Chapter 19 - Offer

1349 Words

Ramdam ko ang malambot na kama nang maalimpungatan ako dahil sa tunog ng aking phone. "Hello?" medyo paos pa ang boses ko. "Good  Afternoon Artemis!" masayang bati ng isang pamilyar na boses ng lalaki. "Sino to?"  bangag kong tanong. Pinipilit kong idilat ang mata ngunit nilalamon  pa rin ako ng antok. "Kuya mo to Lilian Artemis! Gumising ka na, na-aral mo na ba yung keyboard parts ng kanta para mamaya sa event?" Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng marinig ko ang salitang 'event mamaya'. Bigla kong naalala yung panaginip ko na dinumog ako ng mga galit na fans ni kuya Lyric dahil nalaman nila na nagpapanggap lang ako. Scary talaga! "Shocks oo nga pala!" agad akong napaupo sa kama. In-open ko ang video cam dahil napansin kong naka open ang cam ni kuya. "Hi kuya, gabi na dyan?" 

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD