Kakatapos ko lang maligo at lumabas ako sa sala ng naka bathrobe lang. Hindi ako napansin ng tatlong Fairygoshmothers ko dahil sobrang focus nila sa kanya-kanya nilang gawain. Si kuya Dustin sineset up ang mga gamit niya pang hairstyle. Si ate Mika naman ay kasalukuyang pinupunasan ang brown na custom made shoes na gawa niya. Si ate Faye naman ay kausap ni Krista tungkol sa mga make-up. "Yes we will not be late." rinig kong sambit ni Ms. Nami sa kausap niya sa cellphone. " Noted Mr. Chris, six PM sharp." at binaba niya na ang cellphone. "Oh sis tapos ka na pala maligo!" ani ni Krista kaya naman napatingin silang lahat sa akin. "Okay guys listen to me. " sambit ni Ms. Nami. " It's now 1: 30 PM, ang call time natin ay 6 PM so we need to finish everything by 5 PM sharp." pormal na wika n

