Chapter 3

2564 Words
HEILEY POV Habang nananatiling nakapikit ang aking mga mata at ipinapahinga ang aking katawan. Hindi ko maiwasan na di mapangiti habang nakayakap at naamoy ang malumanay at mabangong amoy na nagmumula sa aking kumot at ganun din sa bawat sulok ng aking silid na ito. Masaya ako sapagkat hindi talaga pinabayaan ni Mama ang aking kwarto at mga gamit habang wala ako dito. While I'm still cuddling my pillows tight in my body, may bigla akong naalala kaya naman mabilis akong napabangon mula sa aking pagkakahiga. Gulat at balisa akong napatayo at nagmamadaling tumakbo palapit sa aking dalang mga maleta na nakalapag sa sahig. "Oopss, na-suffocate ka na ba dyan, Mr. Carrot man?" I worriedly ask him, after pulling his soft, orange body from my luggage. Habang pinipisil-pisil ang malambot na katawan nito, hindi ko maiwasan na di mapabuntong hininga dahil sa paraan ng pagtitig sa akin ng paborito kong stuffed toy na ito. Dahil sa bilog at blanko nitong tingin na para bang kinokonsensya ako. Mula sa pagkakatanda ko, high school pa noong mapunta sa akin ang cute na carrot na ito, regalo kasi ito ng pinaka- una kong boyfriend. Marami man akong naaalala na malungkot kapag kasama ko ito, lalo na ang aming mga masasayang pinagdaanan hanggang sa malulungkot, but at the same time, when Mr. Carrot man is with me, I'm undeniably feel at ease. "Sorry talaga, nakalimutan kitang ilabas agad ah," saad ko pa habang niyayakap ito. Sa mahigit na tatlong taon na pananatili ko sa America, ito lamang ang nakasama ko sa lahat ng lungkot at saya. Ito lamang ang hindi nang iwan at humusga sa akin kahit ano pang nangyari. 'Well, stuffed toy lang naman siya at walang kakayanan na magsalita o manglait, pero ang presensya pa lamang niya ay nagdadala na sa akin ng matinding kapanatagan at kasiyahan.' Understatement na kung sasabihin kong mahalaga sa akin ang bagay na ito. Sa ngayon na nakikita ko na muli siya, siguradong mapapalagay na ang aking kalooban. At dahil nga doon, bumalik na muli ako sa kama at humiga. Habang yakap si Mr. Carrot man, hindi ko inaasahan na makakatulong ako ng mahimbing. . . . "Arrgh," ungol ko habang nag iinat ng katawan. Pikit pa ang aking mga mata, pero nagawa ko nang umupo sa kama para sa paghahanda sa pagtayo. Nang magising na ako ng kaunti, while rubbing the sleep from my eyes, I instantly noticed the light peaking behind the curtain. Nung una, tulala pa rin ako at lutang ang utak, pero nang mapagtanto ko ang mga nangyayari, dun ko naalala ang dapat dinner kagabi. 'Shuta! Nakatulog pala ako, ibigsabihin ay hindi ko na nasamahan mag-dinner sina Mama at Papa kagabi!' taranta kong sigaw sa aking isipan, at saka nagmamadali akong nagtungo sa banyo para maghilamos at mag ayos ng sarili. Mabilis na mga yabag pababa ang maririnig dahil sa aking pagmamadali, nang makababa sa mahabang hagdan sa magara at malaki naming bahay. Dumeretso na ako sa kusina kung saan ay sigurado akong naroon ang aking mga magulang at kumakain ng breakfast. "Ma!Pa! Sorry po," malakas na sigaw ko, magkapasok pa lamang sa dining area. "Oh Heiley dear, gising ka na pala?" magiliw na bati pa ni Mama at saka nag-good morning sa akin. Nag-good morning din naman ako pabalik sa kanila habang nakatayo pa rin sa harap ng mesa. Nakangiti lang din naman akong tiningnan ni Papa at saka nagsalita. "Anak, umupo ka na para makapag agahan." Tumango naman ako nang mabilis at sumunod, nang makaupo na habang hinahayinan ako ng aming kasambahay. Guilty ko pa rin sinilayan ang aking mga magulang bago humingi ng tawad. "Ma, Pa, I'm really sorry. Hindi ako nakasabay sa pagdi-dinner nyo kagabi." Alam ko pa naman na pinag handaan talaga iyon ni Mama, nasa America pa nga lang ako ay paniguradong excited na sila tapos tinulugan ko lang. 'Ano ba naman yan Heiley, nakakahiya kayna Mama at Papa,' nakayuko ko pang sermon sa aking isipan. Tunay nga na hindi na ako bata at halos malapit na akong mag-30 years old, pero hindi ibigsabihin noon ay babaliwain ko na ang aking mga magulang na nag alaga at nagmamahal sa akin ng walang katumbas. 'Kung may award lang para sa best parents, hindi lang sila nominated, sure akong panalo na sila,' masaya at proud na turan ko pa sa aking sarili. Minsan nga na iisip ko na i-give up na ang aking pangarap na magkapamilya, at manatili na lamang sa tabi ng aking Mama at Papa para alagaan sila hanggang pang tanda nila. 'Sure naman kasi ako na halos wala na akong pag asa na magka asawa at magka anak pa,' isip-isip ko pa habang nakatulala sa platong nasa aking harapan. Nagising lamang ako sa aking negative na pag iisip dahil sa sunod na pahayag ni Mama. "Ano ka ba dear, it's okay, ang mahalaga ay narito ka na at lagi na tayong magkakasama," malumanay na ani Mama sa akin at saka binigyan pa ako ng isang ngiti. Gusto kong maluha dahil sa kabutihan ng aking mga magulang, napakaswerte ko sa kanila ni Papa. Kahit ilang beses akong ipanganak ulit, wala akong ibang pipiliin na magulang kung hindi sila. "Tama yun anak, kahit anong oras pwede naman tayong maghanda ulit ng dinner na magkakasama," segunda naman ni Papa. Mula kabataan habang sa pagtanda ko, kahit kailan ay hindi nila ako pinabayaan at iniwan. Kahit may kaya ang aming pamilya at abala sila sa mga negosyo. Hindi sila nagkulang sa pag mamahal at pag aaruga sa akin, may mga bagay lang talaga na hindi inaasahan, kagaya na lamang ng insidente na nangyari sa akin noon, tapos na iyon at wala na akong magagawa pa kaya dapat kinakalimutan na ang mga bagay na iyon. Pero minsan, kahit gaano ko gawing positibo ang aking pananaw, may mga bagay na mula sa nakaraan na hinding hindi ko makalimutan. Kaya nga hanggang ngayon, kahit walong taon na ang nakaraan nang mangyari ang mapait na trahedyang iyon, heto ako. Hindi pa rin fully recovered sa mga nangyari. Hanggang ngayon hindi ko pa rin magawang tanggalin at alisin ang isang bagay na nagpoprotekta sa akin, at the same time, ito din ang nagpapa alaala sa akin ng mga naganap noon. Wala sa sarili na napayuko ako at mahigpit na hinawakan ang leather na gloves na nakabalot sa aking mga kamay. "May problema ba, dear?" "A-Ah wala po, medyo antok lang po ata," nauutal at natatawa ko pang sagot kay Mama nang mapansin niya ang malalim kong pag iisip. "Ganun ba? Sya, kumain na tayo." "Opo, salamat po talaga, Ma, Pa," puno ng galak na sagot ko pa sa kanila. "No problem, my dear, start eating before your food turns cold." Tumango na lamang ako at sinimulan nang kumain, habang sumusubo ng kanin at ulam. Hindi pa rin si Mama tumitigil sa paglalagay sa aking plato. Minsan di ko maiwasan isipin na, ang tanda ko na, pero baby pa rin ata ang tingin nila sa akin. Hindi ko naman sila masisisi, matapos ng 20 taong pagsubok nila Mama at Papa na magkanak. Halos sumuko na sila, mabuti na lamang at nanalig sila kay God kaya heto ako, sa wakas ay nagka anak sila ng isa. ▼△▼△▼△▼△ MATAPOS ang breakfast, nagbalik ako sa aking kwarto para ayusin ang aking mga gamit. Sina Mama at Papa naman ay umalis, hindi ko na naitanong kung saan sila papunta. Pero sa tingin ko naman ay baka sa kumpanya lamang. Habang inilalabas ko ang ilang damit at mahahalagang bagay mula sa aking maleta, hindi ko pa rin mapaniwala ang aking sarili na narito na ako. Nagbalik na ako sa bansa at bahay na tunay kong tahanan. Marami man akong masasakit na bagay na iniwan dito, pero eto ako ngayon handa nang harapin ang lahat. Alam kong ang biglaan kong pag alis noon patungo sa america ay isang senyales ng kaduwagan at pagtakas. Sa mahigit na tatlong taon na paglayo ko at pag limot sa nakaraan, sana sapat na ang mga oras na iyon para maka-recover ako at maka-move on. Speaking of moving on, mabuti na lamang at mula kahapon at kanina, wala pa namang nababanggit sina Mama at Papa tungkol daw sa aking future husband. Salamat naman at mukhang nakalimutan na nila iyon. Napapangisi na ako habang patuloy na nag aayos ng mga gamit nang biglaang tumunog ang aking cellphone. Nakapatong iyon sa kama kaya tumayo pa ako at saka lumapit doon, nang mahawakan ko iyon at makita ang caller ID. Napailing na lamang ako nang makita na ang luka ko pa lang best friend na si Jen ang tumatawag. "Ui Jen?" "Bestieee kumusta? Nakauwi ka na ba? Ano may balita na ba kay future husband?" madaldal at walang prenong tanong niya, halos hindi na ako makasingit kaya pinigilan ko na. "J--ui Jen!? Yan ka na naman. Hinay-hinay lang, mahina ang kalaban," pagsasaway ko pa sa makulit na babaeng ito. "Aha-haha, sabi ko nga, excited lang ako bestiee. Akala ko may chika ka na para sa akin eh," pilit na tawa at panghihinayang ang bumakas sa mapag biro niyang boses. Hindi ko tuloy maiwasan na di mapabuntong hininga, dahil sa taas ng energy at mala-machine gun na bibig niya. "Haist, ewan ko sayo, pagchika agad ang alam mo, akala ko din ba busy ka sa preparation ng 4th birthday ni Savannah?" "Oo naman, busy ako, pero syempre hindi kita pwede pabayaan no, kailangan kong alamin ang nangyayari sayo." Nang marinig ko ang pahayag na iyon mula sa kanya, parang nagbalik yung mga panahon na high school pa lang kami at nang una kaming magkakilala. Napaka- nostalgic ng mga pangyayaring iyon, kahit ilang taon na ang nakalipas, minsan nagugulat pa rin ako na tumagal ang pagkakaibigan namin ng ganito. Kahit may inis at taray ang pakikipag usap ko sa kanya at alam ko din na sanay na siya sa akin, hindi ibigsabihin noon ay hindi ako masaya na marinig ang boses niya. Sa totoo lamang habang nasa America, na miss ko ang bonding time namin at kahit simpleng pagkukwentuhan lamang. "Ui bes, bakit natahimik ka na dyan? Sya bahala ka, chika ko na lang sayo yung bwisit na babaeng business partner ni Hubby-----blah blah." 'I'm finally home, bagong buhay, bagong pag asa at bagong masasayang alaala. Masaya ako sapagkat nakauwi na rin ako sa wakas,' I though while clenching my fist in excitement. Habang nakatulala sa kawalan at nalulunod sa mga iniisip, hindi ko namalayan na pasok sa tenga at labas naman sa kabila ang mga bagay na sinasabi niya. "HEILEY!!! naririnig mo pa ba ako!?" Nagulantang ako at halos maihagis ang cellphone na hawak dahil sa gulat. Bwisit na babae 'to ah, lakas ng trip sumigaw. "Gaga, sisirain mo ba eardrums ko!?" sigaw ko naman sa kanya pabalik. "Hindi naman bes, akala ko wala ka na ih," natatawa pa niyang saad. "Hindi ah, ika---" "Babe, Savannah's looking for you." Nang marining ang mahina, pero malinaw na boses na iyon mula sa background ni Jen. Pakiramdam ko tumigil hindi lang aking mundo, kung hindi pati na rin ang pagtibok ng aking puso. "Ah ganun ba Greg, teka lang, kausap ko kasi si Bes----" "A-Ah, okay lang Jen, let's talk again later okay, bye!" nagmamadali ko pang ani at mabilis na ibinaba ang tawag. Halos hingalin ako dahil sa bilis ng t***k at pagwawala ng aking puso sa loob ng aking dibdib. Nangangatal ang aking kamay habang hawak pa rin nang mahigpit ang cellphone na nasa aking kandungan. Kung kanina, malakas na ang aking loob at masaya dahil sa aking pagbabalik, ngayon naman nang marinig ko pa lang ang boses niya, parang gusto ko nang bawiin ang lahat nang positibong sinabi ko kanina. Dahil sa stress na naramdaman ay naibagsak ko na lamang ang aking katawan pahiga sa kama at saka tumitig sa pamilyar na kisame sa aking kwarto. Habang nakapikit ang aking mga mata, muling nagbalik sa aking alaala ang masasayang pangyayari na naganap noon, sa mismong kwartong ito. "Bes, I'm sooo excited na para bukas!" Malakas na sigaw na puno ng pananabik na saad pa ng aking kaibigan na si Jen. "Bakit naman, anong meron?" tipid na tanong ko habang nakatutok ang mata sa ginagawang assignment. Narito kami ngayon sa aking kwarto. Sumama sa akin si Jen pagkatapos ng klase para daw sabay kaming gumawa ng work sheet. Hindi naman ako tumanggi sapagkat sanay na rin ako na lagi siyang narito sa aming bahay. Hindi ko katulad ko siya katulad, ang pamilya ni Jen ay binubuo ng kanyang ina at ama, limang magkakapatid at siya ang pang tatlo. Kahit malaki ang bahay nila, naiinis pa rin si Jen dahil sa gulo ng kanyang mga mas nakakabatang kapatid, kaya naman ang taguan at takbuhan niya ay ang aming bahay. Super welcome naman siya dito dahil mabait at masayahing bata siya, gustong-gusto din siya ng mama ko. "Di mo ba nakita sa portal ng school, may mga transferee daw ngayong taon." Mula sa pagsusulat ko, napatunghay ako dahil sa pahayag niya. Parang alam ko na ang ikinasasabik niya, ayaw ko lang sabihin ng deretsa. "Ah, so ano naman kung may mga transferee, may magagawa ba yun para tumaas ang bagsak mong grade?" pang aasar ko pa sa kanya, para naman makaganti dahil sa pang aabala niya sa akin. "Uii gaga! Sakit mo magsalita ah," nakanguso naman niyang sagot sa akin, kaya naman napangisi ako kahit mukha na akong sadista. "Bakit hindi ba tunay, Jen?" pangungulit ko pa sa kanya. "Oo na, hindi lang naman ako nakapag aral nung exam kaya mababa ang nakuha ko." "Ah huh?" napapatango habang nakangisi pa rin na turan ko. Bago pa mainis sa akin ng tuluyan, mas minabuti na lamang niya na baguhin ang usapana. "So, yun nga, sana may mapunta sa klase natin na transferee para naman magkaroon tayo ng bagong friends di ba?" Sa lahat ng aking nakilala, ito na atang si Jen ang adik sa pakikipag kaibigan. Lahat ng makasalubong at makita niya ay kilala niya. Kung batiin siya ng mga ibang estudyante sa loob ng Campus ay parang tatakbong mayor o konsehal. "Puro ka pakikipag-friends eh, kaya di ka makapag focus sa pag aaral," kumento ko pa para magising siya at baka sakali matulungan ko siyang tapusin ang kanyang ginagawa. "Sinesermunan mo na naman ako mommy ah, sorry na. Na iintriga lang talaga ako dun sa mga bagong magiging school mate natin or future classmate." "Oo na, sabi mo eh, pero bago atupagin yan, tapusin mo muna ang work sheet mo." Mula sa aking harap, dinampot ko ang halos wala pang sulat na papel niya at saka idinikit sa kanyang mukha. Habang tinatanggal ang nakatapal na papel sa mukha niya, nanlaki pa ang kanyang mata habang nakatingin doon. "Oo nga pala. Hindi pa pala 'to tapos?" "Malamang, mas magulat ka kung bigla yan natapos kahit wala kang ginagawa," ani ko habang pinipigilan na matawa dahil sa naguguluhan at gulat na ekspresyon sa kanyang mukha. Dahil sa sunod na pahayag nito kaya naman ang pinipigilan kong tawa ay sumabog na. "Hindi ako magugulat pag nangyari yun bes, sure na kakaripas ako ng takbo sa takot!" Napangiti ako dahil sa mga alaala at kulitan naming iyon ni Jen noon, hindi ko akalain na sa pagdating ng isa sa mga transferee na iyon kaya magbabago ang aking buhay. 'Ano nga ulit ang pangalan ng isa sa mga iyon?' 'Alin? Yung transferee?' 'Gregory Montealto ata?'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD