Part 8

1688 Words
"Kuya, let's talk." Seryoso ang tingin na ibinigay ni Rei sa kapatid. Nilakihan ni Gregor ang pagkakabukas ng pintuan para patuluyin si Rei. Pagkapasok ay inukupa ng binata ang mahabang sofa at tiningala siya na nakatayo pa rin. "What did you do to Ruki, Kuya? Bakit siya umiiyak?" Gregor rolled his eyes. Siguradong nagsumbong ang bakla. "We were just having a talk." "A talk? Bakit namumula ang pisngi niya? At bakit siya umiiyak?" "Why are you making it a big deal? It's not as if I broke his limbs," sabi niya na binuksan ang ref at kumuha ng bote ng beer. "Kuya, Ruki is my friend. He's a good person. Ako mismo ang nagpatira sa kanya sa condo. He even offered me payment pero hindi ko tinanggap. Please, huwag mo naman siyang pakitaan ng masama. Sa totoo lang, I respect him too much kasi kahit na nag-aaral siya, nakukuha pa niyang magtrabaho. Mataas ang tingin ko sa mga taong nagsisikap para maiahon ang sarili. Don't be harsh to him, kung may hindi ka nagustuhan sa kanya, you can just say it to me. Ako nang bahalang magsabi sa kanya." Dinampot ni Gregor ang lighter na nasa lamesa at sinindihan ang sigarilyong inipit sa mga labi. "Wala na ba talaga siyang ibang matitirhan at sa condo mo pa? Doesn't he have relatives? Family friends?" "Mukhang wala kuya dahil kapag meron, bakit gugustuhin pa niyang maghanap ng boarding house noon?" 'Baka style lang niya iyon para maawa ka where in fact, ang bahay mo ang puntirya niya.' "Who knows." "You are overthinking again, Kuya. Kailan ka pa nanging ganyan ka-ptotective sa akin?" "Exactly, ngayon na malaki ka na, ngayon pa talaga ako nakaramdam na kailangan mong protektahan. Why is that?" Rei made a sarcastic face then shrugged. "Sabihin mo diyan sa kabigan mo na kung gagawa siya ng kahit isang bagay sa iyo na hindi ko magugustuhan, hindi siya makakababa sa building na ito nang naglalakad." "What are you saying? Wala naman siyang p'wedeng gawin sa akin. As I have told you, isa siya sa mga taong may malinis na kalooban." "Malinis, my ass," Gregor murmured na ikinailing ni Rei. Hindi maintindihan kung ano ang ikinagagalit nito sa kaibigan. "Kuya, matutulog na ako." Isang tango ang sinagot niya bago tumayo ang kapatid para lumabas na. "Remember what I said, tell him not to do weird stuffs," habol ni Gregor pagkalabas ng kapatid. Magkatagpo ang mga kilay na tinalikura na siya nito at naglakad pauwi sa kabilang flat. Mukhang napakabuti nga ang tingin ng kapatid sa kaibigan nito. He wont be surprised if the latter hid his real colour, dahil kung kailangan nito ng tulong galing sa isang kaibigan, imamanipula nito ang utak ng iba. "I will be watching you, Ruki. And when you trip, you'll never be able to stand up again." *** Halos mapatalon si Ruki nang bigla ay may sumunggab sa kanyang balikat habang naglalakad siya patungo sa kabilang building para sa next subject. "Yo! Ruki boy!" Ruki wanted to curse when he figured who the person was. "Dean." Si Dean ay classmate niya sa isa sa mga minor subjects. Halos hindi niya ito nakakatagpo dahil palaging absent pero hindi niya malaman kung bakit sa tuwing nakikita siya nito ay palagi na lamang siyang pinagtitripan. He's a typical bully, iyong napapanood sa teen movies at nababasa sa libro. He's always with his underlings, at least two or more. Wala ng ginagawang matino ang mga ito sa kanya, halimbawa na lang noong tahimik siyang nagbabasa ng libro, bigla na lamang nito sinaklot iyon. Or noong pilit nitong kinuha ang nag-iisa at kabibili niyang G-tech ballpen dahil hindi raw nito mahanap ang sariling pangsulat. Ang paminsan-minsang paghingi nito ng pera para pambili raw ng pagkain. Kadalasan, kapag may extra naman siyang dala hindi na lamang siya nagrereklamo at binibigyan ito nang sa ganoon ay umalis na kaagad. He doesn't want to deal with his and his colleagues. Isa ito sa pinaka-iwas-iwasan niyang mga tao sa school. But there was a time na magkasama sila ni Rei at eksaktong napadaan ang grupo ni Dean, as usual, nilapitan siya ng mga iyo at pinagtripan ulit pero nagalit si Rei at hinarap si Dean. Pagsisimulan na sana iyon ng away kung hindi lang niya pinigil ang kaibigan nang hamunin nitong makipagsuntukan si Dean. Ngayong mag-isa lang si Ruki, ipinagdarasal na lamang niya na sana ay lumayo na kaagad ang mga ito sa kanya. "Saan na ang boyfriend mo?" "Sinong boyfriend?" Magkatagpo ang kilay na tanong ni Ruki. "Iyong matangkad na lagi mong kasama. Iyong parang lion na galit na galit no'ng nagkita tayo sa canteen." Mukhang si Rei ang hinahanap nito. "Wala ba kayong date?" "Ewan ko kung nasa'n siya. At hindi ko siya boyfriend. Ano'ng pinagsasasabi mo?" saad niya na kumawala sa pagkakaakbay ni Dean. "Laging magkasabay, e," rinig niyang sabi ng babae niyong kasama. "At overprotective." "Oo nga, lagi kayong magkasabay, at ang sweet pa," si Dean ulit. "Hindi ko alam kung ano ang pinagsasasabi n'yo. Male-late na 'ko sa klase, excuse me," aniyang nagmamadaling nilisan ang grupo. Pagkarating sa kabilang kanto ay nilingon niya ang mga ito. Nakahinga siya nang hindi na makita kahit mga anino ng mga iyon. *** Alas nuwebe na ng gabi nang makatakas si Gregor sa  sa tambak na reports sa trabaho. He loves his job, nothing's to argue with that but everything had its 'not-so-pleasant' side, right? And for him, that's the paperworks. Tila bumibigat ang kanyang pakiramdam kapag natatambakan ng reports. He'd rather chase a vindictive, exchange bullets with criminals o makiharap sa mga presong nakapatay na ng marami kaysa paupuin maghapon para atupagin ang ilang patong na papel. Tila mawawalan siya ng lakas kapag ganoon. Sumasakit ang kanyang katawan kapag hindi naigalaw. Tila nanlalanta siyang naglakad patungo sa kotseng nakaparada--ilang metros mula sa exit ng police station--dala ang electronic car key. Pabagsak na umupo si Gregor sa driver's seat at nagsindi ng sigarilyo. Nakatukod ang kaliwang siko ng lalaki sa nakabukas na bintana habang bitbit ang sigarilyo sa daliri. Ang kabilang kamay naman ay minamaniobra ang kotse para makalabas na roon. Dahil sa antok na nadama, naisipan ni Gregor na magpatugtog ng radyo. A pop music aired inside his black Audi car. Sa isang may kadilimang children's park kung saan nadadaanan niya kapag umuuwi ay nahagip ng kanyang mga mata ang kumpol ng mga kabataan. May tatlong kalalakihan na tila pinagitnaan ang isa. Sa kilos at hitsura ng mga ito ay mapagkakamalan niyang parte ng gang. May hawak pang sigarilyo ang isang nakaputi ng malaking t-hirt, nakasumbrero ng itim at loose na pantalon. Itutuon na sana niya muli ang tingin sa pagmamaneho nang mapagtanto kung sino ang lalaking pinagitnaan ng mga ito. Tumikwas ang kanyang kilay at napagdesisyunang huminto sa gilid ng daan kung saan niya maiging nakikita ang mga pangyayari . "Ano? 'Di ba may parttime ka? O, e, bakit wala kang maibigay? Konting halaga lang naman hinihingi ko ngayon bakit 'di mo na 'ko mapagbigyan? Noon, friends naman tayo, a." The conversation just barely reached Gregor's ears. May sinagot ang tinanong pero dahil mahina kaya hindi niya marinig. "Ano nang gagawin natin ngayon? Anong ibibigay mo?" saad ulit ng lalaking nakaputi. "Katawan, katawan!" tudyo ng isa pang kasama tapos ay nagtawanan. "Katawan daw. Ano, deal?" May karugtong pa ang sinabi ng lalaki habang itinaas nito ang kamay at hawakan ang baba ng kaharap pero hindi na niya maulinigan. Nakita niyang pumiksi ang isa ay binawi ang mukha." "A! Ay, lumalaban na parang babes! Since wala kaming perang pangkuha ng mga babes dahil ayaw mong magbigay, ikaw na lang ang ipapalit namin. Hindi kita tatanungin kung oks lang sa 'yo, wala ka namang choice, e." "P'wede na 'to, Dean, mukhang bebot rin naman, e. Hihiyaw rin 'yan mamaya na parang babae," saad ng isa pa na ngingisi-ngisi. Inilagay ng nagngangalang Dean ang hintuturo sa harap ng bibig at may sinabi sa lalaking biktima pagkatapos ay mukhang nagmando na ito sa dalawang alagad kaya hinawakan ng mga ito ang magkabilang braso ng biktima. Nanlaki naman ang mga mata ng huli at pilit kumawala sa mahigpit na hawak. "Bitiwan n'yo ako!" sabi nito sa dalawang lalaki. "Nababaliw na ba kayo? Dean!" Lumaylay sa kamay nga lalaki ang backpack at nangahulog ang dalang supot. "Sshhh! Huwag kang maingay m, Ruki boy. Doon tayo sa mas komportable. Iyong walang ibang makakakita." "Isusumbong ko kayo sa pulis! Magsisisi kayo kapag ginawa n'yo ito! Tulong!" Napataas nang bahagya ang mga labi ni Gregor sa sinabi nito. That's the very word he used against him. Mukhang malaki ang tiwala nito sa mga pulis. "Ay pucha! Sinabi nang huwag maingay!" Natigil ang pagpupumiglas ni Ruki nang dumapo sa tiyan nito ang isang suntok. Halos mawalan ng ulirat na napayuko ang lalaki kaya kinaladkad na lamang. Ayaw mang makialam ni Gregor ngunit taliwas iyon sa prinsipyo niya bilang pulis. He was too tired to shake his ass out off the car but he just couldn't let anyone get hurt. At mukhang mare-rape pa ang isang ito. Lumabas si Gregor ng kotse ngunit hindi lumayo sa driver's seat. "Hoy!" Magkasabay na naglingunan ang tatlong lalaki sa gawi niya, at nagmukhang palaka na nanlaki ang mga mata Tumuwid ng tayo ang nagngangalang Dean at pilit ngumiti sa kanya. "Kuya, lasing lang po ang kaibigan namin. Tinutulungan lang naming makauwi ng bahay niya." Gregor wanted to roll his eyes by the boy's guts. "Pulis ako," aniya na tila nagsasabi lang ng pangalan. Ang mga hitsurang palaka kanina ay naging buwaya nang marinig ang kanyang sinabi. "P-pulis daw, Pre!" sabi ng isa na naunang kumaripas ng takbo. Nahawaan na marahil ng takot, sumunod naman ang dalawa, hinayaang nakahandusay sa lupa si Ruki. "Hoy," tawag niya sa binata nang makalapit ngunit walang tugon mula dito. "Bumangon ka na d'yan kundi iiwanan kita." Hindi pa rin kumilos kahit ang mga daliri nito. Napakamot ng noo si Gregor at napapalatak. Mukhang bibigyan pa siya ng trabaho nito. Paano kaya kung iiwanan na lang talaga niya sa park na iyon? Bahala na itong maglakad pauwi kapag nagising. Pero naisip niya, useless ang pagsaklolo niya kanina kung hahayaan din naman niya ito roon. Baka balikan pa ng mga rapist na iyon. Yumuko si Gregor at inilagay ang kamay sa likod nito, ang isa naman ay sa ilalim ng mga binti saka binuhat si Ruki patungong kotse. Binuksan ang likod at inihiga roon saka umikot sa harap para makaalis na. Habang nagmamaneho, nakikita niya sa rear view mirror ang walang malay na binata sa likurang upuan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD