Napatagal ang pag-uwi ni Ruki nang gabing iyon kumpara sa nakagawian dahil sumaglit muna siya sa convenient store sa malapit para mamili ng mga kailangan. Sumahod na kasi siya sa DCAF kaya lumuwag-luwag na ang kanyang budget.
It was his first salary, at kahit hindi man kalakihan, ay masaya pa rin siya, sa katunayan, naglalakad siyang nakangiti sa daan. He gained something from his hardwork kahit madalas kaysa minsan ay umuuwi siyang puyat. It felt fulfilling in the end.
Bitbit ang supot ng pinamili, tumuloy na siya sa building kung saan ang inuuwiang condo.
Naigalaw ni Ruki ang nguso nang makita ang numero na nakarehistro sa monitor ng elevator, 15. Sinilip niya ang kabilang pintuan at lumapit nang makitang nasa mas mababang palapag iyon, 13.
'Uhuh, two storeys pero sige na. May choice pa ba 'ko?'
Ruki was humming a song habang hinihintay ang pagbaba ng elevator, he was calmly tapping his black leather shoes on the tiled floor. Nahinto lamang iyon nang bumukas na ang elevator. Pinindot niya ang 4 nang makapasok at ang close arrow ngunit kaagad na binawi nang marinig ang isang boses ng lalaki.
"Wait!"
Muli iyong bumukas at pumasok ang isang taong naka-jacket ng itim at blue na pantalon.
"Thanks--" Hindi man lang nito pinigilan ang pagbura ng ngiti sa mga labi nang makita siya. Ang tingin ng lalaki ay nauwi matalim na titig.
Yumuko si Ruki at umusog sa sulok ng elevator para iwasan si Gregor.
Bakit nandito na naman si Gregor? Ano na naman ang sadya nito sa condo? Gabing-gabi na pero bumibisita pa rin. Napapadalas na ang pagpunta nito roon. Siguradong aawayin na naman siya nito.
"You're still here?"
Ruki chose not to utter a word, he just remained silent wearing an with averted look. Even when he heard the man scoffed in sarcasm.
"Ang tigas din ng balat mo no. Pinapaalis ka na pero umuuwi ka pa rin dito."
Hindi pa rin pinatulan ni Ruki ang maanghang na pakikitungo ng kaharap at mas itinuon lang ang mga mata sa hawak na supot.
"Ano? Bakit hindi ka sumasagot? Bingi ka ba?"
Eksakto namang tumunog na ang sinasakyan nila at bumukas ang pintuan.
"Excuse me," aniya na nilagpasan ang lalaking nakatiim-bagang.
"Hoy, bastos 'to, a. Kinakausap kita, bakla!"
Umigting ang pandinig ni Ruki sa salitang ibinato nito sa kanya. Dahil doon ay natigil ang kanyang paghakbang at nilingon ito.
"With all due respect, Sir. Huwag n'yo naman po akong pagsalitaan ng ganyan."
Lumabas ito sa elevator at hinarap siya. Ang mga buko ni Ruki sa daliri ay namumuti dahil sa mahigpit na pagkakakuyom sa handle ng supot.
"Bakit, hindi ba totoo? Bastos ka dahil tinalikuran mo ako kahit kinakausap pa kita. At pangalawa, bakla ka naman talaga 'di ba? Walang lalaking naghuhubad at mag-ala ahas sa harap ng kapwa lalaki." Habang sinasabi iyon ay larawan ng pagkadisgisto ang mga tingin ni Gregor.
Hindi siya makabanat sa sinabi nito dahil nagsasabi naman ito nang totoo.
"Ano? Hindi ka makasagot dahil totoo. Disgusting freak!"
"Kung gusto n'yo po akong paalisin sa condo ay hindi ako makikinig sa inyo dahil hindi naman kayo ang nagpatira sa akin doon. Si Rei, kaya si Rei lang ang pakikinggan ko. Kung sasabihin niya na aalis na ako saka po ako aalis."
Sa malalaking hakbang ay nasa harapan na niya si Gregor at halos bumuga na ng apoy sa galit. Nasabi niya iyon dahil sa naglabasang litid nito sa noo. Tila mababasag na rin ang ngipin nito sa matinding pagkadiin.
Gregor grabbed his uniform's collar and pinned him on the wall.
"Sumasagot ka ha?! Anong sinasabi mo? Hindi ka makikinig sa akin? Have you forgotten who I am?" Ang boses nito ay mahina ngunit hindi nakaligtas ang pinipigilang galit sa tono. Gregor's lips twisted in a half smile pero hindi iyon umabot sa mga mata. "Do I still need to tell you that I am the one paying his flat? Kaya kung naghihintay ka ng tamang taong magpapaalis sa iyo, wala nang iba kundi ako."
"Wala naman po akong ginagawang masam--"
"Ano? Walang ginagawang masama? You're existence is already a sin, don't you know? Mas lalo pa kung may mahahawaan kang ibang tao at hindi ko hahayaang mabiktima mo ang kapatid ko!"
Tila pako na pinupokpok sa dibdib ni Ruki ang bawat katagang binitiwan ni Gregor. Nangangahulugan lang na kinasusuklaman nito ang mga katulad niya ng kasarian. Na kahit wala siyang ginagawang masama ay makasalanan pa rin ang tingin nito sa kanya.
"Wala akong ganyang motibo, Sir. Nagkakamali ka--" Natigil ang kanyang pagsasalita nang dumapo sa kanyang pisngi ang mabigat nitong kamay. Hindi man iyon kalakasan ngunit nakaramdam pa rin siya ng hapdi. Nakikinita ni Ruki na nagsimula nang mamula ang kanyang mukha. Mabilis pa naman siyang magkapasa, marahil dahil manipis ang kanyang balat.
"Matapang ka? Matapang ka ha?" Napapikit si Ruki dahil ang sampal na iyon ay naulit pa nang ilang beses.
He hadn't been treated like a pest before dahil kahit strikto ang yumao nilang ama ay hindi naman iyon nananakit. Kahit sa trabaho na kanyang pinapasukan ay hindi naman umabot sa ganoon ang galit ng mga customer na maiinitin ang ulo.
Mahapdi man ang kanyang pisngi ay wala nang mas sasakit pa sa pagtrato na natanggap niya sa binata. Dahil sa bigat ng dibdib ay hindi napigilan ni Ruki ang mapaluha. "You dare talk back to me? Kung mas pinainit mo pa ang ulo ko at gusto kitang balibagin, kayang-kaya ko sa isang kamay lang. I told you to stay away from Rei, pero nagmatigas ka pa rin. Ha? Ano'ng pinagmamalaki mo?"
Ang isang kamay ni Gregor ay nakasaklot pa rin sa kanyang kuwelyo habang ang isa naman ay nakataas malapit sa kanyang mukha. Nasa ganoon silang tagpo nang bumukas ang pintuan ng flat at iniluwa si Rei.
"Kuya? Ruki? Ano'ng nangyari?"
Ang kinatatakutan ni Ruki na maisiwalat ang kanyang kasarian kay Rei ay mukhang dumating na. He didn't want his friend to think like he has some dark motive inside his mind. Kabaitan lang ang ibinigay nito sa kanya at ayaw niyang pati ito ay tratuhin siya nang katulad ni Gregor.
Pinakawalan naman kaagad ni Gregor ang damit niya at tumuwid ng tayo. "We were just talking."
Alanganing tingin ang ginawad ni Rei sa kapatid habang naglakad at tumabi kay Ruki.
"Ruki, are you okay?" Mahinang tango lang ang isinagot niya bago pinahid ang nabasang pisngi. "Let's get inside." Bumaling ito sa kapatid saka nagsalita, "Goodnight, Kuya."
'Goodnight? Bakit? Saan ito matutulog?'
Muling nilingon ni Ruki ang naiwang lalaki at nagtagpo ang kanyang mga kilay nang lumapit ito sa isang pintuan ng flat. Tagos pa rin sa kanyang kaluluwa ang titig na ipinabaon ni Gregor habang hinihila siya si Rei papasok sa silid.
"D-diyan ba nakatira sa kabila ang kuya mo?" tanong ni Ruki nang makapasok na sila sa loob.
"Hmn, magkapitbahay lang kami. Ayaw niyang makipag-share sa akin para may freedom siyang dalhin ang mga bisita niya. So much for that, what happened out there, Ruk? Bakit kinukuwelyohan ka ni Kuya? Bakit ka umiiyak?" puno ng pag-aalalang tanong nito.
"W-wala. Uhm, naitapon ko kasi 'yong iniinom niya noong nag-inuman tayo dito." Hindi niya magawang tumingin dito ng diretso habang puro kasinungalingan naman ang lumalabas sa kanyang bibig.
Pumalatak si Rei saka nagkamot sa ulo. "Ito talaga si Kuya, minsan wala na sa lugar ang pagkamainitin ang ulo."
Ruki hadn't expected na maniniwala nang ganoon kadali si Rei pero mas mabuti na rin iyon. Baka isipin pa ni Gregor na nagsusumbong siya.
"Sinaktan ka ba ni kuya? Ano'ng ginawa niya?" Hinawakan ni Rei ang namumula niyang pisngi. "Hayaan mo, kakausapin ko si Kuya."
"'W-wag, 'wag na. Hindi naman masakit."
"'Yang pulang 'yan, hindi masakit? Sa nipis ng balat mo. Hindi puwede ang ginagawa niya. Kaibigan kita, bakit niya sinasaktan ang kaibigan ko?"
"Rei, please." Hinawakan niya ang kamay ng kaibigan.
"No, Ruki, kakausapin ko ang kapatid ko. This isn't just about you. It's about how he treated someone who's important to me." Wala nang nagawa si Ruki nang tanggalin nito ang kanyang kamay at lumabas ng flat.