The moment Gregor rested his back against the soft cushions, he brought out his smartphone and composed a line. Pumunta ka rito bago ka pumasok bukas. Maghahanda ako ng agahan. Not expecting for an instant reply, he closed his phone and went to retire his day. Kinabukasan. Naglalagay ng mga kubyertos si Gregor sa lamesa nang marinig ang doorbell ng kanyang pinto. It was Ruki. Alam niya dahil um-oo na ito sa reply nito kalahating oras ang nakalipas. Kaya nagmadali siyang ihanda ang hapagkainan. "Hey," bati niya sa binatilyong nakabihis na ng light blue na uniform at khaki na pantalon. Mukhang ready na itong pumasok sa eskuwela. "Good morning," ganti nito na hindi magawang salubungin ang kanyang tingin. "Halika, pasok. Sana hindi ka muna nagbihis para hindi ka mangamoy ulam." "Okay l

