3rd Person’s P.O.V
Nasa kalagitnaan ng pagkain si Artemis nang kunin niya ang kanyang cellphone at nag-type sa ilalim ng lamesa. Bahagya namang napatingin si Blake sa ginawa ng dalaga.
To: Caleb
Okie. Just give me 30 mins. Kumakain pa kasi kami e :>
Pagkapindot ni Artemis ng send ay magdadalawang segundo pa lang ay nag-vibrate na muli ang cellphone niya.
From: Caleb
Okay eat well :)
“Guys thank you for the breakfast. I think I need to go now.” ani ni Blake na ngayon ay nakatayo. Agad naman napatingin sa kanya ang lahat.
“Aww uuwi ka na fafi Blake?” tila naiiyak na wika ni Mika.
“Don’t worry Blake. Thank you sa paghatid kay Ms. Parker.” sambit ni Ms. Nami.
Nginitian lang ni Artemis ang nagpapaalam na si Blake nang mapansin niyang hindi pa rin ito naglalakad paalis.
“Uy sis! Ihatid mo siya sa gate.” mahinang siniko ni Krista si Artemis.
“Ay ganun ba.” at awkward na ngumiti si Artemis, “Blake hatid na kita sa gate.”
Tahimik lang sa paglalakad ang dalawa. Ang tanging maririnig mo lang ay ang kanilang mga yapak sa batuhan.
“Mag-grab ka ba ulit?” pagbasag ni Artems sa katahimikan.
“Yes. Iniwan ko kasi yung sasakyan ko sa hotel.”
“I see…” ani ni Artemis at tiningnan si Blake. “Okay na ba yung pakiramdam mo? Or medyo nahihilo ka pa?”
“I’m fine slavey.” matigas ang boses nito.
“ Okay, basta huwag ka masyadong magpapa-pagod ah. Kasi baka mabinat ka.” mahinahon ang tinig ni Artemis.
“Y-you don’t need to worry about me.” at nag-iwas ito ng tingin sa dalaga. Natanaw ng dalawa sa malayo ang itim na sasakayan na papalapit. “Slavey… Kung ibang tao ba ang may sakit at hindi ako. Will you treat them like how you treated me last night?” ani ng binata habang nakatingin ng diretso sa brown na mata ni Artemis.
“Ahm…” saad ni Artemis na tila ba nag-iisip. “Of course not.” sambit nito. ‘Kaya ko lang naman siya tinutulungan kasi alam niya yung sikreto namin ni kuya Lyric.’ sa isip ng dalaga. “You are different.” dagdag ni Artemis.
Lumawak ang ngiti ni Blake at tila ba nagliwanag ang mata nito. “Thank you for taking care of me Slavey. See you later.” todo ang ngiti ni Blake bago ito pumasok sa sasakyan.
“Okay ingat!” at nag-bye sign si Artemis.
Nang pabalik na sa loob si Artemis ay biglang nag-ring ang kanyang cellphone at mabilis itong sinagot.
“Hi baby.” malalim ang tinig ni Blake.
“H-hello Caleb.” hindi matago ni Artemis ang ngiti niya.
“Where are you staying?
“Nasa Villa kami ni Ms. Nami na nasa tapat ng beach nag-stay.” masayang tugon ni Artemis at umupo sa kahoy na upuan habang nakatingin sa mapayapang dagat. “ By the way do you know Ms. Nami?”
“Yes, she’s Lyric’s manager and…....” bahagyang tumigol ito.
“And?” curious na wika ni Artemis.
“N-nothing just a slip of tongue.” at awkward na humalakhak si Caleb sa kabilang linya.
“Kamusta pala yung emergency niyo kahapon?” mahinhin ang boses ni Artemis. "Okay na ba?"
“Actually not yet... Nagkaroon kasi ng problem sa isang hotel namin. We’re now looking for a solution with my dad.” halata ang pagod sa boses nito.
“I-I’m sorry…” nabasag ang boses ni Artemis.
“Why are you apologizing baby?” halata ang pag-aalala sa boses nito.
“ Kasi wala man lang akong ma-offer na help sa problem mo. Pero ikaw tinutulungan mo ako.. kami ni Kuya Lyric sa pagpapanggap na ‘to.”
“You don’t need to be sorry baby please..… at ginagawa ko ‘to para sa iyo. I’m not asking anything in return.” nagsusumammo ang boses ni Caleb.
“Thank you Caleb… I don’t know what I will do without you.” ani ni Artemis habang pinagmamasdan ang alon na tumatama sa dalampasigan.
“I am happy that I can help you baby.” saad ni Caleb.
May narinig si Artemis na ibang boses sa telepono na tila ba tinatawag na si Caleb. “Bye na muna Caleb. Baka hinahanap na rin kasi ako sa loob e..” she lied.
“Aww ganun ba?” malungkot na sambit nito sa kabilang linya. “ See you later sa shoot baby. I miss you.” malambing na tinig nito.
“See you and...... I m-miss you too.” saad ng dalaga at agad pinatay ang telepono. Namumula ang mukha nito. ‘I cant believe I said that!’ pagwawala nito sa kanyang isipan. 'Ang landi ko gosh!'
---
Mayroong babae na naglalakad na nakasuot ng black na dress at black sandals. Mayroon itong itim na buhok at nakasuot ng itim na shades sa loob ng mall. Mukhang nasa 45 na taong gulang na ito ngunit halata na maganda ito noong kabataan niya. Wala pang tanghali ay marami na itong hawak na paper bag mula sa mga kilalang store.
May babaeng nakasuot ng uniform ng janitor ang nag-mo-mop sa sahig. Nakatayo sa gilid ang yellow sign na ‘Be careful wet floor’
Nag-ce-cellphone ang babaeng naka black na dress at naka shades nang biglang madulas ito at tumama ang pwet nito sa sahig. Napatingin ang tao sa paligid pati na rin ang babaeng janitor. Pagkalapit ng janitor na halata ang takot sa mukha ay inalalayan niya patayo ang mukhang mayaman na babae.
“Aray! Yung pwetan ko!” pasigaw na saad nito habang nakahawak sa beywang. “Omaygosh?! Did you just touch me with that dirty gloves of yours?!” ani nito at tinapik ang kamay ng babae na tumulong sa kanya tumayo.
“Look what you have done to my dress?! Kakabili ko lang nito e! Alam mo ba kung magkano ‘to ha?” mayabang ang tono ng boses nito habang kaharap ang janitor na babae. Hindi iniinda ng mayamang babae ang mga bulungan sa paligid.
“Sorry po ma’am. Pasensya na po kayo. Nakalagay naman po kasi na be careful wet floor.” saad ng janitress habaang nakayuko.
“What?! Magdadahilan ka pa ngayon?” tumaas ang boses ng mayamang babae at marahas nitong tinanggal ang black shades niya. Bumungad ang magandang mukha nito. Black at hanggang balikat ang tuwid nitong buhok. Brown namana ng mata nito at may pagka-chinita ito. “Where is your manager? I want to talk to him right now! Don’t you know who I am?!”
Lumakas ang bulungan sa paligid ng mga mayayaman na babae.
“Ang lakas ng loob sumagot e janitress ka lang naman.” sigaw nito.
“Walang modo. Palibhasa walang pinag-aralan.” bulungan ng mga mayayamang babae na nakatingin sa paligid.
Nanluluha na ang mata ng babaeng janitor dahil sa mga naririnig niya.”Ma’am pasensya na po talaga. Sorry po. Please po huwag na po natin palakihin ito.” nanginginig ang kamay ng janitress at pinunasan niya ng tissue ang nadumihang parte ng black dress ng mayamang babae.
“Omaygosh! How dare you touch me with those dirty hands?” at tila sinipa ng mayamang babae ang janitress kaya napaupo ito sa sahig.
“Excuse me po ma’am. I am the manager of this mall po. May I know what happened po?” magalang na sambit ng matandang lalaki na hindi man lang tiningnan ang janitress na nasa lapag.
“Akala ko pa naman exclusive tong mall niyo? How can you hire something like.... a trash!” iritableng saad nito. “Hindi niyo ba kilala kung sino ako ha!? Isang sabi ko lang sa anak ko na si Blake Aden Cooper na mag-kumento sa bad service ng exclusive mall na ito ay masisira na ‘tong mall na ‘to!” gigil na ani nito habang nakataas ang kilay.
Nanlaki ang mata ng manager at ng mga nakikiusyoso sa paligid. “B-Blake Cooper as in the vocalist of the well known B.L.U.E po ba ma'am?” nanginginig na wika ng manager.
“Ano pa sa tingin niyo?! Anak ko iyon! Tapos ganito niyo ako bastusin?!”
“Ma’am pasensya na po. Bagong hire lang po kasi ‘tong janitress kaya hindi pa po niya alam yung mga bagay. Wala pong kinalaman yung exclusive mall sa inasal po niya ma’am. Pasensya na po talaga.” tila nagmamakaawa ang manager. “Ano po bang gusto niyong mangyari ma’am?”
“You mess with the wrong person!” ani ng mayamang babaae habang nakatingin sa janitress na nasa lapag pa rin na nakaluhod na ngayon. “Fire her.”
“Masusunod po madam.” sambit ng matandang lalaki na manager.
“Madam pasensya na po talaga! Hindi po ako pwedeng mawalan ng trabaho! Maawa po kayo sa’kin. Ako lang po inaasahan ng pamilya namin!” paghaharumentado ng dalagang janitress habang tinatangay siya palayo ng dalawang guard ngunit napansin niyang walang balak makinig sa side niya. “Ang laki-laki ng sign kasalanan niyo na hindi kayo tumitingin! Ma'am at sir!” pagwawala nito bago siya mawala sa paningin ng mayaman na babae.
“Madam pasensya na po talaga ah. Yung about po sa kumento na gagawin ni sir Blake tungkol po sa exclusive mall po?” ani ng managaer.
“Sige hindi ko na sasabihin sa anak ko. Pasalamat kayo mabait ako.” ani nito at nilagpasan ang manager.
“Maraming salamat po madam. Ang bait po ninyo.” ani ng manager.
Pumasok ang mayamang babae sa isang branded na bilihan ng damit. “Good morning po ma’am. Ano pong hanap nila.” ngiting bati ng saleslady sa gilid nito.
Tamad na tiningnan ng babae ang loob ng shop. “Anong bago niyo?”
“Ay ma’am kakalabas lang po ng new collection po namin. Ito po sila lahat.” turo ng saleslady sa naka-display na mga damit, bags at shoes.
“Okay. I will buy them all.” maarteng wika nito at lumapit sa cashier.
“Ma’am cash po ba or card po ang payment?” ngiting ngiti ang babae.
“Card.” at inabot ng mayamang babae ang black na card.
“Okay po ma’am. 899 000 thousand pesos po lahat ma’am.” at ini-swipe ng babae ang card. Napakunot ang noo ng kahera at sinubukan muling i-swipe ang card. “Ay ma’am mukhang lagpas na po ata kayo sa limit.” at binalik nito ang card sa mayamang babae.
“WHAT?” nakataas ang kilay nito. “Are you sure? Did you try it again?”
“Yes po ma’am. Cancel na po ba ‘tong pinamili niyo ma’am?” dismayado ang mukha ng kahera. Napatingin din ang ibang mayayamang babae sa kanya.
“No. Wait for me.” at kinuha ng mayamang babae ang kanyang cellphone at diniall ang ang contact na Son.
“Hello be kamusta?” magiliw at mabait ang tinig nito.
“Hello ma..” husky ang boses ni Blake na ngayon ay nagpapahinga na sa kama sa hotel.
“Be ano kasi…. Yung card na binigay mo sa’kin hindi na gumagana e.” malungkot ang tono ng boses ng babae.
“Ha? Sinabihan ko na si Mr. Chris kahapon lang about ‘dun sa credit card e.” ani ni Blake habang nakahiga sa kama at hinihilot ang ulo niya.
“Naku ‘pano kaya ‘yun be…” malungkot na ani ng babae. “Kanina pa kasi ako pinagtitinginan dito ng mga tao kasi wala akong pambayad. Bibilhan ko lang sana si Princess ng bagong damit.” nagsimula ng humikbi ang babae.
“Don’t worry ma tatawagan ko na agad si Mr. Chris para ma-connect ulit sa account ko yung card. Just buy anything you and Princess needs.” nabasag ang boses nito dahil sa pagod.
“Okay be, buti na lang talaga nagkaanak ako na tulad mo. Maghihintay si mama ah. Bye.”
“Bye ma inga---” hindi pa tapos magsalita si Blake ay naputol na ang linya.
Mataas ang noo na naglakad muli ang mayaman na babae at maarteng binigay ang card sa kahera. “Try it again.” ani nito habang nakataas nag kilay.
“Okay na po ulit ang credit ma’am. You paid 899 000 pesos po. Ano po ulit name ni ma’am for the receipt po?”
“ Susan Cooper.” sambit ng babae at nag-smirk.
TO BE CONTINUED
----
A/n : No soft copies. Plagiarism is a crime.