Chapter 2 - My Twin Brother

2534 Words
“Bakit hindi na lang natin pagpanggapin si Ms. Parker na siya si Lyric? Since magkamukhang-magkamukha naman kayo? ” wika na Ms. Nami. Parehas na nanlaki ang mata namin ni Kuya dahil sa sinabi ni Ms. Nami, pero may point siya dahil kahit noon pa mang bata kami lagi akong napagkakamalan na si Kuya Lyric lalo na noong ginupitan ako ng sobrang ikli ni mama dahil nahawa ako ng kuto ng kalaro ko. “Ano ka ba Nami! Patawa ka talaga kahit kailan e. ” halata sa boses ni kuya na pinipigilan niya tumawa. “Mukha ba kong nagbibiro Lyric? ” sabay sama ng tingin ni Ms. Nami kay Kuya. “Kung after ng 3 months ay magaling ka na tapos wala ng bakas ng sugat sa kaliwang mong mata. Hmm.. ” seryosong titig ko kay kuya at sa mga maliliit na galos niya sa braso.  Awtomatik na nagsalubong ang aking kilay at napahawak sa aking baba. “Oy Artemis! Hindi ako papayag. Ayokong mapahamak ka saka alam kong ayaw mo ng napapalibutan ka ng maraming tao diba? ” wika ni kuya habang nakahiga pa rin. Ang daldal niya masyado para sa naaksidente ha? Shems oo nga pala! Pag magpanggap ako na si Kuya Lyric since sobrang sikat na idol siya talagang mapapalibutan ako ng maraming fans niya huhu! Hindi ko kaya ng ganoon! Feeling ko mahihimatay na ako kahit nai-imagine ko pa lang. Nahihirapan ako magdesisiyon. “Basta! Bahala na si batman. Ms. Nami payag na ko sa plano mo.” Tinanguan ako ni Ms. Nami at pansin ko ang determinasyon sa mata niya.  At simula nang araw na iyon ay mag-accomplice na kami ni Ms. Nami. Umangal pa si Kuya ng kung ano-ano pero wala na siyang nagawa dahil buo na ang desisyon namin ni Ms. Nami. Okay lang sa ‘kin na ako ang mahirapan huwag lang si kuya Lyric. “Kuya huwag ka magaalala ‘di ko hahayaang magbayad ka ng 300 million. Rely on me too.” pabulong kong salita habang nakahawak sa kanan niyang kamay habang siya ay mahimbing na natutulog. Nang mapansin ko ang oras ay nagsimula na kong mag-ayos para makauwi na  na sa condo ko. “Ms. Parker hatid na kita sa condo mo. Pasensya na kanina ha.” sabi ni Ms. Nami sabay nginitian ako. Ang cute ni Ms. Nami ‘pag ngumingiti dahil nagiging chinita siya, bagay na bagay sa maputi niyang kutis. Napagdesisyunan ko na si Ms. Nami yung gagawin kong reference para sa susunod na bida sa next kong isusulat na libro! “Ay okay lang po Ms. Nami! Kaya ko na po umuwi mag-isa.  Mas kailangan po ni kuya Lyric ng kasama. Sige po mauna na ‘ko.” Bago ko tuluyang isara ang pinto nakita ko na inaayos niya ang kumot ni Kuya habang halata sa mata niya ang pagaalalaa dito. Bakit kaya nag-manager si Ms. Nami, e sa ganda niyang yun sigurado akong magiging successful siya na idol. Nasa ground floor na ko nang makalimutan kong mag-book ng grab kaya naman agad kong hinalungkat ang bag ko para hanapin ang phone habang patuloy pa rin sa paglalakad nang bigla akong matumba sa sahig. “Aray ko naman!” napasigaw ako dahil tumama ang pwetan ko sa sahig. Para bang bumunggo ako sa pader. Napatingin ako sa harap ko at merong matangkad na lalake na tiningnan lang ako sa awkward kong posisyon. Napansin kong nahulog yung salamin niya dahil sa pagbunggo ko sa kanya kanina kaya pinulot ko ito at inabot sa kanya. “Sorry, ‘di kasi kita nakita.” iniabot ko sa kanya ang salamin habang nakahawak pa rina ko sa bewang ko. Sakit sa pwet! Napatingin ako sa kaharap ko at parang nakita ko na siya somewhere, ‘di ko lang maalala kung saan. Napansin ko ang pagkunot ng noo niya habang nakatitig sa akin. May pagka chinito siya at matangos ang ilong. Meron din siya piercing sa right ear niya. Kung magiging character siya sa gagawin kong story ilalagay ko siya sa bad boy type hmm. “Kuya Blake! Kuyaa Blake!” rinig kong sigaw ng batang babae na papalapit sa’min. “Tss. Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo. Istorbo.” Kinuha niya ang salamin sa’kin at nilagpasan na ko.” Tara Princess akyat na tayo.” sabi nito sa batang babae at umalis na sila. Napataas ang kilay dahil sa sinabi niya. "Istorbo ka rin!" sigaw ko at nagmartsa na palabas ng ospital. Sungit naman nung mukhang bad boy na yun pogi pa naman hmpf! Pero panget ugali! Kagigil. Pagkarating ko sa condo ko ay humilata na agad ako sa double bed ko. Hindi ko mapigilang isipin yung sitwasyon ni kuya Lyric. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako nang bigla na naman akong nagising dahil sa doorbell. Pagbukas ko ng pinto nagulat ako nang bumungad sa’kin si Ms. Nami. “Hello po, pasok po kayo.” medyo hilo kong bati sa kanya at pinunasan ko na ang laway sa gilid ng labi ko. Ew! dugyot ko talaga pag bagong gising. “Marami tayong gagawin ngayon Ms. Parker, kailangan mo ng maligo.” Napatingin ako sa wall clock. “ Pero 8 am pa lang e. Nahihilo pa ko sa antok huhu, ” sabay pagkusot sa mata ko. “Ms. Parker 6 days na lang ay mag e-event concert na ang B.L.U.E kailangan mo pang aralin ang kanta nila at kailangan nating ayusin iyong itsura mo para maperfect natin ang paggaya sa kuya Lyric mo.” Parang bigla akong natauhan sa sinabi ni Ms. Nami. Teka paggaya kay kuya Lyric? Hindi ba panaginip lang yung naaksidente si kuya Lyric at mapipilitan akong magpanggap na siya? Natigil ako sa pagkatulala nang abutan ako ng gatas ng Ms. Nami. “ Ito inumin mo muna, mukhang nanaginip ka pa e.” wika ni Ms. Nami at nginitian ako ng matamis. Para bang binuhusana ako ng malamig na tubig nang mag-sink in sa'kin ang lahat. “Ms. Nami paano na ‘ko huhu! Hindi ako sanay sa maraming tao. Tapos hindi ko alam yung mga pinagsasabi ni kuya Lyric!” Nilapitan ako ni Ms. Nami at marhaang hinawakana ng dalawang balikat ko ang nakatingin sa akin ng diretso. “Huwag kang magalala Ms. Parker tutulungan kita sa lahat. Hindi ko kayo pababayaan ng Kuya mo. Hmm?” mahinahong tugon niya.  Grabe ang bait ni Ms. Nami though mukhang magkasing edad lang kami pero parang ateng ate yung turing ko sa kanya. Na-aamaze talaga ako sa mga responsible na tao huhu. Pinagimpake na ko ni Ms. Nami ng mga damit ko dahil simula ngayon need ko na daw tumira sa condo ni Kuya dahil nagtataka na daw ang mga fans kung bakit dalawang araw na siyang ‘di umuuwi. “Grabe ang hirap pala maging idol, parang lahat na lang pinapakealaman nila. ‘Di ko talaga maintindihan kung bakit ginusto ‘to ni kuya knowing na parehas kaming ilap sa tao ni mama.” wika ko habang nasa van kami ni Ms. Nami habang papaunta sa bahay niya. “Nakikita ko lang sa Kuya mo na natutuwa siya kapag meron siyang napapasaya na fans.” napansin ko ang pagaliwalas ng mukha niya habang nagsasalita. Pumasok kami sa malaking gate at lumantad ang napakalaking bahay este mansyon pala. Tatlong palapag ito at vey contemporary and design ng exterior ng bahay at maraming malalaking glass window. “Ms. Nami dito ka nakatira?!” hindi ko makapaniwalang tanong kasi ‘di ko inexpect na ganito kalaki ang bahay ng manager ni Kuya. “Oo haha” Mahina nitong tugon. “Ahmm ano, pwede ko bang picturean yung labas gagawin ko lang reference para sa isusulat ko na novel hihi.” Nahihiya kong tanong. “Sige lang,” ngiti sa’kin ni Ms. Nami “Magandang umaga po Ma’am Nami.” isa isang bati sa kanya ng mga nakakasalubong naming kasambahay. Yayamanin pala si Ms. Nami grabe! Umakyat kami sa second floor at grabe yung hagdan ang lawak tapos kulang na lang lagyan ng red carpet. “Ate pwede pong padala po kami ng meryenda, for five person sa kwarto ko po. Thanks.” sabi ni Ms. Nami kay manang. “Okay po ma’am.” Hindi ko tuloy mapigilang mapaisip kung nakapunta na ba dito si kuya Lyric hoho. “Tara Ms. Parker pasok ka.” alok sa’kin ni Ms Nami at bumungad sa’kin ang napaka lawak at ganda na kwarto. Grabe ito yung dream bedroom ko huhu. Sana all! “Feel at home lang ha, huwag kang mahiya,” sabay ngiti sa’kin ni Ms Nami at hinubad ang blazer niya na pang-corporate kaya naka white top na lang siya at doon ko napansin na ang sexy niya! Grabe ship ko na sila ni kuya Lyric! Mygwassh. “Okay po hehe.” sabay upo ko sa maputi at malambot na sofa. Hindi ko mapigilang ma-amaze sa laki ng glass window na kitang-kita ang malawak na garden sa baba. Ngayon na lang ulit ako nakapasok sa malamansyon na bahay ulit. May kumatok at bumungad sa pinto ang dalawang babae na may bitbit na parang case na malalaki, at isang lalaki na may dalang mga damit. “Nami besh! Long time no see!” sigaw nung matangkad na lalaki na blonde ang buhok at nakipagbeso kay Ms. Nami. Ganoon din ang ginawa ng dalawa pang babae. “Hello mga besh! I miss youu all!” pagtili ni Ms. Nami na ngayon ay mayroong malawak na ngiti. “Ikaw naman kasi laging M.I.A mas importante ba si fafi Lyric kesa sa aming friendship mo?” sigaw noong isang babae na sobrang straight ang  at dark violet ang kulay ng buhok sabay tawa ng malakas. “Uy ano ba, nandyan yung kapatid niya,” pabulong na tugon ni Ms. Nami at mukhang namula nang kaunti ang maputing kutis nito sa mukha.  Hala bakit? Bakit siya nag blush? May gusto ba siya kay kuya? Aariba ba ang ship ko? Napatingin sa’kin ang tatlong bagong dating at nilapitan ako. “Hello be, ako nga pala si Dustin, hairstylist.” Tapos bineso niya ko. Hanggang dibdib lang niya ko dahil sa sobrang tangkad ni kuya Dustin!  “Hi I’m Faye your make up artist.” Sabay kindat sa’kin noong babaeng kulot ang buhok. “Ako naman si Mika, fashion designer.” Bineso ako ni ate, agaw pansin yung buhok niya super straight at mahaba. “Hello po, ako po si Lilian Artemis Parker, kapatid po ako ni kuya Lyric. Nice to meet you all po.” Nahihiya kong bati sa kanila at nginitian sila. “Grabe magkamukhang-magkamukha kayo ng Kuya mo be!” Sigaw ni kuya Dustin. “Ang ganda ng lahi niyo ha, infairness.” sabi ni ate Faye “Huwag kang mag-alala Artemis kami ang fairygoshmothers mo. We will transform you in a way na walang makakaalam na hindi ikaw si Lyric.” wika ni ate Mika habang nakahawak sa balikat ko. Nakaharap ako ngayon sa salamin habang sinusuklay ni kuya Dustin yung buhok ko. “Grabe be nanghihinayang ako gupitin yung buhok mo. Gusto ko pa naman ng ganitong hair, na natural black na wavy tapos hindi pa dry. Sayang talaga huhu,” habang hinahapolos ni kuya Dustin yung hair ko. May pinakita siyang picture sa’kin at litrato yun ni Kuya Lyric sa isang magazine kung saan ang buhok niya ay hanggang balikat “Ganitong gupit ang gagawin ko be ha. Huwag ka magalala hindi ko hahayaang masira ang hair mo sa’kin.” kinday niya sa akin. “Sige po thank you huhu.” Medyo labag sa loob ko magpagupit pero para to sa kapakanan ni kuya Lyric. Fighting Artemis, buhok lang yan! Bye my hair hair. I will mis you. “Kyaaah bet ko talaga yung long hair ni fafi Lyric e. Yung appeal niya na astig na may pagka-cute, basta ang hirap i-describe!” wika ni ate Faye habang mukhang pinagnanasaan ang litrato ni Kuya. Nang matapos ako gupitan ang dati kong mukhang mermaid na buhok ay naging hanggang balikat na lang at merong bangs na nakagilid. “Grabe sobrang kamukha mo yung Kuya mo! I can’t tell the difference,” sigaw ni ate Faye. “Oo nga.” Pansin ko ang ngiti ni Ms. Nami. “Pero mas soft pa rin ang features ng mata niya kumpara kay Lyric. Pati sa jaw din” sabi ni ate Faye. “ Don’t worry bebe make up is the answer. Though sobrang magkahawig kayo ng kuya mo, yung mata niyo lang ang halos magkaiba dahil mukhang teddy bear yung sa’yo then yung small face mo. Eyeshadow and light eyeliner and contour sa jaw is the key then viola!” Hindi ako makapaniwa ng makita ko ang mukha ko sa salamin. Iba pala ang nagagawa ng make-up! “Bakit ‘di mo naisip maging idol din be? Sa ganda mong ‘yan” tanong ni ate Mika habang nagaayos ng damit. “Mahiyain po kasi ako ate hehe, ‘di po katulad ni Kuya.” After ako gupitan hinatak ako sa dressing room ni ate Mika. “Ito be, suotin mo to,” sabay abot niya sa’kin ng loose jacket na black at isang maong pants. “Simula ngayon need mo na ipitin yung boobs mo, alam mo na,” sabay abot niya ng parang benda na nilalagay sa dibdib. “Okay lang po, ‘di naman po malaki yung boobs ko hehe.” Mahina kong sagot. "Don't worry din dahil icocostumize namin na with padding ang mga damit mos a shoulder area para magmukhang malaki ang katawan mo," kindat sa'kin ni ate Mika. Nilagyan din nila ako ng kaunting make- up at eyeliner tapos pinagsuot ako ng silver na hikaw na tuldok lang. Nagpaalam na ang fairygodmothers sa amin, at on the way na kami ngayon ni Ms. Nami sa condo ni Kuya. Grabe ang ang taas ng building, halatang mga mayayaman at artista lang ang makaka-afford ng condo dito. Though maganda namann din yung building ng condo ko pero ito pang ibang level ng condo. Pagbaba pa lang namin ng sasakyan nagulat ako ng biglang nagsitakbuhan papunta sa’kin ang mga reporters at ibang babae na naka school uniform na may hawak na tarpaulin. “Waaah Lyric!! Pa picture poo! Birthday ko po ngayon!” sigaw noong babae. “Lyric ang gwapo mo!” “B.L.U.E LYRIC!! Pretty boy!” sabay sabay na sigaw ng mga babae. “Ako na lang ang nota mo Lyric!” "Lyric tingin ka sa side namin! Picture for your fansite only! Kyah!! “I love you Lyric” Sobrang siksikan. Grabe ngayon na lang ulit ako napalibutan ng ganito karaming tao simula elementary. Hindi ko alam kung saan ako titingin dahil sunod-sunod ang flash ng camera. Ang sakit sa mata. Nasisilaw ako.  Halo halo na rin ang ingay hindi ko na sila maintindihan. “Lyric Parker, totoo ba na naaksidente ka daw ng motor kahapon?” sigaw ng isang reporter. Hindi ko na alam ang gagawin ko, tila ba nanigas na lang ako sa kinakatayuan  ko. “ Totoo ba iyon Mr. Lyric Parker?” sabay nilapit pa ng lalaking reporter yung mic niya sa mukha ko. T-teka lang! Tulong! TO BE CONTINUED  ---- A/n : No soft copies. Plagiarism is a crime.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD