Chapter 4

1434 Words
3RD PERSON POV Habang nakahiga at nakatitig sa kawalan ay nagpapatuloy si Heiley sa pagbabalik tanaw. Ang makukulay niyang nakaraan na parang isang masaya, pero lumang pelikula na nagpa-play sa kanyang isipan. Dahil sa pagkatulala, halos lumabas sa kanyang dibdib ang kumakabog na puso nang marinig ang walang pasintabi na pagbukas ng pinto sa kanyang kwarto. Mabilis siyang napaupo sa kanyang kama, habang nanlalaki ang mga mata na nakatitig sa Mama niya. "Ma, anong mer--" Bago pa niya matapos ang sasabihin ay naunahan na siya ng kanyang ina. "Ano ka ba dear, di ba nabanggit ko na sayo ang tungkol sa dinner natin with your future husband?" anito pa, at bahagyang inihahampas ang folding fan na hawak sa isang kamay nito. Hindi naman ito galit, mukha lamang nagmamadali. "Ah? Parang wala," pagpapatay malisya niyang sagot, para kahit papaano ay lumabas na wala siyang alam sa nangyayari. Pero sa katotohanan, ayaw talaga niyang makipag kita sa future husband na tinutukoy ng kanyang ina. "Basta, bilisan mo at magbihis ka na dali. Hintayin ka namin ng Papa mo sa baba," ani na lamang ng kanyang Mama at saka mabilis na tumalikod at lumabas ng kanyang kwarto. Ang galaw nito ay nagpapahiwatig na hindi ito tumatanggap pa ng palusot at paliwanag mula sa kanya. "Ah t-teka---Ma?" Naiwan siya doon habang nakatulala pa at nakatingin sa pintong nilabasan nito. Ayaw man niya sa ideya ng mga magulang, wala naman siyang karapatan na tumutol sapagkat alam niyang ginagawa at iniisip lamang ng mga ito ang ikabubuti niya. Wala sa sarili na napabuntong hininga na lamang siya at saka walang buhay at parang zombie na naglakad patungo sa banyo. Mabilis siyang naligo, at nang matapos. Pumasok siya sa kanyang walk in closet para kumuha ng susuotin. Habang tinitingnan niya ang mga damit doon, hindi niya maiwasan na di mapailing. Ang kanya kasing mga damit ay binubuo lamang ng mga long sleeves at ladies polo. Walang dress o kahit anong damit dito na matatawag na revealing at mapangahas. Halos lahat ng kanyang damit ay mahahaba para laging takip ang kanyang balat. Dahil wala namang ibang mapagpipilian, kumuha na lamang siya ng isang long sleeve na turtleneck para sa panloob at pinatungan pa niya iyon ng trench coat na bagay sa kanyang balingkinitang katawan. Para naman sa pangbaba, nagsuot na lamang siya ng pants at isang black boots. At syempre kahit magunaw ang mundo, hindi niya pwedeng kalimutan ang kanyang gloves. Ngayon, habang nakaharap sa salamin at sinusuklay ang hanggang balikat, brown at medyo makapal niyang buhok. Doon ay muli niyang napagmasdan ang kanyang itsura, parehas na Filipino at may lahing Chinese ang kanyang mga magulang, pero ang kanyang itsura ay masasabing hindi hawig sa mga ito. Lalo na ang kanyang light freckles sa mukha, maganda naman ang mga ito at mas nakadagdag pa sa mala-model niyang mukha, pero hindi talaga manggagaling ang mga katangiang iyon sa kanyang mga magulang. Mabuti na lamang at maputi siya katulad ng kanyang Mama. May mga nagsasabi na baka ampon siya, pero hindi na lamang siya naniniwala sapagkat itinatanggi naman iyon lagi ng kanyang mga magulang. Kahit pa man mula noon nararamdaman niyang ayaw sa kanya ng Lola niya sa parte ng kanyang Papa dahil rin sa rason na iyon. "Well, sabi nga ni Jen, baka inggit lamang sila kaya ganun sila magsalita. 'Haters gonna hate' nga naman kahit wala naman akong ginagawang masama at mali sa kanila," bulong pa niya sa kanyang sarili at saka bumalik sa loob ng kwarto, sinukbit ang kanyang hand bag at saka nagtungo na kung saan nag iintay ang kanyang mga magulang. ▼△▼△▼△▼△ HABANG nasa byahe naisipan niyang tawagan nang palihim ang kanyang kaibigan na si Jen para bigyan ito ng update. "Jen, ngayon pala ang dinner meeting with my future husband," pabulong na saad niya para di mapansin ng kanyang mga magulang. "Wahh talaga, saan yan bes? Para makapunta ako," excited naman na sagot ng bruha niyang kaibigan, sa halip na damayan nito ang kanyang pagdadalamhati dulot ng marriage interview na ito. Mukhang excited at sabik pa ito sa mga nangyayari. 'Luka talaga ang babaeng 'to,' napapakamot sa ulo na saad niya sa isipan, bago kausapin itong muli. "Gaga ka talaga, hindi ko rin alam ih, ayaw sabihin nina Mama at Papa," gigil na turan niya gamit ang pabulong na boses. Mabuti na lamang at abala sa pagkukwentuhan na parang teenagers ang kanyang mga magulang sa front seat ng sasakyan. "Ohh, sya kapag nandun ka na saka mo i-send sakin ang location." Pangungulit pa nito sa kanya. May ideya siya sa binabalak nito kaya hindi siya papayag na matupad iyon. Alam niyang magpapaka-spy ito at makikinig sa usapan mamaya sa resto na kanilang pupuntahan. May taglay pa namang matinding kalukohan ito at baka videohan pa kaya ayaw niyang pumunta ito sa nasabing venue. "Wag na, ako na bahala dito. Tawagan na lang kita pagkatapos ng dinner namin," pangungumbinsi pa niya sa makulit na kaibigan. Hindi niya pansin habang abala siya sa pakikipag bulungan kay Jen, nakasilip na pala ang kanyang Mama mula sa shot gun seat ng kotse. "Ehem!" Mabilis siyang napatunghay ng ulo at napatingin sa nakataas na kilay ng kanyang Mama. "Ganun ba? Sige, mag ingat kayo lagi. Hintayin ko tawag mo mamaya," rinig pa niyang saad ni Jen sa kabilang linya, pero hindi na siya nakasagot kaagad dahil sa paraan ng pagtitig ng kanyang Mama. Ang tingin na ipinupukol pa nito ay para bang nagsasabi ng... "Dear, sino yan?" "Oo na, bye," mahina niyang ani kay Jen at saka tinapos ang tawag. Nang maitago ang cellphone sa bulsa ng suot na trench coat. Awkward na napangisi na lamang siya sa kanyang Mama at saka nagsalita. "Hehe, wala po Ma, si Jen lang yun," makatotohanan naman niyang sagot. "Talaga ba dear, baka naman may nobyo kaya di mo lang sinasabi sa amin?" saad pa nito, napuno ng paghihinala. Kahit may kaedadan na ang kanyang Mama, napakaganda pa rin nito, sa katotohanan sa edad na lampas sa 60 years old, ang itsura nito ay pang mga 40 or 50's pa lamang. Minsan nga napagkakamalan pa silang mag ate nito dahil na rin sa batang tingnan ng kanyang ina. At dahil rin sa huling pahayag nito kaya nabuhayan siya at nakapag isip agad ng plano. "Ah! Kung may nobyo ba ako Ma, hindi na tayo tutuloy para makipag-meet sa future husband kong iyon?" Marami nang mga bagay ang tumatakbo sa kanyang isipan ng mga oras na iyon, natigil lamang yun dahil sa isinagot nito sa kanya. "Of course not, syempre tuloy pa rin." "Ehh bakit po?" nanlulumo na tanong niya dito. "Syempre, titingnan muna natin kung sino ang pinakabagay para sayo--" anito, habang bumabakas ang magandang ngiti sa mga labi nito. "--lalo na at sure naman akong, wala kang nobyo ngayon di ba?" napapataas kilay na pagkukumperma pa nito sa kanya. Napatango na lamang siya at hindi na nagsalita pa. Alam niyang wala talaga siyang laban sa kanyang Mama. Marami pa siyang kakainin na bigas bago mapantayan ito. Habang nakasilip sa lumalabong bintana ng kotse dulot ng mahina at unti-unting pagpatak ng ulan. Napasilay siya sa suot na outfit ngayon. 'Mabuti at nagsuot ako ng coat, kahit papaano ay hindi ako lalamigin.' Makalipas ng ilang sandali pa, habang bumubuhos ang ulan ay nakarating din sila sa restaurant na kanilang pupuntahan. Hawak ang payong mula sa parking lot ay naglakad sila ng dahan-dahan papasok sa entrance ng isang French restaurant. At nang malapit na sila, magalang at mabilis silang sinalubong ng head waiter para pagbuksan ng pinto at i-guide patungo sa kanilang reserved table. Hindi katulad ng kanyang inaasahan, sa halip na ang lalaki dapat na kanyang pakakasalan ang naroon. Ang naabutan nila ay mag-asawa na mabilis na bumati sa kanila. Mukhang disente naman ang mga ito kaya kahit papaano ay nakahinga siya ng maluwag. 'Kung ganito ka-ayos ang mga magulang ng lalaking iyon, baka pwede na akong umasa na baka maayos din ang lalaking iyon,' isip-isip pa niya, matapos umupo sa tabi ng kanyang mga magulang. Nagsimula sa kwentuhan ang lahat, masaya siya sapagkat magalang at matino ang mag asawa na kanilang kaharap ngayon. Ipinagmamalaki rin ng mga ito ang anak bilang isang successful na businessman at proud na proud dahil sa mga na-achieve nito sa batang edad pa lamang. Habang tumatagal at naririnig ang tungkol sa future husband niyang si Damon Ross, kahit papaano ay gusto na niyang makumbinsi na baka... At kung sakali ay magkamabutihan sila nito. Pero, habang tumatagal din, napapansin niya na tumatakbo ang oras, pero wala atang balak ang taong iyon na sumipot sa dinner na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD