Chapter 2

1603 Words
3RD PERSON POV Muntikan na siyang mabangga ng parating na sasakyan dahil sa biglaan niyang pagpreno. "My what!?" gulat na saad niya dito, pero hindi naman nito sinagot ang kanyang katanungan. "Heiley dear, what happen?" Bagkus ay inalam ng kanyang ina ang kalagayan niya, mukhang narinig pala nito ang malakas na busina galing sa kasalubong na sasakyan. "N-Nothing Ma, I'm fine," sagot niya dito habang bakas pa rin ang lalim ng kanyang paghinga dulot ng kaba. "Okay okay, let's talk about this later when you got home," anito, kaya nakahinga siya ng maluwag. "Don't think about this right now and have a safe trip." "Bye, Ma," pamamaalam pa niya dito at saka ibinababa ang cellphone sa dashboard ng sasakyan. Mabilis pa rin ang t***k ng kanyang puso dahil sa kaba, dulot ng muntikang pagkakabangga na iyon. 'Damon huh?' "Marinig pa lang ang pangalan ng lalaking yun parang mapupunta na talaga ako sa impyerno ah." Napailing na lamang siya habang natatawa dahil sa sinasabi. Habang tahimik na nagpapatuloy sa pagma-maneho, naisipan niyang tawagan ang kanyang best friend na si Jen. Ngayon sa halip na derektang cellphone ang gamitin, naglagay na lamang siya ng airpods para mas efficient at mas focus na siya sa pagda-drive. Ring! Ring! Matapos makarinig ng static mula sa kabilang linya, halos mabinggi siya sa excited na sigaw mula dito. "Heileyyyy!!! Oh my gosh, si B1 at B2 talaga tayo, alam mo ba na tatawagan na kita ngayon tapos na unahan mo lang ako, nabalitaan ko kasi na pau--" "Jen, Ui Jen!" "Hehe sorry, sabi ko nga silent na ako," natatawang anito. Pagdating talaga sa kadaldalan, wala nang tatalo sa mala-machine gun na bibig ng isang to. "Kailan mo pa na balitaan ang pag uwi ko?" "Kahapon lang bestie, sorry di ako agad nakatawag may inaasikaso ako. Alam mo naman malapit na birthday ni Savannah." Nanlaki sa gulat ang kanyang mga mata, hindi niya naalala na malapit na pala ang kaarawan ng anak nang bestie niyang si Jen. Masaya siya para dito, pero hindi nawawala ang kirot at kaunting inggit sa kanyang dibdib kapag na iisip niya na napaka-swerte nito dahil may masaya at buo na itong pamilya. Habang siya ay ligwak pa rin at inuubos na lamang ang oras at panahon sa pagtulong sa mga mahihirap na pamilya, mga ampunan at cancer patients. Kapag kasi nakakakita siya ng mga bata nakakaramdam na din siya ng saya mula doon. "Hala oo nga pala, mabuti at pauwi na ako, miss na miss ko na ang nakapa-kyut kong inaanak." Gusto pa sana niyang mag de-tour at bilhan ng regalo ang inaanak pero baka ma-late na siya sa kanyang flight. 'Sa Philippines na lang ako bibili ng regalo.' "Oo nga bestie, naku miss na miss ka na namin, salamat naman at naisipan mo nang umuwi." "Kaya nga, pero hindi rin naman ako nagsisisi na nagpunta ako dito." Habang nag uusap sila, bigla niyang naalala ang tunay na dahilan ng kanyang pagtawag sa kaibigan. "Nga pala Jen, do you have any idea about Mom's plan?" "Huh? May pinaplano si Tita? Hindi ko alam bestie ang narinig ko lang sa kanya ay ang balita ng pag uwi mo." "Ganun ba?" "Bakit ano bang nangyari?" "Just a moment ago, Mom's spouting about me having a future husband," naiilang na turan pa niya, even right now, she can't seems to wrap her head around the idea having a future husband. "Whatt!? Aba nga naman, nagiging despirado na ata si Tita," natatawa pang ani ng kanyang kaibigan. "You think so?" "Oo naman, ilang taon ka na nga ba? 27?" saad nito na may halong pag-aasar pa. Sa halip naman na mainis dito, nakisakay na lamang siya sa kalukohan nito. "28," she said, while rolling her eyes in an invisible annoyance. Mula high school ay mag bestie na sila nitong si Jen kaya imposibleng hindi nito alam ang kanyang edad. "Oh kita mo na, ikaw na lang ang wala pang asawa sa ating magkakaklase e--," makatotohanang anito, napatigil din ito sa pagsasalita nang mapagtanto ang sinabi. "Sorry bestie, hindi ko sinasadya," mabilis na paghingi pa nito ng tawad. Hindi naman siya galit sapagkat nasa kanya naman ang problema. Kung wala sana siyang trauma at allergic reaction na ito, siguro ay matagal na din siyang may pamilya katulad ng iba. Masakit lang minsan isipin na kahit kailan ay hindi niya ito ginusto ang lahat ng ito. "It's okay, ano ka ba?" Pagwawalang bahala niya sa pahayag na iyon, alam naman niyang hindi iyon sinasadya ng kanyang kaibigan. "Wag kang mag alala bestie, tutulungan kitang kilatisin yang misteryoso mong future husband," natatawa pa nitong saad mula sa kabilang linya. Kahit siya ay napangiti natin dahil sa sinabi nito. Kahit may mga masasamang nangyari sa kanya noon na nagbunga ng isang napakahirap na sitwasyon sa kanya ngayon, nagpapasalamat pa rin siya sa Diyos sapagkat biniyayaan siya ng mga magulang at kaibigan na hinding-hindi siya iiwan. "Thank you Jen." "No problem, bestie, have a safe trip!" Matapos iyon ay nawala na ang static na kanyang naririrnig. Nagpatuloy na muli ang kanyang pagma-maneho at makalipas ang ilang sandali ay nakarating na din siya sa airport. "This is the final boarding call for passengers Erin Collins and Heiley Razon booked on flight 372A to Philippines. Please proceed to gate 3 immediately. The final checks are being completed and the captain will order for the doors of the aircraft to close in approximately five minutes time. I repeat. This is the final boarding call for Erin Collins and Heiley Razon. Thank you." 'Shoot! Buti narito na ako. Abot pa ako, abot pa ako!' saad pa niya sa isipan habang nagmamadaling nagtungo sa kanyang designated gate. Nang maiayos ang mga dala at maleta, napasandal na lamang siya sa kanyang upuan at naipikit ang mga mata dahil sa pagod. Several hours have pass, ngayon ay nagbigay na nang last announcement ang captain sapagkat malapit nang mag landing ang eroplanong kanyang sinasakyan. Pagbukas pa lamang ng pinto ng eroplano at pagbaba niya sa tarmac. Napangiti siya habang nilalanghap ang medyo maalinsangan na hangin dito. "Nasa Pilipinas na nga ako, hapon na pero ramdam ko pa rin ang init," bulong pa niya habang naglalakad papasok sa airport. Sasakay na sana siya sa taxi na naghihintay sa labas ng airport nang makaramdam siya ng pagtawag ng kalikasan. Kaya naman nagtungo muna siya sa ladies comfort room para umihi nang pagliko niya sa may gilid ay isang hindi Inaasahang pagyayari ang kanyang masasaksihan. May mga tao lang naman doon na hindi na ata nakapagpigil ng sarili at naglaplapan na sa pang publikong lugar pa. Napailing na lamang siya at nais na lalampasan na lamang sana kung anong kakila-kilabot ang nangyayari doon, then all of a sudden their eyes met, Piercing stare with his deep and dark shaded blue eyes looking straight at her. She definitely felt something but decided to shake that off and look away. Sa totoo lamang, gusto nang bumaligtad ng kanyang sikmura makita pa lamang ang ginagawa ng mga ito. Naglakad siya nang mabilis para makapasok sa Cr at magawa ang dapat gawin doon. Kapag bumabalik sa kanyang isipan ang naganap na titigan sa pagitan nila ng lalaking iyon. Her body was filled with goosebumps. that kind of men whose only love women because of their body is trully disgusting. Ilang sandali pa nang matapos siyang umihi at mag-retouch ng kaunti, ay may kung anong kaba siyang nararamdaman. 'What if those guys are still in here?' she's hesitating to open the door and leave. Pero nang maisip niya na bakit nga ba siya matatakot ay wala hindi naman siya ang may ginagawang masama. Lakas loob niyang binuksan ang pinto at salamat sa Diyos, wala na ang nagP-PDA doon. Habang naglalakad palayo, narinig niya ang pag-ring ng kanyang cellphone kaya sinagot niya iyon. Guess what, naghihintay na pala ang Papa niya sa labas ng airport. "Heiley, my beautiful daughter," masayang pagbati pa nito sa kanya. Kung sa normal na sitwasyon ay magyayakapan na sila dahil sa tagal ng panahon na nagkawalay, pwes pagdating sa kanya ay iba. Gustuhin man niyang yakapan nang mahingpit ang kanyang ama, hindi rin niya iyon magawa dahil sa kanyang allergic reaction sa lahat ng mga lalaki. Alam niyang naiintindihan iyon ng kanyang Papa pero minsan nakikita din niya ang disappointment sa mga mata nito, at iyon ang tunay na nagpapalungkot sa kanya. Nang makauwi, masaya at puno nang galak na sinalubong siya nang kanyang ina. "My God! Heiley my dear!" "Mama!" aniya sabay yakap ng mahigit dito. "Alam kong pagod ka na kaya magpahinga ka muna sa room mo then later I'm going to call you for dinner, okay?" "Yes, Ma," magalang na sagot niya at saka binagtas ang daan patungo sa kanyang kwarto. Pagbukas pa lamang niya ng pintuan, napangiti siya nang makitang halos walang nagbago sa itsura at arrangement ng kanyang mga gamit mula ng umalis siya noon at ngayong narito ma muli siya. Ang amoy ng lavander ay humahalimuyak pa rin sa bawat sulok ng lugar na ito. Wala ding alikabok o dumi na mapapansin, mukhang alagang-alaga ang kanyang lugar habang wala siya. Dahil sa pagod ay napatalon na lamang siya sa kanyang kama, ang malambot at mabangong amoy nito ay talagang nagpapaalala na, nakauwi na siya sa wakas. Habang nakasubsub ang kanyang mukha sa unan at na nanatiling nakapikit ang mga mata. Hindi niya maiwasan na di maalala ang mga asul na mata nang lalaki kanina, gustong-gusto niyang mainis at mandiri dito pero iba ang sinasabi ng kanyang kalooban. Kung ano man iyon ay hindi pa niya alam sa ngayon. 'That man is dangerous, I hope that I've never seen him again.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD