Artemis' P.O.V
Ang higpit ng hawak ko sa kapitan ng sasakyan. Pinahaharurot na ni Bert ang kotse.
“’Dyan, Bert, sa Studio 3,” sambit ni kuya Dustin habang may kung anong tinuturo sa bandang harapan.
Pagkahinto na pagkahinto ng kotse ay mabilis kaming naglabasan.
“Direc they’re here!” sigaw ng babaeng naka all black at tumakbo papunta sa loob.
Pumasok kami sa isang malaking gate at bumungad sa amin ang malaking lugar kung saan maraming naglalakihan na camera ang nasa paligid. Ang studio 3 na pinasukan namin ay tila mukhang malaki na box sa labas, ngunit pagpasok mo ay tila isa itong blankong canvas. Ang naiiba lang na itsura sa loob ay ang nasa bandang gitna kung saan parang may mamahaling bar na naka-set up dito.
“Mr. Lyric diretso na po tayo sa dressing room para makapag bihis na kayo,” sambit sa akin ng lalaking staff.
Agad akong napatingin kay Ms. Nami na ngayon ay busy na nagpapaliwanag sa director.
“Kami ang staff ni Mr. Lyric,” tugon ni kuya Dustin, “kunin na lang namin ang damit, at kami ng bahala mag-ayos sa kanya.” Super reliable talaga ni Kuya!
Dinala kami ng staff sa isang malaking room kung saan pinalilibutan ito ng salamin. Doon namin nakita na nakasampay ang dark blue na suite and tie na halatang mamahalin.
“Tara na Artemis, tulungan kita magbihis,” at mabilis akong hinatak papasok sa dressing room ni ate Mika.
“Don’t worry Artemis, tinaasan ko yung takong sa leather shoes mo ngayon. Na-search ko kasi na pang model ang height ni fafi Eion,” bulong nito habang inaayos ang dark blue na tie ko.
“Thank you ate,” I smiled nervously.
"Don't be nervous 'be, I know you will do fine," nginitian niya ako habang hawak-hawak ang dalawang balikat ko.
Paglabas ko sa dressing room ay may babaeng staff na nakatitig sa akin. “Tara na po Mr. Lyric, kanina pa po nag-aantay si direc at si Mr. Eion sa kabilang room.”
I need to sound like a man again shems! Tumikhim ako bago magsalita, “Okay.”
“W-wait Mr. Parker,” napatingin ako kay Ms. Nami na ngayon ay may hawak na papel, “here’s the script,” at iniabot niya ito sa’kin. Pansin ko ang maliliit na pawis sa mukha ni Ms. Nami.
“ Okay lang po, I already memorized it,” I smiled trying to look confident.
“Tara na po ba sir?” halata ang pagkairita sa boses ng staff. Ramdam ko ang pamamasa ng kamay ko at ang malalamig na pawis sa katawan. Nang palabas na kami ng pintuan ay nakita kong nakasunod sa likuran namin si Krista kaya naman nakahinga ako ng maluwag. Yes, I will do fine if I'm with her.
“Mr. Lyric pasensya na po. Ayaw po ni Mr. Eion ng may kasamang P.A sa room,” ani ng staff habang nakatingin sa akin.
“What? Paano kapag may kailangan si Mr. Lyric?” sambit ni Krista sa staff ngunit hindi man lang siya tiningnan ng babae pabalik na tila hindi niya nakikita si Krista.
“Tss late na nga, ang dami pang arte,” the staff mumbled in her breath while she’s not facing me. Ramdam ko ang panunuyot ng lalamunan ko.
“K-krista, I’m fine alone,” seryoso kong saad habang nakatingin sa kanya, dahil napansin ko ang malapusang titig ng staff na babae sa akin.
Lumingon muli ako bago tuluyang sumara ang pintuan sa dressing room, at nakita ko sila Ms. Nami na naiwan sa loob at kapansin-pansin ang mga hindi maipinta nilang ekspresyon.
“Mr. Lyric, kita niyo po ba yung room na may double door?,” paglingon sa akin staff.
“Yes po.”
“Pasok po kayo doon, kanina pa ‘nandun si direc at Mr. Eion,” at mabilis nang nawala ang babae.
Nang hahawakan ko pa lang ang pinto ay nagulat ako dahil bigla itong bumukas. Tila nagkagulatan kami ng lalaking mukhang nasa fourties na. Nanlaki ang mata niya ng makita ako habang nasa kamay niya ang cellphoen at nakatapat ang ito sa tenga niya.
“Pasok ka muna sa loob Lyric, may importanteng tawag lang,” at muli na itong nag-focus sa kausap niya at naglakad palayo.
Pagpasok ko sa loob ng room ay ramdam ko ang lakas ng aircon. Sa gitna ng kwarto ay mayroong round table at tatlong swivel chair. Dahan-dahan akong lumapit at umupo sa upuan.
“Good day po,” ngumiti ako sa binata na kaharap ko sa upuan ngayon. Naka-crossed arms ito habang nakatingin sa akin. It’s my first time seeing him. Mukhang totoo nga ang mga pag-describe ni ate Mika, dahil gwapo nga talaga si Eion. Agaw pansin ang ash grey niyang buhok na tila bumagay sa green niyang mga mata.
“You’re really rude,” saad sa’kin ni Eion habang diretsang nakatingin sa mata ko.
“W-what?” nagtatakang saad ko.
“Late ka na nga ng 40 minutes sa shoot tapos yinayabangan mo pa ko?” nag-smirk ito.
Kumunot ang noo ko. “Kailan kita niyabangan?”
“Ngayon,” untas nito, “simula nang ma-late ka ng isang minuto sa sa shoot, pinamukha mo na sa akin na minamaliit mo ko,” nagbabantang titig niya sa’kin.
Ramdam ko ang panlalamig ng buong katawan ko. I can’t cry right now. I’m kuya Lyric right now.
“Sorry for being late,” pilit kong kinakalma ang sarili para lang hindi manginig ang boses ko.
“I don’t need your sorry, may magagawa ba yan?” tila napatawa ito, “ well ano pa bang aasahan ko sa’yo. As far as I know you came from a poor family it means wala kang backer sa industriya. So what’s your secret?” tila nandidiri ang tingin nito sa akin, “Did you use that face of yours and sell your body to get where you are right now?”
Nanlaki ang mata ko at tila nagpintig ang tenga ko. “ENOUGH!” agad akong napatayo sa pagkakaupo. Feeling ko ay sasabog na ang ulo ko sa galit. Ramdam ko ang pag-init ng mata ko. “You don’t have the right to say that..” to kuya Lyric. Masama ko siyang tiningnan.
Humalakhak ito at tumayo rin sa pagkakaupo, at ngayon ko lang napansin na ang tangkad nito at may malapad siyang pangagatawan. Salamat sa suot kong sapatos na may heels ngayon, kaya hindi ako nagmukhang bubwit sa harap niya. Naptingin ako sa kamay niya at malaki ito at may mga ugat pa na nakalabas. Siguradong isang suntok niya lang sa’kin ngayon ay diretso na ko sa langit.
Pero I can’t back down. Now that he insulted kuya Lyric.
“Ngayon pinakita mo na din ang totoo mong ugali porket walang camera sa paligid?” sambit niya at ngumisi. “Why? Did I hit the truth?”
“You know what? I don’t know you and I don’t give a fvck on who you are,” diretso ang titig ko sa kanya, “So stop barking like a mad dog,” Tinalikuran ko siya at naglakad na palabas ng room.
TO BE CONTINUED