Chapyer 3

3681 Words
"ISANG-LINGGO at mahigit din itong ganun. Dumadalaw ang binata sa magkapatid kapag may free itong oras at laging may dalang pagkain o kung ano mang maisip nitong dalhin pag pumupunta ito sa bahay ng dalawang babae. Dahil doon kaya napalapit at subrang close narin ni Kelvin sa magkapatid lalo na kay Denise na hindi nakukumpleto ang araw nito kapag hindi nakikita ang dalaga. Kaya talagang bumibisita ang binata kapag alam nitong may free itong panahon. Tatlong araw pa ang lumipas mula nung huling bisita ni Kelvin sa bahay nina Denise, hindi pa ulit ito nagpaparamdam. Kahit na nakafollow na sila sa isat-isa sa social media at bukod dun may contact ng number din sila sa isat-isa, hindi nagawang magparamdam ni Kelvin sa kanya. Marahil ganun siguro itong kabusy sa trabaho o di kaya bumibisita lang talaga ang binata dahil may utang na loob ito sa kanya at hanggang doon nalang ang kung anong meron sila. Ano nga ba ang meron sila? Wala naman kasing namamagitan sa kanila kaya bakit nagkakaganun siya. Palibhasa matagal na niyang hinahangaan ang lalaki kaya nahulog agad ang loob niya dito. Mukang siya ang talo dahil hindi naman ito magkakagusto sa kanya, malabo! Alam niya sa sarili na namimiss niya ang lalaki kahit hindi naman dapat. Wala silang malalim na ugnayan kaya walang sapat na dahilan para mamiss din siya nito, ayaw niyang mag assume na mangyaring mamiss talaga siya ng binata. Magkakilala lang naman sila at hindi naging close. Para sa kanya hindi matatawag na closeness yun dahil saglit lang naman silang nagkasama. Thank you sir, come again!" bati niya sa isang costumer na kakatapos lang magbayad ng binili nito. Nasa kasalukuyang dutty siya ng ala-sais ng umaga hanggang alas dos ng hapon. Nagtatrabaho siya sa isang kilalang convenience store sa ilang bahagi ng mundo. Ala-una na ng hapon kaya isang oras nalang out niya na. Walong oras lang naman ang pasok niya at hindi naman mahirap ang trabaho niya, kaya subrang sulit narin para sa kanya ang sahod niya kada kinsenas. Masaya siya sa trabaho niya at nag eenjoy siya sa ginagawa niya. Mas gusto niya pa yung maraming costumers dahil nababagot siya kapag walang ginagawa. Kaso sa lagay niya ngayon, parang nagiging lutang at walang gana siya sa trabaho dahil nasa isip niya parin ang lalaki at nakakaramdam siya ng inis dahil doon. First time na magkaganoon siya ang mag-isip ng mag-isip lalo pa at lalaki ang dahilan. Ayaw niya ng nararamdaman niya, masyado niyang pinapaasa ang sarili niya. Hindi naman yun ang unang beses na makita niya ang binata sa personal pero yun ang una na mapalapit ang lalaki sa kanya at matitigan ang muka nito ng malapitan. Mas tama nga sigurong hindi nalang ito magpakita o magparamdam sa kanya. Uy, bff! Anong iniisip mo, kanina ko pa napapansin na wala ka sa kondisyon?! May sakit kaba?" tanong ng kaibigan niya, isa sa katrabaho niya na kasalukuyang kasabay niyang nakadutty ng oras na yun. Idinampi nito ang likod ng kamay nito sa noo niya. Wala ka namang sakit pero bakit parang wala kang ganang magtrabaho?! First time kitang nakitang ganyan ah!" sabi nito. Wala! Ok lang ako Claire. Problema lang sa bahay kaya ganito ako ngayon pero magiging ok din naman ako, parang hindi mo ako kilala." Yun na nga eh ang problema parang hindi ka namin masyadong kilala, ang galing mo kasing magtago ng nararamdaman. May problema kana't lahat hindi pa namin alam at ito ang firstime na magkaganyan ka. Alam mo Denise kung may problema ka pwede mo namang sabihin samin, sakin! Kasi laging ako ang madalas mo makadutty." sabi nito na ang tinutukoy ay ang mga katrabaho niya sa store. Halos lahat kasi kaclose niya kahit maneger nila, pero si Claire ang pinakamatalik niyang kaibigan sa lahat. Magaling din kasi siyang makisama kaya hindi siya mahirap kaibiganin. Sa tagal na ng pinagsamahan natin sa trabahong ito o kahit sa labas pwede mo kaming sabihan kung may problema ka sabihan mo kami, fenancially or kahit sa lovelife pa! Ano pa't naging kaibigan mo kami kung hindi ka namin matutulungan." seryusong sabi niya. Thank you bff, pero ok lang ako!" ngumiti siya para ipakita na ok siya, napangiwi naman ito sa inakto niya. Ay, bahala ka sis! Mahirap mag kimkim ng totoong nararamdaman baka biglang sumabog yan. Mamaho pa dito sa loob ng store, mahirap na! Ikaw din baka mawalan tayo ng costumer niyan!" biro nito para maiba naman dahil hindi ito sanay sa ikinikilos ng kaibigan. Sira ka talaga!" nakangiti ng sabi ni Denise. Natuwa naman ang kaibigan niya ng makita siyang ngumiti. Yan, ganyan dapat! Ang ganda-ganda mo tapos malungkot ka. Dapat sa tulad nating magaganda, laging naka smile." turo pa nito sa kanilang dalawa. Hahaha, baliw kana. Sige na magtrabaho na tayo!" Ok lang atleast may nagawa ako para mapatawa ka." nakangiti nitong sabi. Oo na, thank you! Gumawa kana ng sales report dun at malapit na tayong mag out. Ako ng bahala dito!" nakangiti niyang sabi. Sus! madali lang yan, saglit lang yang sales report na yan. Kahit nakapikit kaya kong tapusin yan. Ang kailangan ko lang munang gawin ngayon ay mag cr. Kasi naman bff kanina pako naiihi, naistranded gawa mo." halata sa muka ang pagpipigil bago umalis sa harap nito. Napapailing nalang siya ng nakangiti habang sinusundan ng tingin ang kaibigan. Binalik niya ang tingin sa counter at inayos ang mga stock at nagulong paninda malapit sa pwesto niya. Dinagdagan niya narin ng mga stock para magandang tingnan. Halos kalahating oras din siyang abala sa ginagawa. Dahil sa abala sa ginagawa hindi niya man lang tiningnan ng may pumasok na costumer bagkus binati niya nalang ito. Welcome po!" Hindi pa siya tapos sa ginagawa ng lumapit na sa kanya ang costumer para magbayad. Inumin lang naman ang binili nito kaya sandali niya lang iiintertain ang costumer. Fivety three and 25 sentavos sir." sabi niya sa lalaking costumer na hindi niya man lang sinulyapan kahit saglit ng tingin. Nagbigay naman ito ng bayad kaya agad niyang tinanggap yun. I recieve 100 peso bill sir!" sabi niya sa kaharap. Your change sir, thank you sir!" sabi niya ng maibigay ang sukli sa kaharap. Welcome!" sagot nito sa kanya. Natigilan siya at agad napatingin dito dahil hindi siya pwedeng magkamali, boses palang kilala na niya kahit nakasuot pa ito ng cap at facemask o kahit nakapikit pa siya. K-kelvin?!" gulat na sabi niya. Hi, how are you?!" tanong nito sa kanya. Bahagya pang sumingkit ang mata nito kaya alam niya na ngumiti ito sa kanya. Hindi na niya nagawang sagutin ang tanong ng kaharap ng marinig nilang magbukas ang pinto ng stock room di kalayuan sa pwesto kung saan sila nakatayo. Sabay pa silang napatingin sa lumabas ng pinto, si Claire na abala sa pagtatype sa cellphone nito. Antayin kita sa labas!" Napatingin siya sa kaharap ng magsalita ito. Nakaramdam siya ng kaba ng magtama ang paningin nila, bukod doon subrang lapit ng muka nito sa kanya. Bahagyang nanlaki ang mata niya sa gulat dahil sa lapit ng binata sa kaniya. Bahagya itong lumayo sa kanya at natigilan pa siya ng pisilin nito ang pisngi niya bago nagmamadaling lumabas ng store. Sandali siyang natulala at napangiti kalaunan dahil sa subrang saya ng muling makita niya ang lalaki makalipas ng ilang araw na hindi nito pagpaparamdam sa kanya. Lahat ng lungkot nawala at napalitan ng saya kaya hindi niya mapigilan ang mangiti. Parating na daw sina Hance, jimuel at Jm tapos narin ako sa sales report kaya maya maya lang makakapag out na tayo----- Natigilan ito ng mapatingin sa kanya. Naabutan kasi siya nito na subra kung ngumiti, yung tipong kulang nalang ay tumawa dahil sa saya habang nag-aayos sa counter. Bahagyang lumapit si Claire sa kanya at tinitigan pa siya dahilan para saglit niyang sulyapan ng tingin ang kaibigan. Oh andyan ka pala!" nakangiting sabi niya habang busy sa ginagawa. Ay hindi, anino ko lang ito nauna! " biro nito pero wala ang isip ni Denise sa sinabi ng kaibigan dahil nangingiti parin siya sa iniisip. Ay iba, ano baliw baliwan lang ang peg?! Ang lungkot-lungkot mo kanina tapos ngayon ang saya mo na. Kakaiba ka talaga bff ang bilis mong magbago ng mood. Hindi ko alam kung saan ka nagmumula, shabu pa sis?!"sabi nito pero hindi siya sumagot sa halip bumaling sa mga stock sa likuran nila at nag ayos doon. Nakapamaywang nitong sinundan ng tingin si Denise. Iniwan lang kita sandali dito pagkatapos nagkaganyan kana!" patuloy nito at lumapit sa kanya. Ano? Nasinghot mo ba lahat ng alikabok dito sa store kaya ganyan ang epekto sayo?! Araw-araw naman tayo naglilinis ah." dagdag pa nito na iginala pa ang paningin sa paligid bago muling tumingin sa kanya. Ano kaba, masama ba ang ngumiti?! Ayaw mo nun, nakatulong ang mga payo mo sakin kanina kaya masaya nako ngayon. " sabi niya na patuloy parin sa ginagawa at hindi man lang sinulyapan ang kausap. Mabuti sana kung yung sinabi ko ang dahilan kung bakit ka nagkakaganyan kaso, alam mo yun may nasasagap ako na kakaiba. May nangyari ba kanina na hindi ko alam?!" tanong ni Claire kaya tiningnan niya ang kaibigan. Wala, ano kaba?! Tulungan mo nalang ako na mag-ayos para hindi kung anu- ano ang napapansin mo." Yun oh!" turo niya sa lagayan ng hotdog at siopao. Lagyan mo, kakaunti na ang laman ng hindi ako ang napapansin mo dyan!" Napanguso si Claire sa sinabi niya bago nagsalita. Hindi na! bahala na sina Jm, Jimuel at Hance na maglagay ng hotdog at siopao dyan total late na naman sila. Yun man lang maging ambag nila noh!" sabi nito. Sakto namang dating ng tatlong katrabaho nila. *** "Paano mo pala nalaman na dito ako nagtatrabaho?" tanong niya kay Kelvin, nasa loob sila ng sasakyan nito. Kay Freya, tinanong ko kahapon! " sagot nito habang nakatutok ang tingin sa unahan. Bakit wala naman siyang nabanggit sakin kahapon?" "Nilingon siya nito. Surprice!" nakangiti nitong sabi. May nalalaman pa kayong surprice. " nakanguso niyang sabi bago tumingin sa unahan ng sasakyan. Bakit, namiss moko?!" diretsyahang tanong nito. Gulat naman siyang napatingin sa binata na malawak ang pagkakangiti sa kanya. H-hindi no! Bakit naman kita mamimiss?" sabay iwas niya ng tingin sa lalaki. Marahang tumango ang binata sa sagot niya at tumingin sa unahan. Pero bakit parang sinasabi ng mata mo na oo, na namiss mo ako?!" Akala mo lang yun! Ano porket crush kita ibig sabihin mamimiss na kita?! pilengero ka rin ha!" Napangiti ang binata sa sinabi niya. Why did you crush me?" tanong nito kay Denise. H-ha?"sambit niya kasabay ng pagbaling niya ng tingin dito, hindi niya inaasahan ang tanong nito. Umiwas niya ng tingin bago nagpatuloy. A-ah kasi, ano bang magagawa ko sa yun ang nararamdaman ko eh. Syaka diba nga sabi nila crush is paghanga. Humahanga ako sayo kaya crush kita!" paliwanag niya. Crush lang talaga?" Hindi inaasahan ng dalaga ang tanong ng binata sa kanya. Napatingin siya sa binata ng tanungin siya nito, seryoso na ang muka habang nakatingin sa unahan. H-ha?" Tumingin si Kelvin sa kanya at ngumiti. I said if you really think of me as a crush?" nakangiti nitong tanong. Umiwas siya ng tingin sa lalaki, kahit kinakabahan sa mga tanong ni kelvin sa kanya sinikap niyang pakalmahin ang sarili. Madali lang naman para sa kanya ang gawin yun. Naisip niya na baka pinagtitripan siya nito o ano kaya sasakyan niya nalang ang trip ng lalaki. Bahagyang umangat ang gilid ng labi niya bago tumingin sa kausap. Ano ba dapat?" Ok lang naman sakin kung gusto mong maging tayo!" sabi niya. H-ha?"napangiti siya ng makita ang reaksyon nito. Si Kelvin naman kasi ang nauutal sa kanila. Hahaha!" biro lang ano kaba?!" hindi niya napigilan ang matawa dahil sa reaksyon ng binata sa sinabi niya. Malabong mangyari yun kasi ang laki ng pagkakaiba natin. Mayaman ka, nakakapag-aral, sikat, samantalang ako ito lang hindi pa nakatapos ng collage. Hindi nga man lang ako nakaabot kahit first year collage lang kaya malabong mangyari ang sinabi ko na magkagusto ka sa---- Paano kung posible na magkagusto ako sayo?!" natigilan siya at napatingin kay Kelvin dahil sa sinabi nito kaya nagtama ang paningin nilang dalawa. Seryuso ang muka ni Kelvin habang nakatitig sa kanya. Samantalang siya ay sinisikap ang sarili na ipakita ang walang emosyon niyang mga mata habang nakatitig sa binata. Nasa ganun silang posisyon ng tumunog ang phone ni Denise dahil may message na dumating kaya sabay pa silang napatingin sa bagay nayun na hawak niya. Dahil sa message na dumating nagliwanag ang phone niyang hawak at late na niyang narealise na nakadisplay ang muka niLa ni Kelvin na ginawa niyang lockscreen ng phone niya. Agad siyang napatingin kay Kelvin na naabutan niyang nakangiti habang nakatingin sa phone niya. Agad naman niya kinapa ang off button ng phone kahit sa lalaki parin nakatuon ang tingin. Now I know how much you really like me." nakangiti nitong sabi habang sa phone parin ni Denise nakatingin kahit nakaoff na ito. Sasagot pa sana siya ng biglang agawin ni Kelvin ang phone niya na saglit niyang ikinabigla. Inopen ni Kelvin ang phone niya at lalong napangiti ng makita ang picture nilang dalawa. Kuha yun nung nasa bahay sila ng dalaga. Nakaakbay siya kay Denise na nakangiti sa camera habang gulat naman ang dalaga na nakatitig sa kanya. Ang cute mo dito, kitang kita kung gaano mo ko kagusto!" sabi niya habang nakatitig parin sa phone ni Denise. Dahil sa hiya tinangkang agawin ni Denise ang phone kay Kelvin pero malas niya dahil agad naiiwas ni Kelvin ang phone sa kanya. Akin na nga yang phone ko!" sabi niya habang nakikipag agawan kay Kelvin, tudo iwas naman ng phone sa kanya ng lalaki. Bilis na, ibigay mo na!"si Denise. Mamaya na tinitingnan ko pa."si Kelvin. Akin na kasi, nakakahiya ang itsyura ko dyan." sabi niya habang pinipilit na makuha ang phone kay Kelvin. Hindi naman ito nagpapatalo sa kanya dahil tudo iwas ang ginagawa nito para hindi niya makuha ang phone dito. Ang cute mo kaya dito kaya mamaya na, titingnan ko pa." Sandali silang tumigil sa pag-aagawan ng huminto si Denise sa pag agaw ng phone niya kay Kelvin. Kunot-noo siyang nakatingin sa binata dahil sa inis. Dahil sa reaksyon niya, gustong matawa ni Kelvin dahil sa inaakto ng dalaga sa harap nito. Sinubukan ulit agawin ni Denise ang phone pero naiiwas na naman yun ni Kelvin. Ibibigay mo ba o hindi?" Hindi! Kung gusto mong makuha, edi agawin mo sakin." hamon ni Kelvin sa kanya. Kaya nakipag-agawan na naman siya hanggang sa itaas ni Kelvin ang isang kamay nito na nakahawak sa phone ni Denise sa bandang likuran ng headrest ng sasakyan. Dahil sa hindi maabot bahagya siyang tumayo sa upuan. Ipinatong nito ang isang tuhod sa upuan at nagpumilit na abutin ang phone sa kamay ng binata. Sa di inaasahan nawalan siya sa balanse kaya natumba siya kay Kelvin at napayakap sa binata. Pareho silang nabigla sa nangyari kaya napatitig sila sa isat-isa. Muntik ng mahalikan ni Denise si Kelvin sa subrang lapit nito sa lalaki. Mabuti nalang at nagawa niyang mapigilan ang sarili. Maya maya bumaba ang tingin ni Kelvin sa labi niya at napansin pa niya na napalunok ito. Agad naman siyang natauhan at pinitik ang noo nito bago umalis sa pagkakayakap kay Kelvin bago pa may mangyaring hindi niya inaasahan. Umayos siya ng upo sa passenger seat at ganun din naman ang ginawa ni Kelvin na nakahawak pa sa noo na medyo namumula dahil napalakas yata ang pitik niya. Napatikhim si Kelvin samantalang sa labas naman ng bintana tumingin si Denise at kinagat ang ibabang labi dahil sa pagkailang na nararamdaman. Ehem...ehem... " basag ni Kelvin sa katahimikan sa pagitan nilang dalawa. B-bakit ba ang hilig mong mamitik sa noo, hobby mo ba talaga yun?" tanong ng lalaki para maiba ang usapan. Pero wala itong nakuhang sagot mula sa dalaga. Ihatid na kita!" sinabi nalang nito. Sige, salamat!" kalmadong sagot ni Denise dito na hindi man lang tumitingin sa binata. Pinaandar ni Kelvin ang sasakyan at dahil isang sakay lang naman ng trysikel papunta sa bahay nina Denise, mabilis silang nakarating dahil malapit lang naman ito mula sa trabaho ni Denise. Nakaparada na ang kotse ni Kelvin, di kalayuan sa kung nasaan ang bahay ng dalaga pero hindi parin siya bumababa at nakatingin parin sa labas ng bintana. Hindi na pinaabot ni Kelvin ang kotse sa tapat ng bahay nina Denise dahil yun din naman ang gusto ng dalaga. Naikwento kasi nito na maraming chismosa sa lugar nila, mahirap na. Lalo pat sikat ang lalaki, baka pagkaguluhan pa ito kapag may nakakita dito na nagpark sa tapat ng bahay ng babae. Syempre nakakotse ito, iisipin ng mga tao na mayaman ang nakasakay sa kotseng hihinto sa tapat ng bahay nila at iisipin ng mga tao sa lugar na yun na may mayamang manliligaw si Denise. Sandaling katahimikan ang nangibabaw sa kanilang dalawa. Ito pala yung phone mo." nag aalangan na sabi ni Kelvin. Lumingon siya sa binata at kinuha ang phone na nasa kamay nito. Natigilan pa ito ng tumingin siya dito. Salamat sa paghatid! Gusto mo bang pumasok muna?" walang emosyon sa muka na tanong niya. Hindi naiwasang bumilib ng binata kay Denise at lalo pa itong bumibilib dahil sa mga mga katangian na nakikita nito sa dalaga. Bumibilib talaga si Kelvin sa dalaga dahil sa nagawa na naman nitong maging normal sa harap niya na parang walang nangyari. Umiling ito bago ngumiti. May kailangan pa kasi akong puntahan, nextime nalang siguro! " sagot nito. Tumango-tango naman si Denise bilang pagsang-ayon. Sige, ikaw ang bahala. Mag-iingat ka pag uwi, salamat sa oras mo!" sabi nito at akma ng bubuksan ang pinto ng kotse ng bigla siyang hawakan nito sa braso dahilan para matigilan siya at nagtatakang mapatingin dito. May gusto akong sabihin!" sabi ni Kelvin na seryusong nakatingin sa kanya. Ano yun?" tanong niya. Bumitaw ito sa pagkakahawak sa braso niya bago nagsalita. Nahuli na ang mga taong nangholdap sakin." sabi nito. Ha?! " nasambit ni Denise sa sinabi niya. May nagpuntang mga pulis sa bahay namin kasabay nun naibalik narin ang kotse ko. Natagalan lang dahil may kinailangan pa silang gawin sa kotse ko. I wasn't at home when they went because I was at work at that time so mamie talked to them. Yun nga nahuli na daw nila ang mga lalaking yun, sa tulong narin ng binigay kong idea sa kung ano ang itsyura ng isa sa kanila." Nahuli ba silang lahat?" may pag aalala sa matang tanong ni Denise. Hindi, kasi wala ang isa sa kanila na siya daw leader ng g**g nila. Nagkataong nagsagawa ng isang Buy-bust operation ang kapulisan at napag alaman nila na ang ilan sa mga nahuli nila ay ang anim na nangholdap sakin. Nakilala nila ang mga ito dahil sa isa sa kanila na namukaan ko. Mga gangster pala ang mga nakasagupa natin. Matagal narin silang gustong mahuli ng mga pulis dahil sa mga reklamo na ginagawa nila sa nabibiktima nila at dahil nakamask ang buong muka wala silang idea kung ano ang itsyura ng mga ito at masyado silang mailap. Marami pa daw itong mga kasama na hindi pa nila nahuhuli." Agad inalis ni Denise ang tingin kay Kelvin at hindi mapakaling tumingin sa unahan. May isa pa!" pahabol nito kaya napatingin ulit sa kanya ang dalaga. Namatay ang isa sa kanila!" Ano?!" gulat na sabi niya sa sinabi nito. I didn’t want to get to that point ang gusto ko lang ay mahuli sila. Kasalukuyan silang hinuhuli ng mga pulis, it even got to the point where the police chased them. Nahirapan man pero nahuli naman sila ng mga pulis at pinusasan na. Ang problema nung yung isa na nilang kasama ang pupusasan nanlaban ito. Agad itong kumawala at ng magkaroon ng pagkakataon inagaw nito ang baril ng pulis na may hawak sa kanya. Walang ibang nagawa ang mga pulis kundi paputukan siya. Ilang tama ng baril ang natanggap niya na agad nitong ikinamatay." N-nabanggit ba nila kung sino sa mga lalaking yun ang napatay nila." kinakabahang tanong ni Denise sa binata. Sa pagkakatanda ko sa sinabi ni mamie, pinsan ito ng boss nila. Leo Samonte ang pangalan ng lalaki." Lalong nadagdagan ang kabang nararamdaman at pag aalala ni Denise ng sabihin yun ni Kelvin sa kanya. Umiwas siya ng tingin at malalim na nag isip na may makikita paring pag- aalala sa muka. Napatingin siya sa kamay niya ng hawakan yun ni Kelvin. Tumingin siya sa lalaki at seryuso itong nakatingin sa kanya. Nag aalala kaba sakin?" H-ha?" Pasensiya na, nang dahil sakin nag aalala ka ng ganyan." Hindi, wag kang humingi ng pasensiya." pag iling pa niya. Wag mong sisihin ang sarili mo dahil hindi mo ko mapipigilan na mag-alala sayo. Kahit sino naman magiging tulad ko lalo na kung nasa panganip ang buhay ng isa sa mga taong mahahalaga sa kanila. " sabi niya. Napangiti naman si kelvin sa sinabi niya kaya takang nagsalubong ang kilay ni Denise habang nakatingin sa binata. Kung ganun mahalaga ako sayo?!" nakangiting sabi nito na ikinagulat niya. H-ha? A-ah, oo kasi kaibigan kita at naging parte kana ng buhay ko. Lahat ng taong malapit sakin ay mahalaga para sakin. " paliwanag niya. Nakangiti naman si Kelvin na nakatitig sa kanya kaya napatitig din siya dito. Umiwas siya ng tingin dahil nadadala na naman siya sa titig ng lalaki sa kanya baka hindi na niya mapigilan ang sarili, mahalikan na niya ang binata. A-ah, kailangan ko ng bumaba dahil baka inaantay nako ng kapatid ko." dahilan niya kahit na wala pa naman ang kapatid niya dahil nasa school pa ito at mamaya pang alas sais ng gabi ang labas. Sige, thanks sa time mo. " Binuksan niya ang pinto at bumaba bago humarap kay Kelvin. Tumango pa si Denise sa binata bago isara ang pinto ng sasakyan at naglakad na papunta sa bahay nila. Sinundan naman siya ng tingin ni Kelvin hanggang sa makapasok siya sa bahay nila. Nang makapasok sa loob ng bahay agad nitong pinaandar ang sasakyan dahil may trabaho pa itong kailangang gawin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD