Blangko ang tingin ni Gregor habang nagmamaneho. Simula noong umalis ang kapatid at si Ruki sa kanyang bahay ay hindi na natahimik ang kanyang loob.
Why did he f*****g do that? Was he delirious that time? Sa tuwing naaalala niya ang ginawa ay bumabaliktad ang kanyang sikmura. Hinalikan lang naman niya ang isang lalaki! Not just a plain dry touch of lips but a french one. Ano'ng sumanib sa isip niya nang oras na iyon para magawa ang ganoong kasuka-sukang bagay?
He wanted to widthrew his word, wala palang sumanib sa isip niya that time. The truth was, walang laman ang kanyang isip nang gawin iyon. His ego was trampled by a mere teenage boy! Kaya niya nagawa iyon. No one ever insulted him like that before. Lalo na kung patungkol sa kakayahan niya bilang isang lalaki. Of all, isang tao pang walang kasiguraduhan ang kasarian ang nagsabi sa kanya ng ganoon? What the heck! Ngayon niya gustong pagsisihan ang pagiging impulsive. Nang dahil sa ganoon niyang personality, he kissed a damn guy!
Humugot siya ng ilang dahon ng tissue at dumura roon. "f**k!"
Initsa sa maliit na garbage bin na nakadikit sa kanyang upuan ang tissue subalit nang iangat muli ang tingin sa daan ay mabilis na inapakan ang brake. Pumula na pala ang traffic light at naghintuan na ang mga sasakyan sa harapan. Kung hindi siya naging alerto ay susubsob ang kanyang kotse sa likuran ng isang 6 wheelers truck.
"f**k!" Pinagpupukpok niya ang manibela ng kanyang kotse sa asar. Muntik na siyang maaksidente nang dahil sa lalaking iyon.
Maging hanggang sa trabaho ay hindi siya maka-focus sa ginagawa. Sa gitna ng pag-iisip kung ano ang isusulat sa report ay pilit na sumisilip sa kanyang alaala ang hitsura ni Ruki. The peculiar white and full thighs under his very own t-shirt. He couldn't forget how for a moment he was caught off guard when he saw the boy went out from his room wearing only a skimpy cloth. Pero siyempre hindi siya nagpahalata, instead he reached for the cigarette and lit it. Itinuon ang pansin doon.
Ang slim nitong build na kulang na lang lagyan ng umbok sa harap at malapad na balakang, babae na. Ang walang ka-muscle muscle na mga braso at mahahabang daliri. Kahit ang pilik-mata ay kaparehas ng nakikita niya sa mga babaeng nakakasalamuha. He was like a doll crafted as a woman pero naubusan ng materyal kaya kinulang ang ibang parte.
Why is his appearance even like that?
And the incident this morning, palaging nagfa-flashback sa kanyang alaala. The feel of him against his body, kaya niyang ikulong ang buong katawan nito sa isang braso lang. He felt soft and flimsy, lalo na ang mga pisngi nito at ang...shit! He groped his ass!
"I groped his f*****g ass!" aniya na ibinuka ang dalawang kamay at hindi makapaniwalang tinitigan.
"Sino? Si Paul na naman ba?" tanong ni Vince, ang isa sa kanyang malalapit na kasamang pulis. Muntik nang huminto ang pintig ng kanyang puso sa bigla nitong pagsulpot. Inilapag nito ang isang papercup na may laman sa kanyang harapan at hinila ang katabi niyang swivel chair at pasalampak na umupo. "Naasar ka na naman?"
Tumango siya. "Y-yeah."
"Sabi ko naman sa 'yo, ganyan din daw iyan sa pinanggalingan niya. Mahirap pakiusapan kahit sa simpleng bagay. Hayaan mo na, makikita rin ng chief ang mga pinaggagagawa niya."
Marami pang sinasabi si Vince pero hindi na masyadong naintindihan ni Gregor iyon. Tumangu-tango na lamang siya para sabihing nakikinig sa pinag-uusapan.
Kinagabihan, hindi dumiretso si Gregor sa bahay para umuwi. He decided to spend a couple of hours more outside, maaga pa naman. He badly needs to fuel his body with liqour, baka sakaling bumalik sa normal ang kanyang pag-iisip kapag nakatungga siya ng ilan.
He entered in one of his choice of pubs, went straight to the bar ang ordered a hard drink. Nakakabingi ang saliw ng pop music na umalingawngaw sa paligid. May ilang kumekembot sa gitna ng floor, ang iba naman ay kumpol na nag-uusap lamang sa gilid. Hindi kalakihan ang bar na iyon at piling klase lamang ng mga tao ang pumupunta dahil na rin siguro may kamahalan, kaya doon niya napiling igugol ang gabi.
Dinala niya kaagad sa bibig at inisang lagok ang laman ng binigay na shot glass sa oras na mahawakan iyon.
"Isa pa," he muttered pushing the small glass towards the bar tender. Ilang sandali lang ay nagkalaman ulit iyon at muli ay hindi na binigyan ng pagkakataong uminit sa lamesa ang puwet ng baso at dinala sa bibig.
He made an 'ahhh' sound after he gulped the liqour and felt the burning sensation as it goes down into the delicate lining of his throat.
Sinadya niyang huwag lagyan nang marami ang sikmura nang sa ganoon ay mabilis ang epekto ng alak. Nakaramdam na nga siya ngpagkahilo matapos ang dalawang shots. Pinatindi pa iyon ng ilaw ng mula sa umiikot na disco lights.
"Better," sabi niya sa sarili at nagmuwestra sa lalaking nakatayo sa likod ng bar. "Isa pa." Mas lumala pa ang pag-ikot ng paligid sa pananaw ni Gregor kaya napangiti siya. "This is what I wanted."
"Hi!" Napalingon siya sa kaliwa dahil sa narinig na pagbati. It was a woman dressed in skimpy sequined dress, litaw ang dalawang mabibilog na hita. Maputi at balingkinigan ang katawan. She owns a long straight locks, black as a silent night.
Itinaas ni Gregor ang mga labi sa isang ngiti at binati rin ang babae. Pasok sa kanyang panlasa ang ganda nito, maliit. Iyong madaling manipulahin sa kama.
"Hi!" he replied. Leaning his arm above the counter table.
"Nag-iisa ka? May I join you?"
"Sure."
After almost an hour of chatting--na kung tutuusin ay mas tamang sabihing 'flirting'--matatanaw na ang bulto ni Gregor kasama ang babae sa isang sulok habang mapusok na naghahalikan.
"Gregor..." ungol ng babae habang napapapikit na kumapit sa kanyang balikat. Napapahugot ito ng hininga sa tuwing dumadapo ang kanyang kamay sa malusog nitong dibdib.
"Hmmn...do you wanna go somewhere nice and comfy?"
"Yes..." anas ng babae. "Where?"
"My place."
Namilog ang mga mata ng babaeng kaharap na ikinangiti niya. He likes those kind of babes, iyong tipong laging nangangailangan ng proteksiyon dahil maliit at very submissive. Para lang siyang nag-aalaga ng isang cute na koneho. Mas nadadagdagan ang kanyang p*********i.
Alas diyes pa lang ng gabi ay hila-hila na ni Gregor ang kamay ng babaeng nakilala sa pangalan na Precious. Nagpakilala ito sa kanya kanina but he really didn't care kaya hindi siya nag-aksaya ng panahon na makinig. Basta alam niya kung ano ang itatawag dito, iyon na 'yon.
Magkatabi silang naglakad papasok ng condominium building patungo sa elevator nang makita ang taong pinaka-ayaw niyang masilayan magpahanggang kailan. Ang sumira sa kanyang isip at buong araw, ang nagdungis sa kanyang mga labi, si Ruki. Nakatayo roon, nakatalikod sa kanila, naghihintay rin ng pagbukas ng elevator. Nakasuot pa ito ng light blue shirt at at pantalon kaya halatang kagagaling lang mula sa eskuwela. O, marahil ay sumadya pa ito sa coffee shop kaya napagabi nang ganoon.
Kagyat na nahinto sa paglalakad si Gregor.
"Gregor? Why?"
Tiningnan niya ang mukha ng babae bago umiling. "Wala. Let's go."
Eksakto nang makalapit sila ay bumukas naman ang elevator. Pumasok si Ruki at umikot paharap. Nanlaki ang mga mata nito nang iangat ang paningin at masilayan siya sa harapan, bumadya ang discomfort sa mukha. Ayaw sana ni Gregor makisabay sa elevator at hintayin na lang ang kabila ngunit nanlumo siya nang makitang nasa mataas na bahagi pa ng gusali ang kabilang sakayan.
'Cause he didn't want to spoil his intimate night with boredome waiting for the damn elevator, minabuti niyang humakbang papasok sa nakabukas na pintuan.
Nakapindot na ng numero ng floor si Ruki kaya hindi na siya lumapit pa. Pumuwesto siya sa kabilang sulok habang napapagitnaan naman nila ang babae.
The silence was suffocating, the four corners of that narrow space was waft with the cold air of awkwardness. Not to mention na salamin ang pintuan ng elevator kaya kita nila kung ano ang galaw at anyo ng mga katabi.
Matuwid lamang na nakatayo si Ruki, hindi kakitaan ng kahit paggalaw ng mga mata. Ang paningin nito ay nakatutok sa repleksiyon ng sahig sa salamin.
"Oh, Gregor, I dropped my lipstick inside your car," maarteng sabi ni Precious habang hinahalughog ang itim na bag. "Sabi ko na nga ba, e. Parang may tumunog kanina sa sasakyan."
Umakbay si Gregor sa babae at nagsabi, "It's fine. You're beautiful even without makeup."
"Hmmn, sabagay, maliligo rin naman ako pagdating sa condo mo."
"Yeah, you're right." Hinagud-hagod ng lalaki ang likuran ni Precious habang nakatungo ang mukha sa huli.
"May ibang tao. Saka na pagdating sa kuwarto mo," sabi niyo sa prolonged na tono. Umaayaw pero halata namang gusto.
"So what? Don't mind him, he's nobody," saad niya na itinaas ang baba ng babae at binigyan ng mapusok na halik.
From the corner of his eyes, he saw Ruki's jaw moved. Napahigpit ang paghawak nito ng strap ng backpack pero maliban doon ay wala ng ibang kilos. He smiled. "We'll continue inside," anas niya sa tainga ng babae na ikinahagikhik nito.
Pagbukas ng elevator ay mabilis pa sa alas kuwatro na lumabas si Ruki. Inilang hakbang ang pintuan ng condo ni Rei at isinilid ang kamay sa bulsa ng pantalon para kunin ang susi. Isinalpak nito iyon sa keyhole at inikot. Kasunod na ginawa ay ang pagtipa ng electrinic lock ngunit ilang beses niyang narinig ang tunog ng keypad na hudyat na mali ang inilagay na passcode.
Mas binagalan ni Gregor ang kilos pinakiramdaman ang nangyayari sa kabilang dako. Napapalatak na si Ruki, siya naman ay gustong mangisi. Nang sa wakas mailagay nito ang tamang passcode, mabilis itong pumasok at padabog na isinara ang pinto. Tumikwas ang isa niyang kilay.
'Kung maka-asta, akalamo may-ari, a!'
"Gregor? May we come in now?" pukaw ni Precious sa kanya.
"Sure." Tinipa rin niya ang kanyang sariling passcode at binuksan ang pintuan. "Welcome to my paradise."