Part 12

1452 Words
"Rei! Huwag mo nang intindihin 'yon! Walang nangyaring masama." Pigil ni Ruki ang mga balikat ng kaibigan dahil mukhang sasabog na ito sa galit. He never thought that Rei would take the matter seriously dahil noong nagkausap sila sa bahay ni Gregor ay napahinuhod naman niya ito. But the guy was triggered by the sight of Dean inside the campus. Masaya itong nakikipag-usap sa grupo ka-grupo sa isang bench sa field ng eskuwelahan. "Why are you stopping me, Ruki? Nakalimutan mo ba ang ginawa niya sa iyo? Sinuntok ka niya!" Iyon lamang ang sinabi ni Gregor dito. Ruki didn't know if the older brother intentionally missed the s****l harassment part o hindi lang din talaga nito alam. "Huwag dito, Rei. Please." Huminga ito nang malalim saka tumuwid ng upo, tumangu-tango. "Sige, hindi dito." "Re--" nanlupaypay na lang ang mga balikat ni Ruki nang bigla ay alisin nito ang dalawa niyang kamay na nakahawak sa dibdib at nagmartsa papunta sa grupo ni Dean. "Hoy!" turo ni Rei kay Dean. "Dean Alegre." "Oooh, Ruki boy's knight in shining armor." Ngumisi ito, nakisabay na rin ang ibang kasama. "Tarantado ka! Alam ko ang ginawa mo kay Ruki." "And?" sabi ni Dean na ikinampay ang isang kamay. "Rei!" tawag ni Ruki na nakahabol na sa kaibigan. Humarang sa harap at hinawakan ang balikat ng lalaki. "Tama na. Walang magandang mangyayari kapag nakipag-away ka." "Here he is, your damsel in distress." Si Dean ulit. "Tama nga naman siya. Ano nga pala ang kailangan mo? Let me hear." Inilagay nito ang palad sa gilid ng tainga para i-emphasize na handa iyong makinig. "Let's fight." Nagkorus ang 'whoa!' sa paligid mula sa mga kaibigan ni Dean. Mas lalong kinabahan si Ruki sa sinabi nito lalo na nang tumayo si Dean at nakatiim-bagang na hinarap si Rei. Nagsukatan ng titig ang dalawang lalaki. Rei is kind by nature, a very good friend and so earnest. Hindi pa niya ito nakitang magalit dahil sadyang mahaba ang pasensiya. Palagi lang itong nakangiti. Ngunit ngayon, he's different. Mukhang iba ang nakikita niyang Rei sa harap, he even looked more matured. Taas noo itong nakatitig kay Dean na puno ng pagkasuklam. Ang mga litid sa kamay ay nakalitaw sa matinding pagkakakuyom. "Rei. Please," aniya pero hindi siya pinakinggan. "Mamayang gabi, 7 PM sa likod ng school. Magtutuos tayo." "Matapang ka, Carriega. Dahil ba parak ang kuya mo?" si Dean. "You hurt my friend, that makes you my enemy. Stay my brother out of this matter." "Hmn," sabi ni Dean na tatangu-tango. "Tinatanggap ko. Huwag ko lang makikitang umiiyak kang nakalagmak sa lupa. Oh, wanna bet?" "I dont accommodate such junk! Mamaya, Dean, pagsisisihan mo ang ginawa mo kay Ruki." Hinawakan siya ni Rei sa braso at hinila na palayo sa grupo. "Rei, seryoso ka ba?" tanong niya habang hinahabol ang malalaking hakbang nito. "Yes." "Why?" "Ano'ng why?!" Nahinto ang paglalakad ng lalaki at tumingin sa kanya nang nakakunot ang noo. "Kaya lumalaki ang ulo ng matabang 'yon at inaabuso ka dahil hindi ka lumalaban. Ang kulang lang naman sa kanya, e, patikimin ng pait para tumigil na. If I defeat him, then pati ang mga apostoles niya titigil din." "Paano kung matalo ka?" Maiging tumitig si Rei sa kanyang mga mata habang nagsalita, "I am a Carriega, Ruki. Don't you ever forget that." "Sasama ako sa iyo mamaya." "...suit yourself." Kinagabihan, alas siyete kinse ay naglalakad na ang magkaibigang Rei at Ruki patungong likuran ng eskuwelahan. May ilang maliliit na sari-sari store doon na ginagawang tambayan ng mga estudyante kapag umaga. Sa maliit na espasyo kung saan may makikitang isang ring ng basketball sila nagtungo. Narion na nga ang grupo ni Dean. Naka-squat sa lupa ang huli, ang iba naman ay nakatayo. "Nandito na sila." rinig nilang sabi ng isa sa grupo. Dean's lips was curved in a half smile, tila confident ito na magwawagi sa laban kaya kinabahan si Ruki. Inihanda niya ang cellphone kanina at nagload ng pantawag. Kung magiging alanganin na ang sitwasyon, tatawagan niya si Gregor. Palihim niyang kinuha ang number na iyon sa cellphone ni Rei dahil ayaw nitong ipaalam sa kapatid ang nangyari. Tumayo si Dean at nabuwag ang grupo, naghanda na si Ruki pero imbes na tumulong, nagsiuouan lang ang mga ito sa gilid. Si Dean lamang ang lumapit. "Bibigyan pa kita ng pagkakataong umurong, Carriega. Baka mabasag ko lang ang guwapo mong mukha." "Shut up. Let's just start this." Tinanggal nito ang backpack sa likod na awtomatikonnamang kinuha ni Ruki. "Stay away from this, Ruk. Diyan ka lang." Nag-aalala man, tumango si Ruki." The two stepped forward, meeting at the center of the court, huminto lang nang isang metro na lang ang pagitan. Dean made a fist and orepared for a hard fight, gayundin si Rei. Mataba si Dean kaya mabigat ito but Rei is taller and lean. Sa edad nitong 20, he already gained some muscles in right places. Medyo malapad din ang balikat. Bigla ay nakikita niya si Gregor sa kaibigan. Rei's actually the smaller version of the man. Kahit ang nga tutig nito ngayon at kung paano tumitiim ang nga bagang. So iyon ba ang ibig sabihin ni Rei na 'he's a Carriega?'. Napahigpit ang paghawak ni Ruki sa bag ni Rei nang makitang nagpakawala ng suntok si Dean. Iniwasan lamang ni Rei iyon. Their feet was like dancing in small steps, encircling the spot. Sumuntok ulit si Dean na inilagan ulit ni Rei. "Why aren't you attacking, Knight? Don't tell me you don't kno--" Isang mabilis na kamao ni Rei ang nagputol sa pagyayabang ni Dean. Naglanding sa ilong niyo ang suntok kaya dumugo iyon. Sinapo naman ng lalaki ang sariling ilong. Nanlaki ang mga mata ng barkada. Nang nakita ng lalaki sa kamay ang malagkit na dugo ay bumalas ang matinding galit nito, sumugod kay Rei at binitawan ulit ang nakakuyom na palad. Rei titled his head on the right while grabbing Dean's extended arm giving him a blow in his stock with his left knee. Sinundan iyon ng pag-ikot sa kamay nito patalikod habang naiubusan pa ng hangin. Bagsak si Dean sa lupa, hindi maiguhit ang mukha sa sakit na nadarama. "Ngayon, ano'ng nangyayari sa mga asobg kahol nang kahol?" sabi bi Rei. Nagsitayuan ang mga barkada ni Dean nang makitang wala nanag oag-asang manalo ang kaibigan. Nanlaki ang mga ni Ruki nang tumakbo ang tatlo sa mga iyon patungo kay Rei at sa mga anyo ay mukhang handa nang mambugbog. Kaagad na binigiwan ni Ruki ang bag na dala saka hinuband ang sariling backpack bago dinaluhan ang kaibigan. At dahil sa pangyayaring iyon, alas nuwebe na silang nakauwi sa bahay. *** "Bakit hindi mo 'ko agad tinawagan?" dumagundong ang boses ni Gregor sa maliit na sala ng flat ni Rei. Nakapamaywang na nakatayo sa kanilang harapan habang sila ay nakaupo sa sofa. Si Ruki naman ay binubudburan ng betadine ang hawak na bulak para idampi sa sugat sa kilay na natamo ni Rei. Hindi na nagawang tawagan ni Ruki ang lalaki dahil maging ito ay nakirambulan na rin. "It was my fight, Kuya." Imbes na magalit, ngumisi ito at tumangu-tango. "That's my brother. Iyang mga sugat na 'yan ang palatandaan na isa kang matapang na lalaki. Hindi sumusuko sa away. Pero you should have at least contacted me, paano kung may dalang patalim ang mga 'yon at nasaksak ka?" "Aww...that's enough, Ruk. Akina 'yan, ang sa 'yo naman ang lagyan natin." Ibinigay ni Ruki ang betadine at bulak kay Rei saka hinayaan niyong dampian ang labi niyang napunit rin. "Pati ba 'to nakipag-away?" tanong niya na tinuro si Ruki. "Yes, Kuya. Kahit sinabihan ko na huwag nang makigulo." "Ano'ng gusto mong gawin ko? Tutunganga na lang at magchi-cheer sa iyo habang binubugbog?" anito na sumimangot. "Ikaw dapat ang tumawag sa akin bago ka nakisali," sabi niya. "...hindi ko alam ang number mo." "Then I will give you my number. Since ikaw rin naman ang dahilan bakit napaaway si Rei." "Kuya," saway ni Rei na tiningala ang kapatid. Hindi iyon pinansin ni Gregor at nagpatuloy. "Ibibigay ko sa 'yo ang responsibilidad na iyan dahil alam ko ang tigas ng ulo ng kapatid ko. He would never ask for help from me. Maliwanag ba?" Nag-aalangang tumango si Ruki. Hinawakan ni Rei ang baba ng katabi saka sinuri ang mukha. "Wala ka na bang ibang sugat?" "Wala na yata. Ito lang pala sa kamay." Tumaas ang isang kilay ni Gregor habang pinagmamasdan ang dalawang lalaki pagkatapos ay hinugot ang cellphone sa sariling bulsa at tumipa. Maya-maya ay initsa sa sofa malapit kay Ruki. "Ruki, save that. Right now." Inihinto ni Rei ang paglagay ng betadine sa labi nito para hayaan ang katabing sundin ang sinabi ng niya. "Ano nang nangyari do'n sa mataba mong kaaway?" baling niya sa kapatid. "Nabalian ko siya ng braso." "That's good!" Tumikwas ang isang kilay ni Ruki habang nakatitig sa telepono. "Hindi na uulit 'yon. Lalo ngayong alam na niya na alam ko na ang nangyari sa inyo." "Saktan niya lang ulit si Ruki, sisiguraduhin kong babaliin ang lahat ng galamay niya." Hindi na sumagot si Gregor. Maya-maya ay nagpaalam na para bumalik sa sariling flat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD