Chapter 69

2029 Words

3RD PERSON POV "Day, ano nga palang sasabihin mo kanina?" pagtukoy pa niya sa pahayag nito bago maganap ang naging laban kay Greg. "Hm," napatango pa ito at saka maingat na inilapag sa mesa ang iniinom na wine. Umupo ito nang maayos at tumingin ng deretso sa harapan na para bang inihahanda ang isang sarili para sa bagay na ibabahagi sa kanya. Dahil sa nakikita ay nakaramdam din siya ng kaba, pero mas pinatibay niya ang sarili para sa mga bagay na malalaman tungkol dito. "Heiley," pabulong na turan nito na para bang ang kanyang pangalan at presenya ang isang bagay na nagpapalakas ng kalooban nito ngayon. "Ano yun?" saas naman niya nang makita ang dahan-dahang pag harap nito sa kanya. "Sinabi ko kanina na naparaming bagay na dapat kong ipagpasalamat sayo, at totoo iyon." "Like what?"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD