Chapter 3 - How to be Lyric?

1709 Words
  “Totoo ba 'yun Mr. Lyric Parker?”   Ramdam ko ang mga titig ng fans ni Kuya na para bang naghihintay sila ng isasagot ko. “A-ah H-hi-.” mahina kong bulong nang bigla akong hilahin ni Ms. Nami at hinarang ng mga guards yung mga reporter at fans. Nang makapasok kami sa elevator ay tila ba nanlalambot na ang tuhod ko. “Pasensya ka na Ms. Parker. Ganun talaga lagi ang eksena kapag lumalabas ang Kuya mo. Kailangan mo na masanay sa ganun.” Hinawakan ko ang dibdib ko at mabilis pa rin ang t***k ng puso ko dahil sa gulat kanina. Para kay Kuya, I can do this. Huminto na ang pinto sa 50th floor at lumantad sa ‘kin ang ang color red na carpet at malamaig na aircon.  “Dito tayo Ms. Nami.” At dumiretso si Ms. Nami sa pinto. Bale sa buong floor na ito ay dalawang tao lang ang naghahati. “Iba talaga ang mga yayamanin.” ‘Di ko mapigilang puna. “Gusto nga ng kuya mo na sa isang bahay lang kayo para lagi ka daw niyang nakikita kaya lang ayaw mo daw.” Sabay pagbukas ng pinto ni Ms. Nami pagka input niya ng code sa pinto. Angas parang yung napapanood ko lang sa k-drama. Nahiya naman yung de-susi ko sa bahay. “Opo, ‘di po kasi ang kumportable sa maraming tao. Alam naman po ni kuya.” Kahit kapatid ako ni kuya Lyric it’s my first time makapasok sa condo niya kasi kahit ilang beses niya ko inaaya pumunta ay tinatamad ako lumabas ng bahay kaya naman siya lang lagi ang bumibisita sa condo ko. “Grabe ang ganda ng view!” sabay lapit ko sa glass window kung saan tanaw mo ang iba pang malalaking building. Sunset na pala, hindi ko man lang napansin ang oras dahil sa dami ng nangyari. “Ms. Parker, ito nga pala ang kwarto mo.” agad bukas niya ng pinto at bumungad sa’kin ang sky blue theme na wallpaper  at mukhang malambot na kama. “Waaah! Naalala ni kuya yung favorite color ko!” Sabay takbo ko loob at tiningnan ang kabuuhan ng kwarto. May narinig akong kanta na tumutugtog galing sa labas kaya naman pumunta ako sa sala at nakita ko ang video sa t.v kung saan nagpeperform sila kuya Lyric. Nagpapiano si Kuya habang habang naka open ang tatlong butones ng polo. “Hubadero naman diyan si Kuya!” Hindi ko mapigilang tumawa. Napansin kong napangiti si Ms. Nami at nagdala siya ng cake at juice at nilapag sa table kaharap ng t.v “Ms. Nami kaya mo bang tugtugin ito.” Sabay abot niya ng papel kung saan nakasulat ang mga chords at lyrics ng mga kanta nila kuya. “Opo, sabay kasi kaming tinuruan ni mama ng piano noong bata kami.”  Patuloy lang ako sa pagkain ng cake habang pinapanood ang video nila kuya nang biglang magclose up sa sa vocalist na naging sanhi ng pagkaskasamid ko. “Okay ka lang? Oh ito ice tea.” marahang tinapik ni Ms. Nami ang likuran ko. “Lagot na tayo nito!!” at agad kong tinuro ang lalaking nasa  flatscreen t.v. kung saan naka focus yung camera. “ Yan yung lalake na nabangga ko sa ospital kagabi!” sabay punas ko ng tissue sa bibig ko. “You mean nakita ka ni Blake Aden Cooper?” “B-blake---ahh pano na tayo nito. Di pa tayo nagsisimula buko na agad.” Sabay gulo ko sa buhok ko. "Sorry Ms. Nami huhu." “San mo siya na meet?” “Sa ospital po kahapon. Sa main entrance kasi ako lumabas huhu!” Pagsisisi ko kung bakit ‘di ako lumabas sa pinasukan namin sa bandang likuran. “Pero naka mask ka naman at shades nung lumabas diba?” “Ms. Nami tinaggal ko yung mask!”  Pumpog ko sa sarili ko sa malambot na sofa. Ang bobo talaga! Artemis!! “Tuloy pa rin ang plano. Nagupitan ka na naman ng buhok at ‘di ka namin papalabasin ng ‘di ka nakaayos ng katulad kay Lyric. Let just hope na ‘di ka niya matandaan.” Halata sa mukha ni Ms. Nami na medyo naii-stress na rin siya pero pinipili pa rin niya maging compose. Narinig kong nag-ring ang phone ni Ms. Nami. “Hello, yes po.” napansin kong napatayo siya. “Yes po maayos naman si Lyric.” wika nito. Hininaan ko ang volume ng t.v. “Okay, send me the details in my email.” at lumapit na sakin si Ms. Nami at kita ko ang pagkairatado sa mukha niya. “May biglaang practice ang B.L.U.E bukas dahil may nir-equest na kanta ang director ng StartWorld Company. Siya ang may hawak ng agency ng B.L.U.E kaya no choice tayo kundi sumunod.” dismayadong tugon ni Ms. Nami “Whaat?! Bukas na agad. Hindi pa ‘ko ready at saka ‘di ko pa sila kilala,”  habang turo ko sa t.v kung saan nagp-play ang video nila Kuya. Shoot deadline na rin pala ng chapter update ko ng 10am bukas. “Sorry talaga Ms. Parker, pero ito.” at iniabot niya sa’kin ng ipad niya. “ Nandito yung mga basic information about sa mga makakasama mo.”  kinuha ko ang ipad at tiningnan ito. “Una, itong nasa left na katabi ng kuya mo yung meron piercing siya si Blake Aden Cooper. Siya ang vocalist, guitarist at leader ng banda. Blake ang tawag sa kanya ng Kuya mo. Tamang close lang sila pero nagkakasundo sila sa pagpipicture.” Feeling photographer din siya katulad ni kuya. No wonder nagkasundo sila dun. “Next is, syempre ang Kuya mo, Lyric ang tawag ng lahat sa kanya. Kilala siya sa bansag na “pretty boy” dahil sa maamo niyang mukha. Laging nakangiti ang Kuya mo sa mga fans niya at may pagka joker siya sa banda.”  “Hala ang corny pa naman ng mga joke ni kuya! I’m deds” Napatawa si Ms. Nami dahil sa sinabi ko. “Ang nasa right naman ng Kuya mo ay si Uriel Monte Carlos. Siya bassist ng banda at kasundo siya ng kuya mo sa panonood ng anime. Siya ang pinaka close ng kuya mo dahil sabay sila nagaudition. May pagka isip bata siya at kalog kaya sobrang magkasundo sila ni Lyric.”  “Mukhang di ako mahihirapan kay Uriel dahil magkakasundo kami sa anime hehe.” Finally someone I can talk to! “Ito namang nasa pinaka right ay si Eros Sullivan siya ang drummer ng banda. Well I can describe him na wild type dahil mahilig siya sa girls. Nagkakasundo sila ng kuya mo sa pagfofoodtrip dahil mahilig sila sa spicy food.” “Shookt dito kami ‘di nagkakasundo ni kuya e, sa pagkain. Ayoko pa namn ng maanghang. Hanggang pancit canton sweet and spicy lang yung keri ko na anghang e samantalang si kuya kulang na lang kumain ng sili.” napainom tuloy ako  ng ice tea. “Ang name ng banda nila na B.L.U.E ay nabuo sa first name nila. B galing kay Blake, L for Lyric, U stands for Uriel at ang E ay si Eros. Well yun lang naman yung dapat mo tandaan para sa practice bukas at saka sasamahan naman kita. Tsaka pwede ba kung dito ka na lang matulog may mga reporter pa rin kasi baba.” “Okay lang naman Ms. Nami kaya lang may deadline po ako na chapter ngayon tapos wala akong damit.” Sinilip ko ang cellphone ko at napansin kong 9pm na. Grabe ‘di ko napansin ang oras. “Ah don’t worry meron akong extra clothes dito tapos gamitin mo na lang yung computer ni Lyric sa kwarto niya. " Pagturo niya. "Huwag ka mag-alala papadala na natin kay mang Kanor yung mga gamit na inimpake mo sa condo bukas." “Owwwww” Yun na lang ang nasabi ko dahil kung ano ano a naiimagine ko. Hindi ko mapigilan ngumit ng mapangasar kay Ms. Nami pero tinawanan lang niya ako. So natutulog din pala si Ms. Nami dito hihi! Kinuha ko ang phone ko at sinulat ang mga ideas na pwede kong ilagay sa bago kong novel. “Kapag magutom ka maraming stock na food sa ref or pwede ka rin magcall sa intercome ng kahit anong kailangan mo tapos dadalhin nila sa’yo." Omy feeling ko tuloy iniispoiled ako dito. "Byeee.” at umalis na si Ms. Nami. Nagshower muna ako at nagpalit na sa damit ni Ms. Nami. Isa itong pair na silk pajama na color pink. Ang lambot sa pakiramdam ng tela for sure branded na naman ito, sa mga suot pa lang ni Ms. Nami e halata na. “Sorry kuya mangingialam muna ko ng computer hehe.” Dahan dahan kong binuksan ang pinto at pumasok sa malawak na kwarto ni kuya. Naka carpet ang sahig at color grey at black ang theme ng kwarto. Sa pinaka gitna nakalagay ang King size bed na nakaharap sa full glass window pero natatakpan ng kurtina. For privacy purposes din siguro. Dumiretso ako sa gilid kung nasan ang table ni Kuya at computer. Lumapit ako at  binuksan ito. “Please sana wala akong makita na rated spg na video.” I chuckled. Hinihintay ko magopen ang iMac na 27 inches ang screen. Kinuha ko na ang usb ko sa bag kung saan naka-save ang novel ko. Lagi ko tong bitbit incase of emergency, hindi talaga ako binigo ng instinct ko haha! Dito nakasalalay ang pangkabuhayan package ko. Nang icocopy ko na sana yung file ko napansin ko yung isang folder na nakalagay ay “x” sa desktop. Natetempt akong buksan ito.. “Hay nako kuya Lyric, minus 100 ka na sa langit niyan.” di ko mapigilan matawa dahil naalala ko nung bata kami nung nahuli ko siya sa kwarto na nanonood ng toot tapos nagmamakaawa siya na huwag ko sabihin kay mama. Ew yuck! Pinindot ko yung folder pero hindi ko akalain na ito ang makikita ko. Mga pictures nila ni Ms. Nami na masayang magkasama. AHA! Sabi ko na nga ba e! My instincts as a writer never lies TO BE CONTINUED  ---- A/n : No soft copies. Plagiarism is a crime.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD