Part 15

1374 Words
Topical anesthesia, laxatives, pain relievers at may iba pa siyang nakitang tabletas na hindi pamilyar sa kanyang kaalaman. Iyon ang laman ng supot na ibinigay ni Gregor sa kanya. Gustong mamula ng tainga ni Ruki sa hawak na mga gamot kaya sinara niya na ang supot at inilagay sa back pack. Mabuti naman at alam nito na nasaktan siya nang lubos. Pero kahit na binilhan pa siya ng ganoon nito, it can't erase the memory of being taken in a terrible way. Mas masakit ang dibdib niya kapag naaalala ang malupit na pagtrato nito, dahil sa napili niyang kasarian. It was Gregor's way of punishing him being a 'sinner', ang sabi nga nito. Ibinaling ni Ruki ang paningin sa labas ng kotseng kasalukuyang mabilis na umaandar. Pinagmasdan ang pagdaan ng iba't-ibang mga tanawin habang napapaisip. Noong kabataan, napapansin na niya ang pagkakaiba ng kanyang hilig kumpara sa mga nakakalarong lalaki. Naglalaro rin naman siya ng kotse at robot pero mas gusto niya ang educational toys katulad ng puzzles and legos. Open din siya sa bahay-bahayan kung saan ginagawa siyang tatay. But he loves playing house, magluto, maglinis at mag-alaga ng bata. Sa katunayan, noong hindi pa siya nag-college, siya ang katuwang ng inay niya sa pag-aalaga ni Chin-Chin. It was when he stepped to college that he got confused of his gender. Dahil na-expose siya sa mga may issue rin dito. He finds other men attractive at walang amor sa kanya ang magagandang babae kahit ang mga ito mismo ang kusang lumalapit. Kaya kinabahan siya. Pilit niyang sinu-suppress ang ganoong pakiramdam dahil ayaw niyang matawag na bading, bakla o homo. Dahil na rin sa nakikita niyang discrimination gawa ng mapanghusgang lipunan. He always keeps on convincing himself that he's a guy, kaya nahulog siya sa pagkakaroon ng identity crisis. Pero sisingaw at sisingaw pala talaga ang usok. Marami ang nakapansin and other men are even after him. Iyon sigurong may issue rin sa gender. Iniiwasan niya ang ma-link sa mga iyon nang sa ganoon ay manatili ang kanyang sariling paninindigan na siya ay isang lalaki. All of it, efforts, will and psyche were trashed in one night when Gregor invaded and broke his chastity. Tila nawalan ng saysay ang kanyang pagsisikap ng ilang taon. Ngayon, mukhang wala na siyang karapatang tawagin ang sarili na lalaki. He couldn't, when his behind is aching that much from a copulation as brutal as a torture. Kasabay ng pag-park ng kotse ni Gregor sa gilid ng kalsada ay ang paghinto rin ng daloy ng isip ni Ruki. Napabaling ang atensiyon niya sa katabi na binuksan ang driver's seat. "Let's go," anito kaya binuksan na rin niya ang kanyang pintuan at lumabas. Naunang naglakad si Gregor papasok sa isang kainan na may karatulang 'The Tuna Haus'. Isang casual dining at may karamihang tao. Halos puno ang mga lamesang nakahilera sa loob. Sumalubong sa kanyang pang-amoy ang mahalimuyak na sinugbang seafoods. "Hello, Sir! Good evening! Welcome to The Tuna Haus!" bungad sa kanila ng maliksi at nakangiting lalaking waiter. Naka-long sleeves ng puting uniform at black pants, may apron na puti rin sa nakatali sa baywang. Malakas ang boses nito na halos maririnig sa malawak na silid. "Dalawa lang po tayo?" "Yes." "Dito po tayo." Iginiya sila ng waiter sa isang kuwadradong lamesa sa sulok. "Ito po ang menu natin." Inabot nito ang makapal na cardboard sa kanila. tig-iisa. Hindi naman sa nagugutom pero tatanggapin ng tiyan niya ang kung anumang grasya na ibigay subalit kapag ang lalaking ito ang mag-alok ay tila tinakasan na siya ng gana. Kapag kasi nakikita niya ang mukha ni Gregor ay lagi niyang naaalala ang kapangahasang ginawa nito sa kanya and his wound throbs more na tila konektado ang dibdib niya roon. "Isang grilled pusit and a shrimp sinigang sa akin. Apat na kanin at cola," sabi ni Greg na halatang sanay na roon. "Ang sa 'yo, Sir?" Binuklat ni Ruki ang menu pero wala namang rumehistro sa utak niya sa mga nakasulat roon. "Isang milk tea." "How about sa dinner mo, Sir? We also have grilled tuna panga, best seller po namin 'yan dito." Kung ibang pagkakataon iyon ay maglalaway na siya sa tuna panga. Ang mahal kaya noon at ang sarap kapag napunta na sa bibig. Melts in his mouth kumbaga. "'Yan lang. Milk tea." "Okay, uulitin ko lang ang order n'yo--" "Wait." Nakakunot ang noong bumuklat ulit ng menu si Gregor at nagbasa. "Add that one panga, Garlic shrimps, baked scallops, ginataang alimasag and this asian salmon in foil. Tatlong kanin at dalawang bottled water." "Okay, Sir." Inulit ng waiter ang binigay ni Gregor na order bago umalis. Ito ang pinaka ayaw ni Ruki sa lahat, ang panahon kung saan maghihintay na ilapag ang order kasi kadalasan lalo na kapag ganito ka-awkward ang sitwasyon, hindi siya mapakali. Hinarap niya ang backpack saka hinalungkat ang cellphone sa loob ng bulsa niyon. "Anong nangyari sa bibig mo? Napaaway ka na naman?" Kahihimigan ng pagkainis ang boses ni Gregor. On instinct, napakagat-labi si Ruki at dinama ng dila ang sugat sa ilalim na labi. "Wala." "Hindi ganyan kalaki iyan noong napaaway kayo ni Rei, 'di ba? Lumapit na naman ba ang Dean na 'yon?" "Nakagat ko lang 'to. Aksidente." 'Bakit ang daming tanong ng taong 'to!' Mukhang napaniwala naman niya kaagad ito dahil tumahimik. Ilang sandaling katahimikan pa ay lihim na nagpasalamat si Ruki sa pagdating ng kanilang orders. Puno ang maliit na lamesa nang matapos ilapag ang mga pagkain. 'Ano 'to? May happy birthday?' Sa pagtataka ni Ruki ay binigyan din siya ng plato at mga kubyertos ng waiter. "'Wag na po. Hindi ako kakain." "Kumain ka," sabad ni Gregor pero nakatungo sa hinihiwang pusit. "Hindi ako gutom." "Sinong kakain niyan lahat kung hindi ka kakain?" sabi nitong bahagya siyang pinandilatan.  "Ikaw naman ang um-order niyan lahat." "Then what do you want to eat?" "Wala." Isa rin sa pinapangamba niya ay baka kapag kumain siya nang marami lalo na kapag mabibigat ay baka mahirapan siyang magbawas at lalala ang kanyang sugat. "Ano'ng wala? Para saan pa at pumunta tayo rito?!" Hininaan nito ang nanggigigil nang boses. Ang mga kamay ay mahigpit na nakahawak sa kubyertos. "Kumain ka lang kung gusto mo. Huwag mo na akong isipin. Okay na 'ko rito sa milk tea," sagot niya na humigop ng inumin. Trying to compose himself dahil baka gumawa sila ng eksena kung papatulan niya ito. Mukhang nawalan na rin ito ng gana dahil tumawag ng waiter saka pinabalot na lang ang lahat ng in-order na ikinakonsensiya ni Ruki. 'Di ba sabi gutom daw ito?' "S-sige, o-order ako ng iba." Napahinuhod ang lalaki sa kanyang sinabi at nagsimulang sumubo. Maya-maya ay dumating ang waiter na may dalang take out packages. "Lahat po ibabalot?" "Mamaya na. Bigyan mo ulit siya ng menu," anang lalaki. "Okay." Bumalik kaagad ang crew at inabot ang menu sa kanya. "Isang ceasar's salad. Iyon lang," sabi niya na tiniklop ang menu at ibinalik sa katabi. "Copy po." Sa reaksiyon ng mukha ni Gregor habang patuloy na kumakain, nabasa ni Ruki na naiintindihan nito kung bakit siya um-order ng gulay. Pero hindi ito nagsalita. Habang kumakain silang dalawa, may magkapareha na pumasok sa restaurant. Ang isa na naka-fitted blouse na kulay pink at skinny jeans with wedged sandal ay naunang luminga para maghanap ng bakanteng lamesa. Blonde ang banat at mahabang buhok nito na halatang dahil sa hair dye. Naka-lipstick rin ng pink. Ang kasunod na lalaki ay nakapantalon lang at dark blue tee. Mas bata tingnan kesa nauna. Kagyat lang ang paglingon ni Ruki roon pero nalaman niya kaagad na hindi babae ang nakapink. Napapabilang iyon sa homosexual people na nagko-cross dressed. Iyong mahilig magsuot at pumorma na parang totoong babae. "Two seats, Sir?" narinig niyang tanong ng waiter. Hindi alam kung sino ang kinakausap niyon dahil muli na siyang nakatungo sa kinakain. "Yes," sagot ng lalaki ang boses. "Gross." Napataas ang ulo ni Ruki nang marinig niyang sinabi iyon ni Gregor. Sigurado siyang ang mga bagong dating ang ibig sabihin nito. 'He really can't help but dislike homos,' naisaloob niya. Ano kaya ang rason bakit ganoon na lang ito magalit sa ganoon? But if he loathed homos that much, why did he even took him. Kahit pa nga ba sabihing gusto lang nitong saktan siya. Ganoon kapangit ang ugali nito na maisipang iyon ang iparusa sa kanya kahit ayaw nito sa ganoong kasarian? Tila mabibiyak na naman ang dibdib ni Ruki sa naisip. Ang mapait na gulay na kanyang kinakain ay mas lalong pumait. Uminom na lamang siya ng tea para kaibsan ang kakaibang lasa ng bibig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD