SANDALING pinagmasdan ni Aesthen ang mukha niya sa salamin bago siya ngumiti tapos ay natutuwang hinawi ang buhok niya at saka pu-mose.
Sabi kasi ng ng isang miyembro ng paburito niyang banda na All Time Low, minsan sa isang linggo ay kailangan humarap ng isang tao sa salamin at sabihing siya ang pinaka magandang prinsesa sa buong lugar niya. Nang sa gayon ay magkaroon siya ng katatagan at confidence na iharap ang sarili sa iba at hindi ito itago o ikahiya.
Kaya't ang mga ganitong moment sa buhay ni Aesthen ay ang mga times na hindi na niya alam ang gagawin at pinapatawa na lamang niya ang sarili. Pumo-pose siya sa harap ng salamin para masatisfy ang sarili.
Agad pinasadahan ulit ng dalaga ng tingin ang hitsura niya sa flowing spaghetti strap floral dress na suot niya.
Ito lang ang tanging dress na nakuha niya sa kaniyang bahay. Medro pormal din kasi ito kapag nalagyan ng blazer. Inisip niya na maaaring gamitin ito sa isang meeting kung magkataon. Ayon nga lang ay mukhang malabo na iyong mangyari, dahil ibang work naman pala ang napasukan niya kay Aries. At malayong-malayo ang professionalism kay Aries Caballero.
Tipid na napailing na lamang si Aesthen sa sarili at saka kinuha na ang kaniyang pouch at naglakad na palabas ng kwarto.
It's Saturday morning and she wouldn't waste this day sitting with her ass on the bed and waiting until Aries gets home. May sarili rin naman kasi siyang buhay at hindi siya makapapayag na ikukulong lang siya ni Aries sa loob ng penthouse na iyon. She's not even his slave or what-thing-he-wants-to-call-her, to begin with.
Agad nagvibrate ang cellphone niya at saka niya tinignan kung sino ang nagtext.Si Nix, ang nakababata niyang kapatid.
Mas lalong lumaki ang mga ngiti niya sa labi. Iniimagine niya kung ano ang magiging reaction ng nakababatang kapatid niya kapag nakita na siya nito. Isang linggo din silang hindi nagkita!Agad niyang binuksan ang text message na sinend nito.
am on my way na teh. ill meet u there
Mas lalo siyang ginanahang maglakad palabas sa penthouse ng lalaki. Magkikita sila sa isang diner sa Sta. Clarita, kabilang lungsod, malapit lang sa Pagaspas kung saan nakatira sila Aesthen. Pero mas malayo ang babyahihin ni Aesthen dahil nasa San Juan siya, at may mahigit na limang lungsok na kalayuan ito sa Sta. Clarita.
Hindi mapakali si Aesthen habang hinihintay ang pagbaba ng elevator sa lobby. Iniisip na niya kung ano ang maaari nilang gawing bonding bilang magkapatid. Napailing na lang siya sa tuwa nang agad na nag-ding! na ang elevator at saka ito bumukas.
"Miss, Blanco, lalabas kayo?" biglang tanong ng babae sa reception area nang mamukhaan na siya nito. Probably, natandaan siya nito dahil ito noong isang beses na pinangaralan siya nito tungkol sa delivery man.
Tipid na tumango at ngumiti lang ang dalaga bago naglakad na paalis, pero agad na hinawakan nito ang braso niya para pigilan siya.
Napaangat kaagad ang kilay ni Aesthen sa babaing receptionist, tila nagtatanong.
"Sinabihan po kami ni Mr. Caballero no'ng isang araw na huwag kayong papaalisin." tipid na sambit nito. Parang sinasabi rin ng mga mata nito na sorry, ma'am, trabaho lang!, pero hindi iyon pinansin ni Aesthen at agad hinila pakalas sa hawak ng babae ang braso niya.
Not now!
She's going to see her little sister!
"Tell him, I'll go see my little sister." tipid lang na paalam ni Aesthen at saka mas minadalian na ang paglalakad paalis.
Akala niya ay okay na ang lahat ngunit napatigil siya nang agad na humarang ang isang guwardya na papadaan pa lang sa dadaanan niya.
Damn it.
Of course, sinenyasan ito no'ng pesteng receptionist!
Agad nang nagtinginan ang ibang tao sa lobby; mga taong lumalabas at pumapasok sa building na iyon. Damn. The last thing she wants right now is to be at the center of attention.
Agad siyang napahinga ng malalim at saka nilingon ang receptionist. Matatalim ang titig na ibinigay niya dito. Agad itong nag-iwas ng tingin na parang takot na takot sa kaniya.
Good.
Napangisi na lang si Aesthen sa isiping superior pa rin siya. Hindi pa rin pala iyon nwawala matapos ang nangyaring insidente sa kanila ni Daiah, isang linggo at ilang araw na ang nakakaraan.
"Hala! Diba si Aesthen Blanco yun? Yung nakapatay ng Editor niya?"
"Gaga! Muntikan lang napatay, nakasurvive yung babae!"
"My gosh, isusunod na ba niya yung receptionist?"
"Too bad. Baka nga. Ang talim ng titig eh."
"Ewan ko ba ba't hindi pa sinampahan ng kaso ng Editor niya! Dapat hindi hinahayaang gumagala ang ganiyan 'e."
"Di nga? Ay, grabe. Baka tinakot din niya ang Editor niya?"
Agad naikuyom ni Aesthen ang mga kamao niya nang marinig na ang mga bulungan ng mga taong napapatingin na sa kanila. Gusto niyang sumigaw, magwala. Gusto niyang ipaliwanag na wala siyang kasalanan. Na aksidente lang iyon dahil depressed siya. Na partly ay kasalanan din iyon ni Daiah. Na mortal enemies na talaga sila noon pa.
Bakit kailangang maging siya ang masama dito at lumabas na inosente si Daiah?
Ni hindi nga siya nakakulong ngayon dahil hindi naman siya inireklamo ni Daiah dahil hindi naman talaga niya ito muntikang mapatay!
At kung may nangyari man kay Daiah na masama noon, malamang ay hindi iyon magdadalawang isip na kasuhan siya dahil gano'n kalaki ang pagkamuhi nito sa kaniya, at gano'n din naman siya.
People should see it as what it really is. Obvious naman diba? Wala siyang kasalanan. Binato niya yung bote, oo, but that barely even met Daiah's knees! Yes, it may have bled, pero susmariosep! Ang layo sa bituka no'n!
Bakit tila habang tumatagal ay padami nang padami ang nakakaalam nang maling balita? Hindi na niya maintindihan. Napahinga na lang siya ng malalim.
She can't take any action now. Mas masisira lang ang pangalan niya. Inis na naglakad na lang siya pabalik sa elevator.
"What?! Seriously, dito din siya nakatira?!"
"What floor?"
"I should warn Anjeneth, about it! My God."
"I'll tell Jessa, she's not safe here. Baka mamaya neighbors pa sila niyan!"
You just have to tolerate their negative comments about your life.
Be insensitive for once. You always care about what the public may say about you. They even adored you back then! And you used to love them!
But look what happened now?
Dahil lang do'n, they stopped supporting you.
Nasobrahan nga lang ba talaga ng bongga ang pagkakaroon mo ng Superiority Complex o talagang dinaya ka ni Daiah sa pagkuha ng Editor's position?
Ano ba ang totoo?
I f*****g want the truth.
Mayabang ka lang ba talaga kasi you are used to getting what you want, and you're always on the top?They never get tired of making you feel the special treatment back then. But you're a trash to them now. Kaya ka ba nagkakaganyan ay dahil namimiss mo ang mga bagay na iyon, o malaking suntok lang talaga sa iyo ang nangyayari ngayon? Wow. Just because of a damn empty bottle and a drunk attitude!
Wow. Mapapa-wow ka na lang talaga 'eh.
Sa isang iglap, ang kagalang-galang na fashion journalist, kinamumuhian na ng lahat.
Hindi namalayan ni Aesthen ang sunod-sunod na pag-agos ng mga luha niya. Umiiyak na siya sa loob ng elevator. Napaupo na lang siya sa lapag at saka niyakap ang tuhod.
What has she done to feel this shame?
This pain?
She doesn't even deserve this treatment. But maybe the wheels are turning back now. So much for the luxuries they gave her. It's time to pay back all she has received. It's time to be back on square one, once again.
Naalala agad niya si Nix nang marinig ang pag-ding! ng elevator. Agad niyang kinuha ang cellphone sa pouch at saka tinext na agad ang malamang kanina pa naghihintay na kapatid sa meeting place nila.
Can't come. Sorry. I'll try next time. Ingat sa pag uwi.
Tipid na type niya lang at agad sinend iyon habang patuloy na tumutulo ang mga luha.Dapat ay kanina pa niya pinindot ang button up sa elevator ngunit parang nawalan na siya ng lakas pa para tumayo. Hinayaan niya na lang na unti-unti itong sumara.
Doon siya nagtaka.
Mabilis magsara ang pinto ng mga elevator, pero nagtataka siyang nakita pa niya ang unti-unting pagsara nito, in a slow motion, na para siyang nasa isang pelikula.
Isang classical romantic movie.
Iyon ay hanggang sa may sumingit doong kamay na sinundan na ng katawan.
Nanlaki ang mga mata niya nang makita si Aries na pawisang nagpupumilit makapasok sa elevator na kinalalagyan niya.
Nakaabot ito.
Pero hindi niya magawang tumayo o magcover ng mukha o miski ang sigawan man lang ang lalaki para itanong kung ano ang ginagawa niya doon.
Diba dapat ay nasa office na niya ito ng ganitong oras?
Nanatili lang siyang nakatingala ang mukha na umiiyak at nakatitig sa lalaki.
Ang mga mata niya ay may sinasabi na hindi makuha ni Aries, kung kaya't agad itong yumuko at pumantay sa kaniya.
"I heard what happened," naghahabol ng hininga niyang sambit sa babae. "I came back immediately."
Mas lalo lang napaiyak si Aesthen sa sinabi nito at hindi na niya napigilan pa. Agad na umangat ang kamay niya at saka malakas na sinampal ang kaliwang pisngi ni Aries bago na siya nagsisigaw.
"WHY, ARIES?! ANO BANG GINAWA KO SA'YO? I JUST WANT TO SEE MY SISTER!" sigaw niya habang patuloy lang sa pag-iyak at paghahampas sa dibdib ng lalaki. "You said you already took care of the media, pero alam nila. Kalat ang balita!"
Gigil na gigil siya sa lalaki. Gusto rin niyang maramdaman nito ang sakit na nararamdaman niya ngayon. Ang sakit na matignan ng mga tao ng gano'n. Ang sakit na akusahan ng pagpatay na alam niyang kahit kailan ay hindi niya masisikmurang gawin. Kahit na si Daiah pa ang target. Ang sakit na hindi niya man lang makita ang kapatid niya at mayakap para malaman niyang hindi siya nag-iisa sa mga ganitong sitwasyon. Masakit talaga.
"ANO BANG GINAWA KO SA INYO PARA GANITUHIN NIYO AKO, HA?! ALL OF YOU! YOU f*****g s**t PEOPLE!" halos lumuwa na ang mga ugat niya sa leeg nang dahil sa sobrang lakas ng mga sigaw niya, to the point na parang mapupunit na ang vocal cords niya.
Tumango-tango lang si Aries sa pinaka sinserong mukha na maibibigay niya bago hinawakan ang batok ni Aesthen para isandal ang ulo nito sa dibdib niya.
"I can't let you go out with people talking around you," bulong ni Aries bago na tuluyang binuhat ang dalaga pa-bridal style at saka siya unti-unting tumayo. "You just have to calm down, and rest." bulong pa nito sa tainga ng babae. "I said I already took care of it, but it seems like, may mga persistent sa pagpapakalat."
Parang may mali.
Aries is not the gentle type.
He makes things harder just to break someone.
He loves to torture people until humingi na ang mga ito ng saklolo at sumuko.
He will not make an effort for a girl just to prove he's serious.
He's not even interested in them at all.
But something about Aesthen twisted the knot that he was keeping to tie all his stuff away. Something about Aesthen freeing that stuff and all he can do now is to see what he can do about it. Letting it surprise him. After all, he likes surprises.
But he can't fall for it.
He can't fall for Aesthen.
He can't love her.
He shouldn't.
Binuksan agad ni Aries ang pinto ng penthouse bago tinignan si Aesthen na tahimik sa mga braso niya. Patuloy ang paghikbi nito pero wala na ang mga luha sa mukha. Hindi siya kinikibo ng dalaga at pinaglalaruan lang nito ang mga daliri ng dalawang kamay na nakapulupot sa leeg niya.
"What do you want to do?" mahinang tanong ni Aries.
Agad nagliwanag ang mga mata ni Aesthen nang marinig ang sinabi nito.
Ito yata ang unang beses na hindi naging bastos sa kaniya ang dating ng mga salitang iyon ni Aries.
Tipid na ngumiti siya at saka sinabing, "Bring my sister here."
Napailing na lang na nangingiti si Aries sa dalaga.
He just can't say no to this girl and her s**t requests.
"Ibaba mo na ko," mahinang sambit ni Aesthen bago iyon naalala ni Aries at saka na siya pinakawalan.
"I'll be going to work, naudlot lang nang tinawagan ako ng receptionist tungkol sa nangyari." paliwanag ni Aries bago nagsimula nang lumakad papuntang hagdan. Tapos ay lumingon ito at saka ngumiti, "We'll go fetch her when I get home this evening."
It was an effort for Aries to go to her after hearing the news from the receptionist, kahit maya trabaho ito. Pero hindi niya mapigilang mapaisip kung gaano kalapit si Aries sa kaniya para makapunta ito ng sobrang bilis. Not that he's questioning the man's answer, pero nakapagtataka lang talaga.
Like, nasaan ba ang building ng company na tinatrabahuhan niya, nasa labas ng apartmentcomplex na tinitirahan niya?