Chapter 39 - Love Nest

1295 Words
3rd Person’s P.O.V   Hawak ni Artemis ang ang kamay ni Blake at tinulak ng dalaga ang binata pahiga sa malambot na kama.   “A-artemis—”   Parehas na nakasuot ng puting bathrobe ang dalawa. Namumula ang mukha ng binata habang nakahawak ang  dalawang maliit at malambot na kamay ni Artemis sa balikat nito. “S-stop teasing me.” husky ang boses ni Blake at namumula ang mukha dahil sa lagnat.   “Mukha ba ‘kong nag’jojoke? Seryoso ako. Tabi na lang tayo matulog.” ani ng dalaga habang nakatingin sa brown na mata ni Blake na medyo may pagka-chinito.   “Do you know what you’re saying?” hindi makapaniwala ang mukha ni Blake. ‘She smell so sweet. Stop torturing me woman.’ sa isip ng binata.   “Yes. We. will. just. sleep. Unless you find me attractive?” sambit ni Artemis ng paloko at kinindatan ang binata.   Lalong namula ang mukha ni Blake. ‘You look like a freaking goddess fvck.’ untas ng binata sa kanyang isip habang pinagmamasdan ang maamong brown na mata ni Artemis. Maganda ang ilong nito at tamang tangos lang. Hindi rin maalis sa mata ng binata ang mamula-mulang labi ng dalaga. “No, you look ugly.” matigas na ani nito at tumingin sa gilid.   Napaawang ang bibig ni Artemis. ‘I’m just joking! How dare him say the truth straight to my face!’ sa isip ng dalaga. Kumunot ang noo ng dalaga at bumagsak ang ekspresyon nito.  “I know I’m ugly…” malungkot ang boses nito at medyo nanginginig.   Nanlaki ang mata ni Blake nang makita ang ekspresyon ng dalaga.   “Since panget ako… wala na tayong problema kahit magtabi pa tayo sa pagtulog. Ang point ko lang naman ay malaki  masyado yung kama kung ako lang yung matutulog dito mag-isa, habang ikaw nakapulupot doon sa sofa. May sakit ka pa naman.” malungkot ang mata ni Artemis habang kinukumutan si Blake.   Agad humiga si Artemis tabi ni Blake at tinalikuran ang ito. Nakapamaluktot ang dalaga ngayon habang walang kumot.   “A-artemis I’m just joking.” ani ng binata habang nakahawak sa kanyang ulo. “I’m sorry.” Walang narinig na tugon si Blake at nanatiling nakatalikod na nakahiga si Artemis. “ Please don’t let me say it to you…” namumula ang mukha ni Blake kahit na nakahiga siya ay amoy niya ang matamis na tila bulaklak na amoy ng dalaga. Hindi pa rin siya kinikibo ni Artemis.   “Fvck. You are beautiful. You look so fvcking gorgeous tonight.” sambit ni Blake habang nakapikit. ‘Now I’ve said it. I’m fvck.’ sa isip ng binata nang biglang gumalaw si Artemis mula sa pagkatalikod sa kanya na ngayon ay nakatapat na sa kanya.   Nakapikit si Artemis at marahan ang paghinga. Mahimbing nang natutulog ang dalaga na ngayon ay comportableng nakahiga sa malambot na unan. Hindi maipinta ang itsura ni Blake nang mapansin ang itsura ng dalaga. “Mas mabuti na ring hindi mo narinig yung sinabi ko.” aniya habang inaalis nito ang buhok na nakaharang sa mukha ni Artemis. Kinumutan niya ang dalaga hanggang leeg nito at pumwesto na si Blake sa pinaka sulok ng kama.   Nang malapit nang kunin ng antok si Blake ay nakaramdam siya ng magaang na  kamay na tumanday sa dibdib niya kaya agad napamulat ito. “Slavey…” anito at binalik ang braso ng dalaga. Nang muli na siyang antukin ay bigla siyang tinandayan ng dalaga. Nakapatong ang makinis at maputing legs ni Artemis sa legs ng binata at tila ba ginawang unan ng dalaga ang matipunong dibdib ni Blake. Ang bilis ng t***k ng puso ni Blake.   Hindi makagalaw ang binata dahil kaunting kilos niya lang ay maaring magising si Artemis. Huminga ng malalim si Blake ng dalawang ulit.’Let’s think of happy thoughts….. Happy thoughts…Happy thuogh-- ‘ sa isip ng binata at nakatulog na.   Naalimpungatan si Artemis dahil sa liwanag. Hindi niya pa minumulat ang kanyang mata at mayroon na siyang naamoy na mabango. Nang galawin niya ang kamay niya ay napansin niyang medyo matigas ang nahawakan niya kaya naman pinisil-pisil pa niya ito.   “What are you doing?” agad napamulat ang mata ni Artemis sa boses ni Blake at nakita ng dalaga na ang kamay niya ay nakahawak sa dibdib ni Blake.   “What the---” agad lumayo si Artemis kay Blake. Sa sobrang kaka-usog ni Artemis ay hindi niya napansin na dulo na ito ng kama at nang mahuhulog na siya nahawakan ni Blake ang kamay niya kaya tila sumubsob ang dalaga sa matipunong dibdib ni Blake.   “Be careful Slavey. Magkakabukol ka pa ng wala sa oras.” untas ng binata.   “T-thank you.” ani ni Artemis at lumayo sa binata."Kamusta na ang pakiramdam mo?" "Mukhang wala na akong lagnat." sambit ni Blake at hinawakan ni Artemis noo ng binata para makasigurado. "Hindi ka na nga mainit. Pero hinay-hinay pa rin dahil baka mabinat ka." Nakarinig sila ng kumatok pintuan at si Artemis ang nagbukas dito.   “Ma’am ito na po yung pina-laundry niyo.” sambit ng isang binata at iniabot ang plastic.   “ Salamat po.” ngiti ni Artemis at pumasok na. Mabilis niyang kinuha ang damit niyang pantulog kagabi at agad nagtungo sa CR. Nang parehas nang naka-ayos ang dalawa ay lumabas na sila sa kwarto. Suot na ulit ni Blake ang blonde wig nito at makapal na salamin. Si Artemis naman ay naka mask lang habang nakasuot ng pajama na terno.   Nang nasa looby na sila ay nagtungo sila papunta sa cashier. “Magkano daw yung babayaran?” sambit ni Artemis habang hawak ang wallet niya.   “I will pay slavey.”   “b-but-“   “ You’re the one who helped my yesterday. At least let me do this.” sambit ni Blake at nag-abot na ng pera.   “Thank you po ma’am and sir. Sana naging masarap po ang gabi niyo  Balik po ulit kayo sa Igpasuk Nimu Dyud!” todo ngiting bati ng mukhang nasa thirties na babae sa kanilang dalawa.   Pagkalabas ng dalawa sa building ay mataas na ang araw at marami ng sasakyan ang dumadaan sa kalsada. Napansin ni Artemis na pinagtitinginan sila ng mga taong naglalakad   “Mama look oh!” turo ng maliit na bata sa kanila. “ They came out from that building.”   “Shh huwag ka maingay.” tugon ng babaeng nakahawak sa kamay ng bata at hinila na ito palayo.   Tiningnan ni Artemis ang kabuohan ng building. Ngayong maliwanag na ay napansin niya ang malaking tarpaulin na naka-display sa unahan ng building. Litrato ito ng dalawang taong naka-suot ng  puting bathrobe at magkatabi sa kama. “Igpasuk Nimu Dyud: Love Nest. Siguradong walang istorbo.” basa ni Artemis sa nakasulat at agad namula ang mukha nito.   “Alis na tayo sa lugar na’to.” dali-daling saad ni Artemis at naunang maglakad. Nakasunod naman sa likod niya si Blake.   “Slavey may signal na ulit ngayon. Na-check mo na ba yung phone mo?” ani ni Blake nang nasa loob na sila ng isang sasakyan pabalik sa villa.   “ Shems nakalimutan ko.” sambit ng dalaga at agad binuksan ang nakapatay niyang cellphone.   “You turned off your phone?” tanong ni Blake.   “Oo kasi wala naman signal kahapon saka para di ako ma-lowbatt.” Pagbukas ng cellphone niya ay bumungad kay Artemis ang 126 missed call mula kay Krista, Dustin, Ms. Nami, Faye, Mika at Caleb. “Lagot ako nito.” bulong ng dalaga.    TO BE CONTINUED  ---- A/n : No soft copies. Plagiarism is a crime.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD