Araw ng Biyernes. Kinabukasan ay ang pagdiriwang ng kaarawan ni ser Feli Altafranco. Laman ang pangalan niya ngayon sa usapan ng mga Letranista kahit may klase ngayon. Grabe. "Excited na ako bukas, awiee!" "Tama! Dapat hindi invited ang mga spiker ." "At hindi dapat invited ang mga kagaya mo, girl." sabat ni Lea na tumayo pa sa upuan niya at lumakad sa upuan ni Shiela at hinampas ang ibabaw ng desk niya. "Alam mo kung baket? Oh, ako na sasagot. Tanga ka pa naman. Dapat hindi invited ang mga spiker sabi? Gaga, tagalog na nga-mali pa gamit mo ng sentence. Ang mga spiker? Baka ang mga spikers kasi marami? Gosh, nakarating ka ng college na ganyan ka? Cheap." "At least maganda ako!" Natawa si Lea ng plastic. "Saang banda, girl? Baka kahit i-google ko pa 'yan, hindi ko makita? Hahaha-ew."

