3RD PERSON POV "Day? What are you doing here?" "Hon, yan din sana ang itatanong ko sayo," saad pa ni Damon, nang magkita sila ni Heiley sa tapat ng restaurant. "Tinawagan ako ni Mama kanina, ikaw di ba?" Tumango naman siya at saka napakunot na lamang ang mga kilay, hindi niya inaasahan na makita si Heiley ngayon kaya naman mas lumalim ang pagtataka na meron siya. Ano nga kaya ang dahilan ng pagpapatawag sa kanila dito ng mga magulang ni Heiley? Ngayon pa lang ay nararamdaman niyang hindi ito isang simpleng lunch lamang. Medyo kinakabahan man ay lakas loob pa rin niyang inanyayahan si Heiley papasok sa restaurant. Nang tanungin sila ng head waiter, pangalan ng mga magulang ni Heiley ang kanilang sinabi. Tumango ng bahagya ang waiter at malumanay naman silang ginabayan patungo sa tab

