Part 9

1552 Words
Nagising si Ruki sa isang malambot na kama. The moment he regained consciousness, kahit hindi pa niya masyadong naibuka ang mga mata ay alam niyang hindi sa kanya ang kama na hinihigaan. The bed was so comfy and soft, halos nakalubog ang kalahati ng kanyang katawan roon. Bahagya siyang tumagilid at hinila ang makapal na comforter na nasa gilid. Kinulong iyon sa yakap at sinamyo. The fresh breeze smell of linen mixed with a distinct scent waft his senses. Hindi niya mawari kung ano ang distinct na iyon pero masarap sa ilong. Mas nang-eengganyo sa kanya para ipagpatuloy ang pagtulog. Hmmn... Hmn? Napabalikwas si Ruki sa higaan saka napasapo sa ulo. "Aray..." 'Saan ako? Kaninong kuwarto 'to?' The room was similar to Rei's but different. From the paint to the designs, bedsheet and smell. Just by gazing at his surroundings, he could say that the proprietor of that room is a guy. From the touch of neutral colors, to the black single couch in the corner. An ashtray on the bedside table and a framed picture of a luxurious car on the wall. Habang hawak ang noo, inaalala ni Ruki ang nangyari kagabi. Sumingit sa kanyang alaala ang isang tagpo. "Hmmn..." Hindi malaman ni Ruki bakit parang nahihilo siya. Gusto niyang magising mula sa isang pagtulog ngunit pilit hinihila paibaba ang kanyang pilik-mata. "Hoy, gising ka na ba?" Nauulinigan niya ang boses na iyon pero parang may nakabarang tela sa kanyang tainga. Hindi klaro ang kanyang naririnig. Mukhang naka-slow-motion. "Hmmn..." He wanted to respond ngunit iyon lang ang kaya ng kanyang katawan. Saan siya? Bakit umuuga-uga? Nakaupo yata siya at nahihirapang kumilos. Ibinuka niya ang mga mata nang kaunti. Mula sa isang linyang paningin, kita niya ang ilang dilaw at puting ilaw. Marami iyon pero nawawala at napapalitan muli. He saw a glass window before it, then a car dashboard. So nasa isang kotse siya. Kaninong kotse? Naipikit ulit ni Ruki ang mga mata dahil sa pagkahilo. Ramdam niya na huminto ang sasakyan. Pagkatapos ay may nagbukas ng pintuan at tinapik siya sa pisngi. "Hoy! Gumising ka na!"  He saw the man's face but too weak to react kaya muli na lamang niyang ipinikit ang mga mata. Ang sunod na nangyari ay tila nakalutang siya sa ere. Kumapit siya nang maigi sa leeg ng lalaki dahil sa pangambang baka mahulog siya. The natural smell of his clothes against his nose calmed his confused mind. "s**t, where's your key?" Iyon ang huli niyang narinig na sabi nito dahil tuluyan na siyang ginapi ng antok. "Anong nangyari? Bakit si Gregor ang huli kong nakita?" tanong ni Ruki sa sarili. Tumayo siya saka pinuntahan ang pintuan ngunit napadaan sa isang malaking salamin. Napatingin siya sa sariling repleksiyon at napagtanto ang suot. It was an extra large white t-shirt. Ang laylayan niyon ay umabot hanggang sa kalahati ng kanyang hita. Hantad ang mapuputi niyang balat. Itinaas niya ang t-shirt at nakita ang kanyang maroon boxers. Does that mean nasa bahay siya ni Gregor? At binihisan siya nito? Napatakip siya ng bibig sa naisip. 'Oh my God! What have I done?!' Palinga-linga siya sa paligid para hanapin ang mga damit ngunit tanging ang bag lang niya ang nakita. "Saan na? Saan na ang mga damit ko?" Binuksan niya ang Jansport na backpack para tingnan kung naroon ba ang uniform pero wala. Pinakiramdaman ni Ruki ang labas ng kuwarto at nang walang marinig na kaluskos ay ipinihit ang siradura at maingat na binuksan. Tumambad sa kanya ang minimalist type living room. Isang itim na couch lamang ang naroon na pinaresan ng rectangle glass center table. May bean bag sa gilid na itim din. Malaking TV sa pader at nagkalat na ilang piraso ng barbels sa sahig. Sa ilalim ng TV ay nakasabog ang ilang dvds. 'Wala dito ang damit ko, saan kaya?' Napalingon si Ruki sa likuran nang biglang bumukas ang pintuan ng banyo. Mula roon ay iniluwa si Gregor. With just a piece of white towel wrapped around his waist, water was dripping from his hair. Naglanding ang mga butil ng tubig sa balikat nito at malapad na dibdib. Ruki's attention was drawn by a pair of wings inked on his broad chest. Tila iyon pakpak ng isang magiting na anghel, pinutol at idinikit sa harapan. "So you're awake." Iyon ang nagpapukaw kay Ruki mula sa pagkakatitig dito. Kaagad niyang ibinaling ang tingin sa sahig. "O-opo. Saan po ang mga gamit ko?" "Ang mga damit mo? Nasa laundry basket. Napuno ng putik nang mag-dive ka sa lupa." Inabot ni Gregor ang isang kaha ng sigarilyo sa itaas ng ref, inipit sa bibig at sinindihan. Hindi man lang nag-aksaya ng panahon para magbihis. "S-salamat po pala dito sa t-shirt," aniyang niyuko ang sarili. "At sa pagdala sa akin dito. Saan po ang basket? Kukunin ko lang ang mga gamit ko para makauwi na." "Nando'on sa banyo. Ang tanong, saan ka uuwi? Sa hallway?" Nagtatanong ang tingin na pinukol ni Ruki sa lalaki. "Tumawag si Rei, sa bahay siya ng classmate niya makikitulog. May susi ka ba?" "Meron." "Saan?" Napaisip si Ruki. Huli niyang naalala ay bitbit niya iyon sa kamay habang naglalakad pauwi. Kung nag-collapse siya sa park dahil sa suntok ni Dean, more or less, nahulog doon ang susi niya. "Nasa...hindi ko alam." "Binaliktad ko na ang bag at bulsa mo, walang susi. Humakbang ang lalaki at pumasok sa kabilang kuwarto. Ilang sandali pa'y lumabas ito na nakaputing cotton pants na at itim na t-shirt na kagaya ng suot niya. Si Ruki naman ay nanatiling nakatayo sa sala. "Dito mo na hintayin si Rei." "S-sure po kayo?" "Do you have any choice?" "W-wala." "Ako, meron. Puwede kitang palabasin dito sa pamamahay ko at patulugin sa halllway hangga't dumating si Rei. But I won't do that." Hindi na nadugtungan ng rason kung bakit hindi nito gagawin iyon. "Salamat. Dito na lang po ako sa couch." "Of course! You don't have the right to demand comfort." 'Sabi ko nga.' Pumasok ulit si Gregor sa bakanteng kuwarto na ginawa yatang closet at naglabas ng unan at puting kumot. Ipinatong sa center table. "Hmn," anito pagkalapag sa gamit. "Salamat." Tumalikod na ulit ito at pumasok sa sariling kuwarto. He even heard the door lock clicked. Humiga si Ruki sa sofa. Mabuti na lang at malapad iyon, para na rin siyang nakahiga sa isang single bed. Intended talaga sa malaking lalaki katulad ni Gregor. Ibinalabal niya ang kumot sa katawan saka niyakap ang unan. He was not used to putting a pillow under his head. Mas komportable siya kapag flat lang ang tulugan at nabasa niya rin sa internet na iyon ang correct position sa pagtulog para maiwasan ang body aches. Ilang minuto lang ay mariringgan na ang mabining halik ni Ruki at pantay na paghinga. Bumangon si Gregor ng alas tres ng madaling araw. Pangalawang gising na niya iyon simula nang tangkaing matulog. Sa unang gising, nagpabaling-baling lamang siya sa kama at nagbakasakali na dalawin ulit ng antok. Pero sa pangalawa, dahil mas sumakit ang ulo niya kaya tuluyan na siyang bumangon. It has been like that for years now, nasanay na siyang mas maiksi pa kaysa sa pasensiya niya ang oras ng pagtulog. He was diagnosed with chronic maintenance insomnia. Nagigising siya sa gitna ng gabi at nahihirapan nang maibalik ang antok kaya ginugugol na lamang niya sa pagbuhat ng barbels o panonood ng movies ang oras. Kapag nakaramdam ulit ng antok, suwerte. Pero madalas, naaabutan na siya ng sikat ng araw pero mailap pa rin. Lumabas siya ng kuwarto para kumuha ng tubig, pero natigilan nang makita ang isang bulto sa sofa. Oh, yeah. Nagpatulog nga pala siya ng ibang tao sa bahay. At sa lahat ng puwedeng maging bisita, ang binatilyong iyon pa. Napapailing na nagtungo siya sa ref at kumuha ng isang bottled water. He was too rough at ditching him from his brother's place but here he is, letting the guy spend his deep slumber inside his den. Alangan namang patulugin niya sa alley, malalagot siya kay Rei, isip niya.  Habang tinatanggal ang takip ng tubig ay humakbang si Gregor patungo sa sala. Tiningnan ang mahimbing na pagtulog ng bisita. 'Kung sana ganyan din ako matulog. Why is it na sa lahat ng ipinagkait sa akin ay pagtulog pa?' Nakatagilid si Ruki paharap sa kanya, ang isang braso nito ay nakaunan sa ulo habang ang isa ay nakahalukipkip sa dibdib. His legs were bent forward at marahil dahil doon ay nalilis ang kumot nito, revealing his skin. Napatitig si Gregor sa hitsura ni Ruki. His hair was black and shiny, perks of being young. Mula sa buhok ay nagpatuloy siya. He has long curved lashes,  white blemish free skin. Hindi ba nakasubok magkaroon ng tighiyawat ang batang ito? The corner of his eyes is strangely arched, maging ang mapula nitong mga labi na ngayon ay bahagyang nakaawang. Bumaba ang kanyang mapanuring mga mata sa braso nitong mahaba, hanggang sa mga kamay na tila hindi kakitaan ng kalyo. His body is petite and legs are rounded. Lalaki ba talaga ito? Yeah, yeah, lalaki dahil nakita na niya ang kabuoan ng katawan nito sa birthday ni Gov. Paloma at kagabi habang binibihisan. He doesn't have bossoms, flat as a tab. At may umbok sa harap ng suot na itim na trunks. But how can a guy possess such feminine features? Napakunot ang kanyang noo. "Weird." Tatalikod na sana siya para kunin ang barbels sa sahig nang matanaw ang unan na nasa sahig. Yumuko siya at pinulot iyon saka maingat na ipinatong sa uluhan ni Ruki. Bago tuluyang lumisan, binigyan niya ulit ng isang tingin ang mahimbing pa rin na natutulog na bisita, pagkatapos ay napapailing na umalis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD