindi na siya nagsasalita mula nang huling pag-uusap namin. Kahit sa byahe ay tahimik siya. Bumalik ang ser Eldritch na walang emosyon at blankong tumingin.
Napailing na lamang ako sa inasta niya. Mahina pala 'to sa question and answer portion, e. Biruin mo, simpleng tanong ko-ang isinagot finish your food?
Tang*na. Playing safe si ser.
"Una na ako ser. May klase pa ako sa biology, e. Salamat sa treat!" paalam ko at nagtatakbo palayo dito at dumiretso sa klase ko.
Naabutan ko si Lea na may naniningkit na mga matang nakaabang sa akin habang nakaupo. "Isang malupit na storya, Thaddia. Bilis!"bungad niya nang makaupo ako sa tabi niya.
Nakita ko ang ginawang paglingon sa akin ng mga kaklase namin. At dahil dakila akong maangas na may halong kademonyohan, tinaasan ko sila ng kilay.
"Tingin niyo, oy."
Nagsi-iwasan naman sila ng tingin.
"O, anong catch?! Yie, mukhang gusto ka ni ser engineer a!"
"Kilabutan ka nga, tanga."
Kinuha ko na lamang sa aking bag ang aking notes at nag-aral. Ugali pa naman ng biology teacher namin na magpa-surprise quiz!
"Mag-aral ka na, Lea. Wala kang maririnig sa akin."
"Ang damot mo! Shipper kaya ako! Team Eltha! Eldritch and Thaddi=Eltha!" impit niyang tili at nakuha pang ako ay yakapin.
Tang*na ang pota.
"Tumigil ka nga, Lea." suway ko. "Kapag ako ay hindi nakapag-aral nang ayos at nagpa-surprise quiz-surprise score din ang ibibigay ko doʼn!"
Napanguso ito bago kumalas sa katawan ko.
"Mamaya ah! Yie!"
Hindi ko na siya pinansin bagkus ay nag-aral na lang para sa susunod na klase. Paganto-ganto lang kami, pero hindi sa pagmamayabang marami na akong nakuhang parangal. Marami na din akong naipasok na parangal dito sa Letran. Mula sa academics, extra-curricular at sports. Sports na hindi naman pangmalawakang laban.
Ilang sandali pa ay dumating na ang aming instructor sa material science and engineering at gaya nga ng sinabi ko, mahilig siyang magpa-surprise quiz kaya ngayon, angalan ang mga mahahaderang kababaihan dahil hindi nakapag-aral.
Napailing na lamang ako sa dahilan nila.
"Enumeration! Number 1!"
--
Kinahapunan ay natapos na ang klase. Nagsiuwian na ang mga estudyante maliban sa mga players ng basketball at volleyball. May training kami. Walang tigil na training para sa paghahanda ng aming school para sa gaganaping laro. At dahil pursegido ang team namin na maiuwi ang tagumpay, todo sikap kami sa pagsasanay.
Ilang beses na din kasing natalo ang Letran sa larangan ng larong volleyball. Madalas ay hindi nakakaabot ng championship dahil sa galing ng mga kalaban.
Kung tutuusin, ang mangyayaring laro tatlong linggo mula ngayon ay ang kauna-unahang laro na lalabanan ng Letran na ako ang team captain.
Dalawang taon pa lang naman kasi ako bilang team captain ng aming koponan at noong lumaban kami sa ibang University dito rin Laguna ay ako ang itinanghal na MVP at kalaunan ay ginawang team captain dahil sa taglay na katangian galing at husay, puna 'yan ni coach at ng iba kaya ganoʼn!
"Players, warm up!" sigaw ni coach sa amin.
Ibinaba namin ni Lea ang mga gamit sa bleachers at dumulog sa ibang manlalarong nagwa-warm up na din.
Matapos ang warm-up ay muli kaming tinawag ni coach upang pahanayin at isa-isang patirahin sa bola.
"Okay, good! Andrada! Next!"
Si Lea naman tumira sa bola. Sinadya pa ni coach na sa gilid patamaain ang bola upang maghabol si Lea at kahanga-hangang nagawa niyang gumulong para lang huwag lumapat ang bola sa lupa.
"Very good, Andrada! Montefeltro, ready!"
Agad ko namang ihinanda ang sarili para sa gagawing palo ni coach. Minsan pa naman, kapag ako na ang titira sa bola sinasadya niyang kapusin ang distansya ko mula sa bola para gumulong ako ako sa sahig at saluhin ang bola.
Wala, e ganyan talaga. Kailangang gumapang at gumulong para hindi masayang ang effort ng iba.
In-spiked ni coach ang bola at dahil alerto ako, mabilis ko iyong tinira pabalik. Napangisi si coach dahil doon.
"Mahusay, Thaddia! Sunod! Andal!"
At nagtuloy-tuloy na hanggang sa matapos. Nagpasya si coach na hatiin ang players upang maglaro sa anyong nagsasanay. Gusto niya raw panoorin at pag-aralan ang bawat tira namin para mas makagawa ng unpredictable strategy at techniques.
Pumwesto ako sa gitna dahil sa tangkad ko, ako ang tinaguriang middle blocker.
Nang pumito si coach ay i-sinerve na ang bola. Dalawang tira hanggang sa makaabot sa akin ay in-spike ko ang bola patawid sa kabilang net na hindi naagapan ng aming kalaban. Ang ending kami ang nakapuntos.
Nasa amin ang bola. Umikot ang aming position. Kung kanina ay nasa gitna ako, nasa gilid na ako ngayon. Nang mapadako ang aking paningin sa bleacher, nasilayan ko si ser Eldritch na nanonood. Blankong tingin. Matikas na tindig at nagsusumigaw ang kagwapuhan habang nakasuksok ang parehong mga kamay sa bulsa ng itim na pants.
"THADDIA, WATCH OUT!"
"Huh-ouch!"
Naramdaman ko ang malakas na pagtama sa aking ulo ng bola dahilan para hindi agad ako makapag balanse ng tama mula sa aking kinalulugaran kaya ang ending, bumagsak ako sa sahig na maluha-luhang napahawak sa ulong tinamaan ng bola!
"Hala, girl!"
"Lagot ka Aileen Joy!"
"Montefeltro, ayos ka lang ba?!"
"Who hit the ball?! Damn it!"
Sa dinami-rami ng mga boses na narinig ko, isa lang nakakuha sa atensyon ko.
Eldritch?
Naramdaman ko ang pag-angat ko sa sahig at huli na para pigilan si ser na ibaba ako dahil buhat-buhat na niya ako at naglalakad ng mabilis.
"S-Ser...baka ma-issue tayo," alalang sabi ko kahit sobra akong nakakaramdam ng pagkahilo.
"Tsk. Thatʼs not the deal, Thaddia." inis nitong sagot.
Hindi na ako nag-abalang magsalita nang magsalita dahil umiikot talaga ng sobra ang mundo ko. Nakakahilo. Tang*na naman, oh.