3RD PERSON POV "HON!" MABILIS pa sa kidlat na napalingon si Heiley mula sa kanyang likuran, at doon nga ay nakita niya si Damon na papalapit sa kanyang kinalalagyan. Mula sa background ay nabosesan rin niya ang kaibigan na si Jen na masayang-masaya na sinalubong ang asawa nitong si Greg. "Hubby! Nandyan ka na pala!" "Y-Yeah, syempre hindi ako pwedeng mawala para sa birthday ni Savannah," sagot naman ni Greg dito. Habang nakayuko at hinihintay ang paglapit ni Damon, napapayukom na lamang nang mahigpit ang kanyang kamay. "You okay?" Huminga muna siya ng malalim bago humarap ng nakangiti sa kanyang fiance. "O-Oo naman." Wala mang bisa ang engagement na meron sila ni Damon ay masaya at nagpapasalamat na rin siya sapagkat narito si Damon at kasama niya. Sa mga oras na ito kung wala i

