Pagbukas ko ng pinto ay bumungad ang pamilyar na kulot na buhok ni ate Faye. "Hi be! We are here again!" matinis ang boses nito at bineso ako. "A-ay ate Faye hindi pa po ako nakakaligo." nahihiyang saad ko nang maamoy ko ang pabango niya. Nginitian lang ako nito at pumasok na siya sa loob. "Oh my! I miss you be! " biglang sulpot ni kuya Dustin habang dala-dala ang ang dalawang malaking maleta. "H-hello po kuya Dustin!" nahihiya ngunit masayang wika ko. Napansin kong binend niya pa ang tuhod niya para lang ibeso ako dahil sa sobrang tangkad niya. Bakit ang babango nila?! Need ko na talaga maligo ASAP! "Pasok po kayo sa loob." I politely said. "Hello Ms. Parker. " she smiled at me. She's wearing her fitted all black corporate uniform and black heels. Meron siyang white polo sa ilalim ng

