"Oy, girl! Gora na letski!" si Lea.
Sinipat ko ang sarili sa malaking salamin sa huling pagkakataon bago lumabas ng aking kwarto. Naabutan namin ang mga kapatid ko na naghihintay na sa sala.
Napairap naman ako.
"Ate Thaddia, 'yung totoo? Balak mo bang akitin ang mga gwapong lalaki doon, ha?" tanong ni Thanya sa akin matapos makita ang aking suot.
Nagkibit-balikat ako bago ngumisi. "Hindi naman," simpleng sagot ko. "Tara na."
"Youʼre the most beautiful lady tonight, ate Thaddia! Haha!" sabi naman ni Thalia.
Pinitik ko ang aking buhok. "Yeah, right." segunda ko at kinindatan ito.
"Tama nang kahambugan, Thaddia Valere Montefeltro! Oo na! Ikaw na! Ikaw na ang sexy! Pak na pak sa manipis na strap!" si Lea.
Hindi rin nagtagal ay sabay-sabay kaming sumakay sa aming mga sasakyan. Ako at si Lea ang magkasama sa sasakyan niya. Si Thanya at Thalia naman ay sa kabilang sasakyan. Bale, dalawang sasakyan lang ang dala namin. Dalawa ang sakay sa bawat sasakyan.
Sinipat ko ang suot ni Lea. Lantad na lantad ang makinis at maputi nitong kutis sa suot na simpleng pulang tube at may slit pa sa kanang bahagi ng fit na fit niyang damit na pinartneran ng black stiletto.
"Tang*na, Lea sa ganda a. Balak mo na bang isuko ang vcard mo? Hahaha!"
"Ulul ka! Alam kong sexy ako-pero" binitin nito ang sinasabi at tiningnan ako bago ngumisi. "Mas sexy ka, ah. Haha! Anong sabi ng tube ko sa manipis na strap ng fitted-leather maroon dress na binagayan mo ng black stiletto mo, ha? Tang*na, girl. Queen of the night ang datingan natin, ah? Haha!" bawi niya at tumawa.
Umiling lang ako at tumingin nang diretso sa daan. "No matter how elegant clothes I wear, no matter how attractive I am-the fact that no one will treasure me, I am nothing. I am futile." seryosong saad ko.
"Huy! Para kang tanga dʼyan, Thaddia. Ang dami kayang naghahabol saʼyo! Ang daming gusto kang ligawan-"
Pinutol ko siya sa sasabihin. "Ligawan para matikman. Itʼs not love. Itʼs lust."
Matapos ng usapang iyon ay nagpatuloy na lang siya sa pagmamaneho hanggang makarating kami XoX Bar. Halos magkakasabay kami nila Thanya at Thalia na bumaba ng sasakyan at agad na pinagbuksan ng bouncer sa bar.
"Good evening, Miss Thaddia. Miss Lea." bati nito sa amin. "Good evening, Miss Thanya. Miss Thalia." bati naman nito sa aking dalawang kapatid.
Nginitian lamang namin sila bago tumuloy sa pagpasok. Sumalubong ang halo-halong mamahaling pabango mula sa mga customers. Ang amoy ng mamahaling alak. Samantalang pagdating sa musika ay mapapaindak kang talaga.
Mixed ng mga modern songs. May touch ng mellow at rock sa pinaibabawan ng nakakasilaw at malikot na saliw ng mga ilaw.
Disco na disco.
"Oh em guys! Si Thanya Montefeltro and her sisters! Kyaah!"
"Oh my! Ang ganda niya talaga!"
Wala pang isang minuto, dinumog na ang pwesto namin ng mga nakakakilala kay Thanya upang makipagkamay at yakap-yakapin.
Nagkatinginan kami ni Lea bago nagpasyang iwan muna sila. Pumunta kami sa bar counter upang tanungin kung na saan si Amada.
"Saan si Amada, Harvey?" tanong ko sa barista na naghahalo ng drinks.
Kilala niya naman kami dahil kaibigan kami ng may-ari nito at kaibigan na rin naman ang turing namin dito. Tropa pa nga, e.
Binigyan niya muna kami ni Lea ng mojito bago ngumiti. Nalantad tuloy ang dimples niya.
"Nasa second floor, mga binibini."
"Taray, Harvey a?" natatawang sambit ni Lea bago nilagok ang mojito niya. "In all fairness din? Bakit ang gwapo mo ngayon, ha?"
Napailing naman ako sa tanong ni Lea. Dati naman ng gwapo si Harvey, bakit parang mas na-hook siya sa itsura nito ngayon?
"Haha! Alam ko kasing darating si Thaddia,"
Inirapan ko naman ito bago inumin ang aking mojito. "Ulul ka, Harvey. Kutos, gusto mo?" maangas kong sambit bago siya ngisihan.
"Wala akong sinabi, Thaddia." sagot niya at nagtaas pa ng parehong kamay na para bang kriminal na sumusuko.
"Punta muna kami kay Amada,"
"Sure, sure! Have fun, baby!"
"Lul!" si Lea ang sumagot. "Baby-baby," bulong pa niya habang naglalakad kami paakyat sa secomd floor.
Nasulyapan ko ang dalawa kong kapatid na enjoy na enjoy sa pakikipag-usap sa mga nakakakilala sa kanilang dalawa.
Buhay artista, e. Ako buhay atleta.
"Thaddia? Lea?" tawag ng isang babae sa amin. "Gosh, kayo nga! Letʼs go, letʼs go! Kanina ko pa kayong hinihintay, girls!"
Nakipagbeso ito sa amin ni Lea bago ngumiti. "Shocks! Ang gaganda niyo naman!" puri niya. "Tara sa VIP room! Gosh, Iʼm so excited to chit-chat with you, girls!"
Iyon nga ang nangyare, pumasok kami sa VIP room at naupo sa black leather na sofa. May mga nakahanda ng pagkain at alak sa center table. Kami na lang ang kulang.
"Whereʼs Thalia ang Thaddia, anyway?" takang tanong ni Amada.
"Alam mo, buhay artista! Kaya 'yon, dinumog sa baba!" sagot ni Lea.
Tumango-tango naman si Amada.
"Kailan ka pa...nakabalik?"alangan kong tanong sa kanya. Napatitig naman siya sa akin. "A-Ang ibig kong sabihin-"
"Three months ago, Thaddia."
Napatango naman ako ng marahan. Dinampot ko ang wine glass at nagsalin ng wine. Wine lang para hindi maging tipsy. Panganay ako at may kasama akong dalawang kapatid. Responsibilidad ko pa rin sila.
"Ah, Thaddia? Mind me asking you?"
Uminom muna ako ng wine bago tumango. "Oo naman. Tungkol ba saan?"
Nakita ko ang pagguhit ng pagtataka sa mukha ni Lea. Nga naman, wala pa naman ako masyadong naku-kwento sa kanya. Maliban na lang kay Amada at sa iba pang bagay na hindi maa-atake ang aking personal na buhay. Lalo na sa mga relasyon.
"Amada, Thaddia? Parang...out of place ako sa topic niyo, a?" sabat ni Lea at uminom ng vodka.
Tang*na sa lakas ng loob, Lea.
"Oh, sorry Lea. But you can listen naman sa talk namin." conyong sagot ni Amada.
Napangisi naman ako. Ang ganda kasing pakinggan kapag si Amada ang nag-conyo pero kapag si Lea? Sasapukin mo na lang sa inis! Buti na lang maganda.
"Sige, sige! Bet ko 'yan! Hindi pa man din naku-kwento sa akin ni Thaddia ang talambuhay niya-iyong buo, ha?! Naku! Me pa-sequel ang tang*na."
"Haha! You are so nakakatawa talaga when you talk that way!" mahinhing tawa ni Amada.
Bwiset, Lea.
"So, ano bang meron sa tanong ni Thaddia, Amada-girl?" naniningkit-matang tanong ni Lea na nakangisi sa akin.
Sumandal ako sa sofa at pinag-krus ang mga braso. Naghihitay sa susunod sasabihin ni Amada. Si Amada na mula junior high school, kaibigan ko na pati ng mga kapatid ko.
Tutok ang pareho naming mata ni Lea sa kanya. Tang*na, pinapakaba niya masyado ako.
"Three months ago, umuwi ako. But I did not tell you na Iʼm coming home na. I want to surprise you...but something happened the day that I am planning to surprise you, girl. Kaya now lang tayo nagkita." paliwanag niya.
Umalis ako sa pagkakasandal sa upuan upang abutin ang aking wine glass na nilapag ko sa table kanina. "What happened?" walang interes-kuno kong tanong. Pero hindi ko pinahalatang interesado sa ako sasabihin niya. Mahirap na.
Tinitigan ako nito nang malalim sa mata. "Heʼs back. And...heʼs looking for you." lantad niya. "Thatʼs why, Thaddia. Thatʼs the reason why I never had a chance to give you a beckon to inform you, because heʼs watching my whereabouts. Gosh."
Kumabog ang dibdib ko nang sobra dahil sa sinabi niya. Napalunok pa ako at nai-iwas ng tingin. Nilagok ko ang lahat ng laman ng wine at nagsalin pa ulit.
Huh! Ang kapal ng mukhang sundan ako? Pwes, wala siyang mapapala sa pagsunod-sunod niya pa rito.
Tang*na lang.
"Excuse me, Amada. Cr lang ako." paalam ko at agad tumayo upang magpunta sa restroom dito.
Sa kalagitnaan ko ng paglalakad ay hindi pa nawawaglit sa aking isipan ang nalaman ko. Gayung may hinala na ako noon pa na maaaring sinundan niya nga ako dito sa Pilipinas.
Hindi ko tuloy maintindihan kung saan pa siya humugot ng lakas ng loob para habulin ako. Para saan pa? Tang*na niya.
Sa kalagitnaan ng pagtahak ko sa daan papuntang cr ay may bumunggo sa balikat ko. At dahil sa tikas at laki ng pangangatawan, nasaktan ako!
"Aray! Dahan-dahan naman-" angil ko at handa na sanang bulyawan pa ang taong iyon nang makilala ko ang taong bumunggo sa akin. "S-Ser Eldritch, kayo pala." nahihiya kong bawi sa pag-angil ko at tumungo nang bahagya.
"Is this how you spend your rest? In a place...like this? In a clothes like that?"
Tama ba ang naririnig ko mula sa temporary instructor ko?
Nag-angat ako ng tingin at nginisihan siya. "And is that your way to mind otherʼs business...ser?"sarkastiko kong tanong din sa kanya.
"I am just concern in my students, Miss Thaddia Montefeltro,"
"Well, thanks ser. Pero hindi ito ang oras mo para turuan ako sa kung paano ako mamuhay kapag nasa labas ng paaralan." natatawa kong turan. "Ser...hindi ko suot ang ID at uniform ng school sa mga oras na 'to. At kapag nasa labas ng paaralan-labas ka na rin ser sa buhay ng mga nag-aaral." seryosong turan ko.
Nag-igting ang panga nito at kita ko kung paano niyang pigilan ang kanyang inis kaya napangisi ako.
"Teacher pa rin ako, Thaddia. At tungkulin ko ay magturo ng magagandang leksyon-"
"Pwes ser? Sorry to burst out your bubble...but I remembered nothing that youʼve taught me."
"You should go home,"
Tinaasan ko ito ng kilay. "Hindi ka lang pala ser inhinyero?"tatango-tango kong tanong."Isa ding dakilang pakielamero,"
"Damn, lady. Stop this shit." mura nito at hinawakan ako sa pulso.
Marahas akong bumitiw sa kanya at inis siyang tiningnan. "Ser, you stop this s**t! Ikaw na mismo nagsabi na isa kang guro, hindi ba? O, e anong ginagawa mo sa ganitong klaseng lugar, ha?"
"Damn! Bakit ba wala kang galang, ha?!"
Natawa naman ako sa tinuran niya. "Wow, a? Kung wala akong galang, hindi kita tatawaging ser! Huwag mo na akong pakialaman sa buhay ko dahil hindi ko naman pinapakelaman ang buhay mo-po! Kainis ka, ser."
Hindi ko na siya hinayaan pang maglitanya para lang ako ay pagsabihan na naman. Nilampasan ko na lamang siya at nagtuloy sa paglalakad papuntang cr!
"Who are you dealt with my life now, huh? Youʼre just my instructor and not a goddamn juror!" inis kong bigkas sa sarili.
Tang*nang sitwasyon 'to, a.
Matapos kong pakalmahin ang aking sarili sa loob ng ilang minuto sa loob ng banyo ay lumabas na ako at bumalik sa table namin. Tinuloy ang kwentuhan, asaran at inuman.
Mabuti na lamang at hindi ko na nakita pa si ser Eldritch. O baka nandito pa rin siya, nasa hindi lang makikita.
Nagtataka man kung anong ginagawa niya sa ganitong klase ng lugar ay iwinaksi ko na lang sa aking isipan dahil kung tutuusin, estudyante pa rin naman siya at may karapatang magliwaliw.
Iyon nga lang sana hindi siya nakikialam sa buhay ng ibng estudyante lalo na kapag mga ganitong pagkakataon dahil bilang mag-aaral, napapagod at nai-stress din kami!
Yano man lang na makapag-relax kami kahit isang beses sa isang linggo, hindi ba? Hindi robot ang mga estudyante niya!
Kainis.
"Una na kami, Amada. Salamat sa pag-invite at masaya akong makasama at makita ka ngayon," paalam ko kay Amada.
Ngumiti naman ito bago ako niyakap. "Me, too Thaddia. 'Till next time?"
"Sige ba,"masayang sagot ko.
Hindi naglaon ay umalis na kami sa bar at nagsi-uwi na rin. Sa mga kapatid ko na ako sumakay para makauwi na ng diretso si Lea sa bahay nila at matulog.
--
Kinaumagahan ay nagpasya akong gumising nang maaga dahil magji-gym ako. Ang mga kapatid ko naman ay may kanya-kanya ring pupuntahan. Si Thanya, may shooting. Si Thalia may gagawin daw sa tungkol sa architectural technology.
Naabutan ko silang kumakain sa dinning table at halos lahat sila ay nakatingin sa aking paglapit.
"Good morning, mom and dad. Thanya, Thalia...mag-ingat ah?" bati ko nang makaupo.
Kumuha na ako ng aking pagkain at nanalangin sandali bago sumubo.
"Mga anak...by monday? Lilipad kami ng daddy niyo sa Europe." ani mommy.
Matapos nguyain ang pagkain sa bibig ko ay uminom ako ng gatas bago tumango-tango sa kanya. "Lilipad? Kailan pa kayo naging ibon?"
"Pft. Hahaha!" tawa ng mga kapatid ko.
Napailing naman si mommy at napangisi naman si dad. "Dalawang buwan kaming mawawala, Thaddia. Bantayan mo ang mga kapatid mo, ha?"
"Sure, dad. Isang maling galaw ng mga 'yan-pitik sa singit!" maangas kong banta at ngumisi nang pareho nila akong sinamaan ng tingin.
"Napaka mo ate Thaddia! Grr!" angal ni Thalia at tinusok ang longganisa.
"Siya, siya tama na 'yan! Basta huwag lalampas sa limit. Maging responsable habang wala kami ng dad niyo, ha? Thanya? Thalia?"
"Yes, mom!" sabay na sagot ng mga kapatid ko.
"At makikinig sa ate Thaddia!" bilin pa ni dad, nagbabanta.
"Copy dad!" sabay ulit nilang sagot.
Tang*na, pwede na sa choir.
"Mainam." sabi ni mom. "Ayokong may mababalitang hindi maganda sa inyo, okay?"
Ngumiti naman kaming tatlo bago tumango. Ang swerte lang namin at may ganitong uri kami ng mga magulang. Nasa tama ang pagiging strikto. Responsable. Maalalahanin at higit sa lahat...mahal na mahal kami.
Napabuntong-hininga ako.
"Thaddia?"
"Po?"
"You okay?"
Ngumiti naman ako kay dad bago tumango. "Oo naman po, dad. Walang problema." paninigurado ko bago nag-iwas ng tingin at kumain.
Hindi rin nagtagal ay tumayo na ako upang mag-tooth brush ulit. Dinampot ko na ang aking gym bag at sumakay sa sariling sasakyan at umalis.
Ilang minuto lang ay nakarating na ako sa gym na madalas naming puntahan ng mga kapatid ko. Minsan, kaming buong pamilya. Kaya kilala na na bawat miyembro ng pamilya ko. Iyon nga lang, magpahanggang ngayon-hindi pa namin nakikilala ang may ari ng gym.
Palaging ang nandoon ay ang mga gym instructor lang.
"Good morning, miss Thaddia." bati ni Alvin pagpasok ko.
"Mm, morning. Gwapo mo ngayon ah?" puna ko.
Napakamot naman siya sa ulo at nahihiyang ngumiti. "Dahil sa pakikielam ni Yunni. Alam mo na? Gusto kapag maganda siya, gwapo din ako."
"Hahaha! Ayos nga, e. Dati kulang na lang maging extra ka na sa mga pelikula bilang mga goons, eh. Haha!"
"Grabe din haha! Teka, tatawagin ko si Yunni para i-assist ka."
"Sige, sige."
Umalis ito panandalian upang tawagin ang girlfriend niya na gym instructor din dito para sa mga babaeng nagji-gym gaya ko.
Inilagay ko muna sa isang tabi ang gym bag ko at kinuha ang phone upang tawagan si Lea. Naka-tatlong ring pa muna bago niya sagutin sa inaantok pang boses.
[Oh?]
"Nasa Abstract-Fitness Gym ako,"
[Gagawin ko diyan?]
Napairap ako dahil sa isinagot niya. "Gaga, try mong magta-tumbling dito! Kumilos ka na nga at sumunod ka dito!"
[Haha! Tang*na, walang good morning, Lea?!]
"Gaga ka, sanay ka namang walang naggo-good morning saʼyo! Feelingera, amp!" nakangisi kong sagot dito.
Kung makikita ko lamang siya, paniguradong nakanguso na naman siya.
[Taena mo talaga! Sige na, papunta na ako!]
"Hahahaha!" tawa ko bago patayin ang tawag. "Pikon," bulong ko pa at itinago ang cellphone sa gym bag.
Saktong pagharap na pagharap ko ay nasa harapan ko na ang gym instructor...pero hindi si Yunni na tinawag ni Alvin!
"Ser Eldritch?" hindi makapaniwalang tanong ko.
Sinipat ko pa ang kabuuan niya at...ang kisig niyang tingnan sa suot na black tank-top at gym pants na white at nakasuot ng airmax din na itim.
Napatingin ako sa suot kong gym clothes. Gym sports bra na tinernohan ng yoga pants at black airmax nike rubber shoes.
"I didnʼt know that you...are here." walang emosyong turan niya at pinag-krus ang mga braso.
"Wala naman akong sinabi saʼyo na pupunta ako dito. Tsaka kailangan ko 'to, dahil athlete ako, ser." sabi sa sa as-a-matter-of-fact-way. "Kayo ser? Bakit kayo nandito?"
Itinuro nito ang sarili sa maangas na paraan. "Me?" paninigurado niya.
Napairap ako sa isip. "Baka ako, ser." pabalang kong sagot.
"Well...just to inform you Miss Montefeltro," binitin nito ang sasabihin at ngumisi sa akin. "I am the owner of this Abstract-Fitness Gym."
Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya! Talaga ba?! Paanong nangyare 'yon?!
Tang*na, all those times na nagpupunta kami dito nila mommy-paulit-ulit naming iniisip kung sino may-ari, tapos siya lang pala? Paanong nagka-ganoʼn?
"S-Seryoso ka, ser?"
"Yeah, why?"
"K-Kasi dito kami nagji-gym ng mga kapatid at magulang ko, pero-hindi bale na." sabi ko na lang at lalampasan na sana siya nang magsalita ito.
"Iʼll be your instructor, Thaddia. Yunni is not around."
Napataas ang kilay ko at tumitig sa mga mata niya bago walang ganang sumagot. "'Wag na ikaw ser,"
"And why?"
"Ayoko lang."
"Tell me why, Thaddia. Magaling akong magturo at hindi kita pababayaan sa loob ng gym ko."
Natawa ko ng plastik. "Haha! Ikaw naman ser, anong hindi pababayaan? Hahaha! Given na magaling ka lang magturo, ser-natuto nga ako, e." sumeryoso ako. "Natuto akong huwag maniwala sa mga mabu-bulaklak na salita,"
Nag-igting ang panga nito bago i-iwas ang tingin saʼkin.
"Joke lang, ser. Hahaha! Sige na, turuan mo na ako."
Matapos kong bawiin ang sinabi ay nauna akong maglakad sa kanya patungo sa weightlifting section. Naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa akin.
Kinuha niya ang dalawang dumbells at inabot sa akin. "Do the dumbell thrusters."
Kinuha ko ang dumbells at pumwesto sa workout-mat bago nakinig sa mga sinasabi niyang instructions.
"First, stand with your legs just slightly wider than hip-distance apart," professional na aniya na ginawa ko naman. "Arms raised to shoulder height with elbows bent, holding weights by your ears."
"Ganito ba?"
"Yeah. Then, bend your knees as if you were sitting in a chair, keeping weight on your heels."
"Tapos?"
"Press the dumbbells overhead as you straighten your knees to return to standing."
Ginawa ko ang sinabi niya at tumayo. "Tama ba?" tanong ko.
"Mm. You look...sexy in there."
Tang*na.
Inirapan ko lang siya bago inulit ang prosesong iyon. Nang makuntento ay huminga akong saglit bago siya tinanong.
"Ser, bukod sa pagiging class instructor, engineer at gym instructor...ano pang kaya mo?"
"What?"
Binitiwan ko muna ang muna ang dumbells at humarap sa kanya. "Bukod sa mga nabanggit ko, ano pang kaya mo ser? Ah, no need to answer! Alam ko na!"
Nangunot ang makinis niyang noo. "What?" curious niyang tanong.
Nagkibit-balikat ako na parang nagyayabang. "Kaya mo ding maging babaero at manloloko?" sarcastic kong sambit bago dinampot muli ang mga dumbells at isinagawa ang dumbell swing.
Natigilan siya sa tinuran kong iyon at kita ko ang pagkuyom ng mga kamao niya kaya napangisi ako. "Joke lang, ser! Turuan mo na ako."
Tang*na, sapul ba? Joke lang naman, e.
"Hindi nakakatuwa, Thaddia."
Ngumiti ako na plastik. "Nakakasakit lang? Bakit, ser? Sapul ba? Hahaha! Joke lang naman ang mga sinasabi ko, ser! Huwag mo na lang seryosohin,"
Hindi niya ako nagawang sakyan sa trip ko at sa halip ay ituro niya na lang ang dumbell swing sa akin.
Sa kalagitnaan naman ng pagtuturo at pag-alalay niya ay dumating si Lea na naka-gym clothes din. Tank-top at nylon short. Sinenyasan ko lang siya na mamaya na kami mag-usap gamit ang simpleng tango.
In-assist siya ng ibang tauhan ni Ser Eldritch at nag-work out na.
"You can have your water break, Thaddia." sabi ni ser Eldritch nang matapos kami sa weight lifting. "Do you have water with you?"
"Meron naman ser. Hindi pa naman ako naghihirap para pati tubig ay hindi ko pa ma-afford,"
"Thaddia,"
Nginitian ko naman siya nang malawak. "Joke lang, ser. May tubig akong dala." sabi ko nilampasan na siya.
Nang makarating ako sa kung saan ko binaba ang aking gym bag ay kinuha ko agad ang tubig ko at iinumin na sana nang may dalawang lalaking dumanggil sa akin dahilan para mahulog ang tumbler ko at matapon ang lahat ng tubig!
Tang*na, lampa!
"Oh s**t! Miss, Iʼm so sorry! I did not notice you," paumanhin ng isang lalaking mestiso at gwapo. "You okay?" tanong pa niya.
Nanatili lang akong tahimik at nakatingin sa kanila tapos titingin din sa tubig kong natapon.
"Oh men! You drop her tumbler!" alalang paumanhin ng isang lalaking katamtaman lang ang tangkad at laki ng katawan pero gwapo. "Miss, pasensya na talaga. Ibibili ka na lang namin ng bagong tubig."
Sasagot na sana ako nang may humablot sa aking pulso at inilayo sa dalawang lalaki at tiningnan ang mga ito ng blanko.
"No need. Go,"
Tumingin ang dalawang lalaki kay ser Eldritch then sa akin.
"Sorry, again miss beautiful. Ser Eldritch."
"Pasensya na, ganda. Ser,"
Matapos niyon ay nilampasan na nila kami at tumuloy sa loob ng gym. Napatingin ako sa kamay ni ser Eldritch na nakahawak sa pulso ko bago marahang binawi.
"Sorry," sambit niya. "Now, you donʼt have water to drink. Let me give you,"
"Eh, ser-"
"No buts. Uhaw ka na at pagod pa. Kailangan mo ng lakas." seryosong aniya.
Napatitig ako dito, ganoʼn din naman siya. "May lakas naman ako ser. Kahit kailan hindi ako nawalan ng lakas. Iyon nga lang...naubos." may pagpapahiwatig kong sambit. "Kase alam mo ser? 'Yong dating kinukuhanan ko ng lakas, tumakas. Tapos sa iba naisipang magbigay ng pampalakas."
Iniiwas nitong muli ang tingin. Napangisi ako.
"Come with me." sabi nito at hahatakin na sana ako paalis nang pigilan ko siya. "Why?"
"Isasama mo akong..."binitin ko ang aking sasabihin at tiningnan ang sarili. "...ganito ang suot ko, ser? Ayos ka lang?"
Napapikit naman siya at lihim na nagmura.
"Fine. Change yourself."
"I did, ser."
"What?!"
"Joke lang. Siya, bihis muna ako. Kausapin ko lang din si Lea sandali." paalam ko na tinanguan naman niya.
Tang*na, saan naman ako dadalhin?!
Nang malapitan ko si Lea ay tumigil siya panandalian sa pagwo-work out. "Anong eksena mo, girl?"
"Gaga, aalis kami. Ewan ko kung saan niya ako dadalhin. Kaya ikaw! Pagkatapos mo umuwi ka na. Mamaya tayo mag-usap."
"Tang*na mo girl. Pinapunta mo ako dito, tapos aalis ka! Hmm!" amba niya pa. Natawa na lang ako.
"Kunyare ka pa. Ayaw mo noʼn? Busog mga mata mo sa gwapo at matchong lalaki?!"
"Che! Si Grant ang nais ng puso ko! Wahahahha!"
"Tarantada. Hindi napatol iyon sa taong gluta!"
"Umalis ka na nga! Nakakainis ka!"
Hindi rin nagtagal ay iniwan ko na siya doon at sumama sandali kay ser Eldritch. Walang malisya 'to, a. Gusto ko lang siyang asarin ngayon.
Ang sarap niya kasing kasama tapos pikunin. Hay, haha!