3rd Person’s P.O.V
Nakatodo ang buga ng aircon sa kwarto nila Krista at Dustin. Nalaglag ang kumot ni Krista kaya naman naalimupungan ang dalaga. “Ang lamig.” sambit nito at tumayo para patayin ang aircon. Nang minulat ni Krista ang mata niya ay nakita niya sa glass sliding door ang pagtaas ng araw sa dagat. “Ang ganda ng sunrise shook.” saad ng dalaga at pinicture-an niya ang ang tanawin at pinost sa IG story niya.
Pagtanggal niya sa saksakan ng aircon ay napatingin siya sa kama na nasa pinaka dulo. “Himala ang aga naman magising ni Artemis.” ani nito habang kinakamot ang ulo. Bumaba si Krista sa sala at napansing nakabukas ang ilaw sa kusina.
“Artemi—”
Hindi natuloy ni Krista ang sasabihin niya nang makitang ibang tao ang naroroon. “Ay ma’am Krista good morning po. Gusto niyo po ba magkape muna?” saad ni manang Joy.
“Sige po manang, salamat po. Nakita niyo na po ba si Artemis manang?” tugon ni Krista matapos umupo sa dining table.
“Ma’am Artemis po? Yun po ba yung matangkad tapos brown po yung mata na maganda po?” tanong nito habang naglalagay ng asukal sa kape.
“Yes po manang.”
“Hindi pa po ma’am e. Kayo pa lang po ang unang nagising sa kanila.” saad nito at nilapag ang kape sa harap ni Krista.
“WHAT?” at agad napatyo si Krista.
“Bakit po ma’am may problema po ba sa kape?” tila nagulat ang eksperson ni manang Joy.
“Ay hindi po manang. I mean wala na po kasi sa taas si Artemis kaya akala ko nandito na siya. Check ko na lang po muna sa labas.”
Lumabas si Krista habang nakasuot ng pajama na pink at terno nitong longsleeve. Bigay ito sa kanya ni Artemis kaya parehas nilang sinuot ito kagabi. Nalibot na ni Krista ang paligid ng beach ngunit ni anino ni Artemis ay hindi niya nakita. Pumasok muli siya sa loob ngunit wala din doon.
“Dustin!” ani ni Krista habang inaalog ang balot na balot na kumot na si Dustin. “Uy gising!”
“Hmm maaga pa.. Bakit?” malalim ang boses nito.
“Nawawala si Artemis!” nagpa-panic ang boses ni Krista. Chineck din ng dalaga ang damitan ni Artemis at nakitang hindi man lang nagalaw iyon, ibig sabihin ay hindi nagpalit ng pang-alis si Artemis at nakapantulog pa rin ang suot nito.
“Baka nasa labas lang ‘yun.” ani ni Dustin na ngayon ay naka-upo na sa Kama at yakap-yakap ang puting unan.
“Gagi hindi lumalabas yun ng maaga. Saka nilibot ko na rin yung labas pati loob ng villa pero wala pa rin!” ani ni Krista habang sinusubukang tawagan ang cellphone ng dalaga ngunit hindi sinasagot.
Bumangon na si Dustin na naka black na short at grey na t-shirt. Inayos nito ang blonde at mahaba niyang buhok bago tumayo. “Sige i-dodouble check ko ulit sa labas kasi baka nagkasalisihan lang kayo.”
Sabay na lumabas ng kwarto si Krista at Dustin. Mabilis na naglakad pababa si Dustin habang si Krista ay dumiresto sa kwarto ni Ms. Nami.
“Guys nawawala si Artemis!” sigaw ng dalaga habang marahas nitong binuksan ang pinutuan sa kabilang kwarto.
Mabilis na naalimupungatan si Faye at Ms. Nami. “W-what?” tugon ni Ms. Nami habang kinukusot ang mata.
Nasa sala na silang lahat ngayon at halatang mga bagong gising ito dahil namamaga pa ang mga mata nila.
“Tumawag na kaya tayo ng pulis?” ani ni Mika na nakaupo sa sulok ng sofa.
“Oo nga mamaya may kumuha na ‘dun.” gatong ni Faye.
“W-we can’t do that… Anong sasabihin natin nawawala si Artemis or si Lyric?”
“Ma’am pasensya na po sa pagsingit, pero imposible pong may makapasok dito dahil mahigpit po ang security natin sa villa.” ani ni manang Joy.
“Don’t you have CCTV here?” tugon ni Dustin.
“Meron kami sa pinaka front gate ng villa. Peros dito sa pinaka bahay ay wala.” sambit ni Ms. Nami. “Manang pakitawagan po ang guard sa labas para makakuha po ng copy ng CCTV mula kagabi hanggang ngayon ng umaga.” at mabilis na lumabas si manang Joy.
Kinakagat ni Krista ang daliri niya ngayon. “Kakwentuhan pa namin siya kagabi e.” ani ng dalaga.
“Don’t worry frenny, let’s hope na safe si Artemis.” halata ang pag-aalala sa mata ni Dustin at hinawakan ng binata ang balikat ng katabi niyang si Krista. Mala-pusa naman ang mata ni Faye na pinagmamasdan ang dalawa.
“Ma’am ito daw po ang kopya ng CCTV kagabi.” ani ni manang Joy at may inabot itong usb kay Ms. nami. Nagkumpulan ang lahat sa 3 seater sofa habang ang laptop ay nakapatong sa center table.
“I found it..” ani ni Ms. Nami at pinanood nilang dumating ang hindi nila kilalang sasakyan sa labas ng gate habang sobrang dilim ng paligid. Nakita nilang sumakay si Artemis at mabilis na umalis ang sasakyan. Medyo malabo ang video at madilim.
“Si Artemis ba yun?” takang tanong ni Mika.
“Oo siya ‘yun. Yan yung suot niya kagabi!” ani ni Dustin.
“Hindi pa rin sumasagot e. Mukhang nakaptay ata ang cellphone.” sambit ni Faye at pinakita ang cellphone niya.
“Ipasa na natin ‘tong pruweba sa police para mahanp si Artemis!” frustrated na si Krista. “Baka na-kidnap na siya." nabasag ang boses nito.
“Frenny relax lang. Kusang pumasok sa saaskyan si Artemis, ‘pano natin masasabi na na-kidnap?” sagot ni Dustin.
“Let’s call the poli-“
Hindi natapos ni Ms. Nami ang sasabihin niya nang biglang tumunog ang telepono nila sa gilid.
“Hello po?” salita ni Ms. Nami.
“Hello ma’am Nami. May ine-expect po ba kayo na bisita ngayon? Meron po kasing sasakyan na gustong pumasok sa front gate ng villa po.”
“ What? M-meron bang babaeng nakasakay na brown ang mata at maputi?” nanginginig ang boses ni Ms. Nami. 'Please Ms. Parker. I hope it's you...' sa isip nito.
“Check ko lang po ma’am.” ani ng guard.
“Ma’am meron pong maputing babae na brown ang mata na nakasakay po sa likod at may kasama pong gwapong lalake po na blonde ang buhok. Papasukin po ba ma’am?”
“YES KUYA.” tila napasigaw si Ms. Nami. ‘thank God you’re safe Ms. Parker. Pinagkatiwala ka pa naman ng kuya Lyric mo sa akin.’ sa isip nito.
Binaba ni Ms. nami ang telepono at naka-abang ang itsura ng mga kasama niya sa sala.
“Ano daw yun Nami?” ani ni Dustin.
“Tatawag na ba tayo ng police?” halata ang pag-aalala sa mata ni Krsita.
“What is it Nami?”
“Guys labas na tayong lahat sa unahan ng villa. Parating na dito si Artemis.” sambit ni Ms. Nami at mabilis na nagtungo ang lahat sa unanhan ng villa. Napansin nila ang puting sasakyan at nag-park ito sa harap nila.
Bumukas ang pinto sa gitna at nilabas nito si Artemis na nakasuot ng matching pajama.
“SIS!” sigaw ni Krista at sinalubong ng yakap si Artemis. Nagsilapitan din ang lahat at tiningnan kung may galos ba si Artemis.
“Saan ka ba galing?”
“Okay ka lang ba be?”
“May nanakit ba sa’yo?”
Sunod-sunod na tanong nila. “Wait lang lang po isa-isa lang. Galing po akong O-“
Hindi natapos ni Artemis ang pagsasalita nang biglang bumaba sa sasakyan si Blake kaya tila nalaglag ang panga ng lahat.
“Who is this?” ani ni Faye
“Omaygosh ang hot!” saad ni Mika na napatakip bigla sa bibig.
“Sis sino ‘to?” tugon ni Krista.
“Good morning. I’m Blake.” medyo husky ang boses ni Blake habang nakatayo sa gilid ni Artemis. Sobrang tangkad ng binata kapag nakatabi siya kay Artemis, dahil hanggang dibdib niya lang ang dalaga kapag hindi nito suot ang customize shoes nito.
“B-Blake you mean leader ng B.L.U.E?” ani ni Ms. Nami at tumango naman si Blake.
“Omay gash Blake!” tili ni Mika na tila mahihimatay na. “Blake in a blonde hair gosh!”
Nagmwestra si Ms. nami na sa loob na lang nila ituloy ang interrogation na magaganap.
“Mga ma’am at sir handa na po ang umagahan sa loob.” bati ni manang Joy. Napansin ni manang na may dalawang nadagdag kaya naman agad siyang kumuha ng extra plato.
Umupo silang lahat sa malaking wood dining table nila Ms. Nami. Magkatabi ngayon si Artemis at Blake.
“Sis pinakaba mo kami! Alam mo bang muntik ka na naming ipa-report sa police na na-kidnap ka.” ani ni Krista sa katabi niyang si Artemis.
“Oo nga girl! Jusko nagulat ako nang nagsisigaw na ‘tong si frenny sa kwarto na kwesyo nawala ka daw chuchu.” ani ni Dustin sa pangbabaeng tinig.
“Teka ano bang nangyari? Pano kayo naging magkasama ni Blake? Saan kayo natulog?” sunod-sunod na tanong ni Ms. Nami.
“We stayed in a motel.” sambit ni Blake at uminom ng kape.
Nalaglag ang panga ng lahat dahil sa sagot niya. kahit si Artemis ay nanlaki ang mata.
“Omaygash!” tili ni Mika. “Omaygash talaga! Artemis bakit di mo naman kami sinabihan!”
“Oh I see…” ani ni Faye at malisyosong nginitian si Artemis.
“Freaking hell.” tangning tugon ni Krista at napainon ng tubig. “Finally sis, finally!”
“No guys! It’s not like what you think. B-blake explain it to them.” sambit ni Artemis at pinandilatan si Blake.
“Long story short. Na-ospital ako kagabi tapos pinuntahan ako ni Artemis. Wala na kaming masakyan pauwi kaya no choice kami kundi matulog sa hotel.” tamad na wika ni Blake.
“YES, that’s the full story. Plus walang signal kagabi kaya 'di ako nakapag-text.” at awkward na tumawa ang dalaga. "Sorry po kung napag-alala ko kayo."
“ So nagbook kayo ng dalawang kwarto sa motel?” curious na tanong ni Ms. Nami na kaharap ni Artemis sa upuan.
“ O-one room lang po kami.” mahinang tugon ni Artemis.
“I knew it!” sigaw ni Mika. “Artemis bakit ‘di mo sinabi may something pala kayo ni fafi Blake!” tili nito.
“N-no it’s not like that. Wala na daw kasing extra room sabi nung sa receptionist kagabi.” namumula ang mukha ni Artemis.
“We? sigurado ka ba dyan? Sure?” pang-aasar ni Krista.
“So you mean natulog kayo sa isang room pero hindi kayo nagtabi? right?” curious na tanong ni Dustin habang nakatingin kay Blake.
“ Sabi ni Artemis magtabi daw kami e.” at nagkibitbalikat si Blake.
Tila ba nabuga ni Krista ang iniinom niya. “I’m so proud of you sis! Finally may naimpluwensya na din akong maganda sa’yo.” ani nito at umarte na tila naiiyak. Dustin rolled his eyes.
“Omay be Artemis. I didn’t know na aggressive type ka pala!” sambit ni Mika na kinikilig.
“Rawr in bed bed ha?” pabirong wika ni Faye at nagsitawanan sila.
“G-guys it’s not like that promise. May lagnat kasi siya kaya sabi ko magtabi na lang kami.” namumula ang mukha ni Artemis na tila naiiyak na. ‘It’s all your fault Blake. I hate you!’ ani nito sa kanyang isip.
“ Excuses sis!” at humalakhak si Krista na sobrang proud ngayon.
Napatingin si Artemis sa cellphone niya na nag-vibrate at tiningnan ito.
From: Caleb
I miss you baby. Can I call?
TO BE CONTINUED
----
A/n : No soft copies. Plagiarism is a crime.