3RD PERSON POV NAPASINGHAP naman si Heiley sa gulat at napadasal na lamang na sana ay kainin na siya ng lupa dahil sa kahihiyang nararamdaman ngayon. 'Jusko Ma, Pa. Bakit nyo po ako isinama sa iisang kwarto sa babaerong ito.' isip-isip na lamang niya, habang napapa atras sapagkat naglalakad ito papunta sa kanya ngayon. Daig pa nito ang isang gutom na leon na balak at gusto na siyang kainin. "D-Damon, hindi na ako n-natutuwa sa biro mo!" matapang na aniya, kahit halata ang pagka utal ng kanyang pagsasalita. "W-Wag kang lumapit sa akin!" pagbabanta pa niya, pero hindi ito nakinig. Mas mabilis itong lumapit sa kanya at nang akma na siya nitong hahawakan ay napapikit na lamang siya ng mariin. Ramdam niyang may lumapat sa kanyang magkabilang pisngi, pero iba iyon sa balat ng tao. Kaya na

