3RD PERSON POV SA LOOB ng kitchen ay matatagpuan ang ilang empleyado ng Ross Bane na masigla at energetic na nagkukwentuhan. Gabi nagbubukas ang establishemento kaya naman ngayon ay abala lamang ang mga staff sa paghahanda ng nightclub para mamaya. "Ui, napansin nyo ba si Boss Damon?" Saad ng isang babae sabay lapit sa mga katrabaho nito, ang iba naman ay nagsimula na ring sumali nang marinig kung sino ang topic ng usapan. "Hala, Oo, parang puputok na bulkan sa init ng ulo eh." "Tunay, nakasalubong ko nga kanina, binati ko, pero sa halip na bumati pabalik ay tiningnan pa ako ng masama. Jusko nakakatakot talaga," ani ng isang empleyado, na hindi maintindihan kung matatakot ba muna o kikiligin. "Kaya nga, sino kaya ang may dahilan ng pagta-transform ni Boss Damon, sa pagiging Dem--"

