5

1866 Words
"Ser, diyan na bahay ko. Salamat sa paghatid," turo ko sa bahay na may pulang tarangkahan.  Bababa na sana ako nang hawakan nito ang aking pulso. Tinitigan ko ang kamay niyang nakahawak doon bago binalik sa gwapong mukha niya. "Baket, ser? Me kelangan ka pa ba saʼkin o ako na ang kailangan mo?" nakangisi kong tanong.  Nagsalubong naman ang kilay niya.  "Pwede sa susunod, mag-ingat ka na? Look at you," walang emosyong turan niya. Nagdalawang isip naman ako kung sincere ba siya sa sinabi o hindi e.  Tinanggal ko ang kamay niyang nakapigil sa akin. Napangiwi pa ako nang maramdamang kumirot ang ulo ko. Tang*na.  "Ser, hindi maiiwasang masaktan sa isang laro. Kaya kahit pigilan at mag-ingat ako, kung masasaktan ako-masasaktan ako." may pagka-sarcastic kong sambit bago binuksan ang pinto ng sasakyan niya at bumaba. Tinap ko ang sasakyan niya tanda na pinapaalis na siya. "Salamat, ser!" sabi ko pa bago tuluyang pumasok sa tarangkahan ng aming bahay.  Nang makapasok sa loob nang bahay ay agad akong sinalubong ni yaya Panes para kuhanin ang dala kong bag.  "Anoʼt may benda ang ulo mo, Thaddia?!" tanong ni yaya Panes.  Dumiretso ako sa sofa at ihinilig ang batok sa headrest ng sofa namin bago sumagot nang nakapikit. "Nasampolan, ho e."  "Jusko ka namang bata ka, oo! O, e maayos ka na naman ba?!"  "Oo naman, yaya. Sila mom and dad?" tanong ko at nagmulat ng mga mata.  "Ay, sinamahan si Thanya sa shooting ngayon. Ang ama mo naman ay nagbu-book na ng ticket para sa kanila ng mommy niyoʼt may aasikasuhin sa Madrid."  Napaayos ako ng upo at naguguluhang tumingin kay yaya. "Aalis na naman sila?"  "Ay ano pa nga. Hayaan mo naʼt para naman sa inyong magkakapatid iyon, hija. O siya, i-akyat ko lang ang mga gamit mo sa kwarto mo,"  Tumango ako nang marahan. Napabuga naman ako ng hangin at muling napapikit.  May dalawa akong nakakabatang kapatid, pero isang taon lang ang mga agwat namin. Ako na si Thaddia Valere, ang panganay ay 20 years old, 3rd year college na may kursong engineering. Sumunod sa akin ay si Thanya Venere, 19 years old at may kursong culinary. Well, ang kapatid kong ito ay gumagawa na din ng sariling pangalan mliban sa pagluluto. Pati sa larangan ng media dahil kaliwaʼt-kanan ang offer sa kaniya ng mga networks dahil maganda ito at talented. Magaling pang umarte kaya hindi na ako magtataka na isang araw, siya na ang bagong mukhang makikita namin sa billboard sa may EDSA.  At ang bunso ay si Thalia Valene, 18 years old at may kursong architecture. Isa din namang freelance model ang bunso kong kapatid dahil sa taglay na kinis at kaputian. Tide lang? Well, ano pa bang aasahan ko? Maganda si mom. Gwapo si dad. Kaya ang supling-may magagandang mukha.  Tang*na, yabang ba? Sorry naman.  Matapos kong magpahinga ay nagpasya na akong umakyat sa aking silid upang makaligo. Kailangan ko ding mag-aral para sa oral recitation namin kay ser Eldritch.  Hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa niyang paglabas sa akin para lang kausapin. Seryoso ba siya? Dahil lang doon?  "Humanda ka ser bukas,"natatawa kong bulong sa sarili bago ibabad ang sarili sa tub. "Oral recitation tayong dalawa lang bukas."  -- "Miss Lea Andrada, give atleast 2 primary duties of an engineer,"  Tumayo si Lea nang maayos at professional bago sumagot kay ser Eldritch. "One of the primary duties of an engineer is to prepare plans with detailed drawings that include project specifications and cost estimates." bigkas niya. Huminga ito nang malalim bago muling sumagot. "Another is to design and execute engineering experiments to create workable solutions, ser."  "Good. Next, Montefeltro."  Tumayo naman ako at nakipagtitigan sa blangko niyang mata. Bakit kaya siya ganito? Kapag sa akin, palaging may diin ang pagtawag tapos hindi pa alphabetical!  Andrada si Lea-Montefeltro naman ako! Ang layo ng A sa M, tang*na. Trip na trip?  "Aside from what was mentioned duties-give atleast 2 duties and 1 main primary concern when creating a project of an engineer,"  Nginisihan ko siya bago maangas na sumagot. Kay Lea dalawa lang, akin tatlo? Ayos, a.  "Develop engineering calculations, diagrams and technical reports. Another, complete required technical and regulatory documents, ser. One of the primary concern when in a project is the estimate, which is the budget for the project to be build as well as the materials to be used and paymet for the labor, ser."  "Hmm, you study well."  "Siyempre, ser. Para saʼyo, ser. Pag-aaralan ko lahat. Lahat-lahat para naman kahit mimsan-ma-impress kita,"  Natigilan ito sa isinagot kong iyon. Wala naman akong pinapahiwatig kaya bakit ganito na lang siya mag-react? Ah, sapul.  "Excuse me?"  "Dadaan ka, ser?" nakangiti kong tanong.  Nag-igting ang panga nito at kita ko kung gaano siya nailang sa malalim kong pagtitig kaya naman binawi ko na ang pang-aasar ko.  "Joke, ser."  "Iʼm warning you, Thaddia."  "Well, ser...mas exciting kapag may warning." sabi ko pa. Nagsalubong na ang kilay niya kaya binawi ko ulit ang asar ko. "Joke ulit, ser. Ikaw naman masyadong seryoso. Talaga ba?"  Naramdaman ko ang ginawang paghawak sa kamay ko ni Lea. "Joke ulit, ser. Pasensya na." paumanhin ko bago naupo at tumitig sa unahan. Sinasadyang doon ako tumingin upang iwasan ang walang kasing lamig na titig ni ser sa gawi ko.  Ilang segundo pa siyang nanatili doon hanggang sa bumuga siya ng hangin at bumalik sa unahan para ipagpatuloy ang oral recitation.  Tang*na, nakahinga rin.  "Tanga mo, girl. 'Yong totoo? Malaki ba talaga ang galit mo kay ser Eldritch, ha?! Hugot na hugot ka masyado!"  "Manahimik ka nga, Lea. Natutuwa lang talaga ako kapag naaasar siya sa akin. Mas nakikita ko sa mas malapit ang gwapo niyang mukha at pulidong naaamoy ang manly scent niya." walang gana kong sagot dito.  Inilapit nito nang mas malapit ang mukha sa tenga ko. "Nga pala, tumawag sa akin si Amada-girl. Nagyaya nga sa bar mamaya dahil kakauwi niya lang daw. Ano, tara? Ang alam ko, invited din dalawa mong sisterets e!" bulong niya.  Tinaasan ko ito ng kilay at may pagtatakang tumingin sa kanya. "Bakit kasama sila Thanya at Thalia? At...kailan pa siya naka-uwe?" tanong ko.  Well, nakalimutan ko. Super duper close ko ang mga kapatid kong iyon to the point na pati pagba-bar, nagkakasundo. Walang husgahan, a. Ginagawa lang namin iyon kapag stress na sa school at kapag weekends lang!  Hindi walwal kung walwal.  "Para nga masaya! Sabado girl bukas. Walang pasok kaya gora na letski! And, hindi ko din naman alam na nakauwi na pala siya?" pamimilit niya pa.  Nag-isip ako nang ilang segundo. Lalo na ng sabihin nitong nag-yaya si Amada. Ang alam ko kasi nasa Madrid siya. "Sige," sagot ko.  Tagal ko na rin walang panunumbalik sa lasa ng mga alak kaya wala naman sigurong masama, hindi ba? Minsan lang naman e. Oo, pwede 'yan!  May gusto din akong malaman mula kay Amada.  -- Matapos ng huling klase namin ay dumiretso muna kami sa gym upang mag-training. Gaya ng dati. Warm-up. Isa-isang titira sa bola. Hahatiin ang team at maglalaro. Wala namang naging anumalya ngayon hindi gaya kahapon na ako ang naging biktima. Maayos naman na ako at nakapag-ensayo ng mahusay. Nag-umpisa at natapos ang aming ensayo na hindi ko nakikita si ser Eldritch. Hindi sa hinahanap ko siya. Nagtataka lang ako na wala siya samantalang pinanood niya ako kahapon. Iwinaksi ko na sa isipan ko ang tungkol sa instructor s***h engineer na 'yon. Nagbihis ako ng mabilis at kumuha ng damit pampalit sa aking locker. "Oy, girl! Mamaya sa XoX Bar tayo, ah! Sunduin na lang kita para sure," si Lea na kakatapos lang magpalit ng damit.  Tumango lang ako sa kanya bago nilampasan at pumasok sa isa sa mga shower. Sa bahay na ako maliligo. Palit-damit lang dito.  "Una na ako," paalam ko sa mga teammates namin na nandito sa locker at nagsisibihisan. "Lea," tawag ko sa aking kaibigan. Tumango naman ito.  "Ingat!"  Pumunta na akong parking lot at sumakay sa aking sasakyan. Naalala ko kahapon nang ihatid ako ni ser Eldritch, wala akong dalang sasakyan dahil hindi pa nalilinis ulit pero nakipagtalo ako kay ser na huwag na akong ihatid. E dakilang mapilit kaya 'yon, nauwi rin sa paghahatid niya sa akin. Napailing na lang ako. Nang makarating ng bahay, sinalubong agad ako ni yaya Panes upang kuhanin ang aking bag na ang laman lang naman ay syllabus ko lang at ballpen. "Sina mom, yaya?" "Nasa opisina, Thaddia. Puntahan mo na lamang." sagot nito na naglalakad na paakyat sa taas. "Siya nga pala, akoʼy may bineyk na cupcakes para sa inyong magkakapatid." sigaw pa niya. Nginitian ko naman si yaya bago nagpuntang opisina ni dad. Kumatok ako ng dalawang beses bago pumasok. "Thaddia? Come here. May kailangan ka ba anak?" tanong ni mommy sa akin at sinenyasan akong lumapit. Naupo ako sa katabing sofa ni mom bago umiling. "Wala, mom. Busy kayo?" tanong ko. Ang dami kasing folders sa desk ni daddy at masyadong seryoso ang mukha habang binabuklat ang mga iyon. "Medyo, sweety. Kumain ka na ba? Nasabi sa akin ni yaya Panes na umuwi ka daw kahapon na may benda sa ulo, a? What happened?"curious niyang tanong at hinawi ang buhok ko. Tumingin si daddy sa direksyon namin at bahagyang ibinaba ang suot na salamin.  Nginitian ko lang sila nang pilit.  "Nasapul ho ng bola, e. Pero okay naman na po ako."  "My god, anak! Baka may aftereffects saʼyo 'yan, ah?! Magpatingin tayo sa doctor?"  OA, aack.  "Hindi na mom. Iʼm okay na. Siya nga po pala, aalis kami ng mga kapatid ko tonight?" alangan kong paalam.  "Saan kayo?" tanong ni dad sa nagbababalang tono.  Ngumito ako nang malawak sa kanila. "Sa XoX Bar, dad. Kina Amada lang ho. Kilala niyo naman siya, hindi ba?"  Nagbago ang kaninang striktong tingin ni daddy. "Uuwi nang maaga, ha? Hindi umaga Thaddia." paalala niya pa at itinuro pa ako.  Lumapit ako dito at yumakap. "Copy that!"  Hindi rin ako nagtagal doon. Nagpaalam na akong aakyat sa kwarto ko upang makapaghanda para mamaya. Pero bago'yon, kumuha muna ako ng cookies na gawa ni yaya Panes saʼming magkakapatid at dinala sa kwarto ko.  Nang matikman ko ito ay napapikit ako sa sarap pero kasabay niyon ay ang paglitaw ng isang alala.  [Flashback]  "Ang sarap nito, ah! Bake mo?" masayang tanong ko kay Eli sabay kagat sa cookies.  Niyakap ako nito mula sa likod bago sumagot. "Mmm. I just tried. For you,"  "Ang taray! Haha! Baka naman pinagawa mo sa kapatid mo? O hindi kaya sa yaya mo?" hula ko.  Kumalas ito sa yakap sa aking likod at ihinarap ako sa kanya bago pitikin sa noo!  "Aray, ah!"  "You should have said I love you-instead of guessing if I really did bake that cookies or not."  Natawa ako sa sinabi niya kaya naman nagtip-toed ako upang maabot ng labi ko ang labi at dampian siya ng halik. "I love you, Eli. Ang sarap ng cookies mo! Hahaha!"  "Pft."  [End of flashback]   Huminga ako nang malalim bago bitiwan ang cookies at magtungo sa bathroom upang maligo.  "Memories are really remarkable. People made it? Asshole." bulong ko sa sarili at naligo na. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD