Chapter 27 Gabriel's Pov Sinalubong namin sila agad habang papalapit ang kanilang sasakyan. Hindi namin tinigilan hangga't hindi sila natatamaan. Dito napahinto ang kanilang sasakyan saka natamaan ang ibang kalaban. “Lintik naisahan na pala tayo paano nila nalaman susulong tayo dito.” Aligagang sabi ni Badong sa mga kasamahan niya. “Tagilid tayo dito kala natin walang kasama ang anak ni Don Alfredo yun pala marami pala siyang tauhan.” Dagdag pa ni Badong sa mga kasamahan. Kinuha ni Badong ang cellphone saka tinawagan niya ang kanyang bos. “Boss tagilid kami dito malayo pa lang inabangan pala kami dito sa gitna ng gubat. Yung ibang kasamahan ko may mga tama na sa bala iilan na lang kami.” Sumbong ni Badong kay Theodore na kausap sa cellphone. “Bwesit at paano nalaman susulong kayo dy

