Part 17

2136 Words
Gregor had done his routine morning workout, nakapagluto na siya ng pang-agahan. Nakapagpaikot ng labahin sa automatic washing machine. Nalinis na ang buong sulok ng bahay at ngayon ay nakasalampak na sa malambot na sofa kaharap ang malaking TV. It was 6AM at nagawa na niya iyon dahil as usual,  madaling araw pa lang, gising na siya. Naipikit niya ang mga mata ng mahigit dalawang oras ngunit nakaramdam ng pagkaihi kaya nagising. Right then, alam niyang hindi na siya makakabalik sa pagtulog kaya minabuti niyang maging productive na lamang ang mga susunod na oras. He's used to doing chores kasi wala naman siyang ibang magagawa. Kaya madalas, kapag may bisita siya, laging nakakatanggap ng papuri ang kalinisan ng kanyang bahay. Ilang buwan na niyang tinigilan ang pag-inom ng sleeping pills na nireseta ng doctor sa kanya dahil nakakaramdam siya side effects such as headache and dizziness. He should have reported it to the physician pero alam niyang hahanapan lang naman siya ng ibang panghalili ng gamot na iyon. Dalawang beses na iyong nangyari at wala rin namang nagbago. Mas naaasar lang siya dahil samu't saring side effects na ang nararamdaman ng katawan. Tinanggap na niya na wala ng lunas ang sakit niyang iyon. Sanay na rin naman siya at nakakagalaw ng normal. He can live, at least. Kailangan lang niyang dalhin ang maiitim na eyebags araw-araw. Minsan, lalo kapag tinatakasan siya minsan ng kulay, gusto niyang matawa dahil nagmumukha siyang bampirang ligaw. Habang inaaliw ang mga mata sa pinapanood, panay ang sulyap ni Gregor sa cellphone na nasa tabi. Kagaya ng madalas mangyari nitong mga nakaraang araw, wala naman siyang hinihintay na partikular na tawag o text pero hindi mawalay ang tingin niya roon. Or...is he really expecting a certain call? He scrolled the screen up and searched for the latter's number. Sigurado siyang tulog pa si Rei ng mga oras na iyon. O baka naman tulog din ang isa. Nasa aktong nagpatumpik-tumpik si Gregor kung magda-dial ba ng number o hindi nang may nag-doorbell sa kanyang pintuan. Naibaba niya ang cellphone at tinungo iyon para tingnan kung sino. Napataas ang mga kilay ni Gregor sa surpresa nang makita sa peephole ang taong maagang nagdo-doorbell. Wala sa loob na pinasadahan niya ng tingin ng hitsura at napagtantong wala pala siyang suot na pang-itaas. Ayaw niya kasing mangamoy ng ulam ang suot niyang sando habang naluluto siya kaya niya tinanggal kanina. "W-wait!" Nagmamadali niyang tinungo ang upuan ng dining table kung saan niya sinablay ang sando saka nagbihis. Before opening the wooden door, he made a fast preparation by clearing his morning throat and changing his facial expression into what he usually wears—the stern one. "Uhm, good morning," may pag-aalinlangang  bati ni Ruki sa kanya na may mga matang hindi makatingin nang diretso. Mukhang pinili nitong idapo ang tingin sa kanyang mga labi pero napagtantong mali ang parteng napili kaya nagbawi ng tingin. He suppressed a smile. "Good morning. Ano'ng kailangan mo?" "Si Rei, inutusan akong itanong sa 'yo kung may gamot ka sa LBM. Nasa banyo siya." He wanted to thank the heavens for pushing him to buy those couple of capsules the other day nang mapadaan sa pharmacy at maalalang paubos na ang laman ng mga garapon ng gamot niya. "Mm, meron ako. Halika, pasok ka." "'Wag na po. Hihintayin ko na lang dito." Gregor's sensitive nerve was quite displeased kaya naglabasan ang ilang gatla niya sa noo. Mas niluwagan pa niya ang bukas ng pintuan para i-insist rito ang kanyang paanyaya. Nakuha naman iyon ng batang lalaki kaya pumasok na rin. "Kumain ka na ba?" "Hindi pa. Kakagising ko lang." Nanatiling nakatayo lamang ang bisita sa likod ng main door na ngayon ay nakasara na. "Si Rei? Halika." "Hindi rin." Humakbang lamang iyo ng ilan at huminto malapit sa dining table. Tumangu-tango siya bago tumalikod para puntahan ang lugar kung saan niya nilagay ang mga gamot. "Sabihin mo kay Rei na dito na kayo kumain ng agahan. Nakapagluto na ako. Pagkatapos niya roon," aniya habang inaabot ang gamot. Tumango si Ruki. "Sasabihin ko." "...kumusta ka na pala?...Ininom mo ba ang mga binigay kong gamot?" Pilit niyang hinuhuli ang mailap na tingin ng kaharap. "A—oo." It has been more than a week after he gave those medicine kaya dapat tapos na ang course ng gamot nito. For some reason, Gregor felt the heat in his ears nang makitang namula ang pisngi ng kaharap. His embarrassment went so damn adorable, he wanted to brush his palms against those smooth cheeks. "Ibibigay ko na 'to kay Rei. Salamat." Bakit ito nagpapasalamat, e, para naman sa kanyang kapatid ang gamot na binigay niya? Lihim ulit siyang napangiti. "Sige." Naghintay si Gregor ng ilang minuto sa pagdating ng dalawa ngunit trenta minutos na ay wala pa ring nagdo-doorbell sa kanyang pintuan. Napabuga siya ng hangin at dinampot ang cellphone para gumawa ng tawag. "Hello?" "Where are you?" bungad niya sa bati. "Nandito sa bahay." "Didn't I tell you to come here for breakfast?" "Inaantok pa rin kasi si Rei, kaya natulog ulit." Mukhang nasa sariling kuwarto na rin ito base sa kulob na dating ng boses. "Then come here alone. Magkadikit ba ang mga bituka ninyo ni Rei para huwag kang kumain kung tulog siya? Marami ang naluto ko, tulungan mo akong ubusin ito." Pinatay niya kaagad ang tawag dahil nakikinita niyang aangal na naman ito. Mas mabuti na iyong huwag niyang bigyan ng tsansang magreklamo. Tagumpay ang kanyang ginawa dahil ilang minuto pang ay nag-doorbell na ito sa pinto. "Halika...Umupo ka na," aniya na itinuro ang hapagkainan. "Kakainit ko lang ng mga ulam kaya kainin mo na." Binuksan niya ang ref saka yumuko. "Orange o apple?" "Po?" "Juice." "Uhm, may kape po ba kayo?" "Kape? Sige, meron." Iniwan na niya ang ref at lumipat sa drawer sa itaas ng sink. "With creme?" "Opo. Ako na lang po ang magtitimpla." Tumayo si Ruki mula sa harap ng mesa at tumabi sa kanya. Hindi mawari ni Gregor bakit bigla siyang nakaramdam ng pagkailang kaya iniwan na lamang niya ang garapon ng kape saka hinarap ang electric heater.  "Make it two." Siya na ang umupo sa silya ng hapagkainan at pinagmasdan ang batang lalaki habang gumagalaw sa kanyang kusina. Habang nakikilala niya at nakikita si Ruki, sa kanyang mga mata, bakit mas lalong naging babae ang dating nito? Maging ang galaw na animo ay bilang at precise. Ang simpleng pagtikwas ng mahahabang daliri na nakahawak sa takip ng garapon. Sa suot nitong white tee at pajama pants, mas lalong nahahalata sa kulay ng tela ang pagkaputi ng kutis nito. Maingat na inilapag ni Ruki ang kape sa kanyang harapan saka dumulog na rin sa lamesa. Hindi niya matiis pansinin ang paraan ng pagkahawak nito sa mug, his fingers were clenching the curvy handle while the other palm was wrapped against the body of the mug. Naaliw siya sa gesture na iyon ngunit hindi nagpahalata. Kung nakatingin lang ang binata sa kanya ay mapapansin nito ang pagkislap ng kanyang mga mata sa tuwa. Yumuko si Gregor at itinaas ang kanyang tasa para humigop na lamang ng kape. "Kumain ka na." "...ako lang ang kakain?" Natigilan siya para mag-isip. He already filled his belly a while ago, a very light one na maging siya ay diskumpiyado kung matatawag bang 'meal' iyon. Ganoon lang talaga ang kinakain niya kapag umaga dahil mas madalas kaysa minsan ay hindi siya nag-aagahan. May mga pagkakataon lang na maisipan niyang lagyan ang tiyan. "Hindi. Sabay tayo,” aniyang kumuha ng isa pang plato at sumandok ng pagkain. Matapos kumain ay napresinta si Ruki na maghugas ng pinagkainan nila pero pinigilan niya. “Umupo ka lang doon,” turo niya sa sofa na sinunod naman nito. Pero halata pa rin sa paraan ng kilos at pagkaaupo nito ang discomfort. He wanted to cure that. Afterall, kaibigan ito ni Rei at parang membro na rin ng bahay nito. Nakatuon pa rin ang mga mata ni Ruki sa TV  nang matapos siya sa ginagawa at umupo sa tabi nito. He took the space a couple of inches away from him yet at the corner of his eyes, he noticed him fliched away. Gregor heaved a sigh. Ang mga nagdaang minuto ng katahimikan at walang kibuan sa pagitan nila ay kumakain sa loob ni Gregor. After so many years, mukhang nanumbalik ang ganoong klase ng pagkailang sa kanya. As far as his memory could recall, he used to feel that during his teenage years. Akal niya, sa pagdaan ng mahabang mga taon, kasama na iyon sa mga nawalang katangian niya. Gregor finally decided to break the silence by clearing his throat. “May lakad ba kayo ni Rei mamaya?” tanong niya pero hindi nilalayo ang paningin sa pinapanood. “Wala naman. Siya yata meron sana kung hindi lang sumakit ang tiyan.” Ilang sandaling katahimikan ulit bago nagsalita muli si Gregor. “Kumusta ka na? I mean...you know...iyong sugat mo?” It was obviously a clear question, ngunit dumaan ang ilang sandaling hindi siya nakatanggap ng kasagutan mula rito kaya kumunot ang kanyang noo na nilingon ang katabi. Naglaho ang mga marka ng maikli niyang pasensiya at napalitan ng pagkamangha nang makita ang matinding pamumula ng mukha ni Ruki. Nakatakip ang isang kamay nito sa bibig na wari ay tinatakpan ang mukha. Ang tanong na iyon ba ang dahilan ng pamumula ng pisngi nito? The urge to reach him made Gregor crossed the little space between them. “Ruki...” He hadn’t expected that a certain guy could be as cute as that. He wanted to eat him alive. Napatingin na rin ang katabi sa kanya nang abutin niya ang batok nito at marahang hinila palapit. Saglit itong nanigas nang ilapat niya ang mga labi sa bibig nito. A full yet gentle kiss. He sucked and nibbled his surprised cold lips sharing his warmth through it. Walang tugin mula rito ngunit hindi rin niya kakitaan ng pag-angal. He just sat there like a statue afraid to move an inch. Iminulat ni Gregor ang mga mata para silipin kung ano ang reaksiyon ng kasama at hindi niya pinagsisihan ang ginawang iyon. His libido rose up like a feverish mammal as he realized that Ruki’s eyes were already closed. He unconsciously closed his eyes and moved his tongue to the deeper part of his mouth. He greeted his sleek and dormant tongue with a twirl. Dahil doon, naramdaman niya ang pagkapit ng kamay nito sa kanyang sando malapit sa dibdib. He caught his one hand and pressed his shaking palm against his chest. “Touch me.” Nakikiusap ang mga mata na bigkas niya. His words were like a fuel to a flame. Sinilaban niyo ang umaapoy na nilang tagpo at damdamin. Ruki was gradually switched to a more submissive bottom. Gumalaw ang mga kamay nito at ipinaloob sa kanyang sando para bigyan ng hagod ang kanyang dibdib. He breathed out and again claimed his lustful lips. Pinakibabawan na niya ang bahagyang nakatagilid na katawan nito. “Lay down properly,” he said as he adjusted Ruki’s petite body on the wide sofa. Hinawakan niya ang isang kamay nito na nasa dibdib at inilipat sa ibaba. “You feel that?” Sexy low chuckle vibrated his throat when Ruki’s eyes grew wide. Kulang na lang ay lumugwa ang mga iyon. “You did this.” He swam again to lock their lips. “Keep touching me.” Ilang beses na niyang narinig ang mahihinang ungol na kumawala sa bibig ni Ruki. “Gregor...”  the young man cried while clinging unto his nape. “f**k. I want you.” Tuluyan na niyang nililis ang pang-itaas na damit nito at sinakop ng bibig ang maputing dibdib. Bathing his soft body with bites and sucks. Nanggigil siya sa lambot ng kutis nito. Kahit na may kanipisan ang katawan ng bata, may mga tinatagong fats naman ito sa ilang parte ng katawan. In one big pull, nahubad ni Gregor and pajama pants ng kaparehabat basta na lang hinayaang mahulog sa sahig. Tumambad sa kanya ang buo niyong kahubdan. “Beautiful,” he muttered. “You’re so beautiful.” Kung gaano kaputi ang katawan nito, ganoon naman kapula ang mukha na pilit tinatakpan ng mga braso. Pinagsawa ni Gregor ang mga palad sa kakahagod at pisil sa lahat ng parte ng katawan nito. Natigilan naman si Ruki nang bigla ay tumayo siya. “Wait here.” Nagmamadali siyang nagpunta sa kuwarto, pagkabalik ay dala na ang isang puting tube. Hindi man nagsasalita ngunit nagtatanong ang mga tingin na pinukol ni Ruki sa kanya habang tinitingnan ang kanyang dala. “A lube. Nabasa ko ito sa internet. This’ll help me loosen you up.” He again positioned on on top of Ruki and kissed him passionately. Habang ang isang kamay ay patungo sa gitna ng hita nito. “‘Wag!” tulak ni Ruki sa kanyang dibdib. Ang anyo ay kakitaan ng matinding hilakbot. “Please, ‘wag po.” Tila piniga ang kanyang dibdib sa takot na natanaw rito. “Don’t worry, I’ll be careful this time.” Malalaki ang iling na ginawa nito saka humalukipkip. “...i’m sorry...for the last time...alam kong nasaktan kita nang malubha. Hindi ko sinasadya iyon. I didn’t know how to properly do it with...you.” Pabulong niyang pagkausal sa huling salita. Hindi sumagot si Ruki pero hindi rin tuminag sa pagkakahalukipkip. Masikip ang dibdib na napagbuntong-hininga si Gregor. “I guess I should stop.” Mabigat ang katawan na tumayo siya at bumalik sa kuwarto, pagkalabas ay bitbit na ang isang kumot at ibinalabal sa hubad na katawan ni Ruki. “Sa banyo lang ako,” saad niya bago tumalikod.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD