Chapter 4
Gabriel Pov.
Natapos na akong naligo at nagbihis na ako para tingnan na mga kailangan gawin sa labas. Kinuha ko ang sumbrero na nakasabit sa dingding saka sinuot ito at lumabas.
Pumunta ako agad sa bandang pugon para tingnan doon ang mga nag lulugit ng mga niyog.
“Magandang umaga sa inyo.” Magandang bati ko sa kanila.
“Magandang umaga din po sir Gabriel.” Sambit din nila sa akin.
“Roben! Magdala ka nga ng tubig dito para sa mga tao dito.” Sigaw ko sa kanya.
“Sige Boss magdadala na po ako dyan.” Sagot ni Roben sa akin.
Dali-dali tumakbo si Roben para kumuha ng gallon na may tubig para dalhin sa doon sa pugon.
Kumuha din siya ng mga baso para magagamit nila sa pag inom doon.
Dumating na di Roben bitbit ang isang gallon na malaki at ipinatong sa isang papag para doon ilagay niya ang gallon na may lamang tubig na maiinom.
“Salamat Roben sa pag dala mo dito.” Ani ko kay Roben.
“Uminom muna kayo dito baka nauuhaw kayo.” Wika ko sa mag nagtatrabaho.
“Mamaya pag out ninyo bibili tayo ng gin para ganahan naman kayo mag trabaho dito.” Wika ko sa kanila.
“Yes makaka inom na na din kami ng alak. Matagal tagal na din kaming hindi nakakatim sir Gabriel.” Wika ng isang matanda na lalaki.
“Ganun ba! Sige paiinomin ko kayo basta okay ang trabaho natin dito.” Wika ko sa kanila
“Kaya nga sir hayaan mo sir sisipagin namin ang pagtatrabaho dito.” Wika ng isang trabahante.
“Asahan ko tulong nyo ha dito sa kuprahan namin.” Wika ko sa kanila.
Papunta na ang kampo ni Don Theodore sa pagtatagpuan nila ni Don Alfredo. May mga dala din si Don Theodore na mga tao niya. Dumating na una sila Don Alfredo sa sinabing lugar na pagkikitaan nilang dalawa. Pinatambay ni Don Alfredo ang ibang tao niya sa loob ng sasakyan nila.
Dumamating na ang kampo ni Don Theodore sa pinag usapan nila lugar dala din ang mga tao niya. Bumama sa sasakyan si Don Theodore at pinuntahan agad si Dong Alfredo sa loob.
“Don Alfredo kumusta?” Bungad ni Don Theodore kay Don Alfredo.
“Ito buhay pa Don Theodore ikaw kamusta matagal din hindi tayo nag kita.” Wika ni Don Alfredo sa kay Don Theodore
“Kaya nga Don Alfredo.” Wika ni Don Theodore sa kanya.
“Halika umupo ka muna dito. Mag kape muna tayong dalawa.” Wika ni ni Don Alfredo kay Don Theodore.
“Miss dalawang Caff’e Americano nga dito.” Wika ni Don Alfredo sa staff ng coffee Shop.
“Kumusta na Don Alfredo? Parang bumabata ka ata ngayon.” Pabirong sabi ni Don Theodore kay Don Alfredo.
“Ito matanda na mag 65 years old na ako next month.” Sagot ni Don Alfredo kay Don Theodore.
Ni serve na ang order namin kape sa lamesa namin.
Humigop muna si Don Alfredo sa kape bago magsalita.
“Ano bang pag uusapan natin Don Alfredo bakit mo ako pibatawag ngayon?” Tanong ni Don Theodore.
“Pag uusapan natin ang negosyo ko na pinamahala ko sayo.”Wika ni Don Alfredo kay Don Theodore.
Biglang napakunot noo si Don Theodore sa narinig niya kay Don Alfredo.
“Gusto ko ng ipalipat sa pangalan ng anak ko yung mga ari arian Don Theodore.” Wika ni Don Alfredo kay Don Theodore.
Lumaki ang mata ni Don Theodore sa sinabi ni Don Alfredo.
“Ano ilipat mo na sa anak mo? Bakit mo lilipat pinag usapan na natin pag maganda pa takbo ko ako na muna mag mamanage noon.” Wika ni Don Theodore kay Don Alfredo.
“Nag bago na isip ko Don Theodore ilipat ko na lang lahat ang mga ari arian ko sa nag iisang anak ko .” Wika ni Don Alfredo kay Don Theodore.
“Hindi ako papayag!.” Wika niya sabay bagsak ng kamay niya sa lamesa.
“Hindi ako papayag na basta-basta mo na lang kunin ang pinaghirapan ko din.” Dagdag niya pa ito.
“Yun na desisyon ko Don Theodore kaya ipaayos muna sa abogado mo lahat ng papel.” Wika ni Don Alfredo kay Don Theodore.
Tumayo si Don Alfredo saka umalis sa loob ng coffee shop. Hindi matanggap ni Don Theodore ang sinabi ni Don Alfredo na babawiin niya ang mga negosyong pina takbo niya.
Don Alfredo.! Don Alfredo habol niya ito sa labas ng coffee shop. Nainis si Don Theodore kay Don Alfredo saka pinaputukan ng baril sa likod at na taam si Don Alfredo. Nagbarilan na sila ng kabilang panig at nagtatakbuhan ang mga tao sa lugar ng pinangyarihan.
Naghihingalo na nagmamakaawa si Don Alfredo na huwag siyang patayin.
“Parang awa mo na Theodore huwag mo akong patayin.” Wika ni Don Alfredo habang inaangat ang isang kamay niya na nagmamakaawa.
“Hindi ka nakinig sa sinabi ko sayo dapat pinaubaya mo na lang sa akin ang negosyo. Paalam Don Alfredo.” Sabay pinaputukan ni Don Theodore sa dibdib sa puso.
Bulagta si Don Alfredo at iba niyang tao .
Tinignan muna ni Don Theodore ang mukha ni Don Alfredo na patay na.
“Tara sibat na tayo baka may makakita sa atin dito.”Wika Don Theodore sa mga Tauhan niya.
Sumakay na sila agad sa sasakyan saka hinayaan na nila ang mga patay na katawan na nakahandusay sa harapan ng coffee shop.
May dalawang nakaligtas na mga tauhan niya sa umalis sila doon. Nakarating ang dalawa sa mansion ng mga Del Fierro namay mga tama sa balikat.
“Hulyo!Hulyo!” Sigaw ng isang tauhan ni Don Alfredo.
“Ano yun bakit naghihingalo ka kakatakbo mo?” Tanong ni Hulyo sa kanya.
“Si Don Alfredo may masamang nangyari sa kanila.”Wika ng isang tauhan ni Don Alfredo.
“Ano? Anong nangyari kay Don Alfredo?”
Tanong ni Hulyo sa isang tauhan.
“Si Don Alfredo wala na po.” Sagot ng isang tauhan.
Biglang nalungkot Hulyo sa narinig na masamang balita tungkol kay Don Alfredo.
Tinawagan niya agad si Gabriel para sabihin wala na ang ama nito.
“Boss ikaw na bahala bumili ng inumin nyo mamaya pati sumsuman sagot ko na para matuwa naman mga tao natin dito.” Wika niya sa isang mapagkakatiwalaan sa koprahan.
“Sige po boss ako na po bahala boss.” Wika ng tauhan nila sa koprahan.
Biglang nag ring ang phone ni Gabriel kinuha niya ito. Sinagot ni Gabriel ang tawag na number lang ang nakatatak sa phone niya.
“Hello sino to?” Tanong Gabriel sa kabilang linya.
“Gabriel si Hulyo ito. May nangyari sa papa mo umuwi ka agad dito ngayon na.” Wika ni Mang Hulyo sa akin.
“Bakit anong nangyari kay papa Mang Hulyo?”Tanong ko sa kanya.
“Ang papa mo wala na.” Wika ni Mang Hulyo sa akin.
Biglang hindi na ka imik si Gabriel sa narinig na masamang balita sa kanya.
Dali-dali siyang nagtungo sa sasakyan para umalis.
“Sir saan po kayo pupunta.?” wika ni Roben sa akin.”
“Roben aalis muna ako paki sabi sa mga trabahante natin emergency lang.” Wika ni Gabriel kay Roben.
Dali-dali na niyang pinatakbo ang sasakyan pa labas ng koprahan.
Pinaharurot niya ang kanyang Subaru nasasakyan akala mo'y papaliparin na niya ito.
Naka simangot siya habang nagdrive sa kanyang sasakyan. Biglang napatulo na lang ang kanyang luha habang nagmamaneho siya sa sasakyan niya.
Ilang minuto lang nagpaharurot niya ang sasakyan niya ng mabilis ng mabilis. Hindi niya ininda kong maymasagasahan siya ng tao.
Wala pang isang oras nakarating na siya agad doon sa mansion.
Ininhinto niya agad ang sasakyan saka pumasok sa mansin.
“Gabriel, Gabriel huminahon ka muna.” Wika ni Mang Hulyo sa akin.
“Si papa Mang Hulyo asan na?”Tanong ko sa kanya.
“Wala na papa mo nasa morgue na po sir Gabriel.” Wika ni Mang Hulyo sa kanya.
Napatigil si Gabriel ng narinig niya sinabi ni Mang Hulyo.
Ha..! Sigaw niya na pahawak sa ulo niya.
“Bakit ba ano bang nangyari kay papa!” Malakas na tuno ni Gabriel .
“Nag ka initan daw sila sa pag meeting kanina ni Don Theodore. Alam lang nila pinagbabaril na silang lahat pati papa mo Gabriel. Nagmamakaawa daw papa mo huwag daw siyang patayin ni Don Theodore pero pinagbabaril daw ito.” Wika ni Mang Hulyo sa akin.
“Mga Hayop sila wala silang puso. Put*ng ina nila mga mamamatay tayo mga hayop na yun.” Sigaw ni Gabriel habang umiiyak.
“Lintik na walang ganti pagsisihan nila ginawa nila kay papa. Binaril siya ng walang kalaban laban mga hayop sila papatayin ko talagang Theodore na yan kahit sino pa siya.” Wika ni Gabriel habang katabi ni Mang Hulyo.
Ilang sandali ibinurol sa kanilang bahay ang labi no Don Alfredo sa loob. Nagluluksa silang lahat dahil sa pagkawala nito. Maraming pumunta sa burol ng nalaman nilang wala na si Don Alfredo.
Doon ang ibang kakilala ni Don Alfredo nagpadala ng mga bulaklak para iabot ng pakikiramay.
Nakatanaw si Gabriel sa ataol ng kanyang ama. Tumutulo luha niya habang pinagmamasdan ito.
“Gabriel ito inumin muna ito.” Wika ni Mang Hulyo.
“Mang Hulyo paano na lang kaya ako nito.
Makakayanan ko bang wala si papa lahat?” Wika ni Gabriel habang nakatingin sa ataol ng kanyang ama.
“Kaya mo yan Gabriel hindi ka namin iiwan tapat ang serbisyo namin sa iyong ama.” Wika ni Mang Hulyo sa akin.
“Huwag kang mag alala nandito lang kami para tulungan ka Gabriel.” Wika ni Mang Hulyo sa akin.