Chapter 53 - On The Way

1946 Words
Artemis’ P.O.V   “Guys 10 minutes bago tayo umalis,” sigaw ni Ms. Nami habang may tinitingnan ito sa kanyang ipad.   Nakaupo ako ngayon sa sa tapat ng salamin kung saan mina-make up-an ako ni ate Faye. Kita ko sa repleksyon  si kuya Dustin at ate Mika sa likuran na seryoso sa pag-aayos ng gamit na dadalhin. “Yes ito na, ‘konting details na lang talaga,” sambit ni ate Faye.   “Ay pak! sobrang kamukha mo na naman si fafi Lyric ngayon!” sigaw ni Krista na biglang sumulpot sa tabi ko.   Hindi ako makapagsalita dahil naglalagay ng contour sa mukha ko si ate Faye. “Yes tapos na!” tila nakahinga ng maluwag si ate Faye. “Kailangan mas detalyado ngayon dahil lalabas worldwide ang commercial na’yon, mahirap na,” at kinindatan ako nito.   “Saka mga sis! Alam niyo ba na-search ko na number one alak worldwide ang The Brandee!” tugon ni ate Mika.   “Grabe bigatin pala talaga,” mahinang sambit ko.   “Sobrang yaman siguro ng may-ari ng business na ‘yon,” napansing kong humalakhak si ate Faye.   “Talaga ayon ang literal na golden spoon,” ani ni Krista sa gilid.   Narinig kong nag-ring ang cellphone ko kaya naman agad kong kinuha ito at sinagot.   “5 minutes left before we leave, make sure na wala tayong naiwan,” sambit ni Ms. Nami habang nakatayo at napansin kong naka all black corporate attire ang suot niya ngayon. “We don’t want to be late.”   Mabilis akong pumunta sa kwarto ko at mukhang hindi ako napansin dahil busy ang lahat sa sala.   “Hey baby,”malalim ang boses nito.   “Good morning Caleb, kumusta na si tito?”   “Nandito pa rin sa ospital. Pero don’t worry pinagpapahinga na lang siya ng doctor bago namin iuwi sa bahay,” sambit ng Binata.   “Buti naman ako na siya,” agad akong nakahinga ng maluwag, “ikaw kumusta ka na? Your voice sounds tired.”   “Thank you for worrying baby,” hindi ko mapigilang mapangiti kahit marinig ko lang ang boses niya. “I will rest pagkauwi namin sa bahay.”   May narinig akong kumatok sa pinto ng kwarto ko. “Sis aalis na daw!” sigaw ni Krista.   “Okay, okay, wait lang!” bulalas ko kay Krista.   “Sorry Caleb ah,” mabilis kong balik sa telepono.   “You’re going out today baby?”   “Yes.. actually I’ve decided to do the commercial,” nahihiyang wika ko.   “That’s great baby! I’m so proud of you,” rinig ko ang masayang boses niya.   “Thank you for what you’ve said to me the other night,” napangiti ako at nagulat ako sa repleksyon ko sa salamin na nakasabit sa kwarto. What the heck akala ko nakita ko si kuya Lyric! Fudge.   “I’m happy to hear that,” nagsusumamo ang boses niya, “hindi na kita iistorbohin,” he chuckled, “mukhang hinahanap ka na dyan.”   “Hehe okay, Bye.”   “You can do this baby,” sambit ni Caleb bago ko tapusin ang tawag.   Paglabas ko ay napansin kong pormal ang suot nilang lahat. Si kuya Dustin ang naka polo na brown. Si ate Mika, Faye at Krista naman ay naka formal all black corporate attire ng katulad kay Ms. Nami.   “Ang sosyal naman natin ngayon,” tuwa kong sambit.   “ Bigating commercial ang pupuntahan natin kaya dapat kahit ang staff mo mukhang bigatin din,” sagot ni kuya Dustin habang inaayos ang blonde hair.   Huminto na sa parking lot ang elevator at pagbukas namin ay nasa harap na ang van namin.   “Good morning po ma’am,” nakangiting sambit ni Bert.   “Good morning Bert,” I smiled at him. Nang makita niyang maraming bit-bit sina ate Mika at Krista ay agad siyang lumapit sa dalawa.   “Ma’am ako na po dyan sa bitbit niyo po,” at binuhat niya ng parang wala lang ang box na bigat na bigat ang dalawa.   “Thank you Bert,” saad ni Krista.   “Omay gash, salamat pogi!” maharot na sabi ni ate Mika kaya naman agad kaming napatingin sa kanya at nagsitawanan.   “Omo, ikaw ba ang bagong driver?” sambit ni ate Mika at nilagay niya ang nakakalat na buhok niya sa mukha, sa likod ng kanyang tenga, at muling tiningnan si Bert.   “Opo ma’am. Nice to meet you po ma’am,” magalang na tugon nito kanila ate Mika at Faye. “and sir po,” at tumingin naman siya kay kuya Dustin.   “Hello Bert,” nakangiting tugon ni ate Faye.   “Hi pogi!” pangbabaeng wika ni kuya Dustin.   Pumasok na kami loob ng sasakyan at sa gitna ako pumwesto. “Hoy tumigil ka Dustin, inosente ‘tong si Bert ‘wag mong inaano,” pabirong ani ni ate Mika bago siya pumwesto sa likuran.   “Don’t worry Mika, Frenny has me already?” matamis na wika ni Krista sa katabi niyang si kuya Dustin. “Right Frenny? or may gusto kang IBA?”   Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Krista. Napatingin ako kay kuya Dustin at mukhang parehas kami ng reaksyon.   “Uy sino yang gusto mo?” mapang-asar na saad ni Ms. Nami sa harapan.   “Umamin ka na nga Dustin!” sigaw ni ate Mika sa likod habang walang reaksyon ang katabi niyang si ate Faye.   “H-ha? A-anong aaminin ko?” gulantang na sagot ng Binata at mabilis na sumulyap kay ate Faye habang namula ang mukha.   “Na gusto mo si Krista diba?!” pagtitili ni ate Mika. “Bagay kayo girl! I support! Tapos parehas pa kayong blonde! Ughh so meant to be!”   “Tama tama, suportado namin kayo,” paghalakhak ni Ms. Nami sa harap.   “Don’t worry guys kapag may balita na sa amin, kami na mismo magsasabi,” tugon ni Krista at kinindatan kami.   Napatingin ako sa labas ng binatana at dire-diretso naman ang daloy ng biyahe at mukhang walang traffic. Naramdaman ko ang pag-vibrate ng celphone ko at tiningnan ito. May message si Blake.   “What the f-“ muntik na kong mapamura nang mag-send siya ng picture ko, nung nasa bar kami ar ngiting-ngiti ang itsura ko doon habang hawak-hawak ko at tinaas ang baso ng alak.   Agad nag-ring ang cellphone ko at mabilis ko iyon sinagot.   “What the heck! Ano na naman trip mo ha?” pabulong ngunit nanggigigil na sambit ko.   “Hmm wala naman,” at humalakhak ito.   “I-delete mo na yan,” gigil na saad ko.   “Wowow relax lang Slavey, baka ma-high blood ka niyan,” tuloy lang ang pagtawa niya sa telepono. “Pano kapag sinabi kong ayoko?”   “Buang ka ba? Sisirain mo ba ang career ni Kuya? Mamaya may makakikita niyan!” galit na galit na bulong ko habang nakatakip ang kamay  sa bibig, dahil parehas na tulog ang katabi ko. Mukhang mga pagod ah.   “Well not my fault...” husky ang boses nito. “Sino bang nagpakalasing at nagpabuhat pa sa akin papuntang parking lot? Diba ikaw?”   Napakunot ang noo ko. “Oo na, oo na,” napabuntong hininga ako. “Please just delete it, Blake,” I said.   “Okay let’s say na papayag ako sa gusto mo.. pero ano namang makukuha ko?”   “Haller?! tinuturing mo na nga kong slave diba?” napataas ang kilay ko sa inis. “Hindi pa ba sapat ‘yun? Ano pa bang gusto mo?”   “Ikaw...” sambit ni Blake. “ikaw kasi wala ka ng time sa Master mo. Mukhang ako pa ang alipin sa’ting dalawa dito kasi ako ang tawag ng tawag sa’yo.” malalim ang boses nito.   “Ha? paano naman kita tatawagan kung wala naman akong sasabihin sa’yo?”   “Basta kahit ano! Kahit magwento ka lang ng nangyari sa araw mo.. ganun. Mas marunong ka pa sa Master mo?” sagot ni Blake, “ Saka bakit ‘di mo na ko tinatawag na Master ha? Parang gusto ko tuloy i-my day ang pic mo sa bar,” pang aasar nito.   “Ito na nga po Master,” I rolled my eyes. “So tatawagan lang kita tapos ide-delete mo na yang pic? Okay na po ba yun Master?”   “Pag-iisipan ko pa,” tugon nito, “depende sa performance mo Slavey,” tila pinaglalaruan ng Binata ang kanyang labi habang nagsasalita   “Sige na okay na M-master,” wala sa loob na sagot ko, “pero ‘wag muna ngayon, kasi on the way ako para sa shoot ng commercial ni Kuya.”   “Ganun ba, sige bye na muna Slavey. Good luck sa shoot.” may pagka-husky ang tinig nito.   “Well thank you sa good luck mo,” sarkastik na saad ko, “Bye na, will call you later.” at natapos na ang tawag.   Narinig kong humikab si kuya Dustin, “Saan na tayo?” ani nito at tumingin sa paligid.   “ Hindi ko po alam ang pangalan ng lugar sir e, pero sinusundan ko lang po ang nasa google maps po,” sambit ni Bert at napalingon ako sa cellphone niya na may sign kung liliko ba siya o kakanan.   “Teka lang! alam ko sa Quezon City ang lugar ng shooting pero bakit nasa Paranaque area na tayo?” medyo napalakas ang boses ni kuya Dustin kaya naman naalimpungatan sa pagkakaidlip si Ms. Nami sa harap.   “W-why what happened?” gulat na sambit nito at tumingin sa paligid.   Naabutan kami ng red light, kaya naman tinanggal ni Bert ang cellphone niya at inabot ito kay Dustin bago muli mag green light. “Sir 'yan po yung sinundan ko po,” magalang sa sambit ng Binata.   “Oh no!” napahawak sa bibig si kuya Dustin. Napatingin naman si Krista na kagigising lang. “Mali yung nasa google maps! Nasa opposite direction tayo ng lugar ng pagsho-shootingan!”   “WHAT?” gulat na saad ni Ms. Nami at tiningnan ang phone ni Bert. “Oh no this is not happening…” nagpa-panic na aniya ni Ms. Nami. “10 minutes na lang mag-iistart na ang shoot!”   “Bert kaliwa ka na dyan sa intersection tapos dire-diretso,” seryosong sambit ni kuya Dustin at may kung ano-ano pang tinuro kay Bert.   “Pasensya na po ma’am. Sinundan ko lang po yung nasa phone po,” nag-papanic na tugon ni Bert. “Pasensya na po talaga,”   Tiningnan ko ang cellphone ni Bert at mali nga talaga ang mga direction. “Don’t blame yourself Bert, it’s not your fault,” mahinaong saad ko.   “Yes, bilisan na lang natin pumunta muna ngayon sa venue,” halata sa mukha ni Ms. Nami na naii-stess na ito.   Biglang nag-ring ang cellphone ni Ms. Nami at sinagot niya ito agad.   “Hello? Asan na po si Mr. Lyric? Nandito na po si Mr. Eion Vazques sa site.” aniya ng kausap ni Ms. Nami sa telepono.   “H-hello po,” nanginig ang boses ni Ms. Nami ngunit tumikhim ito. “ I’m sorry, I think we’re going to be late. Na traffic kasi kami,” napakagat si Ms. Nami sa kanyang labi habang pinagmamasdan ang labasa na halos wala silang kasabay na kotse.   “Naku ma’am, nandito na ang global ambassardor ng The Brandee. Busy na idol din si Eion Vazques ma’am.” sambit ng mukhang may katandaang babae sa telepono.   “Pasensya na po talaga, bibilisan po namin papunta dyan,”sambit ni Ms. Nami   “Sige ma’am pakibilisan na lang. Mukhang naiinip na si sir Eion dito.”   TO BE CONTINUED  ---- A/n : No soft copies. Plagiarism is a crime.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD