3RD PERSON POV "Ah, a-ano po yun, Pa?" Mas sumeryoso ang tingin na ipinukol nito sa kanya kaya naman ilang beses siyang napalunok ng wala sa oras dahil sa kaba. "Anong ginawa mo sa anak ko?" Natahimik naman siya dahil sa tanong nito habang pilit inuunawa ang ibigsabihin ng pahayag na iyon. May masama bang nangyari kay Heiley? Okay lang ba ang fiance niya? May sakit ba ito na hindi masabi sa kanya? Parang mabibiyak ang kanyang utak dahil sa pag iisip kung ano nga ba ang nangyari sa kanyang 'Hon' "Ano pong ibigsabihin nyo? May nangyari ba kay Hon?" Malakas na aniya pa sabay tayo at hampas sa mesa. Huli na nang mapangtanto niya ang kanyang ginawa at sinabi. Hindi niya inaasahan na ang isipin pa lamang na may nangyari kay Heiley ay halos mawala na siya sa tamang pag iisip. "S-Sorry p

