Chap 30 3RD PERSON POV KAGAYA nga ng naging balita sa kanya ni Jen, kinabukasan ay ipinakilala ng kanilang adviser si Greg bilang kanilang opisyal na kaklase. Halos mawasak ang buong classroom sa lakas ng ingay na dulot ng kanilang mga babaeng kaklase. Tilian at sigawan ang namayani sa buong lugar, ganun din ay hindi rin mawawala ang inggit at masamang tingin ng mga kalalakihan. Pero, kahit ganun katindi ang epekto ng naging pagsalubong kay Greg at sa dami ng humahanga dito. Nakakagulat talaga na hindi man lang lumaki ang ulo nito at naging mayabang. Nung unang mga araw ay hindi pa ni Heiley nakakausap si Greg, ang totoo nga niyan ay si Jen, ang unang naging kaibigan nito. Mula kay Jen kaya nakilala niya ito ng maayos at doon nagsimula ang pagkakaibigan nilang tatlo. Araw-araw ay ma

