Untitled
Tinitignan niya ang isang mukha ng isang babae sa gallery. Ang kanyang mukha at nababalutan ng saya, kita ang mga linya ng ngiti sa gilid ng kanyang mga mata at ang kanyang mga dimples na makikita sa magkabilang pisngi niya at ang kanyang buhok na kulay itim katulad ng pangguhit ng lapis na matagal na niyang kinalimutan gamitin. He was an artist, recognized artist, national artist awardee pero hindi na siya nag-pipinta o kaya gumuguhit. Para bang nakalimutan na niya kung paano gawin ang mga ito at nawala bigla ang kanyang mga talento. Tinitigan niya muli ang dati niyang mahal na nasa apat na sulok ng magaspang na canvas. It was not one of his works pero gawa ng asawa ng babaeng inibig niya noon.
"Masaya ako at nakarating ka!" Pagbati ng lalaking asawa ng modelong nasa larawan sa kanya sabay paglapag ng kanyang kamay sa balikat nito. Ngumiti siya sa kanya marahil hindi alam ang sasabihin pero sinubukan niya pa ring mag-salita.
"Siyempre naman. Suportado kita dito." at ngumiti siya bakas ang pait ng nakaraan sa kanyang mukha.
Huminga ang lalaking untiting umakbay sa kanya at tinitignan ang parehong artwork na tinitignan niya kanina, makikita na ang mga detalye ng artwork, may hawak itong mga iba-ibang makukulay na bulaklak sa kanyang mga bisig ito nanatili.
"Walang kupas parin yung ganda niya diba?" Ang pintor na gumawa ng artwork ay napangiti sa larawan. Tanda niya pa ang bawat tingin niya sa canvas, paghalo ng mga kulay na pula at dilaw na kulay ng paglubog ng araw. Mga titig sa buhay na mga rosas at kaisaisang puting bulaklak sa gitna ng mga makukulay na noon ay simbolo ng kagandahan ng modelo. Ang mga titig niya sa kanyang dating asawa at tawa dahil sa hirap na itong magpakita ng magandang tindig dahil sa nangangawit at hirap na ito sa pagtindig ng maayos para sa magandang larawan.
"Oo." Nanumbalik rin ang mga alala ng dumalong bisita. Mga araw na mapanglaw at madilim kung saan siya palagi ang kasama sumuong sa ulan. Mga araw kung saan naramdaman niya ang pakiramdam nang maging isang buhay.
"I remember those times you dated." Tawa nang pintor. "Galit na galit pa nga ako nun. Binugbog pa nga kita"
"Ang sakit nga noon eh. Parang hanggang ngayon nga ramdam ko parin" he rolled his eyes and at the same time laughed it off.
"Pero napangasawa mo nga siya at hindi ako." parang binigkas niya ang isang tulang ayaw na niyang banggitin.
"Pero nawala naman siya sa akin." tinitigan ng pintor ang bisita at makikita ang apologetic face sa kanya. "Nawala siya sa sarili kong mga kamay." Ang alaala niya na nasa kanya pang mga bisig, mga patak ng ulan na dumadampi sa kanilang mga balat, maging sa buhangin ng mga dalampasigan at mga alon na nagsisilakihan at tila ba gustong makipag-away sa isa't-isa. Ang unti-unting pagdulas ng kamay ng kanyang asawa sa kanyang mukha at ang kanyang asul na mga matang nawalan na ng kinang at nakatitig na sa kawalan at ang kamay ng pintor ay ipinikit na ang mga mata ng iniirog. "But I found you." at sa pagbukas muli ng mga mata ng pintor nakita niya ang kanyang minamahal, ang kanyang pinakatatanging bisita, ang dating pintor.
"Ayokong tawaging siyang bridge para sa atin. She's more than that." lalong pinahalagahan ng dating pintor ang babaeng nasa larawan bagat may kaunting kurot ng pait sa kanyang puso ang espesyal na lugar sa kanyang puso. "She's an angel." Ang mga palad ng dalawang pintor ay unti-unting nagkalapit at naging isa at iyon ay isang kwento.