Chapter 5

2629 Words
3RD PERSON POV "So kumusta bes?" Ang magandang bungad kay Heiley ng kanyang kaibigan na si Jen, nang magkita sila sa isang mall para samahan itong magshopping. "Anong kumusta? Pansin mo ba ang itsura ko Jen, kaunti na lang mauutas na ako sa stress," bored na sagot niya dito, habang itinuturo ang kanyang mukha kung saan ay bakas na ang pamumutla at ang malaking eyebag sa ilalim ng kanyang mga mata. "Hindi ah, beautiful ka pa rin kaya, like me," maarteng saad pa nito sa kanya, sabay flip ng buhok na parang isang model ng shampoo sa mga commercial. Napatitig na lamang siya dito na para bang hindi makapaniwala at saka napailing. 'Lakas talaga ng babaeng 'to.' "Bahala ka nga dyan," nakasimangot na turan na lamang niya dito, habang sabay silang naglalakad patungo sa isang fashion boutique. Hindi rin niya mapigilan na di mapahikab ng malakas habang patuloy silang naglalakad. Tiningnan lamang naman siya ng kaibigan na parang nauunawaan ang kanyang nararamdaman bago haplusin ang kanyang likuran. "Ano ka ba bes? Ayaw mo nun, iniligtas na nga kita sa kamay ng future husband mo," anito, na para bang nangungumbinsi. Nang marinig naman niya ang tungkol sa 'future husband' may matinding inis at kilabot ang muling bumalot sa kanyang katawan, sangkat may parteng tama naman ang pahayag nito kaya hindi niya magawang tumutol pa. "Kung hindi kita inanyayahan ngayon, siguradong magkasama kayo at nagla-loving-loving sa inyong dreame house," pagpapatuloy pa nito, na puno ng pang aasar at may pagtaas-baba pa ng kilay. Nang dahil sa kalukohan ng kanyang best friend na ito, muling nanumbalik ang kanyang isipan sa naganap isang linggo na ang nakakaraan. "Ma!?" nanlalaki ang mga mata at di makapaniwalang bulalas niya sa kanyang ina. "Yes, my dear, nagustuhan mo ba ang magiging tirahan nyo?" anito, at saka siya nginitian na para bang walang alam sa kanyang ipinapahiwatig. "Whaa--t? Pa?" Dahil sa nakuhang reaksyon sa ina, wala siyang ibang nagawa kung hindi bumaling naman sa kanyang Papa para humingi ng tulong. "Pa--" pero bago pa siya makapagsalita ay naunahan na siya nito. "Sorry anak, para sa iyo rin ito." Tumango pa ito at saka sumunod na sa pinuntahan ng kanyang Mama.. Gusto niyang mainis dahil wala siyang kakampi kaya wala sa sariling, napasilay din siya sa magulang ng lalaking mapapangasawa niya at kahit papaano, she hope that they will help her, but what she saw and what they do makes her want to faint. Nang mapadako ang kanyang paningin sa mag asawang Ross, akala niya ay maaawa ang mga ito, pero isang thumbs up na may kasamang ngiti ang kanyang nakuha bago bumaling ang mag asawa sa kanyang mga magulang para kausapin ang mga ito. Kahit labag sa kalooban, napadako rin ang kanyang paningin kay Damon na tahimik lamang na nakatitig sa harapan ng bahay. Para bang may malalim itong iniisip at hindi na napapansin ang nangyayari sa paligid. Naisip niya na mas mabuti na iyong pagiging seryoso nito kaysa naman sa bastos at mapang asar nitong ugali. "Halika kayong dalawa, let's make a tour inside the house," rinig niya ang excited na pag aanyaya ng kanyang Mama, kaya naman nawala ang pagkakatitig niya kay Damon. Nang maglakad na silang dalawa palapit sa bahay, hindi inaasahan na magkakasabay sila sa aktong pagpasok sa pinto. Malaki naman at malawak ang pinto kaya kasya sila, medyo nasa kanyang likuran lamang at talaga malapit sa kanyang likuran ang matipunong hubog ng katawan nito. Hindi na lamang sana niya papansin iyon kung hindi siya nakarinig ng isang bulong mula dito. "Did you enjoy staring at me earlier?" anito, gamit ang malalim at mapang asar nitong boses na nagpatayo sa balahibo ng kanyang batok. Hindi naman siya nagpa apekto sa pang aasar na ginawa nito bagkus ay mabilis niyang hinarap ito para bigyan ng masamang tingin at saka inis na magmartya palayo. Makalipas ang halos ilang oras na paglilibot sa loob ng bahay, na satisfy din ang kanilang mga magulang at nagpasya nang umuwi at maghiwalay ng landas. Nang makauwi, gusto pa sana niyang kausipin ang kanyang Mama at Papa patungkol sa plano at desisyon ng mga ito. Pero, bago pa niya iyon magawa, pagbalik niya sa kanyang kwarto pansin niya na may kakaiba. Nang ilibot niya ang kanyang paningin sa paligid, ang una niyang napansin ay ang pagkawala ni Mr. Carrot Man. "Ha? Dito ko lang sya iniwan kanina ah, saan na yun napunta?" aniya, habang nakayuko at sinisilip ang ilalim ng kama. Nagbabakasakali siya na nahulog lamang iyon. Ilang minuto na ang nakalipas, pero sa kasamaang palad hindi niya talaga matagpuan si Mr. Carrot man. "Hija, naghanda ang mommy mo ng tea at cake, halika na at sabayan mo siya." Rinig niya mula sa labas ng kanyang kwarto. "Yaya, sige po susunod na ako may hinahanap lang po ako!" sigaw niya, sapagkat nasa ilalim pa siya ng kama. "Ano ba iyon? baka matulungan kita." Alam niyang magandang offer iyon kaya nagmamadali siyang gumapang paalis sa ilalim ng kama para mapagbuksan ng pinto ang kanyang Yaya. "Si Mr. Carrot Man po, nakita nyo ba sya dito kanina?" tanong pa niya sa matandang kasambahay. "Ah, yung unan na hugis Carrots ba?" "Hala, opo yaya! Yun nga? Nasaan na po?" masayang sagot niya dito, kahit papaano ay humihiling siya na sana alam nito kung nasaan ang kanyang importanteng gamit na iyon. Hindi agad sumagot ang matanda at baghayang inilagay pa sa baba nito ang isang kamay na para bang nag iisip ng malalim. Siya naman ay tahimik lamang na naghihintay, pero halata na sa kanyang mukha ang kaba sa bawat minuto na lumilipas. Napaka halaga ni Mr. Carrot Man para sa kanya kaya ang isipin pa lang na mawala ito ay nakakatakot na talaga. Para sa kanya, ang stuffed toy na iyon na lamang ang isang alaala na naiwan ng kanyang unang minahal at unang naging nobyo. Hindi man sila nagkatuluyan sa huli, pero kahit ganun ay hindi niya magawang itapon o iwan ang natitirang alaala nito na kung saan ay si Mr. Carrot Man. "Ah ipinalagay na ni Madam sa maleta mo." Dahil sa malalim na iniisip, hindi niya agad narinig ang pahayag ng matanda. "Po?" Bago pa maulit ng kanyang Yaya ang sinabi nito, naunahan na ito ng kanyang Mama na kadadating lamang. "I already packed your things again, dear." "Bakit Ma--" "I don't need to say it, right? You know the answer," saad nito na kapag pa tahimik sa kanya. Malinaw pa sa sikat ng araw ang ipinapahiwatig nito, gusto ng kanyang ina na lumipat na siya sa bahay na iyon sa lalong madaling panahon. "Ma, ang bilis naman, hindi pa manlang ako nakakaisang linggo dito sa bahay," pagrarason pa niya, baka kahit paano ay malambing niya ang kanyang Mama. "Hindi naman ibigsabihin na kapag doon ka na nakatira ay hindi ka na rin pwede umuwi dito di ba?" nakangiti pang anito, kaya napakamot na lamang siya sa kanyang ulo. Kahit kailan talaga, kapag kausap niya ang kanyang Mama, parang grade schooler pa rin ang tingin nito sa kanya. Ayaw naman niyang sagutin ito ng pabalang at bastusin ito kaya hindi na lamang siya nagsalita pa. "You can always visit us," dugtong pa nito, kaya napatango na lang siya. 'Wtf, seryoso talaga sila,' napapailing na isip-isip niya habang sinusundan si Yaya kung saan nilagay ng Mama niya ang mga gamit. Kung iisipin parang napaka diktador at mahigpit na magulang ang kanyang Mama at Papa. Pero sa katotohanan, nagiging despirado lamang ang mga ito dahil sa kanyang kalagayan. Natatakot ang mga ito na baka tumanda siya na walang kasama sa buhay kaya lahat ng paraan para makapag asawa ay ginagawa na ng mga ito. Hindi naman siya sa nagrereklamo dahil sa paraan ng mga ito, sa totoo nga niyan ay parehas lang sila ng gusto. Ang makapag pamilya siya bago manlang tumapak sa trenta ang kanyang edad. Walang problema sa arrange marriage, ang problema ay ang kanyang mapapangasawa. Ayaw niya kay Damon Ross, mula ng una niya itong makita lalo na nang makasama niya ito ilang oras pa lang ang nakakalipas. Para kay Heiley, si Damon ang tao na hindi niya kayang makasama. Nararamdaman niya na gulo lang ang magiging dulot ng marriage trial na iyo-- 'Teka? Trial nga lang pala ito, Oo nga no, hm this is interesting,' isang nakakatakot na ngisi ang lumabas sa kanyang mga labi dahil sa naisip na iyon. 'Kailangan ko lang gawin ang mga bagay na ika aayaw niya sa akin, dahil wala akong magawa para magback out, siya ang pipilitin ko na magback out sa marriage na ito.' Dahil sa naisip na plano kaya halos umikot ng 360 ang kanyang pananaw sa mga pangyayaring ito. Nang makalipas ang ilang oras at nakahanda na ang lahat ng kanyang gamit sa loob ng trunk ng sasakyan. Walang kahit kaunting pagtutol na nakita sa kanya ang mga magulang. Mabait at masunurin siyang sumakay sa kotse. Naiwan naman sa labas ng sasakyan ang nagtataka at naguguluhan niyang mga magulang. Nagkatinginan na lamang ang mga ito at napatango habang parehas na bagay ang umatakbo sa isipan. 'Baka natanggap na rin ni Heiley si Damon kaya pumayag na ito.' 'Masarap talaga sila pagmasdan, sana pagdating ng panahon makahanap din ako ng lalaking magmamahal sa akin kahit ilang taon na ang lumipas, kahit kulubot na ang aming balat, kahit mahina na ang aming katawan, sana,' nalumbay na hiling niya habang nasa byahe at nakatitig sa kanyang mga magulang. Hapon na, pero energetic pa rin ng kanyang Mama at Papa, nagagawa pang mag jamming at kumanta habang sumasabay sa tugtugin ng radio sa loob ng kanilang kotse. Dumidilim na ang kalangitan, wala namang ulan na nagbabadya, talagang kumakagat na ang dilim sapagkat nakalubog na ang araw. Makalipas ang isang oras na byahe ay nakarating na rin sila sa kanilang magiging bahay ni Damon mula ngayon. Walang ilaw ang bahay kaya naman sigurong wala ang kina-aayawan niyang lalaki sa loob. Binuksan ng kanyang Mama ang pinto habang ipinapasok naman ng kanyang Papa ang mga maletang may laman ng kanyang gamit. Inihatid pa ang mga iyon hanggang sa kanyang kwarto. "Thanks, Papa," aniya, matapos mailapag nito ang lahat sa ibabaw ng kanyang kama. "Wala yun, anak," nakangiting saad naman nito sa kanya. Napaka- malumanay at mabait ng kanyang ama kaya akala niya mula pagkabata na lahat ng lalaki ay gaya nito. Pero, ang pananaw na iyon ang naghatid sa kanya sa kapahamakan. Dahil sa insidenteng iyon kaya namulat ang kanyang mata sa tunay na mundo, kung gaano ito kadelikado at kasama. Sinamahan pa niya ang mga ito hanggang sa labas para ihatid manlang. Pagkalabas sa gate ng bahay, sa tapat ng kanilang kotse habang pasakay na ang kanyang Mama, muli itong humarap sa kanya. "Heiley?" "Po?" sagot niya, dahil sa biglang pagtawag sa kanya ng Mama niya. Parang may nais pa itong sabihin, pero pinigil na lang iyon bagkus ay ngumiti na lamang sa kanya bago magpaalam. "Aalis na kami, dear, mag ingat ka lagi. Have a goodnight," anito pa at saka sumakay na sa loob ng kotse. "Goodnight din Mama, Papa. Ingat din po kayo sa byahe!" sigaw pa niya, habang kumakaway sa mga ito. Nang mawala na sa kanyang paningin ang kotse, nagpasya na siyang pumasok sa bakuran ng bahay na kanyang titirhan sa loob ng mga susunod na araw at buwan. 'Okay sana kung mag isa lang ako dito, sanay naman ako sa ganung set up, balit ba kailangan pang makasama ko ang lalaking yun?' nakanguso niyang isip-isip sa sarili. 'Malamang, kaya nga marriage trial di ba? Kasi magpapakasal ka, hindi magbo-bording house ng mag isa dito,' gagang bwelto pa ng kanyang malisyosong utak. 'Oo na, ang nagging mo parang si Mama,' inis na bwelta niya dito pabalik. Napailing na lamang siya dahil sa kalukohang iniisip, habang inililibot ang paningin sa walang buhay na interior ng bahay na ito. Habang nakatingin sa puting parte ng bawat sulok ng bahay, pakiramdam niya ay nagbalik siya sa panahon na nanatili pa siya sa ospital, at isa iyong hindi magandang alala sa totoo lamang. Amoy bagong pintura din dito kaya sumasakit ang kanyang ulo, ngayon pa lang nami-miss na niya ang kanyang kwarto na amoy lavender. 'Hays, gabi na rin naman, siguro ay magpahinga na lang muna ako ngayon saka ko na iisipin ang pag aayos ng bahay na ito,' pabulong na aniya sa sarili at nagtungo na paakyat sa kwarto. Nang makapasok siya muli dito, nasa pintuan pa lamang ay may napansin na siya. "Wait? Hindi ba parang ang laki naman ata ng silid na ito," kwestunableng aniya sa sarili, habang nakatitig sa malawak na lugar na kwarto. Halos wala pang laman ang kwarto maliban sa isang malaki, as in, malaking kama sa gitna nito. "Oh well, king size bed all for me, not bad," nakangisi niyang ani sa sarili at saka masayang tumalon doon. Dahil sa nakakapagod na mga pangyayari kay Heiley, kaunti na lamang ay makakatulog na siya kung hindi lamang narinig ang kakaibang ingay mula sa baba. Nawala ang antok sa kanyang katawan at mabilis na naimulat ang mga mata. Nagmamadali siyang bumangon mula sa kaba at dahan-dahang naglakad palapit sa kanyang pintuan. Nag iisa lamang siya dito kaya naman hindi niya mapigilang di makaramdam ng takot dulot na rin ng mga senaryong umiikot sa kanyang isipan ngayon. Para mas marinig ng malinaw ang ingay na nagmumula sa labas, idinikit niya ang kanyang tenga sa pintuan. Lumipas ang ilang minuto, pero wala naman siyang narinig muli kaya naisip niyang baka pinaglalaruan lamang siya ng kanyang imahinasyon. Napabuntong hininga siya at minabuti na balikan ang front door para masiguradong sarado talaga iyon. Hindi pa luma ang bahay na ito sa katunayan nga ay mukhang kagagawa pa lamang nito ilang taon ang nakakaraan, pero pansin niya ang pag tunog ng hagdan habang naglalakad siya dito pababa. Malamig na ang gabi at madilim ang lugar, isama mo pa ang creepy at nakakailang na pag agit-it ng hagdan. Pakiramdam ni Heiley ay isa siya sa mga bida na nasa horror movies. Yun bang mga bida na mabilis mamatay at mabiktima ng killer. 'Saklap naman,' isip-isip pa niya. Nililibang na lamang niya ang sarili para mawala ang kaba, nang tuluyan nang makababa. Madilim man sa hallway na kanyang dadaanan, pero medyo tanaw na niya ang living room ng bahay kaya nakahinga siya ng maluwag. Mukhang wala namang kakaiba kaya nagpatuloy siya, hindi niya alam na may taong nakatayo sa gilid ng pader na kanyang lalampasan. Hindi nga nagtagal at nang makalampas siya, mabilis na hinawakan nito ang kanyang balikat. Dahil sa takot ay kusang gumalaw ang kanyang katawan. Isang malakas na 'Ohmp!' ang kanyang narinig at ang anino ay napayuko sa sakit na dulot ng kanyang sipa sa maselan nitong parte ng katawan. Lalapitan na sana niya ang kahina-hinalang tao na iyon nang hindi niya inaasahan ang pag atake sa kanya ng isang nilalang. Madilim sa living room sapagkat hindi pa niya nagagawang buhayin ang ilaw, mabuti na lamang at mabilis ang kanyang reflex. Nakaiwas siya sa pag atakeng iyon, pero nagkamali siya ng atras kaya napasalampak siya sa sahig. Naaninag niya mula sa dilim ang anino ng nilalang na iyon na handa na namang dumamba sa kanya. Napapikit na lamang siya habang nakasangga sa kanyang ulo ang dalawang braso. 'Ma, Pa, sorry po. Mamamatay ata ako na hindi kayo nabibigyan ng apo!' isip-isip niya at pasigaw na paghingi pa ng tawad sa kanyang mga magulang. Akala niya ay katapusan na niya iyon kung hindi lamang narinig ang malakas na sigaw ng isang lalaki na nagpahinto sa malaking nilalang. "MAX!!!" Hindi pa niya nakikita ang pinanggalingan ng boses na iyon, pero walang dudang kilala na niya kung sino iyon. Nang bumukas ang ilaw at magkaharap silang tatlo ng malinaw. Galit at puno nang inis niyang tiningnan ang lalaking iyon sabay sigaw ng... "DAMON ROSS!!!" "Yes, hon?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD