Chapter 42 - I'm Crazy?

1310 Words
3rd Person’s P.O.V   Ngayon ay nakatayo si Artemis sa lugar kung saan punong-puno ng bulaklak ang paligid. Nakasuot siya ng elves costume niya at nasa harap niya ang keyboard. Nasa gilid naman niya si Blake na naka cosplay bilang evil elves na bagay sa kanyang bad boy look, siya ngayon ay kumakanta habang hawak ang mic stand. Sa kabilang gilid ay makikita mo si Eros na nagba-bass habang kita ang abs nito at suot ang elves ear nito. Sa tabi ni Eros ay nandoon si Uriel na nag-d-drums habang nagpapacute sa camera.   ‘I want this to end please.’ sa isip-isip ni Artemis habang siya ay maangas na nakatingin sa camera para sa close-up look.   “Yes that’s it. Perfect.” wika ni Caleb na ngayon ay nasa gilid ng camera man. “Next close up of Blake.” anito at napatingin si Artemis kay Blake.   ‘Sana all kahit hindi nag-effort mukhang gwapo pa rin sa camera’ sa loob-loob nito at bumuntong hininga.   “Eros’s close up.” pormal na sambit ni Caleb at sumunod naman sa utos niya ang mga camera man. Napatingin si Artemis kay Eros na nakakagat sa kanyang labi habang feel na feel ang pag-b-bass. Nang lalayo na ang camera kay Eros ay bigla itong kumindat.   Tumaas ang balahibo ni Artemis dahil doon. ‘Hindi ko talaga alam kung bakit ganito yung mga type ni Krista.’ sa isip nito. 'He look like a lion that is ready to devour you anytime.'   “Last is Uriel.” ani ni Caleb at tila may tiningnan sa hawak nitong papel. Sumasabay sa beat ang ulo ni Uriel habang nagd-drums ito. Napatingin si Artemis nang biglang ihagis ni Uriel ang drum stick at nasalo rin ito ng binata.   “Shocks ang galing.” mahinang sambit ni Artemis.’First time ko makakita ng ganung tricks in real life. Mamaw grabe!’   “Okay steady…” saad ni Caleb sa camera. “and… CUT.” matapos magsalita ni Caleb ay nagpalakpakan ang mga staff sa members ng B.L.U.E.   “Congrats po sa B.L.U.E!” ani ng staff na babae na ngayon ay may dala-dalang chocolate cake. “Congrats din po direc Caleb.” at namumula ang mukha nitong tumingin kay Caleb. Hindi mapigilan ni Artemis mapatingin.   ‘Of course… Maraming magkakagusto kay Caleb sa showbiz. Mapa artista man yan o staff. Samantalang ako....’ sa isip ni Artemis.   “Sir Lyric congrats po!” pang babaeng wika ni Dustin. Nagsilapitan ang fairygoshmothers ni Artemis sa kanya, ganun din si Krista at Ms. Nami.   “Congrats sir Lyric ang galing talaga grabe!” sarkastik na saad ni Krista at kinindatan si Artemis.   Napatawa naman ang dalaga. “Thank you for the help po.” malalim ang boses ni Artemis kaya naman nagsitawanan din ang kanyang mga kaibigan.   Napatingin si Eros sa kabilang banda kung saan pinalilibutan si Lyric ng mga 'di niya kilalang tao at napatitig ang binata kay Krista na masayang binabati at kinindatan pa si Lyric. Nakakunot ang noo ni Eros habang pinagmamasdan ang dalaga.   “Okay guys group pic muna tayong lahat kasama ang buong staff!” sambit ng isang lalaki.   Nagsamasama ang lahat ng staff at crew. Nasa harapan ang apat na members ng B.L.U.E at tumabi naman sa gilid ni Artemis si Caleb.   “Direc dito dapat kayo sa gitna.” tugon ng babaeng staff na kukuha ng litrato. Kanina pa nakangiti ang lahat at nagsisiksikan na nag mga tao sa likod.   “No. I am fine here.” sambit ni Caleb at tiningnan si Artemis. Tila napahiya ang babaeng staff.   “Okay. One, two, three smilee!” sambit ng babae at tumambad ang nakakasilaw na ilaw.   “You did great.” mahinang bulong ni Caleb sa tenga ni Artemis habang nagbibilang ang photographer.   Namula ang mukha ni Artemis at hindi niya tinitingnan ang katabi niya ngayon. ‘fudge fudge fudge!!’ pagwawala ng dalaga sa kanyang isip. 'You can't do this here Caleb, maraming tao!'  "Direc yung about po pala sa scene na 'to.." muli nang pinalibutan ng mga staff si Caleb at napansin iyon ni Artemis. 'Nakaka attract talaga yung mga lalaking magaling mag-lead ng tao.. Hays Caleb you're so good to be true.' sa isip ni Artemis. "Hey Slavey." napalingon si Artemis satumawag sa likuran niya. Bumungad sa kanya ang nakangiting si Blake na naka-costume pa rin. "Shh huwag mo kong tawagin niyan dito!" pinandilatan niya ng mata si Blake kaya natawa ang binata. "Yes yes." "Kamusta na pakiramdam mo?" ani ni Artemis habang tinitingnan si Blake na naka evil elves costume pa rin. "In fairness bagay sa'yo yung costume mo!" sarcastic na saad nito. "I am now fine thanks to you." at ngumiti si Blake.  "Baka ma-inlove ka sa'kin niyan ha?" at humalakhak ang binata. "Joke." "HA? Joker ka no? Pwede ka ng comedian." ani ni Artemis tinarayan ang binata. "Cutie Blake! Come here for a second. About yesterday.." sambit ni Mr. Chris sa kalayuan. "O sige bye na tawag ka na ni Mr. Chris." "Okay bye Artemis. Take care." pabulong na sambit nito sa tenga ko bago niya ako lagpasan.  'Bwisit ka talaga Blake! Mamaya may makarinig sa'yo dito!' sa isip ni Artemis. Mabilis na naglakad si Artemis patungo sa tent nang bigalng..   “Congrats to us guys!” masayang bati ni Uriel at inakbayan si Artemis. “ Lyric sa tingin mo ba ay okay yung ginawa kong trick kanina?” para batang saad ni Uriel. Nanlilisik ang mata ni Caleb at ni Blake na naktingin sa kanila ngayon.   “Yun ba yung binato mo yung stick tapos umikot tapos sinalo mo din?” tila kumislap ang mata ni Artemis.   “Yes yes yun!”   “Ang galing grabe! Usually sa anime ko lang nakikita yung ganun e!” comportableng sambit ni Artemis.   “Hala Lyric parehas tayo! Sa anime ko din nakita yung tricks na yun e tapos prinactice ko ng ilang days para ma-perfect.” ani ni Uriel at napatingin ito kay Artemis na nasilaw dahil sa sikat ng palubog na araw. Lalong naging brown ang mata nito dahil sa sikat ng araw. Lalo ring nadepina ang soft feature ng mata nito dahil medyo nawawala na ang eye make up na nilagay kanina.   ‘Ang ganda…’ sa isip ni Uriel at agad nitong sinampal ang kanyang sarili.   “What the hell? Bakit mo naman sinampal yung sarili mo Uriel?” Kita ang pag-aalala sa mata ni Artemis at marahan nitong hinawakan ang namumulang pisngi ni Uriel.   Tumama ang malambot na kamay ni Artemis sa pisngi ni Uriel at agad namula ang mukha ng binata. “Don’t touch me!” at agad lumayo si Uriel sa dalaga.   “Bakit?” halata ang pagtataka sa mukha ni Artemis. “By the way may bago akong anime na napanood feeling ko magugustuhan mo din sila, send ko na lang sa’yo yung list pag uwi.” at ngumit si Artemis.   Nakatulala lang si Uriel habang nagsasalita si Artemis at hindi mawala ang tingin niya sa labi nito. ‘ I’M HAVING A CRAZY THOUGHT’S. I SWEAR! I’M CRAZY! SERIOUSLY! THAT IS LYRIC YOU CRAZY BISH!’ pagwawala ni Uriel sa kanyang isip.   “Hey are you listening?” sambit ni Artemis habang kinakaway ang kamay niya sa nakatulalang binata.   “Y-y-yes.”   “So ‘yun na nga, send ko na lang sa’yo yung recommendation list ko mamaya my fellow otaku!” at kinindatan ni Artemis si Uriel.   Agad namula ang mukha ni Uriel. “O-o-okay L-lyric. I will wait for your m-message.” mahina ang tinig nito at agad tumakbo palayo kay Artemis.   “Ang weird ni Uriel ngayon?” Artemis mumbled to herself.   TO BE CONTINUED  ---- A/n : No soft copies. Plagiarism is a crime.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD