Matapos ang worship service ay magkakasama kaming pamilya na nagpunta sa isang restaurant upang kumain at mag-bonding. Bukas kasi ay aalis na sila mom and dad tapos pagkatapos pa ng dalawang buwan bago sila muling uuwi. So, technically hindi nila mapapanood ang game ko next month.
Ayos lang naman saʼkin. Naiintindihan ko naman ang dahilan, e.
"Order na tayo, mom." si Thanya at tumingin sa menu. "Ikaw ate Thadz? Donʼt tell me-diet ka?"
Nginiwian ko siya at sumandal sa upuan. "Pagkain 'yan, Thanya. Walang diet diet!"sagot ko at hinablot ang menu.
"Baka si ate Thanya kase takot manaba dahil sa showbiz?" sabat ni Thalia. "Ang showbiz pa naman ay labanan ng galing sa pag-arte at ka-sexy-han."
Ibinaba ni Thanya ang menu booklet at inismiran si Thalia. "Kahit hindi na ako lumaban ng pa-sexy-han, sis! Isang kindat ko lang-nakikita na nilang sexy ako lalo na ng mga director!"
"Ehe!"
Natawa naman ako sa kulitan nila. Tunay naman sinasabi ni Thanya, e. Noong isang beses nga na kinuha siya bilang commercial model, simpleng kindat niya lang sa camera, nagtilian ang mga ka-schoolmates niya tapos ang mga staffs noon ay grabeng papuri kay Thanya.
Kumbaga, kahit hindi maglabas ng cleavage-sexy nang tingnan! Without too much skin, attractive and seductive.
"Maʼam, sir? Whatʼs your order?"
Si mommy na ang nag-dictate ng mga napili naming pagkain. Hindi nagtagal ay umalis na ang waitress upang ihanda ang aming mga i-order.
Kaming pamilya naman ay nagpatuloy sa pagku-kwentuhan at kulitan. Nasa kalagitnaan kami ng kasiyahan nang may mag-ingay na grupo ng mga babae hindi kalayuan sa entrada ng restaurant na ito.
"Is that Grant Altafranco?"
"Ang hot niya talaga, sis!"
"Shem, water please!"
"Oh, he is with his kuya! Kyaaah! Nakakaloka this day!"
"Deym! Bakit ang gwapo ng kuya niya?!"
Kunot-noo naming magkakapatid na tiningnan ang mga taong kakapasok lang sa restaurant at agad na in-assist ng isang receptionist sa reserved table.
"S-Si Grant, ate!" tili ni Thalia sa mababang boses. "Whatʼs he doing in here?"
Tang*na din nitong kapatid ko. Tatanong sa amin kung bakit-e pare-pareho kaming hindi alam!
"Kasama niya si..."pambibitim ni Thanya kaya napatingin ako doon. "...si Eldritch Altafranco, ate."
Kita ko nga.
"Anong gusto mong gawin ko? Magta-tumbling dito?" sarkastika kong sagot. "Hayaan niyo na lang. Kaya nandito ang magkapatid ay dahil sa pagkain,"
Narinig ko ang pagtikhim ni dad.
"May kapatid pala si Eldritch Altafranco, anak?" takang tanong ni daddy.
Tumango ako. "Yes, dad. B-Bakit ho?" utal kong tanong at tumingin sa pwesto ng magkapatid na Altafranco.
"I thought nagkataon lang na Altafranco si Grant. Siya kasi ang kinuha namin, bukod kay Thalia, na ambassador ng Helping Hands Foundation. You know? Business matters,"
"Ah..."sagot ko kay dad at pinakatitigan ang magkapatid na mukhang may seryosong pinag-uusapan. Naglabas pa ng laptop si Grant at may ipinakita kay ser Eldritch.
Hanggang dito ba naman, cold pa rin ser? Kulang ka sa init, a.
"Tunaw na mom, dad si Grant at Eldritch sa mga tingin nila ate Thaddia at Thalia!" natatawang puna ni Thanya.
Agad akong nag-iwas ng tingin sa pwesto nila ser para lang samaan ng tingin si Thanya. "Asa!" depensa ko.
Hindi na nagawang gumanti ng asar si Thanya dahil dumating na ang orders namin. Sama-sama kaming nanalangin bago nagsimulang kumain.
Hindi ko alam pero ramdam kong may nakamasid, e. At hindi na ako magtataka kung isa kay Grant o ser ang mga matang iyon.
Napansin ko ang simpleng pagsilip ni Thalia sa ibnag pwesto. Pwesto kung saan naka-dine in sila ser Eldritch.
"Type mo, Thalia?" bigla ay banat ko. Nasamid naman siya. "Mukha nga," natatawang sabi ko bago sinubo ang beef steak.
"Manahimik ka nga ate. Type ka diyan."
Kunyare pa amp.
"Gusto mo...ilakad kita?" bulong ko dito para hindi madinig nila mommy.
Nanlaki naman ang mga mata niya. "T-Talaga?"
Tang*na, tumanggi pa 'yan ah.
Uminom muna ako ng tubig bago siya nginisihan. "Kahit itakbo pa kita papunta sa kanya, e." biro ko.
Nagsalubong naman ang mga kilay niya. "Wala akong interes sa lalaking iyon, 'no! Niloloko lang kita!"
"Pwet mo, Thalia! Huli ka na, nagde-deny ka pa! Showbiz na showbiz amp."
Inirapan niya naman ako bago bumalik sa pagkain niya. Ganyan kami kalapit na magkakapatid sa isaʼt-isa. Tropa-tropa ang turingan pero alam ang salitang respeto sa mga usapan.
Matapos naming kumain ay nagpasya n akaming umuwi dahil may mga kanya-kanya pa kaming gagawin sa bahay. Sina mom at dad mag-aayos ng mga gamit nila para sa flight nila bukas. Kaming magkakapatid ay kailangang mag-aral ng mga aralin dahil may pasok bukas.
Pagsapit ng hapunan ay sama-sama kaming kumakain ng dinner. Hindi pa rin nawawala ang kwentuhan at kulitan kahit nasa hapag.
"Mga anak, iyong mga bilin namin sa inyo. Palaging manalangin syempre. Mag-aral. Maging responsable at huwag magpapabaya sa mga mahahalagang gawain." bilin ni mom.
"Ingatan ang mga sarili. Sabagay, may makakasama naman kayo habang wala kami ng mommy niyo dito sa Pilipinas. For sure, Ace would look after you, ladies." si dad.
Nagkatinginan naman kaming magkakapatid bago tumango at ngumiti kina mom at dad.
"Sige naʼt bilisan niyo nang kumain para makapahinga na kayoʼt may pasok pa kayo bukas."
"Opo." sagot naming tatlo at tinapos na ang pagkain.
--
Kinaumagahan ay nag-ayos na ako para pumasok. Kaninang 2 ng madaling araw ay lumipad na patungong Europe ang aming mga magulang. Nagpaalam lang saglit sa aming tatlo at hindi na pumayag na ihatid pa namin sila kaya si Mang Kislap na lang ang naghatid dahil may mga klase pa kami.
"Anong oras ang pasok nina Thanya at Thalia, yaya?" tanong ko sa katulong namin bago uminom ng gatas.
Nagpunas muna ito ng kamay bago ako sinagot. "Si Thanya ay mamaya pang alas-nwebe empunto. Si Thalia namaʼy alas-dyes pa. Ikaw laang ang maaga, Thaddia."
Napangiwi naman ako. Buti pa sila.
"Hay. Ganoʼn talaga yaya. Pakigising na lang sila at huwag niyo pong paaalisin ng bahay na hindi kumakain, ha?" bilin ko at pinunasan ang aking labi ng table napkin.
Nag-toothbrush lang ako ng mabilis at nagpunta sa aking sasakyan ngunit laking gulat ko nang makita ang sasakyan ni Ace sa labas ng aming bahay kaya kunot-noo ko iyong nilapitan.
"Good morning, baby girl! Let me drop you in your school." bati ni Ace.
Ilang segundo ko siyang pinagmasdan mula ulo hanggang paa. Nakasandal sa sasakyan niyang Ford at magka-krus ang mga braso habang suot ang itim na sunglasses.
Tang*na, para akong nakakita ng Hollywood Star!
"Ace...a-anong trip mo? Tsk! Dudumugin ka doon eh!"
Umalis ito sa pagkakasandal sa sasakyan at itinaas ang suot na salamin bago ako ngisihan. "Donʼt worry, Iʼm all yours. Haha! Letʼs go."
"Bahala ka nga!" suko ko at humarap kay Mang Kislap. "Mang Kislap! Hindi na ho ako magdadala ng kotse. Pwede pong pakilinisan na lang?"
"Ay sige ho, Maʼam. Ingat ho."
"Salamat po."
Pinagbuksan ako ni Ace ng pinto ng sasakyan bago siya umikot sa driverʼs seat at hindi nagtagal ay nagmaneho na papuntang Letran.
Nang makarating sa parking lot at muli na naman niya akong pinagbuksan ng pinto at inalalayan pababa.
"Hala, girl! Look at that guy!"
"Saan-ay shet, Shiela! Bakit may naligaw na artista dito?!"
"Ang gwapo niya!"
"Si Thaddia Montefeltro 'yan hindi ba?! Waaaah! Ang swerte naman ni captain!"
"Oh my girl! Hindi baʼt may bali-balitang may boyfriend si captain pero nasa ibang bansa? Baka siya 'yon!"
Napatingin ako kay Ace dahil sa mga bulungan na sinasabi nila at napangiwi.
"Hay nako, Ace!" sabi ko at natatawang naglakad ngunit hindi ko inaasahan ang ginawa nitong pag-akbay sa akin habang naglalakad papuntang klase ko kaya naman mas lalong bumuhos ang tilian at bulungan ng mga nakakakita.
Tang*na, bahala kayong mag-isip.
"Ang sweet nila, Rizalyn! Aaack! "
"Tama ka, Jen! Boyfie niya nga! Huhuh! Ang ganda talaga ni captain!"
Napairap ako sa isip ko dahil sa mga sinasabi nila at palihim lang na ngumingisi. "Ace, dito na lang ako. Salamat sa paghatid, ah. Ingat ka." sabi ko dito nang tumapat kami sa M-Building kung saan naroon ang classroom ko.
Ngumiti naman siya. "Sure, baby girl. Do you want me to fetch you later?" alok niya.
"Aaack! Baby girl daw!"
"Waaah! Ang sweet niya, Dianne!"
"Captain ikaw na!"
Tili ng mga students na malapit sa gawi namin.
"'Wag na, Ace. Sasabay na lang ako kay Lea mamayang hapon. May practice kasi kami e." sagot ko.
"Tsk. I want to watch you play later but...I have something to do that time." dismayado nitong sagot at nagawa pang hawiin ang buhok ko palikod.
"Ayos lang. Marami pa namang ibang araw e. Sige na. Papasok na ako."
"Hmm. Study well, baby girl."
Hindi rin nagtagal ay lumakad na ito paalis at nang mawala sa aking paningin ang pigura niya at humarap ako sa mga estudyanteng kanina pa kaming pinapanood at tinitilian ni Ace.
"Gwapo 'no? Akin 'yon. Haha!" biro ko bago humakbang papasok sa aking building at dumiretso sa silid.
Pagpasok na pagpasok ko ay agad bumungad sa aking mata ang gwapong-gwapong si ser Eldritch na may blankong tingin sa akin habang magka-krus ang mga braso.
"Good morning, ser."
"Take your sit."
Tang*na, anong mood mo ngayon at parang may galit ka sa akin?
Pagkaupong-pagkaupo ko sa aking silya ay agad akong kinausap ni Lea. Babaeng ito hindi nakakatiis na hindi nadaldal. Tang*na.
"Lagot ka bruha. Wala sa mood si ser engineer!" bulong niya sa akin.
Umirap ako. "Nasa at wala sa mood-iisa lang awra niya. Huwag mo nga akong gawing tanga, Lea." bulong na sagot ko din.
Magsasalita pa sana si Lea nang tumama sa amin ang mata ni ser na as usual, blanko na malamig pa.
Gaya din ng lagi niyang ginagawa, lalapit siya sa pwesto ko at itutuon sa armchair ang isang kamao bago magtanong.
"Why do blueprints turn blue, Miss Thaddia Montefeltro?" malamig ngunit pakiramdam ko ay may diin ang pagkakabanggit niya sa surname ko.
Tumayo ako nang tuwid at nilabanan ang mga titig niya.
"Ser, blueprints turn blue... when the two papers are exposed to a bright light,"
Tinanggal niya ang kamay sa armchair ko at ma-awtoridad na nagtanong pa. "Why?"
"Ser, because... the two chemicals react to form an insoluble blue compound called blue ferric ferrocyanide." confident kong sagot.
"Also known as what?" tanong niya ulit.
Nakita ko kung paano mamangha ang mga kaklase ko at ilang tinging nagagawa ng issue sa nakikita.
"A-Also known as Prussian Blue, except where the blueprinting paper was covered, and the light blocked, by the lines of the original drawing, ser."
Ngumisi ito at tumalikod. Uupo na sana ako nang magsalita siya.
"Iʼm not yet done, Thaddia. Donʼt sit."
Naguguluhan ko itong sinagot. "Ser?"
Nang makarating ito sa desk niya ay nagbuklat siya ng folder at muli akong tinanong. Tang*na. Trip ba?
"What can you infer as you heard the word drawings in terms of engineering?"
Napatingin ako kay Lea at sa iba ko pang kaklase marahil ay ramdam nila kung anong tension na nabuo. Ikaw ba naman ang biglaang tanungin ng ganito?!
Tang*na, mamaya ka ser.
Ibinalik ko ang tingin kay ser na nakangisi. Napairap ako sa aking utak. Sorry but the last time I check, sanay na akong nahihirapan dahil sa kanya. Walang bago. Lahat nakakagago.
Huminga ako nang malalim bago siya sinagot.
"Drawings ba kamo, ser?"
"Yes. Answer me...with equal intensity."
Nginisihan ko siya.
"Well, ser as I heard the word drawings, I can infer that drawings includes construction documents, prints, blueprints."confident kong sagot. "It also provide the owner, general contractor, sub-contractors, and suppliers the information needed to bid and build the project." bitin ko.
"And?"
"And... visualizing the plans is the initial component, ser. Absorbing the image of the project in its entirety provides a sense of completeness."
"Woah..."
"Captain,ang talino mo talaga!"
"Sana lahat ganyang kagaling!"
"Nakakaloka, ang bangis!"
Gustong pumalakpak ng tenga ko dahil sa sinabi ng ilan naming kaklase. Lihim na lang akong napangiti dahil doon. Tang*na.
Ibinaba ni ser ang folder at nginisihan na naman ako.
"You may sit. Impressive, Thaddia."
Hindi muna ako umupo gaya ng utos niya imbes ay siya naman ang tinanong ko.
"Ser, can I ask you this time?"
"What?"
"Why do you find me...impressive now?"
Natigilan ito ng ilang segundo ngunit nakabawi naman kalaunan.
"Because...youʼre intelligent lady."
Napangisi ako. "Then why intelligent lady like me doesnʼt know how to play a game well?" makahulugan kong tanong.
Nanahimik ang silid. Ingay lang ng aircon ang madidinig.
"Your point?"
"Bobo sa ibang larangan ng laro ang mga matatalinong tao na gaya ko, ser."
Nag-igting ang panga niya. Napangisi ako.
"Joke lang, ser! Hahaha! Ang cute mo talaga ser mapikon, grabe! Aral na tayo, ser." biglang bawi ko at naupo.
Tila nakahinga nang maluwag ang mga kaklase ko lalo na si ser nang sabihin kong nagbibiro lang ako.
Tang*na, masyadong seryoso.
"Okay letʼs proceed to structural design." sabi ni ser at nagpatuloy na sa pagdi-discuss.
Nagpaliwanag na lang siya at paminsan-minsan ay nagtatanong din sa iba. Iniiwasan niya na akong tanungin pa dahil baka mapikon ko na naman.
Told you, ser.
--
Kasalukuyan kaming nakain sa cafeteria ni Lea nang may lumapit sa aming isang grupo ng mga babae na may pagtitili pang nalalaman.
"Captain! Look, oh!" tawag sa akin ng isang sophomore at ipinakita ang kanyang phone. "Heʼs your boyfriend, right?! Look! Headline kayo sa ating campus tabloid!"
Kunot-noo kong kinuha ang phone niya at tinitigan ang nakasulat sa website ng school-particular sa ilalabas na tabloid!
Team Captain Montefeltro is in a relationship?
Basa ko sa headline at sa ibaba niyon ay ang picture namin ni Ace kaninang umaga kung saan naka-akbay siya sa akin at gwapong-gwapong nakangiti!
Nakagat ko ang aking labi dahil dito. Tang*na.
"Patingin nga!" si Lea at hinablot sa akin ang phone ng babae. "Naku, Thaddia. Ang ganda mo dito, infairness a! Hahahaha! Ay talagang pagkakagukuhan ka dahil sa mala-hollywood star mong boyfriend, taena ka. Harot!" buyo niya pa.
Inirapan ko lang siya at uminom sa aking juice. "Big deal ba, guys? Hayaan niyo na lang." walang gana kong sagot at inagaw kay Lea ang cellphone ng babae at ibinalik dito. "Sige na. Hindi naman kayo yayaman sa ganyang balita. Hehe. Kain na kayo doʼn."
"Aw. Pero...yiee! Bagay kayo captain!"
"Kaya nga, captain!"
"Ano bang name niya, cap?"
Huminga ako nang malalim bago sila pinanliitan ng mga mata bago seryosong sumagot.
"Mine."
"Aaaackkk! Nakaka-Waaah! Ang sweet!"
Tang*na.
Hindi rin nagtagal ay umalis na ang mga ito sa harapan namin kaya nagpatuloy kami sa pagkain at kwentuhan ni Lea.
"Ang taray, Thaddia a. So, boyfriend mo nga si Ace?!" tanong niya na chismosang-chismosa ang tono.
Nasabi ko sa kanya ang name ni Ace kaya alam niya at kung saan ito galing at bigla na lang sumulpot. Pati siya, gustong kumpirmahin kung boyfriend ko ba ito? Sino ba ako para...itanggi. Tang*na.
"Importante pa ba naman iyon-"
"Thaddia,"
Nakaramdam ako ng kilabot nang mula sa likod ko ay may taong tumawag sa akin. Kahit nakatalikod o nakatagilid-kilala ko kung sino ang may-ari ng tinig na iyon.
Dahan-dahan ko itong hinarap at todo ngiting sinagot. "Yes, ser? Me kelangan ka na naman ba sa akin?" biro ko.
Blanko niya naman akong tiningnan pabalik. Napangisi ako.
"We have to talk."
"S-Ser?"
"Now,"
"Pero kase-"
"Please,"
Napatingin ako sa kamay kong hinawakan ni Lea. Sinenyasan niya akong pumayag na kaya napabuga ako ng hangin at ngumiti kay ser.
"Sige, ser. Alam niyo namang hindi ko kayo matatanggihan, e. Sige ser. Letʼs talk. Para sa grades ko."
Matapos kong sabihin iyon ay ininom ko sa huling pagkakataon ang aking juice bago dinampot ang aking bag at naunang maglakad palabas ng cafeteria. Naramdaman ko naman ang pagsunod nito sa akin.
Nang medyo malayo na kami sa mga estudyante ay tumigil ako sa paglalakad at hinarap siya.
"Saan ba ser tayo mag-uusap? Dito ba sa field? Sa gitna ng matinding sikat ng araw?" medyo sarkastiko kong sagot.
Hindi ito nagsalita at sa halip ay hinawakan nito ang pulso ko at naglakad papunta sa parking lot!
"Ser? Aalis na naman ba tayo ng Laguna para lang makausap mo ako? O Lalabas tayo ng Laguna para lang makasabay akong kumain?" tanong ko matapos niya akong pagbuksan ng pinto ng sasakyan niya.
Wala akong nakuhang tugon imbes ay mabilis siyang sumakay sa driverʼs seat at pinaharurot ang sasakyan palabas ng Letran.
Napasandal ako sa aking kinauupuan.
Tang*na.
Ilang minuto pa tumigil kami sa lugar kung saan tanaw na tanaw ang malawak na palayan. Taka kong tiningnan si ser na ngayon ay mahigpit ang pagkakahawak sa manibela at kahit hindi niay ipakita ang tunay niyang emosyon ay nararamdaman ko naman.
Napabuntong-hininga ako bago hawakan ang kamay nitong nakahawak sa manibela niya upang pakalmahin. Doon niya ako nilingon.
"Ser...kung ano mang problema-huwag mo na idamay pa ang iyong manibela." saad ko at pilit na ngumiti sa kanya.
"Thaddia, you are so dangerous!"
Naguguluhan ko siyang tinitigan. "Paano, ser?" tanong ko.
Nagbaba ito ng tingin at nagmura. "f**k it. Youʼre destroying the hell out of me, Thaddia."
Napaiwas ako ng tingin sa kanya at sa halip ay pinagmasdan ang malawak na palayan.
"Wala akong alam sa sinasabi mo, ser."
"Damn. You donʼt get me, do you?"
"Oo ser. Tsaka, kailan kita nakuha? Sa pagkakatanda ko kasi...hindi ako nagplano o nag-isip man lang na makuha ka. Grabe, ser. Iba kang mag-isip-"
"Thaddia, Iʼm serious!"
Doon ko siya muling tinapunan ng tingin. Napangisi ako. "Youʼre serious ser? Hala...dapat hindi na ser. Tsk. Mahirap maging seryoso ser." ngumiti ako dito. "Kasi ser, ang mga nagseseryoso ngayon...sila pa ang ginagago."
Ang kaninang walang emosyon at blanko niyang tingin ay unti-unting dinapuan ng mga reaksyon.
"Thaddia,"
"Okay ser. Sabihin mo sa akin...anong magagawa ko para hindi na magkaganyan?" nakangiti kong tanong dito.
Mamaya makaiyak pa ito sa harap ko. Ayoko pa naman nakakakita ng mga lalaking umiiyak. Kaya hanggaʼt maari, bigyan ng solusyon. Solusyong may limitasyon, sʼyempre.
"Tell me...are you in a relationship?"
Tang*na.
Tumitig ako sa mga mata niya nang malalim. "What if I said...yes?"nanunuya kong tanong.
Nag-iwas ito ng tingin sa akin at ang akala ko ay susukuan niya na akong kausapin nang mapatigil ako sa isinagot niya.
"I wonʼt allow you of course."