Sa dami ng hindi nakain ng dalawa, nauwi sa balot ang mga pagkain.
"Dalhin mo 'yan sa bahay. Kung ayaw mong kainin, ibigay mo kay Rei." Napadighay pa ang lalaki dahil sa kabusugan. Hindi na mabilang ni Ruki kung nakailang kanin ito pero sa pagkakaalala niya, halos naubos nito ang kanin na dapat sana ay para sa dalawang tao.
Hindi na kailangang sumagot pa ni Ruki. Bitbit na rin naman niya ang supot kaya malamang ay papunta rin iyon sa bahay.
Hanggang sa makarating sila sa building ng condo ay wala siyang imik. Hindi rin kasi niya alam kung paano makisama o makipag-usap sa lalaki. Feeling niya, kundi man mura ay masasakit na salita lamang ang lumalabas sa bibig nito. Awkward man, okay na rin iyon kaysa mauwi na naman sa bangayan ang simple nilang mga salita. Ang bilis pa naman makahanap ng mali ang lalaking iyon sa mga sinasabi niya.
Pagkabukas ng elevator sa floor nila ay dumiretso na si Ruki sa condo ni Rei. Akala niya ay maghihiwalay na sila roon pero sumunod itong naglakad sa kanya.
"O, Ruki. Na-late ka yata ng uwi. Akala ko madadatnan kita pagdating ko sa bahay kanina." Nakataas ang mga paang nakaupo si Rei sa sofa, kaharap ang TV.
"May sinadya lang ako saglit."
Nasurpresa naman ang maamong mukha ni Rei nang makita ang kuya nitong nakasunod sa kanyang likuran.
"Kuya, sa'n ka galing? Magkasabay kayo?"
"Hindi! Ano..." Hindi alam ni Ruki kung paano ipapaliwanag sa kaibigan kung malaman nitong magkasama sila ni Gregor.
"We met downstairs, sa elevator." Si Gregor ang sumagot. Dumiretso ito sa refrigerator kung saan nakatayo si Ruki. Nagitla naman ang huli nang biglang dumaiti ang kamay ng lalaki sa kanyang likod at marahan siyang itulak para mabuksan nito ang ref.
"Ah...gano'n ba? Ano 'yang hawak mo?"
Napatungo si Ruki sa dalang mga supot dahil doon nakatutok ang tingin ni Rei. "A--foods 'to. Kumain ka na ba?"
"Kanina, mga alas kuwatro kumain ako. Ano'ng klaseng foods 'yan?"
"Seafood," sagot niya na inilapag ang suppot sa itaas ng lamesa at isa-isang inilabas.
"Whoa! Seafoods? Tirahin na natin 'yan."
"Halika na, baka magutom ka mamaya." Kumuha ng mga plato at kubiyertos si Ruki at inilapag sa lamesa. Si Rei naman ay inilabas ang softdrinks at pitsel ng tubig sa ref bago dumulog.
"Hindi mo ba ako sasaluhan?"
"Hindi na, ang busog ko na." Hinagud-hagod niya ang tiyan para i-emphasize ang kabusugan. "Para talaga sa 'yo 'yan."
"Wow! From Tuna house? 'Di ba paborito mo 'to, Kuya? 'Li ka na!"
"Nah, I'm full." Patuloy nitong iniinom ang tubig na dala.
"Huh? Are you for real? These are your favorites. Kailan ka pa tumanggi? Join me, Kuya."
Kahit si Ruki ay hindi sigurado kung may nakalaang space pa ba sa tiyan ni Gregor para sa imbitasyon ni Rei. Na-amaze na nga siya sa dami ng ipinasok nito sa tiyan.
Kita ni Ruki ang pag-aalinlangan ni Gregor na umupo para saluhan si Rei pero tila wala itong nagawa.
"Hmn, nice grub," sabi nito na dumampot ng pusit. Kung hindi lang sila magkaaway nito ay kanina pa siya napatawa sa kalagayan ng lalaki. He couldn't imagine how he would fit all those food he eats.
"Kumain lang kayo nang maigi, papasok muna ako sa kuwarto."
"Yeah. Thanks for this, Ruk!" habol ni Rei a tinanguhan lang niya.
Pagkatapos kumain ay pumasok si Rei sa loob ng banyo. Naiwan si Gregor na nagliligpit ng pinagkainan. Siya namang pagkalabas ni Ruki. Gusto pa ring mapangiti ng huli sa naalalang pagpilit nitong paanyayahan ang alok ng kapatid.
Nagtungo si Ruki sa sala at pumuwesto. Nilatag ang dalang mga gamit sa eskuwela at binuklat ang libro. He needed his assignments done at paborito niyang puwesto ang humilata sa carpet ng sala kaharap ang lamesa. Hinahayaang nakabukas ang TV pero mahina lang ang tunog. Sa ganoong timpla siya nakakapag-isip nang maigi at mabilis niyang natatapos ang mga sasagutan.
Hindi man komportable sa presensiya ni Gregor at mas gugustuhin ang magkulong na lang sa kuwarto pero pinili pa rin niya na roon maglagi dahil maypagka-yellowish ang bulb na nakalagay sa kuwarto. Masakit sa mata kapag nagbabasa ng libro.
Nasa librong hawak ang direksiyon ng dalawang mata ni Ruki subalit malinaw sa gilid ng kanyang mga mata ang nakatayong si Gregor sa kusina. Nagpanggap siyang lumingon sa gilid para hanapin ang calculator nang mapansing naglakad ito palapit sa sala at nang mahawakan ang nadamay na calculator ay pinindot para kuno sagutin ang nakitang tanong.
Lumapat ang pang-upo ni Gregor sa sofa isang metro ang layo sa kanya. Tahimik lang ito ng ilang sandali at siya naman ay nakikiramdam lang. Sinusubukan niyang ituon ang focus sa tanong pero kahit ilang ulit niyang ikalkula ang mga numero ay hindi tama ang lumalabas. Favorite subject niya ang math, bakit hirap na hirap siya ngayon?
Isang mahinang dighay ang narinig ni Ruki mula sa likuran pero hindi niya pinansin. Nasundan ang mahinang dighay na iyon ng isang ubo. Umikot muna ang mga mata ni Ruki bago sumulyap sa itaas ng balikat.
"...nakita mo na ang laman ng supot."
'O, tapos?'
"Alam mo ba kung pa'no gamitin 'yon?"
Nalukot ang noo ni Ruki sa tinanong nito. Dahil gusto na niyang paalisin ang lalaki kaya sinagot niya, "Ewan ko." At tinalikuran ulit saka ibinaon ang pansin sa assignment. 'Umalis ka na nga!'
"Nabasa ko kanina sa internet kung paano gamitin ang mga 'yon."
O, tapos ulit? Gusto ba nitong turuan siya? He can always read the drug literature or browse it on the internet. Manghihiram siya ng wifi kay Rei.
"Babasahin ko mamaya," aniyang kagyat itong nilingon saka tumalikod ulit.
Makalipas ang ilang segundo ay tumayo na ito at humakbang sa harap ng pintuan ng kuwarto ng kapatid, binuksan iyon. "Rei, may ipapagawa ulit akong files sa 'yo," rinig niyang sabi nito sa kapatid na nakaupo sa paborito niyong sulok. Nag-switch-on na naman sa gamer's mode.
"Ano kuya?"
"Nasa usb."
"Sa'n na?"
"Wala, wala rito. Mamaya ibibigay ko sa 'yo."
"Hmn, kay."
"Uwi na 'ko."
"Sige, Kuya. Goodnight."
Pagkalabas ni Gregor sa pintuan ng silid ay kusang gumalaw ang mga mata ni Ruki paitaas sa harap kaya nagtagpo sandali ang kanilang mga mata. Binilinan siya ng lalaki ng isang walang ka-emo-emosyon tingin bago ito lumiko at lumapit na sa main door. Ilang sandali lang ay tahimik na ulit ang kanilang bahay. Napabuga ng hangin si Ruki at ipinagpatuloy ang assignment.
Naligo, nagbihis, umikot sa bahay ng ilang ulit habang nagyoyosi. Iyon ang ginawa ni Gregor nang makauwi. Matapos ang halos dalawang oras sa pagiging abala ay tinanggal niya ang usb computer at nagpunta sa kabilang pintuan. Ilang katok ang kanyang ginawa bago bumukas ang pinto at lumitaw ang matamlay na anyo ni Ruki. Ipinakita niya sa harap nito ang usb bago nito
niluwagan ang pintuan at gumilid para siya makapasok.
"Gising pa ba siya?"
Tumango nang bahagya si Ruki bago nagsabi, "Gising pa naman yata."
Binuksan na niya ang pintuan ng kuwarto ng kapatid saka walang anu-anong pumasok.
"Here. Paki-check ng mga files," lahad niya sa pulang usb.
"Ito ba 'yong noon?" tanong ni Rei na tinitigan ang usb.
"Oo, i-check mo ulit. 'Di ko mabuksan, e."
"Alin doon ang file na kailangan mo? Ano'ng file name?"
"Lahat."
"Lahat?!"
"Oo, gawin mo tonight ha," aniyang iniwan ang kapatid na hindi maipinta ang mukha. Mapuputol lang naman niya ang paglalaro nito.
Pagkalabas niya ng kuwarto ay naabutan niya si Ruki na nakahilig ang likod sa sofa. Nakasara ang mga mata habang hawak pa rin ang libro at ballpen.
"Hey," tawag niya dito dahilan para ibuka nito ang namumula ng mga mata at tumingala sa kanya. "Sa kuwarto ka matulog."
"Hindi ako natutulog." Ibinalik niyo ang atensiyon sa libro at kunot ang noong tinitigan iyon.
"Hindi pa ba tapos 'yan?"
Dalawang oras na siyang nakauwi, hanggang makabalik siya ay iyon pa rin ang ginagawa.
"...two items na lang."
Inukupa ulit niya ang sofa na inupuan kanina at sumilip sa hawak nitong libro. "Math?"
"Hindi pero may calculation."
"Let me see," sabi niya na itinuwid ang kamay para hingin ang libro. Ibinigay naman nito iyon.
Gregor has excellent understanding in calculation. Mas nagtaka nga ang mga kaklase niya kung bakit daw nagpulis siya at hindi naging engineer. Sisiw sa kanya ang magsaulo ng formulas at magpasikut-sikot sa calculations. Naisipan din naman niyang kumuha ng kurso noon na related sa numbers but he had the feeling that between him and Rei, he bears the responsibility to maintain the legacy of his father as a cop.
Pagkalipas ng ilang sandaling tiningnan ang tanong na nakasaad sa workbook ni Ruki inilahad ulit niya ang kamay. "Ballpen, papel."
Sa oras na mahawakan niya ang hininging mga gamit ay kusang kumilos ang kanyang kamay para kalkulahin ang problema na isinaad sa libro. Binilugan niya ang sagot sa unang tanong bago sinunod naman ang isa pa. Ilang saglit lang ay inabot na niya ang papel sa katabi.
"Kopyahin mo na lang 'yan, i-transfer mo sa libro."
Gustong ngumiti ni Gregor sa tila nagniningning na mga mata ni Ruki nang makitang kumpleto na ang mga sagot. "Salamat."
"Matulog ka na."
"Hmn." Nagligpit na ito ng mga gamit saka nilisan ang sala. Naiwan siyang nakaupo pa rin sa sofa habang hinahatid ng tingin ang likuran ng papalayong binata.