3rd Person's P.O.V
"Good evening world!" propesyonal na bati ng isang sikat na reporter. "Nandito tayo ngayon sa Crystal Hotel kung saan magaganap ang 22nd Anniversary ng Star World Company. Be sure to watch our live coverage para makita ninyo ang mga favorite stars ng prestihiyosong kumpanya na ito."
May nakalatag na red carpet at ang maraming fans ay nakapilibot dito. Maraming photographers at ibat-ibang media company na naka standby sa lugar. Napaka-ingay sa paligid at puro sigawan lang ang iyong maririnig. Sunod-sunod rin ang ang pag-flash ng mga camera dahil sa mga kilalang artista na nagsisidatingan.
"Omaygash grey na van! 'Yan yung van ni Eros!" sigaw ng babae. Lalong lumakas ang tilian at todo pigil ang mga guard na huwag makalampas ang mga fans sa red carpet.
Bumaba sa sasakyan ang isang matangkad na lalaki na merong grey na buhok. Naka dark grey na polo ito at naka bukas ang dalawang butones.
"Fafi Eros! I love you!"
"Kyahhh Anakan mo ko pleaseee!"
"Eros ang sarap!" todo sigaw ng mga fans na tila ba mga uod na nilagyan ng asin.
"Hey Ladies." ani ni Eros habang ine-enjoy ang mga babaeng inuulan siya ng papuri.
"Ang hot grabee!!" sigawan ng mga babae na nalalagpasan ni Eros.
"I love you E.R.O.S Eros!" sabay-sabay na wika ng mga fans.
"I love you too ladies." Eros said and wink at them at tuluyan nang naglakad paloob. Kulang na lang ay mahimatay na ang mga babae dahil sa kilig.
"Omo! It's a brown car! It's a brown car!!" sigaw ng isang babae.
"Kyah guys van na ni Urie!"
"Oh no! Out of storage na agad ako, pano ako mag pi-picture! Urieee!"
Lumabas sa van ang isa pang gwapong lalaki, at meron itong color blue na buhok. Nakasuot ito ng dark blue na tuxedo at halata ang magandang hulma ng katawan nito.
"Omo! Urieee I lovee youu!"
"Urieee sama naman ako sa beach next time!!!"
"Fafi uriee palahi naman!"
"Kyaah ang gwapo grabe!"
Natawa lang si Urie sa mga naririnig niya habang naglalakad. Magiliw nitong kinawayan ang mga fans kaya naman halos maputol na ang litid ng mga kababaihan.
"Guys! White van alert! Fafi Lyric is coming!" tili ng isang babae.
"Omaygash!! Sunod-sunod na gwapong nilalang. Pwede mo na 'ko kunin Lord!"
"Grabe super bless nman natin today!"
Sunod-sunod ang flash ng camera, nakakabingi ang boses ng mga fans matapos lumabas sa sasakyan ng isang gwapong lalaki na mayroon black na buhok at brown na mapungay na mata. Nakasuot ito ng dark brown ng tuxedo at halatang malaki ang pangangatawan nito. Mapungay ang mata ng lalaki dahil sa mga flash ng camera. Todo na ang tilian ng mga fans kahit hindi pa ngumingiti ito dahil sa magandang mukha na mayroon nito.
"Fafi Lyric! I love youu."
"Ang ganda at gwapo mo fafi Lyric!"
"Our pretty boy Lyric! We love you!" sabay- sabay na wika ng mga fans.
Ngumit si Lyrics at nag hi sa mga fans habang naglalakad sa red carpet kaya naman halos mahimatay ang mga babae na nasa harap, kaya nagkaroon nang stampede.
"Kyaaah! anakan mo ko please!"
"Lyric!" saad ni Urie na hindi pa rin pala nakakapasok sa loob dahil sa mga makukulit na fans. Lumapit si Urie kay Lyric at sabay na silang naglakad sa red carpet.
"Sir Lyric and Sir Urie can we take a picture?" sambit ng mga photographer na naka-abang sa gilid.
"Sure." proud na ani ni Urie.
"Grabe! Their visual is so lit!"
"Ang gwapo niyong dalawa grabe! Ang unfair talaga ng mundo!"
"Lyric and Urie panagutan niyo ko! Dahil sa inyo single pa rin ako!"
Artemis POV
Naka-akbay sa akin ngayon si Urie habang nagpapa-picture. Namamnhid na ang tenga ko dahil sa mga sigawan ng fans. Wala 'kong maintindihan ni isa sa mga pinagsasabi nila. Ang bilis ng t***k ng puso ko at sobrang basa na ng palad ko. Please Lord sana matapos na yung gabing 'to. Para na akong naiihi na natatae na ewan!
Agad kaming napatingin ni Urie sa black na van na pumarada sa red carpet dahil sa lakas ng tili ng mga fans.
"Oh nandyan na pala si kuya Blake." Urie chuckled. "Mahilig talaga sa grand entrance si kuya!" paghalakhak nito.
Pagkabukas ng pintuan ay lumabas ang matipunong lalaki na naka all black na tuxedo. He looks calm. Parang wala siyang pake sa paligid niya. Hindi ko matanggal yung tingin ko sa kanya dahil parang mas gumwapo siya ngayon. Ang bilis ng t***k ng puso ko.
Ang lapad ng katawan niya at ang haba ng mga biyas. No wonder sobrang in-love tong mga fans. Nagtama ang mga mata namin at nag-smirk ito. Mabilis siyang pumunta sa kinatatayuan namin ni Urie.
"Hey Urie and Sla-, I mean Lyric." at humalakhak ito. Agad nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya. Tumingin ako sa paligid dahil baka may nakarinig, napakadaming media at fans pa naman na nakapalibot sa'min.
"Hi kuya Blake." masayang bati ni Urie.
"Hi Blake!" sarkastik kong wika. Sinamaan ko siya ng tingin habang pinipilit na ngitian siya.
"Stop that face, lalo kang nagmumukhang cute Slavey." bulong nito sa akin nang naglalakad na kami paloob. Nag-init ang mukha ko dahil sa galit. Hirap na hirap na nga ako dahil sa sobrang dami tapos dumadagdag pa tong isang to! I need a break.
"Excuse me po, saan po yung restroom?" I ask sa lalaking nag-ggreet sa mga tao. "That way po sir." at nginitian ako nito. Mabilis akong naglakad patungo sa tinuro nung kuya. Pumasok ako sa C.R, buti na lang wala pang tao.
"What are you doing here?!" pagbulyaw ko habang nasa kalagitnaan ng paghuhugas ng kamay.
"Shh" ani ni Blake at ni-lock ang pintuan. "Don't shout Slavey." nilapitan niya ako at naghugas din siya ng kamay.
"You're such a p-p*****t!" kunot ang noo ko.
"Hey, I'm just here because I'm concern." sambit nito habang nakataas ang dalawang kamay na parang naka-surrender. "Pano kung may ibang lalaki na pumasok habang nag c-cr ka?" malumanay ang boses nito. Naamoy ko ang mabango niyang perfume dahil magkatabi kami.
"Wow para namang concern ka? Mukhang gusto mo pa nga atang ibunyag 'dun sa red carpet na Slavey tawag mo sa'kin." pabulong ngunit gigil kong wika sa kanya. "You promise me you won't tell."
"Okay, okay." He laugh. "Call me master first." at nag-smirk ito.
"Ha? Ano ka special?" pataray kong saad sa kanya. Nakita ko naman lumungkot ang ekspresyon ng mukha niya. Bigla kong naalala yung sinabi ni ate Mika na iniwan sa orphanage si Blake ng mama niya. Agad lumambot ang ekspresyon ng mukha ko.
"Okay, I will call you master." I said defeatedly. " Pero kapag tayong dalawa lang ah." pagbawi ko.
"Yey! Ang bait talaga ng Slavey ko!" masayang saad nito. Artemis, let's be a big and understanding person. Mukhang kulang sa aruga at atensyon tong si Blake. Though mukha siyang bad boy pero parang bata pa rin siya emotionally. Fragile heart.
"Basta ha! Don't call me Slavey in public." sabi ko at tumango naman siya na parang bata. Mabilis akong umihi at bumalik na kami sa hall.
Hindi ko mapigilang ma-amaze dahil sobrang enggrande nang interior. Ginawang vintage style ang hall dahil Great Gatsby ang theme. May mga food na naka-display sa gilid at mukhang masasarap ito.
"Mr. Lyric kamusta?" ani sa 'kin ni Ms. Parker na biglang sumulpot sa gilid ko.
"Ms. Nami!" I happily said. "Kinakaya pa naman po." medyo naiiyak na ang ekspreyon ko.
"You can do it Lyric, Basta nasa gilid-gilid lang kami ni Krista. Exclusive for artist lang kasi tong hall e." paliwanag nito bago umalis. She can't even call me by my name dahil sa daming bigating tao na nakapaligid sa amin.
Napansin kong may ibang artist na kausap si Blake, ganun din si Urie. Paglingon ko naman ay nakita kong pinalilibutan ng mga sexy na babae si Eros. I am alone. Bukod sa tatlong yun ay wala na akong kakilala dito. Tahimik akong pumunta sa side ng mga pagkain. Ang gaganda ng plating ng pagkain at mukhang mahal to kung bibilhin ko sa labas. Kumuha ako ng maliit na plate sa gilid at kumuha nang tig-iisa nang mga mini dessert.
"Hala ang sarap." saad ko habang ngumunguya. Sunod-sunod ang kain ko dahil baka mag-simula na ang event. Naramdaman ko ang pagkabara ng cake sa lalamunan ko. "W-wa-ter." saad ko.
"Sir here's a drink po." at nginitian ako ng lalaking naka uniform na mukhang nag-seserve. Agad kong ininom ang binigay niya at ramdam ko ang init nito sa lalamunan ko. "Kulang pa po sir?"
I nodded at him dahil parang may onti pang nakabara. Mabilis kong kinuha ang pangalawang glass ng inumin at thankfully nawala na ang bara. "Thank you po." I smiled. Napansin kong namula ang mukha niya at mabilis na tumakbo.
Nagpatuloy na ulit ako sa pagtikim ng ibat-ibang food nang biglang may kumawit sa bisig ko .
"Hey Lyric, nandito ka pala. Nalibot ko na yung buong hall kakahanap sa'yo." malambing ang wika nito. Agad akong napatingin sa magandang babae na nakasuot ng silver body fit na maikling dress. Kita ko ang cleavage niya. Meron din siyang feathers na nakadesign sa buhok niya at mukha siyang goddess. Sana all maganda.
"A-ah who are you m-miss?" tanong ko habang pinipilit kunin ang kamay ko na dinidikit niya sa clevage niya. Ayaw niya bitawan ito.
"It's me Audrey!" matinis an saad nito. "Why didn't you call me back?" bigla ito lumapit sa tenga ko at binulong ang pangalan ni kuya. Agad akong kinilabutan sa ginawa niya. Ew! Ang laswa sobra
"E-excuse me m-miss." paglayo ko sa kanya at pilit na pagbawi sa bisig ko na dinidikit pa rin niya sa boobs niya. Nagulat ako nang bigla niyang bitawan ang pagkakahawak sa'kin kaya naman na out of balance ako at nabitawan ko ang plate ng pagkain na hawak ko sa kanang kamay.
"Oh my!" nanlaki ang mata ko nang matapunan ko nang pagkain ang suot na puting tuxedo nang lalaki na mukhang nasa 40 plus na. May tao pala sa gilid ko!
"Oh no Lyric are you okay?" malanding saad sa'kin ni Audrey habang kinakapa niya ang dibdib ko. Bigla siyang namutla nang makita niya ang itsura nang lalaking nadumihan ko ang damit. "P-p-presid--" hindi pa niya tapos ang sasabihin niya ay agad nang naglaho si Audrey.
"Hala sorry po sir!" sabi ko at agad nilabas ang puti kong panyo. "Sorry po talaga." naluluha na ang mata ko. Tumingin ako sa paligid at mukhang wala namang nakapansin dahil nasa pinakagilid kami at sobrang busy ng mga tao makipag socialize.
Tinanggap nang lalaki ang panyo ko. "No it's fine. I know it's not your fault." He laughed habang pinupunasan ang mantsa ng icing sa puti niyang tuxedo.
"Sorry po sir, b-bayaran ko na lang po yung damit niyo." ani ko habang naluluha na ang mata. Tinitigan ako nito at natawa.
"It's okay hijo, you don't need to pay." nginitian ako nito. Hindi ko mapigilang mapatingin sa kanya habang pinupunasan niya ang tuxedo. Mukhang nasa 40's na siya pero halata pa rin na may itsura siya noong kabataan niya. Meron siyang black na buhok at brown na mga mata. Napansin ko ding meron itong dimples noong nginitian ako kanina. Matangkad at malaki din ang pangagatawan nito.
"S-sir ito na lang po." at nahihiya ngunit desidido kong inabot ang business card ni kuya Lyric. " Please call me po, para makabayad po ako."
Kinuha niya ang business card ko, este ni kuya Lyric then he chuckled. " You remind me of someone I know from long ago hijo." lumilitaw ang dimples niya kahit nagsasalita lang siya.
"Lyric! Kanina ka pa namin hinahanap malapit na kayong magperform!" Agad akong napatingin sa pinanggalingan ng boses ni Mr. Chris.
"Okay po wait lan,." I said to our band manager, at lumingon sa lalaking natapunan ko ng food. "Bye p--" hindi ko pa natapos ang salita ko ay napatigil na ako dahil wala na yung lalaking kausap ko. Hindi ko man lang natanong yung panagalan niya.
TO BE CONTINUED
----
A/n : No soft copies. Plagiarism is a crime.