7

3237 Words
"Na saan tayo?" tanong ko matapos niya akong pagbuksan ng pinto ng sasakyan. "Ser?"  "Batangas,"  "Ano?!" gulat kong tanong at inilibot ang paningin sa paligid.  "Batangas, Thaddia." ulit niya pa. "Para walang sinuman ang makakita sa atin na magkasama. Donʼt worry, kakain lang naman tayo."  Napabuga ako ng hangin dahil hindi ako makapaniwala. Kakain lang, sa labas pa ng Laguna?!  Tang*na.  "Hindi ka naman ser sigurado na walang nakakakilala sa atin dito,"  "Can we just...eat, Thaddia? Stop gripping." seryosong aniya at bumuga ng hangin na para bang pikon na pikon na siya dahil kanina ko pa siyang inaasar. "Pwede, Thaddia?"  "Ay ano pa nga ba,"sabi ko sa sarili. Inangat ko ang paningin sa kanya at ngumiti ng pilit. "Sige, ser. Nagulat lang naman ako na ang kainan mo-sa labas pa ng Laguna. Sabagay,"sagot ko.  "Thaddia," banta niya.  "Joke, ser. Tara na nga!" bawi ko bago hinawakan ang kamay niya at hinatak na lang siya papasok sa isang restaurant na tinigilan namin.  "Good morning, ser. Table for?" tanong ng isang receptionist.  "Two,"  Sayang. Gusto ko pa sanang sabihin table for 3 kaya lang baka maging headline ako kinabukasan sa mga dyaryo at maka-apekto sa career ni Thanya. Ano na lang sasabihin kay Thanya? Na may kapatid siyang impokrita?  Tang*na, supalpalin ko pa sila ng gabok e.  "This way, ser."  Sumunod naman kami sa receptionist na dalhin kami sa second floor ay ipa-okupa ang table sa gitnang bahagi. Walang bubong pero hindi mainit. Kung tutuusin, parang nasa rooftop na nga, e dahil sa masarap na hangin at lilom ng kalangitan.  Napatingin ako sa paligid. Pawang mga puno ang nakikita ay sa kabilang bahagi naman ay mga sasakyan ng customers na nakaparada.  "Ser, pwedeng magtanong?"  "Drop the ser when it is only you and me, Thaddia."  Nakagat ko ang aking pqng-ibabang labi dahil sa sinabi niya.  "Sige, Eldritch. Pwedeng magtanong?"  Tumango ito at tumitig sa akin. "Go ahead,"  Inayos ko ang aking pagkakaupo sa silya at ipinatong ang mga braso sa ibabaw ng table. "Bakit hindi ka pa na-order? Gutom na ako, e."  Napa-ismid naman ito bago naglabas ng cellphone at nagta-type doon. Ano 'yon? Donʼt tell me, o-order siya sa ibang restaurant?!  "5 Minutes,"  "Eh? Ibig sabihin...um-order ka sa iba?!"  Tang*na, lakas ng loob pumunta dito tapos sa ibang restaurant o-order ng pqgkain? Traydor, amp.  "Silly. Ang pag-order dito ay via internet. Look on the table," sabi niya at itinuro ang table. "Iyang papel na iyan...dʼyan nakalagay ang website nila naglalaman ng mga menu then piliin at pindutin mo lang ang order mo sa mga menu, sila na bahalang mag-serve dito sa table natin."  Napangiwi naman ako. High-tech, tang*na. Medyo napahiya ako dito, a. Badtrip kase.  "Ah. Akala ko naman, prank mo lang 'to."  "What? Of course not."  "Oo na, ser. Teka...bakit nga pala dito mo naisipang kumain?" takang tanong ko.  Bukod kasi sa baka raw may makakita sa aming magkasama, ano pa? Medyo malabo kasi, e. Hindi ito normal na tagpo e. Ibig kong sabihin, estudyante niya ako-teacher ko siya. Kahit pa sabihin nating estudyante pa din siya pero iyong katotohanang tinuturuan niya ako pansamantala ay isang bagay na mabibigyan ng issue.  Sumandal ito sa upuan niya at walang emosyong tumingin sa akin. Nilabanan ko naman iyon.  "Hindi ka sumunod, Thaddia. Napag-usapan na natin na dapat nating i-exhibit ang professionalism. But you kept on messing me around inside my class."  Natahimik ako ng ilang segundo.  "Hindi ko mapigilan, ser. Pasensya na." sagot ko at iniiwas ang tingin sa kanya. Pinili kong panoorin ang couple sa kabilang table na masayang nag-uusap at mababakas ang pagmamahal sa mga mata nila.  Tang*na.  "Tell me...gusto mo bang iba na lang ang magturo sa inyo?"  Sumagot ako na hindi siya nililingon. "Paano kung oo, ser? Ipipilit mo pa?" prangkang pagkakasagot ko.  "Yes. And you are not the person whoʼs got to make me vanquish in an instant, Montefeltro. Not this time."  Doon ko na siya nilingon at ngumisi. "'Yon naman pala, ser e. Edi pagtiisan mo ugaling meron ako ngayon. Haha!"  Narinig ko ang malalim niyang pagbuntong-hininga. "But please...cooperate."  "Naku, ser. Malabo ang sinasabi mo. Hindi ko na kasi ugaling...maging masunurin masyado? Iyong sa kasusunod ko sa sinasabi ng ibang tao...nakakalimutan ko na ang daang tinatahak ko." sinserong sabi ko.  Napatitig naman siya at hindi na nakuha pang makapgsalita dahil dumating na ang order namin at drinks. Nang mailapag ang mga iyon sa table namin ay hindi na ako nag-aksaya ng panahon at kumain agad-agad. Iniiwasan ko ring mag-usap kami ni ser.  Gusto ko lang.  "Eat a lot,"  "Hmm." "Just tell me whatever you want, Thaddia. Iʼll give it to you."  Hindi ko alam pero parang may laman ang sinabi niyang iyon kaya uminom ako ng ice tea bago sumagot sa kanya.  "Give me...peace ser."  "Peace? Sorry, Thaddia...I think I canʼt-"  "Then donʼt ask me whatever I want if you canʼt really gave it, ser. Huwag paasa." natatawang sagot ko bago nagpatuloy sa pagkain.  Harsh ba? Sensya naman. Kailangan kasing sumagot ng prangkahan para matauhan.  Matapos naming kumain at magpakabusog ay nilisan na namin ang restaurant at nagpasyang bumalik na sa Laguna. Dahil sa ilang oras na byahe ay nakatulog ako sa sasakyan niya at hindi ko namalayang nakarating na kami sa tapat ng bahay namin.  "Salamat, ser. Ingat pag-uwe." paalam ko at bababa na sana ng sasakyan niya nang hawakan niya ako sa pulso. Taka ko naman siyang nilingon. "Me kelangan ka pa ba, ser?"  "Next time you go to my gym...please donʼt wear something like what you have wear earlier. Too sexy. Men are around there. Looking at you, Thaddia." seryosong aniya.  Napangisi naman ako bago marahang tanggalin ang kamay niya sa pulso ko. "Ser, kahit limang milyon pa ang tumingin sa akin-wala silang makukuha. At ser? Kaya nga ako nagji-gym para maging sexy kaya automatic na sexy na damit ang isusuot ko."  "Thaddia,"  Seryoso ko siyang tinitigan sa mata. "Sa loob ka lang ng paaralan may role, ser. Hindi sa buhay ko."  Matapos bitiwan ang mga salitang iyon ay bumaba na ako ng sasakyan niya at tinap ang sasakyan niya, sinasabing umalis na ito.  Pumasok naman ako ng bahay at tinawag ang driver namin. "Kuya, pick up-in mo naman ang sasakyan ko sa Abstract-Fitness Gym, oh."  "Ay sige po, Maʼam. Susi niyo po?"  Inabot ko kay Mang Kislap ang susi ng kotse ko. "Salamat, Mang Kislap!"  Dumiretso naman ako sa aking kwarto upang magpahinga saglit at maligong muli. For sure, wala ngayon sina mommy at daddy dahil namimili na ng mga gusto nilang dalhin sa Madrid sa Lunes.  Tinext ko muna si Lea na pumunta dito sa bahay bago ako tuluyang pumasok ng bathroom.  [Sige, girl!]  Reply niya.  -- Pagpatak ng alas-5 ay nagpasya ng umuwi ni Lea dahil kinabukasan ay may worship services sila ng family niya. Kami din naman. Hindi namin ipinagsasawalang-bahala ang mga worship services dahil isa iyon sa sikreto kung bakit matatag at matibay ang aming samahang magpa-pamilya.  "Una na ako, girl. Salamat sa makatindig-balahibong kwento mo! Nakakaloka!" sabi pa niya bago isarado ang sasakyan niya.  Pinag-krus ko ang mga braso ko at nginiwian siya. "Tang*na ka. Umalis ka na." utos ko.  "Sus! Haha! If I know, gusto mo din iyong nangyareng early-lunch! Sapakin kita ng kaliwaʼt-kanan, e!"  "Umalis ka na nga! Puro ka pang-aasar!"  "Mapapasayaw ka na nga yata kanina ng senorita eh! Hahaha! Pakyu, girl! See you tom!"  "Bwisit ka,"  Nang mawala na ang sasakyan niya ay tsaka ako pumasok sa loob ng bahay. Saktong pagpasok ko ay nakasalubong ko si yaya Panes.  "Yaya? Alis lang ako sandali. Bibili lang ng mga kaartehan sa mukha, ah?"  "Abaʼy ike umuwi nang mabilis at baka dumating na ang iyong amaʼt ina." bilin niya.  Tumango naman ako bago nagtatakbo pabalik sa kwarto at nagbihis. Simpleng V-neck t-shirt na white at jeans at rubber shoes na adidas then cap!  Kinuha ko ang susi ng aking motor at bumaba na.  "Mang Kislap, pabukas ng gate." pakisuyo ko at nagsuot ng helmet bago sumakay sa aking motor.  "Saan kayo, Maʼam Thaddia?"  "Mamimili lang po saglit,"  Nagmaneho na ako patungo sa pinakamalapit na mall para mamili ng mga facial care at hygiene.  "Good afternoon, Maʼam." bati ng guard pagpasok ko. Nginitian ko lang ito ng bahagya at nagtuloy na sa supermarket muna.  Una kong pinuntahan ang mga food section at naghanap ng ibaʼt-ibang flavor ng stick-o.  "Chocolate. Milk. Caramel. Strawberry. Pandan!" masayang bigkas ko. "Next...choco-choco." Lahat ng flavor ng choco-choco ay kinuha ko din. Matapos doon ay nagpunta ako sa mga beverages. Bearbrand sterilized, chuckie. Vitamilk. Fresh milk.  "Hm, next ay chocolates."  Nagpunta ako sa section ng mga chocolates na may ibaʼt-ibang brand. Kinuha ko lang ay goya na milk, chocolate. Toblerone. Galaxy. Hersheyʼs. Kisses.  Tiningnan ko ang laman ng basket ko, lalo na ang mga chocolates nang may mapagtantong kulang. Ibinalik ko ang tingin sa mga chocolates at nakita ko ang ferrero rocher.  Aabutin ko na sana nang may kamay na pumigil sa akin.  Nang sulyapan ko ang taong iyon ay laking gulat ko nang makita na naman ang gwapo niyang mukha na malapit na malapit sa akin!  "Ser Eldritch," untag ko at bahagyang inilayo ang sarili sa kanya. "B-Bakit ka narito?"  Tinanggal niya muna ang kamay ko sa ferrero rocher bago sumagot. "May bibilhin sana. But then I saw you...starving for ferrero rocher?" nagtataka niyang tanong.  Eh ano naman?  "Bawal ba, ser?"  "Yes. You go to my gym and workout, so subsequently...you must do proper diet."  In-scan ko ang aking katawan. "Mataba na ba ako?"  "No. Ang akin lang...dapat kumain ng mga pagkaing healthy. I mean, pwede ka namang kumain ng mga chocolates pero hindi..."binitin niya ang sasabihin at tiningnan ang laman ng basket ko. "...hindi ganyang karami, Thaddia. Baka magka-diebetes ka-"  "Teka lang, a? Huwag mong sabihing hanggang sa mga gusto kong pagkain-tuturuan mo pa ako, ser?" sarkastiko kong tanong.  "Of course not, Thaddia. Iʼm just giving advices here,"  Napangisi ako. "Ah, talaga? Well, salamat ser. Pero alam ko ginagawa ko. Hindi mo na problema kung magkasakit o tumaba man ako dahil sa mga kinakain ko, ser. Hindi mo ako responsibilidad." pagtatama ko.  Tumama ang paningin ko sa paligid at doon ko napagtanto na lahat ng mga mamimimili na malapit sa amin ay nasa amin ang atensyon. May mga nakasilip pa mula sa mga harang ng ibang produkto dito at ang iba ay napatigil sa mga tangkang pagkuha ng mga bibilhin.  Tang*na, agaw-atensyon masyado.  Huminga ako nang malalim at iniwasan ang mga tingin nila.  "Sorry, Thaddia. Iʼm just...concern." "No need, ser. Noʼng huling nakatanggap kase ako ng concern-naging awa ang labas. Ayoko noʼn!"  Napalakas yata ang pagkakasabi ko noʼn kaya nagsimulang magbulungan ang mga mamimili. Tang*na naman.  "Nag-aaway yata sila, sis." "Ang sweet nga ng guy, e. Ayaw niyang kumain si girlfriend ng mga sweets! Waah! Sana all!"  "Ang gwapo noʼng guy, shems. Ang kisig!"  "Grabe, ang swerte ni girl!"  Napairap ako ng palihim at tatalikuran na sana si ser ngunit hinawakan niya ako sa kamay at binitbit ang basket ko!  "Waaah! May shooting ba sila dito?! Nakakakilig!"  "Ang astig nilang tingnan, oh! Couple shirts pa!"  Nakuha niyon ang atensyon ko kaya tiningnan ko ang suot ni ser Eldritch. At tama nga si chismosa-girl. Nakaputi din kasi itong t-shirt at V-neck din tapos naka jeans at adidas din ang suot niyang sapatos!  Tang*na. Nananadya yata si ser!  "Ser, bitiwan mo nga ako! Ang daming nakakakita," "Shut up for now, Thaddia." malamig niyang saway. "Huwag ka munang gumawa ng eksena dito. Hayaan mo munang ako ang pumili ng mga pagkain mo,"  Nagsalubong ang kilay ko. "Bakit nasobrahan ka yata ser sa concern na sinasabi mo, ha?" tanong ko at inagaw ang kamay ko dito.  Napakagat ito sa kanyang labi dala ng inis...siguro? "Thaddia, please! Kapag hindi ka muna nanahimik? Isisigaw ko ritong asawa na kita!"  Nagulat man ay nagawa ko pa siyang ngisihan. "Sige, ser." sagot ko. "Kahit sabihin mo pang may anak na tayo, e."dagdag ko pa. "Hindi naman ako ang mapapahiya kapag itinanggi kita."  Nag-igting na naman ang panga niya.  "Tsk. Why so valiant all of a sudden, huh?"  Inirapan ko ito sa isip at hindi siya sinagot. Binawi ko na lamang ulit sa kanya ang basket ko at naglakad palayo dito pero ayaw niya talaga akong tantanan dahil nagawa niya pang hawakan muli ang kamay ko dahilan para magkaroon ng bulung-bulungan at impit na tilian!  Tang*na naman kase.  "Thaddia, let me buy you healthy foods instead. If Iʼm not mistaken, youʼll be having a tournament game next month. As a team captain also a star player of a volleyball league, you have to be physically fit and healthy."  Natigilan ako dahil sa pagpapaalala niya at napaisip. Tang*na, oo nga!  Bumuntong-hininga ako at tumango na lang nang marahan sa kanya. "Sige na ho, ser. Panalo ka na." pagsuko ko at ibinigay dito ang basket ko.  Pigil ang ngiti niyang kinuha iyon at ibinigay sa staff ng supermarket na 'to.  "Okay. Letʼs go to fruits section."  "Kayong bahala ser." sagot ko.  Hahayaan ko na siyang pumili ng mga healthy foods para sa akin. Mamaya na lang ako bibili ng mga facial care. Mga pang-iwas acne lang naman dahil may dermatologist naman kaming binibisita ng pamilya ko para sa aming mga mukha.  Wala, e. May artista silang anak. Modelo. Athlete. Kaya dapat presentable ang mga pagmumukha. Nasa kalagitnaan si ser ng pagbili ng mga pagkain para sa akin nang makita kong ilalagay niya dapat doon ang strawberry.  "Ser, hindi ko na kinakain 'yan." pigil ko.  Tumingin ito sa akin na may pagtatanong ang mga mata. "W-Why?" tanong niya.  Nagkibit-balikat ako. "Ayoko na, e. Sawa na ako, ser." walang gana kong sagot. "Cucumber na lang ang ipalit mo, ser."  "Sure,"  "Ikaw, ser? Gusto mo ba 'yan?" pagbabalik tanong ko at inginuso ang strawberry.  Tinignan niya ako nang blanko. Napangisi ako. "Gustong-gusto." seryosong sagot niya.  Nginitian ko na lang ito bago nagtingin din sa iba pang prutas.  "Ang fresh nilang tingnan lahat, 'no ser?"  "Huh?"  Dinampot ko ang pulang-pulang apple at ipinakita sa kanya. "Tingnan mo, ser. Akala mo kung sinong perpekto sa labas, hindi ho ba? Look,"  "Yes, why? Para mas maraming pumili at bumili ng produkto. Marketing strategy."  "Ah, kaya pala. Well, ang sakin lang naman kahit ano pang ganda at ka-presentable ang mga prutas na 'yan-may itinatagong baho at dumi ang mga ito."  Napatigil ito sa pagkuha ng mga prutas at malamig na tumitig sa akin.  "Joke lang, ser. Sa tingin ko...sapat na ang mga 'yan sa akin. Tara na?"  "Tsk."  -- "You sure? Sasakay ka sa motor pauwi?"  Isinuot ko muna ang aking helmet bago sumagot. "Oo naman, ser. Bawal ba?"  "N-No. Actually, itʼs fine and cool but accidents are not. Baka mapano ka." alalang saad nito.  Pinaningkitan ko ito ng mga mata at nginisihan. "Ser, hindi ako kaskasera. Huwag ka na masyadong mag-alala."  "Tsk. Iʼll follow you."  Bumuga ako ng hangin bago binuksan ang makina ng motor ko. "Ser, ang dami mo na masyadong care saʼkin ngayong araw, baka masanay ako-umasa ako saʼyo?" natatawa kong turan at pina-ingay ang motor.  "Thaddia,"  "Salamat, ser sa fruits. See you when I see you! Ingat ka pag-uwe." paalam ko at pinaharurot ang motor.  Sinilip ko pa siya sa side mirror ko. Hindi ko naitago ang pagngisi dahil sa nakikita kong pag-aalala sa mga salita niya gayung blanko naman ang mukha.  "Ang galing mo, ser sa part na 'yan." bulong ko sa sarili at dingdagan ang bilis ng motor upang makarating nang mas mabilis sa aming bahay.  Hindi rin nagtagal ay nakarating na ako. Agad akong pinagbuksan ng gate ni Mang Kislap upang maiparada ko ang motor.  "Maʼam, nasa loob na po sina boss at mommy niyo."  "Ah, talaga? Sige po, salamat."  Dumiretso muna ako sa kusina upang ilagay sa refrigerator ang mga prutas at ilang piraso ng chocolate. Akala ko nga kanina ay hindi niya ako bibilhan noon, e. Buti na lang may awa.  Boyfriend lang, ser?  Napangisi na lang ako sa tanong ko sa isip.  "Yaya Panes? Pwede po kayong kumain ng mga fruits na 'yan, ha? Hindi ko naman po mauubos ang mga iyan e."  "Aba e sino ba kasing nagsabing bumili ka pa ng mga prutas, aber? Yanong dami nating prutas, hija."  "Naku, yaya. Hindi ko binili ang mga 'yan. May isang tao lang naman na nagpumilit na bilhan ako ng mga healthy foods daw!" natatawa kong sagot at nagsalin ng gatas sa baso.  "Abaʼy sino namang tao 'yon?"  Si yaya naman, tandang-tanda na-mausisa pa rin!  Inubos ko muna ang laman ng baso ko. "Isang tagahanga ho, yaya. Hahaha! Sige ho, puntahan ko lang si mommy at daddy."  "Nasa opisina sila hija, kasama si Thalia."  Tumango ako at nagtungo doon. Kumatok muna ako ng dalawang beses bago pumasok.  "Hi mom, dad-"  Natigilan ko sa pagbati nang makita ang isang lalaki na nakaupo sa tabi ni Thalia at nakangiti sa akin.  Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit nang bigla siyang tumayo upang salubungin ako at yakapin.  "Thaddia Valere! Na-miss kita haha!"  "Ace Henley, kailan ka pa dumating?" tanong ko at kumalas sa yakap dito.  Hinawi nito ang buhok ko at ngumiti. "Ngayon lang. And damn! I missed so much, baby girl."  Natawa naman ako. "Ano? Ganyan na lang ba? Walang pasalubong?!" biro ko.  "Hay naku, ate! Kung alam mo lang! Umakyat ka sa kwarto mo at magsawa ka sa mga pasalubong niya!" ani Thalia.  Nanlaki ang mata ko at napaawang pa ang labi ko! "S-Seryoso, Henley?!" hindi makapaniwalang tanong ko at tumingin kina mom and dad.  "Kailan kita niloko, baby girl? Go and check your room."  Nayakap ko naman ulit ito sa sobrang tuwa.  "Grabe! Ang sweet, ah!"  "Yes, anak. Ikaw nga ang may pinakamaraming pasalubong, e." sabi ni mom na para bang nagtatampo.  "Teka, bakit biglaan naman yata ang pagdating mo?" takang tanong ko pa. "May studies ka pa, hindi ba?"  "Tita and tito told me that youʼll be having a tournament game in volleyball league. Itʼs your first time to play as a team captain, I should be there."  Napatingin ako kay mom and dad na pawang nakangiti lang sa akin. Ibinalik kong muli kay Henley ang aking tingin at napangiti.  "N-Nakakainis ka! Haha! Dapat nagpasabi ka para nakasama akong pagsundo saʼyo, bwiset! Hahaha!"  "Whereʼs the surprise, then?" nakangisi niyang tanong.  Hindi ko tuloy mapigilang matuwa nang sobra dahil sa biglaan niyang pagdating matapos ang dalawang taong pananatili sa Madrid.  "Tsaka next month pa naman ang laban ko, Ley."  "Good then. Magagawa kitang sunduin paghapon sa school and a chance to watch your practice,"  "Eh?! Huwag na, Ley. Baka pagkaguluhan ka lang doʼn, eh!"  Lumapit si Thalia at yumakap kay Henley. "Ayaw mo ba noʼn, ate? May bagong titilian ang mga babae sa campus niyo! Look at Henley-Spaniard count amp! Hahaha!"  Inirapan ko naman si Thalia na nagbibiro. "Baka sa halip na ako ang pagtuunan niya ng pansin-mapunta sa mga fans niya dahil sa walang tigil na pagpapa-picture! Kunsumisyon, Ace Henley!" sagot ko pa.  "Hay naku. Mabuti paʼt mag-dinner na tayo." sabat ni mommy kaya naman lumabas kami ng opisina at nagtungo sa dinning area. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD