Chapter 28 Olive's Pov Nakita ko ang sasakyan ni papa parating sa kinaroroonan namin ni Gabriel. “Gabriel parating ang sasakyan ni papa.” Aligaga kong sabi kay Gabriel. Huminto ang sasakyan saka bumaba si papa sa sasakyan. “Papa paano nyo po nalaman nandito ako?” Tanong ko sa kanya. “Kala mo hindi ko malalaman kung nasaan ka? Huwag mo akong linlangin Olive marami akong tauhan nagmamanman sayo.” Sagot ni papa sa akin “Ito ba yung lalaking nabugbog ko?” Tanong ni papa sa akin. “Boy hindi ka ba nadadala? Nabugbog ka na nga lumalapit ka pa rin sa anak ko? Humarap ka nga dito sa akin.” Wika ni papa kay Gabriel. “Papa huwag nyo po saktan si Gabriel ako ang may gustong makipagkita sa akin.” Wika ko kay papa. “Humarap ka! Huwag kang bastos!” Sigaw ni papa kay Gabriel. Humarap si Gabrie

