Nakalambitin sa mga ulap ang isip ni Ruki nang sumunod na mga araw. Wala ni kahit isang pumasok sa kokote niya sa mga tinuro ng kanilang professors. Nakabaling lamang sa labas ng malaking bintana ng classroom ang kanyang tingin.
Ukupado ng nangyari sa kanila ni Gregor ang kanyang gunita. Ano nga ba ang ibig sabihin ng mga kinikilos ni Gregor? He had been good to him these days kumpara sa pagtrato sa kanya noon. Masyadong malaki ang pinagkaiba. Ano'ng nakain niyon? Akala niya homophobic ang lalaki pero bakit nagawa ng lalaki iyon sa kanya?
He even searched the internet about male to male s*x!
Ruki's fair skin grew red. Naitakip niya ang likod ng kamay sa bibig sa naalala.
Gregor was so freakin blazing! Hindi kayang ipagkaila ng mga mata niya ang p*********i nitong naghuhumiyaw. Maliban sa nakakalusaw ng buto nitong kaguwapuhan, his huge and muscled physique is driving him to an insane condition. Ang tattoo sa dibdib, ang tigas ng mga kalamnan, those large manly hands that kept on exploring his body. Pati ang buo nitong boses na nabasag noong bigkasin nito ang pangalan niya habang nasa intimate silang tagpo. Kaya lagi na lang siyang tinatakasan ng salita kapag kumikilos na ito dahil ang totoo, he just couldn't resist. Kahit noong walang kaingat-ingat ang mga hawak nito sa kanya. Paano pa kaya ngayon na nag-lie-low na ang kagaspangan nito?
Nanlaki ang mga mata ni Ruki nang maramdaman ang paninigas sa ilalim ng khaki niyang pantalon.
How bold and lewd! Sa eskuwelahan pa talaga siya inabutan ng ganoong sitwasyon.
He should forget all those memories for now, especially whenever he's in class. Ipinilig niya ang ulo ngunit napalakas iyon kaya nakuha ang atensyon ng teacher.
"Mr. Dela Gracia, would you like to share your thoughts about the eighth stanza?"
"M-ma'am? Yes." Bigla ang pagtayo niya kaya tumunog ang plastic na desk. Pinasadahan niya saglit ng basa ang sinabi nitong stanza pagkatapos ay binigkas ang opinion.
"Very well."
Lihim na napabuga ng hangin si Ruki. Akala niya ay mapapagalitan na siya ng teacher. Alam niyang nahuli siya nitong nakatanga lang.
'How am I supposed to act around him?' Paano na lang kung masundan pa ang mga paglalapit ni Gregor sa kanya?
Sa kabilang dako. Tayuman Police Headquarters.
Mula sa kanyang opisina ay rinig ni Gregor ang malakas na pinaghalong boses ng ilang katauhan. Dalawa roon ay nakikilala niyang pagmamay-ari ng kanyang kasamahang pulis.
"Iyan ang nababagay sa kalandian mo, bakla ka!" sabi ng isang pulis na nagpakunot ng kanyang noo.
Tumayo si Gregor mula sa kinauupuan at binigyan ng silip ang nangyayari sa tanggapan ng headquarter.
"Ano 'to?" aniya na tiningnan ang isang pulis.
"Sir, ikinulong niya ang labing-apat na taong gulang na batang lalaki sa bahay niya ng dalawang araw. Nag-report ang mga magulang."
Naggalawan ang mga panga ni Gregor habang tinitigan ang lalaking nakaupo sa monoblock chair sa harap ng mesa. Naka-pink ito ng pambabaeng blouse at maikling shorts. Nakapusod ang mahaba at banat sa kemikal na blonde na buhok. Kahit saan pakatitigan, walang kahit isang parte sa anyo nito ang masasabing babae. May kalakihan ang tiyan, at medium built. Batak pa nga ang mga braso at balbon ang binti.
"May witness ba?"
"Opo, susunod na rito mamaya kasabay ang mga magulang."
Nilapitan ni Gregor ang suspek sa nagbabagang tingin saka padaskol na sinaklot ang batok. "Ano'ng ginawa mo sa dalawang araw na ikinulong mo ang bata?" Naniningkit ang mga matang tanong niya rito.
Kakikitaan ng matinding takot ang anyo ng suspek habang nakatingin sa kanyang mukha. Halata maging sa dalawang pulis na nasa tabi ang panginginig ng kalamnan nito. Kung hindi pa siguro napipintahan ng pink na lipstick ang mga labi ay kasing puti na ng white board ang kulay niyon.
"W-wala po! M-maawa po kayo, Sir!"
Mas hinigpitan ni Gregor ang pagkakahawak ng batok nito at dinuro sa noo. "Kung mapapatunayan ko ang kahayupang ginawa mo, gagawin ko ang lahat para pagbayaran mo sa pinakamasakit na paraan ang ginawa mo! Naiintindihan mo naman hindi ba? Malas mo at nagpahuli ka dito sa lugar ko."
Ang mga daliri niyang nakahawak sa likod ng leeg nito ay maiging nakabaon. Kung sa lalamunan iyon napunta ay kanina pa marahil napugto ang hininga ng kaharap.
"Siguraduhin ninyong hindi na makakalabas ang isang iyan," mababa ang tono ngunit kasing talas ng isang sundang ang mga salita ni Gregor. Aminado ang mga kasamahan na kapag ganoon ang timpla ng salita niya ay wala na dapat magtangkang subukan ang kanyang pasensiya. Tahimik na nagkatinginan lamang ang dalawang pulis.
"Hindi pa pala talaga nawala ang allergy mo sa mga bakla, Bud." Usal ni Vince na sumunod pala sa kanya papasok ng opisina. "Minsan tuloy, naiisip ko, may trauma ka ba sa kanila?"
He had no particular trauma involving gay people. Pero dahil sa dalas ng nakikita at naririnig niyang balita patungkol sa mga ito, natutunan niyang magkaroon ng disgusto sa mga taong may ganoong kasarian. s****l harassments kadalasan, na nahahantong sa mas malubhang krimen katulad na lang ng rape. Kagaya ng kaso ng bagong dating na suspek. Ever since he became aware of those stereotype incidents, his mindset towards those people grew nastier. Pero hindi niya isinatinig iyon kay Vince bagkus ay hinila niya lang ang silya at umupo.
"You know, I know some gay people. Nakakasalamuha ko rin paminsan-minsan ang mga kaibigan ni Chelsea kapag pumupunta sa bahay," tukoy nito sa nakababatang kapatid. "And they're...how should I say this..."--Hinagod nito ang baba saka nag-isip--"...fine? I guess. May matitino naman sa kanila. Don't you think you're being prejudiced?"
"Wala akong pakialam," saad niya na hinarap ang computer.
"Well...just saying," Vince shugged.
Iba ang bumabangon na pagkairita sa sistema ni Gregor kapag nakakakita ng mga ganoong tao. Even a glimpse of them waving and shaking their bodies in act of imitating women--na exaggerated naman ang resulta--is enough to ruin his day. Lalo pa kaya kung nakakatagpo siya ng naglalampungang dalawang lalaki.
How could they even do tha--?
Natigilan si Gregor sa daloy ng kanyang iniisip. Pati si Vince na kakakuha lang ng folder sa lamesa ay napansin ang bigla niyang pagka-estatuwa.
"Bud...okay ka lang?"
Noon nanumbalik sa normal ang kanyang galaw pero kunot ang noong tumiim ang bagang. "Mm...okay lang."
Simula ng tanghaling iyon hanggang gumabi ay okupado na ang isip ni Gregor.
Matapos pitikin ang nauupos ng sigarilyo ay pinasibad ni Gregor ang kanyang kotse palayo sa parking lot ng headquarters. He needed to go somewhere. The place where he thought could help him figure out something very important.
Huminto siya sa isang establishment kung saan makikita ang kumikislap na ilaw sa sinage. Isang bar na kanyang natagpuan kanina sa internet.
Sa labas pa lang ay nagkalat na ang ilang kalalakihan. May grupo na nagkumpulan malapit sa isang dilaw na kotse na nakaparada sa parking lot at masayang nag-uusap. Ang iba naman ay seryosong nag-uusap lang sa gilid habang naninigarilyo. Lumagpas sa labas ng building na iyon ang ingay ng musika na nakaere sa buong sulok bar.
"Good evening!" masayang bati sa kanya ng isang lalaking naka-polo ng puti at hapit na pantalon. Maayos na nakasuklay ang buhok nito, preskong tingnan na parang kakaumpisa lamang ng araw. Kapansin-pansin ang isang tainga nitong tadtad sa hikaw.
Diretso at walang lingon siyang naglakad palayo rito at pumasok kung saan mas malakas na ang tugtog. Halos maduling ang mga matang tumitig siya sa paligid ng bar nang marating ang pinakasentro niyon. Nagtagpo tuloy ang maiitim niyang kilay. Ngunit kahit madilim ang paligid, kaunting pagsasanay lang ng kanyang mga mata ay nakikita na niya ang ilang pares ng kalalakihan sa halos lahat ng sulok ng lugar.
Ang malalagkit na titig na pinupukol sa mga kausap nito ay klaro na niya. Others were touching their fellow men in an intimate way. May nasagi pa ang kanyang mga mata nailang magkapareha na halos naghahalikan na. Pilit niyang binabalewala ang kakaibang pakiramdam na bumabangon sa kanyang dibdib dahil sa mga nakikita. In fact, humihilab na nang bahagya ang kanyang tiyan. Gustong bumaliktad sa mga nasaksihan.
But he knew he had to put up with it. Dahil may misyon siya sa kanyang sarili sa gabing iyon.
Tumuloy si Gregor sa bar kung saan abala ang dalawang barista na naroon. Halos puno rin ang mga upuang nasa harap. Pinagkasya niya ang malaking katawan sa nakitang espasyo at um-order ng maiinom.
"Whisky."
"Right away, Sir!"
Hindi pa man umiinit ang tangang baso sa kanyang kamay at nakailang lagok pa lang siya ay may tumabi na sa kanya.
"Hi there! I'm Jordan ," bati ng lumapit na lalaking naka-button up shirt na printed. Hindi na niya matukoy ang kulay niyon kung navy blue ba o itim. May dala ring inumin sa kamay. Inilahad nito ang kabilang palad sa kanyang harapan.
He made a quick scan on the person's appearance. Meduim build, hindi maputi, 'di rin naman maitim. He looked clean, actually anyong professional. Lamang lang ang tangkad niya ng ilang pulgada. He was showing a fine smile na wari ay nakaharap sa isang prospect business partner.
Nah...Mas lalaki pa ang pangalan kaysa kanya.
"May partner ka ba?" tanong pa nito.
"Not interested," maikli niyang sagot bago tinalikuran ang natigilang lalaki.
Iginala pa ni Gregor ang paningin habang naghahanap ng mapupuwestuhan nang mahagip ng kanyang mga mata ang taong pumasok sa hinahanap niyang qualities.
Fair and slender, nasa 5'7 ang height. Around early twenties, nakasuot ng gray na cardigan na pinalooban ng itim na turtle neck shirt. Itim rin ang pantalon na ang haba ay hanggang bukung-bukong lang. It was complemented with a white loafers na bumagay sa maputi nitong balat sa paa. Kausap nito ang sa palagay niya ay mga kaibigan.
Marahil ay napansin ng lalaking iyon ang kanyang pagkakatitig kaya napalingon sa kanya. He owned a face that could equate to a woman's and a smile that could complete anyone's night.
Bitbit ang isang baso sa kamay, humiwalay ito sa grupo saka eleganteng naglakad sa kanyang kinaroroonan.
"Hi." The guy greeted him with a smile. Litaw ang isang dimple sa isang gilid ng bibig nito.
"Hi," he answered.
Luminga ito sa tabi saka nagsabi, "You're new. Mag-isa ka?"
"Yeah."
"I'm Timber. Tim na lang para mabilis." Inilahad nito ang kamay na may mala-kandilang daliri.
"Gregor," saad niyang tinanggap ang palad nito. Just as he guessed, malambot ang mga kamay. Halatang hindi tadtad sa trabaho. Marahil ay anak ng isang may sinasabi.
"Hmn, wanna chat somewhere quieter?"
"Sure."
"Right!" lumitaw ulit ang maliit na biloy sa pisngi ng lalaki.
"Let me guess...you're straight as a metal pole. Am I right?" tanong ni Tim sa kanya nang nasa may kadilimang bahagi ng parking lot na sila.
"Paano mo nasabi?"
"I can tell. We can tell. Call it vibe, instinct. Whatever. We know very well who and who belongs to the sect. My curiosity was stirred up, bakit ka nagpunta rito?" Nakahilig ito sa kanyang kotse habang ipit ang sigarilyo sa daliri. His fingers were moving gracefully as he played with the white stick. Siya rin ay nakatukod ang siko sa kotse, nakaharap dito. "Are you in a state of confusement? With your newly discovered gender?"
Hindi agad nakasagot si Gregor. Maya-maya ay nagsalita siya, "I want to know."
"Hmmn..." Kumibot-kibot ang mga labi nito habang nag-iisip. "Bakit muna?"
"Bakit?"
"Yeah, why do you wanna know? Bakit ngayon pa na nasa ganyang edad ka na? May...nagugustuhan ka ba? A guy?"
"...probably."
"What's with the probably?" bulalas nito. "It should be a yes or no answer."
"Yes."
"He must be special, para humantong ka sa ganitong gawain."
"Nah..."
Tim chuckled. Maging ang tawa nito ay elegante. Masarap sa tainga.
"So, ano'ng gusto mong gawin natin para mapatunayan mo? Wanna go to bed with me?"
Hindi ulit nakasagot si Gregor. Tila naging bato ang dila niya sa straightforwardness ng kausap.
"Alright, ihinay-hinay muna natin. Did you kiss?"
"Yeah."
Binitiwan nito ang sigarilyo kaya nahulog sa sementadong sahig. "Can you kiss me now?"
It took a while for Gregor to mutter his answer. "I'll try."
"Okay. Then kiss me."
Puno ng pag-aalinlangang itinaas niya ang kamay patungo sa pisngi nito saka dahan-dahang inilapit ang mukha. Nabigla na lamang siya nang hawakan ni Tim ang kuwelyo ng kanyang itim na jacket saka siniil siya ng halik. Kaagad niyang inilayo ang mukha rito saka pinahid ang mga labi gamit ang manggas ng jacket.
Tim's face cracked in a half smile saka humalukipkip. "I'm sorry, I can't figure it as early as now. I know that you like my appearance. Nakita kitang ni-reject ang unang lumapit sa 'yo kanina."
Gregor was surprised.
"Kamukha ko ba siya? May similarity ba?"
He was again speechless.
"Sa ngayon, ang masasabi ko lang, if you like him then just go for it. Kasi tingnan mo, kahit may similarities kami, you rejected my kiss. Ibig sabihin, hindi ka basta nagkakagusto sa ibang lalaki. P'wedeng nagkagusto ka sa kanya dahil siya iyon. I mean, hindi dahil sa gender but because of his character as a person. Huwag mong isipin masyado kung nag-sway ka na ba ka kabilang direksyon. That person...what was his name?"
"...Ruki."
"Cute! Ruki must be really special dahil napukaw niya ang puso mo. Kahit na pareho kayong lalaki. Just go along with what you feel, kung wala ka naman naaapakang ibang tao. Like him, love him or whatever your feelings are--as a human being. Nakakainggit naman siya. Alam niya ba?"
"I don't know."
"Ang suwerte niya. Ang hot ng nagkagusto sa kanya kahit wala siyang idea. Siya, I won't be long. Babalik na ko sa friends ko."
"Ihahatid kita."
"Oh no! Ang gentleman mo pa. Ang suwerte niya talaga. Thanks but no need, d'yan lang naman. And oh!" Bago ito tumalikod ay inilabas ang wallet saka humugot ng kuwadradong bagay. "My calling card. In case he rejects you." Tim left a winked before facing his back unto him.
Si Gregor ay iiling-iling na sumakay ng sariling kotse at lumayo na roon.